Chapter 4: Party

["A night of noise, neon, and new beginnings."]

Sa gitna ng kasayahan sa mansion ni Noah—mga mata ay lasing sa ilaw, alak, at bass ng tugtugan—biglang naputol ang ingay. Parang sinadya ng langit ang timing.

VROOOM.

Isang magarang matte black Mercedes-Benz AMG GT ang tumigil sa harap ng gate.

Napalingon ang lahat. Curious. Tahimik.

Bumukas ang driver's side.

Jace stepped out—suot ang black polo na halos puputok na sa laki ng katawan, bawat galaw ay bakat ang firm chest at defined arms, para bang isang kilos pa lang ay kakalas na ang butones. Naka-straight-cut slacks siyang itim na pino ang tabas, sakto sa hugis ng katawan niya. Simple, pero lethal.

Tumungo siya sa kabilang side at maingat na binuksan ang passenger door.

At doon, parang cinematic reveal—Eli stepped out.

Soot niya ang sleek, black leather sleeveless turtleneck crop top, may patong na sheer long-sleeved cover-up, at wide-leg baggy pants na lutang sa bawat hakbang. His tiny waist peeked beneath the hem, soft pinkish skin glowing under the streetlights.

Literal na may napamura.

“Holy sh—sino ’yan?”

Hindi kilala ng karamihan si Eli, pero he was magnetic—an enigma wrapped in elegance.

At pagpasok nila sa gate, tumakbo si Noah para salubungin sila.

Ngumisi ito ng malaki.

“Here he is—the barista boy!” sabay turo kay Eli.

Napailing si Eli habang natatawa.

“Wow, kilala pa rin ako sa job title ko ah.”

Jace smirked beside him. “Iconic ka kasi.”

Pero bago pa man tuluyang mag-init ang vibe ng party—

“Jace?”

Bumaliktad ang tiyan ni Jace.

Andrea.

Nakatayo sa di kalayuan, hawak ang wine glass, naka-red silk dress. Fierce. Oozing threat.

“Didn’t expect to see you here,” bungad ni Jace, malamig ang tono.

“Same. And with a date?” Anlaki ng ngiti ni Andrea. “Oh, I see. So… naubusan ka na ng gana sa babae kaya bakla ang tinira mo? Is that why you dumped me?”

Tahimik ang paligid.

Si Eli napaatras bahagya. Jace clenched his jaw.

Lumapit si Jace, tumayo sa harap ni Andrea, hawak ang galit sa leeg niya.

“Don’t ever talk about him like that,” madiin ang boses. “And for the record, I didn’t ‘dump’ you because of that. I left you because you don’t respect people.”

Humakbang siya pabalik kay Eli.

And without hesitation, hinawakan niya si Eli sa baywang.

“He’s mine now. Get used to it.”

Tumikhim si Noah.

“Yikes. May tension. Time for shots?”

Pagkalma ng tensyon mula kay Andrea, muling bumalik ang enerhiya ng party—pero ibang klaseng atensyon na ngayon ang hawak nina Jace at Eli. Lalo na si Eli.

Sa bawat hakbang niya palapit sa lounge area kung nasaan sina Rafe at Zeke, may mga matang sumusunod, bibig na bahagyang nakanganga, at basong muntik nang mabitawan.

Eli—sa kanyang black leather crop top, sheer cover-up, at baggy pants—was a walking contradiction: soft and dangerous, quiet but unignorable.

“Putangina,” bulong ni Zeke, hindi sigurado kung naririnig siya. “’Yan ba ’yung barista sa café?”

“Gagi,” sabay kurot ni Rafe. “Yung waistline niya mas defined pa sa GPA ko.”

“Yung collarbone,” dagdag pa ni Noah habang papalapit. “Shet. Parang pwede lagyan ng latte art.”

“NOAH,” sabay-sabay na sabat ng dalawa, sabay tawa.

Nang tuluyan nang lumapit sina Jace, Eli, at Noah sa grupo, si Zeke ang unang bumati.

“Bro, lakas mo kay universe, ah,” sabay kindat kay Jace. “Ang ganda ng plus one mo, legit.”

Eli just gave a shy laugh, clearly not used to that much attention.

Tinapik ni Rafe ang upuan sa tabi niya. “Upo ka muna, tol. ’Wag kang kabahan, hindi kami mangangain.”

Eli nodded at naupo, pero halos hindi pa rin makatingin nang diretso. Si Noah, nagpa-casual segue habang umiinom ng beer.

“By the way, bro, saan ka pala nag-aaral?”

Napatingin si Eli sa kanya, medyo kabado pero sumagot.

“Ah… sa Vireux University po.”

Natigilan ang grupo.

“Wait lang—ano?!” sabay-sabay halos ang tatlo.

“Bro, do you mean Vireux as in yung campus sa Eastside?”

“Oo…” sagot ni Eli, medyo nagtataka sa reaksyon.

“Ano’ng course mo?” tanong ni Rafe, leaning forward.

“Baking and Pastry Arts.”

BOOM.

Literal na natahimik ang table.

“PUTANGINA,” sigaw ni Rafe. “Doon din kami!”

“Totoo?!” gulat ni Eli, parang di makapaniwala.

“Hospitality Management ako,” sabay taas ng baso ni Zeke.

“Food Entrepreneurship ako,” sagot ni Noah.

“Management track si Rafe pero mas madalas sa kitchen kaysa office,” biro ni Zeke habang tumatawa.

“Grabe,” mahinang sabi ni Eli. “Small world pala talaga.”

“Small waist, same school,” sabay sabay nilang biro—at kahit si Eli, napatawa.

Tumigil si Jace sandali sa pagtawa at ngumiti habang pinagmamasdan si Eli—relaxed na, nagtatawanan kasama ang barkada niya, at hindi na natatakot.

Sa gitna ng neon lights, tawanan, at music, na-realize niya:

He fits here.

And maybe, just maybe—he belongs here too.

Sa gitna ng tawanan at biruan, unti-unting nagiging mas relaxed si Eli. Medyo namumula ang pisngi niya—hindi na lang dahil sa hiya, kundi dahil na rin sa dalawang baso ng cocktail na tinimpla ni Noah para sa kanya.

"Masarap ba?" tanong ni Jace, nakatitig habang hinihigop ni Eli ang drink.

“Mm-hmm,” sabay ngiti ni Eli. “Parang… soft na sunog.”

“Teka,” sabat ni Zeke. “’Yun ba ’yung whiskey-choco mix? Bro, kung iinom pa ’yan, baka mag-walk off na ’yan sa runway mamaya.”

Natatawa na silang lahat nang biglang—

Click. Click. Click.

High heels. Matulis. Papalapit.

Lumingon ang grupo.

Si Andrea.

Nakangisi pero halatang mapula ang mukha—dahil sa galit o alak?, hindi malinaw. Bitbit pa rin ang wine glass, pero bakas sa kilos niya na hindi na lang ito casual.

“Wow,” panimula ni Andrea, may sarcasm sa boses. “Ang saya niyo ha.”

Tumayo si Andrea sa harap nila, diretsong nakatingin kay Eli. Tahimik ang lahat.

“You really think you belong here?” tanong niya, tinataas ang kilay. “Sweetie, you’re just a barista in a borrowed outfit. Hindi ka isa sa amin.”

Ramdam ang pagbigat ng paligid.

Nanigas si Jace, pero bago pa siya makapagsalita—

Tumayo si Eli. Dahan-dahan. Tipsy. Pero steady.

Ngumiti siya. Matamis. Pero may apoy sa likod ng mata.

“Ate,” panimula ni Eli, kalmado ang tono pero deadly, “Kung ako ang problema mo, pwedeng wag mo akong lapitan. Hindi kasi ako Starbucks, hindi ako pipila para sa bitter mong energy.”

BOOM.

Natahimik si Andrea, di agad nakapagsalita. Pero si Zeke?

“OH MY GOD,” sigaw niya sabay tili. “SHE ATE!!! WALANG TIRA!!”

“TANGINA,” tawa ni Rafe habang halos malaglag sa upuan. “’DI KO INASAHAN ‘YON!”

“’Starbucks ka ba’—grabe ka Eli!” dagdag ni Noah habang palakpak ng palakpak.

Kahit si Jace napakapit sa dibdib niya, trying not to die of pride and laughter. “Walang awa. Grabe ka.”

Si Andrea? Napaatras, namutla, at mabilis na tumalikod, hawak pa rin ang glass na parang nalasahan na rin ang sarili niyang pride.

Si Eli, nakatayo pa rin—medyo hilo pero nakangiti. Tumingin siya kay Jace.

“Pasensya na… napikon ako.”

Ngumiti si Jace, lumapit, at marahang hinawakan ang balikat niya.

“Don’t be sorry,” bulong niya. “You were perfect.

Sumapit ang hatinggabi. Nasa gitna na ng dance floor ang tropa—humahalo sa crowd, may sumasayaw, may nagsasayaw-sayawan lang. Si Jace ay nasa likod lang ni Eli, nakabuntot, hawak ang baso habang si Eli ay medyo hilo pero masaya na.

“Okay ka pa?” tanong ni Jace, sumisigaw sa tunog ng bass.

“Mas okay pa sa kape mong may extra syrup,” sagot ni Eli, sabay ngiti. Medyo pinapawisan, pero glowing—sa ilaw, sa saya, sa confidence.

Pero sa di kalayuan, may isang pares ng mata na naglalagablab pa rin.

Andrea.

Nakatayo sa gilid ng dance floor, hawak ang half-full na wine glass. Hindi na siya ngumingiti. Hindi na rin siya nagtatago.

At bago pa may makapigil—

SPLASH.

Isang malamig, malagkit na buhos ng red wine ang tumama sa dibdib ni Eli. Natigilan ang lahat. Tumigil ang musika. Huminto ang sayawan.

Lahat ng mata, nakatutok sa kanya.

Eli looked down—basang-basa ang sheer long sleeve cover-up. Transparent na. Dikit na sa balat.

Walang imik si Andrea, pero bakas sa mukha ang “ayan ka na ngayon.”

Tahimik si Eli.

At sa isang mahinahong galaw—hinubad niya ang basang cover-up. Tinupi. Ipinatong sa gilid. At tumambad ang sleek, black leather sleeveless crop top, kumikinang sa ilaw ng dance floor. Ang makinis na balat niya, collarbones and shoulders exposed—soft, flawless, lethal.

Literal na napalunok si Zeke.

“Bro… he’s glowing.”

“Puta,” sabay ni Rafe. “Parang body moisturizer ad.”

“Nope,” dagdag ni Noah. “Eto na ’yung end credits ng ex ni Jace.”

Andrea smirked. Hindi pa rin sumusuko.

“Oh wow,” panimula niya, pilit ang tono. “Galing mo ah. Sinungkit mo si Jace gamit lang ang chocolate at crop top? Bravo.”

Tumango-tango pa siya, pinipilit na kumalma. “Cute ka… sa café. Pero dito? You're just the flavor of the month.”

Tahimik si Eli.

Then, he smiled.

“Flavor of the month?” tumango siya, dahan-dahan. “Eh ikaw, Andrea?”

“Hmm?” Andrea raised an eyebrow.

“Ang tagal mo na… pero bakit hanggang ngayon, wala pa ring nakakabit sayo na ‘forever’? Baka kasi kahit sinong tumikim, nagsisisi.”

Rafe literally choked on his drink.

“OH MY GOD—"

Andrea stepped forward, defensive. “Ang tapang mo ha. Ilang linggo pa lang kayo ni Jace. Akala mo kung sinong sigurado na.”

Tumango si Eli, then leaned in just enough.

“Saka na ako kabahan kapag may nagka-experience sa’yo na gusto pang bumalik.”

BOOM.

Halos sabay-sabay humagikhik ang buong tropa.

“DESTROYED,” sigaw ni Zeke, tumatalon-talon.

“CALL AN AMBULANCE, PERO 'WAG NA SIYA ISAVE!” dagdag ni Noah, halos lumuwa ang mata sa tawa.

Andrea opened her mouth… then closed it. Wala na. Wala nang masabi.

At sa huling paglingon ni Eli, ibinagsak niya ang huling linya—calm, confident, composed:

"Alam mo, Andrea… kahit anong ingay mo, ako pa rin ang pinili niya.

And the best part?

Hindi ko kailangang siraan ka para panindigan ’yon.”

Tahimik.

Andrea stood there—wine-stained pride and all.

Eli turned around, at si Jace ay naroon pa rin. Waiting. Smiling.

“Okay ka pa ba?” tanong nito, habang inaabot ang tissue.

“Okay na okay,” sagot ni Eli. “Medyo malagkit lang. Pero worth it.”

Tumawa si Jace, sabay akbay. “Alam mo, kung ikaw ang nagsaserve ng dessert… wala nang hahanap pa ng main course.”

At sa muling pagbalik ng musika, habang umiikot ang ilaw sa dance floor, si Eli ay hindi na lang basta shining.

He was unforgettable.

[END OF CHAPTER 4]