Chapter 5.1: What If I Am?

After the Party

---

[Jace’s POV – Morning, Vireux Parking Lot]

Magkasabay kaming naglalakad ni Zeke mula sa parking. Bitbit niya ang kape, ako naman, hawak ang phone.

Nakatitig lang ako sa screen—photo namin ni Eli kahapon sa party. Naka-smirk siya, parang walang pake sa mundo.

“Bro,” biglang sabi ni Zeke, “in love ka na ba kay barista boy?”

Napatigil ako. “M-maybe?” sagot ko, medyo alanganin.

“Don’t tell me…” Lumingon siya sa’kin, seryoso. “Are you... gay?”

Hindi ko pa nasasagot nang mapalingon ako sa gilid ng field.

Si Eli.

Pinalibutan nina Andrea at ng dalawang kaibigan niya—Trish at Kyla.

Mukhang binabastos.

---

[Eli’s POV – Campus Field]

Pagkapasok ko pa lang, ramdam ko na. Mga mata, bulungan, tingin mula sa mga nakasama sa party.

Maya-maya lang, lumapit na si Andrea.

Kasama sina Trish at Kyla. Parehong naka-mini skirt, parehong matulis ang tingin.

“Uy, look who’s here,” ani Andrea. “Café boy turned fantasy.”

Tahimik lang ako.

“Confident ka ha? Baka naman feeling mo belong ka na sa ‘min?” dagdag ni Trish.

“Yung suot mo kahapon, parang desperate na bakla na gustong mapansin ng isang lalake,” ani Kyla, tumatawa.

Lumapit si Andrea. Diretsong tingin.

“You’re confused, right? You’re not even sure what you are,” sabi niya. “Barista ka lang. Mahirap. Pang-gabi. Pa-cute. Hindi lalaki, hindi babae. Pa-sweet pero bastos ang tingin.”

“People like you?” dagdag niya, mas mahina pero mas matalim. “Gagamitin ka lang ni Jace.”

Parang tinamaan ako sa dibdib. Gusto kong umatras pero di ko kayang gumalaw.

Biglang may dumating.

“HOY!”

---

[Jace’s POV]

Nagmamadali akong lumapit. Mainit ang dugo ko.

“Anong problema niyo?”

Nagulat ang tatlo, pero agad nagtaas ng kilay si Andrea.

“Relax,” sabi niya. “Nag-uusap lang kami ng bagong sex toy mo.”

“Wag mo siyang tawaging 'sex toy,’ Andrea,” sagot ko. “Wala kang karapatang husgahan siya dahil hindi siya kasing fake mo.”

Nanahimik si Trish at Kyla. Si Andrea, ngumiti pa.

“Wow. So, siya na talaga? Gagawin mo lahat para sa isang confused barista? Hindi ka ba natatakot masira pangalan mo?”

“Mas okay pa akong masira, kesa hayaan kayong sirain siya.”

Hinila ko si Eli palayo. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

Hindi na ako lumingon pa.

---

[After Class – Eli’s POV]

Uwian na. Papalabas ako ng department nang makita ko si Jace sa tapat ng pinto.

“Hatid na kita,” sabi niya, parang walang nangyari.

Tumango lang ako.

---

[Inside the Car]

Tahimik. Mababaw ang music. Tumingin siya sa akin.

“Daan muna tayo sa convenience store?” alok niya.

“Sige.”

Naiwan ako sa kotse. Pagbalik niya, may hawak siyang ice cream.

“Marshmallow flavor. Naalala ko 'to 'yung paborito mo.”

Napangiti ako. “Salamat.”

Habang kumakain ako, hindi kami nagsasalita. Pero ramdam ko—may laman ang katahimikan.

---

[In Front of the Dorm]

Tumigil ang kotse. Pareho kaming hindi agad gumalaw.

“Text mo 'ko pag nakapasok ka, ha?” sabi ni Jace, halos bulong.

Tumango ako. “Oo.”

Nang bumaba ako, lumingon ako ulit.

Nakatitig pa rin siya.

---

[Jace’s POV – Later, Condo]

Pagbukas ko ng pinto, may ingay agad.

“TANGINA!” sigaw ko. “Paano kayo nakapasok?!”

Si Rafe, Zeke, at Noah—nasa sala, naglalaro ng video games. Naka-paa. May pagkain sa coffee table.

“‘Di mo pa pinapalitan ‘yung code, bro,” sagot ni Rafe.

“Gago kayo,” bulong ko, pero hindi ko na pinansin. Umupo ako sa gilid.

Lumingon si Zeke. “So. Hindi mo pa rin sinasagot tanong ko kanina.”

Tumigil lahat.

Tahimik.

Tumingin silang tatlo sa akin.

“Gusto ko siya,” sagot ko, diretso. “Hindi ko alam kung gay ako, kung bi, o kung ano. Basta gusto ko si Eli.”

Tumayo ako. Halos nanginginig sa bigat ng sinasabi ko.

“Gusto ko siya kasi totoo siya. Hindi siya plastik. Hindi siya pabibo. Gusto ko siya kasi pag kasama ko siya, parang... okay lang ako.”

Si Rafe ang unang nagsalita. “Bro... seryoso ka ba dito?”

“Oo,” sagot ko. “At kung masaktan man siya dahil sakin, hindi ko palalagpasin.”

Tumayo si Noah, seryoso ang mukha. “Kaya mong panindigan?”

“Kaya ko.”

Tumingin ako sa kanila. Diretso.

“Totoo 'to. Hindi laro.”

Walang nagsalita.

Tapos ngumiti si Zeke.

“Solid ka, bro. Pero pag sinaktan mo siya—kami mismo ang babawi sa’yo.”

[Next Day]

[Eli’s POV]

Tahimik sa library. Maaga pa. Marami pang bakanteng mesa.

Kahit may klase ako mamaya pa, pinili kong pumasok ng mas maaga. Hindi para mag-aral.

Kundi para mag pahinga.

Huminga mula sa kahapon. Sa panlalait. Sa biglaang sigaw. Sa tingin ni Jace na hanggang ngayon, dala ko pa rin sa alaala.

Umupo ako sa dulo ng long table sa pinakatahimik na section. Binuksan ko ang laptop ko pero wala akong ginagawa. Cursor lang ang gumagalaw.

Hanggang may gumalaw na silya sa harap ko.

Pag-angat ko ng tingin—

Si Zeke.

May dalang iced coffee. Nakatitig lang.

“Morning,” sabi niya.

“Uh… morning,” balik ko, kabado.

Tahimik siya. Inilapag ang kape. Tiningnan ako diretso, parang binabasa ako.

“Hindi ako mahilig sa drama,” bungad niya.

Kumunot ang noo ko. “Okay…”

“Pero kung may mahalagang tao sa tropa ko, gusto kong kilalanin.”

Lumunok ako. Hindi ko alam kung anong sagot ang inaasahan niya.

“Si Jace?” tanong ko.

Tumango siya.

“Hindi siya madaling mahulog,” dagdag ni Zeke. “Pero kagabi? Iba siya.”

Tumingin ako sa laptop ko, hindi makatingin pabalik.

“Gusto ko lang malaman,” tuloy niya, “kung totoo ka. Kung seryoso ka. Or kung trip mo lang siya dahil pogi siya, gwapo siya, sikat siya.”

Sumikip ang dibdib ko.

Hindi ako galit. Pero nasasaktan.

Tiningnan ko siya, mata sa mata.

“Alam mo,” sagot ko, mahinahon pero matatag, “wala akong pakialam sa label niya. Hindi ako lumapit kay Jace dahil pogi o mayaman siya. Hindi ko nga inasahang lilingon siya, lalo na sa’kin.”

“Then bakit siya?”

“Dahil kahit lahat ng tao tingin sa’kin ay pang-side character, pinili niya akong tignan.”

Tahimik si Zeke.

“Hindi ko pinangarap makasira ng tropa n’yo. Pero kung nagkakamali kayo sa pagtingin sa’kin, wala akong balak patunayan sarili ko sa inyo. Patutunayan ko sarili ko sa kanya.”

Napayuko si Zeke. Hindi na makatingin sa’kin.

Tumango siya, dahan-dahan.

“Damn,” sabi niya, halos pabulong. “Ngayon ko lang narinig si barista boy magsalita ng ganyan.”

Napakunot ako.

Tumawa siya, sakto lang. “Chill. Compliment ‘yon.”

Tapos, inabot niya ang iced coffee.

“Peace offering. Matamis, tulad mo raw ‘pag nakangiti.”

Napailing ako pero napangiti na rin.

Tiningnan niya ako muli.

“Pasado ka. Pero babantayan pa rin kita, ha?”

“Fair,” sagot ko.

Nagtagpo ang mata namin ulit.

At sa pagitan ng mga librong tahimik, may nabuo: hindi lang respeto, kundi tiwala.

[Jace POV]

Nasa hallway ako malapit sa library, dala ‘yung binder ni Rafe. Dadaan lang sana ako, pero may nakita akong pamilyar na ulo sa likod ng glass panel.

Si Eli.

Nasa pinaka-dulo siya ng table, facing someone.

Napahinto ako.

Tiningnan ko nang mabuti kung sino ang kausap niya…

Putangina. Si Zeke?!

Zeke. My bro. My boy. My secret-keeper.

Na ngayon, kasama ng crush ko?!

Tiningnan ko ulit.

Nagngingitian sila. May iced coffee sa harap ni Eli. Nagtagpo ulit ang mga mata nila. Tapos—tumawa si Eli.

Parang may mabigat na lumanding sa sikmura ko.

What. The. Hell.

Are they... flirting?

Did he just buy him coffee?

OMG. That’s my marshmallow boy.

Napakapit ako sa door frame. Nag-uusap lang sila, pero sa utak ko?

Playlist: “Jealousy, Jealousy” by Olivia Rodrigo.

Naglalaban ang pride at paranoia sa ulo ko.

Okay. Okay. Maybe it’s just a friendly conversation. Maybe Zeke’s just welcoming him… with a smile… and iced coffee… and full eye contact… and—GAGO JACE STOP.

Napayuko ako. Huminga nang malalim.

Then I saw it.

Zeke leaned a bit forward.

Eli laughed again. He touched his hair.

TANGINA. That’s MY favorite gesture. Ako lang dapat kinikilig pag ginagawa niya ‘yon!

Bakit parang BL scene 'to na ako ang kontrabida?!

Gusto ko silang lapitan.

Gusto kong mag-tanong.

Gusto kong i-flex ‘yung veins ko kahit hindi ako nakabarbell ngayon.

Pero hindi.

Hindi ko sila lalapitan.

Hindi ko papakitaan ng selos.

… kahit gusto ko.

Sobrang gusto ko.

Psh. Kung ayaw n’yong aminin na may something kayo, eh 'di wag. I'll just die quietly in the hallway like a Greek tragedy character.

Tumalikod na lang ako. Naglakad palayo.

Habang sa loob ng library, wala silang kamalay-malay na umiinit na ‘yung tenga ko kakapigil ng selos.