Chapter 5.2: What If I Am?

[Jace’s POV – Courtyard, Break Time]

Mainit ang sikat ng araw pero maayos ang hangin sa student courtyard. May mga study tables, may nagla-laptop, may nagti-TikTok, at may mga nagkakape habang naghihintay ng next class.

Wala lang ako, chill lang. Dumaan lang talaga ako para mag-refill ng water at kumain ng choco bar.

Pero paglingon ko sa left side, sa may shaded bench area…

BOOM.

Si Eli.

Naka-cross legs, nakaupo sa bench, may hawak na juice box. At sa tabi niya?

Si Zeke.

My gym bro.

My trusted homie.

Now… my internal rival. (Hindi niya alam. Pero may battle na kaming nangyayari mentally.)

They were laughing.

Not fake-laugh.

Not “polite for group work” laugh.

Genuine. Sparkly. May sound effects.

Ano ‘to? Flirtation Under the Tree?

Bumalik ako sa pader malapit sa kanila. Sumilip sa dahon. Akala mo stalker sa BL series.

Okay, chill lang. Magkakaibigan lang ‘yan. Magkaibigan lang sila.

But then...

Nag-toast pa sila gamit ‘yung drinks nila?!

Who the hell toasts juice boxes at 10AM unless you're secretly married?!

And then Eli giggled. Yes. Giggle. As in parang may pabulong na “stop ittt” na wala namang sinasabi pero yun ang dating.

At ako?

Sumasakit ang batok ko sa pinipigilang pagseselos.

I swear, if this were a telenovela, ako ‘yung guy na lumuluha habang may close-up shot at may background song na OPM acoustic version.

But I didn’t go full drama.

Nilapitan ko sila. Kunyari wala akong nakita.

“Hi,” bati ko, cool tone.

Nagulat si Eli. “Jace!”

Zeke: “Bro. We were just talking about you.”

Ngumiti ako, pero parang may storm sa loob.

“Ganun ba?” Umupo ako sa tabi nila. “Dapat ba akong matuwa o mag-walkout?”

Eli laughed again. “No, it was… good stuff.”

Zeke smirked. “Chill, bro. Nandito lang kami sa tea time. Walang agenda.”

Kunyari uminom ako ng tubig. (Wala nang laman ‘yung tumbler ko. Pero art is art.)

Napunta sa light kwentuhan ang usapan—about class, si prof na mukhang cartoon character, at kung sinong classmate ang crush ng lahat secretly.

Pero habang tumatawa si Eli, habang binibitawan niya ang mga “ha-ha-ha” at natatapik ang tuhod ni Zeke sa tuwa...

Ramdam ko pa rin. ‘Yung inggit. ‘Yung kaunting sakit sa dibdib. ‘Yung thought na... “bakit hindi ako ‘yung pinapatawa niya ngayon?”

But then he looked at me.

Tumingin.

Direct eye contact.

At kahit sandali lang, kahit wala siyang sinasabi…

Alam ko.

Ako pa rin ang iniingatan ng mata niya.

[Eli’s POV – Dismissal, Hallway to Corridor]

Uwian na. Bitbit ko ang laptop bag, folders, at tote bag—halos mabitawan ko na lahat. Napagdesisyunan kong lumabas saglit sa corridor. Wala pa ‘yung classmate kong hiningan ko ng tulong, and honestly, hindi ko na alam kung kaya ko pa dalhin mag-isa ‘yung gamit.

Paglabas ko—

Si Jace.

Naglalakad, naka-headphones, may lollipop sa bibig habang hawak ang phone. Chill. Relax. Parang walang pakialam sa mundo.

“J-Jace?” tawag ko, medyo nanginginig pa ang boses ko.

Tinanggal niya agad ang earphones. Nag-angat ng tingin.

“Yeah?”

“Uhm... tulong sana. Ang dami ko kasing dala...”

---

[Jace’s POV – In his mind]

Ha? Ako?

Napatingin ako sa gamit niya, tapos sa mukha niya.

Ang dami n’yang kakilala. Bakit ako?

Bakit hindi si Zeke? Hindi ba sila close na? Mas madalas pa nga silang mag-usap kaysa sa’min. Mas matagal silang magkasama kanina. Tapos ngayon, ako ang tinawag niya?

Bigla akong natigilan.

Eh ako lang naman ‘tong secret seloso na nagpipigil magtanong. Bakit ako ngayon ‘yung kailangan niya?

Napakamot ako sa batok.

Tangina. Gusto ko rin talaga siyang tulungan pero bakit parang... bigla akong kinilig?

Tumingin ulit ako sa kanya. Nakayuko na, parang biglang nahiya sa tanong.

Ang hina mo naman magsabi ng “no,” Jace. Obvious bang gusto mo siya? Obvious ba sa mukha mo na parang sinabihan ka ng “I choose you” kahit “tulungan mo ‘ko” lang sinabi niya?

Huminga ako nang malalim.

“Okay. Ihahatid na rin kita,” sagot ko, kunwari casual.

Pero sa loob-loob ko?

Yes. Ako ang pinili niya. Ako ang tinawag niya. Ako ‘yung kasama niya ngayon.

---

[Back to Eli’s POV]

Nagulat ako na pumayag siya agad. Kinuha niya ang isang bag at umakbay sa isa pa. Hindi siya nagsalita, pero halata sa mukha niya… parang nag-iisip.

Tahimik kaming naglakad papunta sa parking.

[Jace’s POV – Inside the Car, parked in front of the café]

“Sa Café lang ako,” mahina niyang sabi,

Tumango ako. “Work ka?”

“Oo. May shift pa ako ngayon,” sagot niya, inaayos na ang bag sa kandungan. “Hanggang mga 9 or 10, depende kung maraming tao.”

Tumingin ako sa kanya. “Hindi ka pa napapagod?”

“Sanay na,” sagot niya, pilit na ngiti.

Tahimik ako. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin. At hindi nga ako nagkamali.

“Wala na rin kasi akong parents,” biglang sabi niya, parang casual pero ramdam mong may bigat. “Yung dad ko, iniwan kami bago pa ako ipinanganak. Yung mom ko naman… nakapag-asawa sa ibang bansa. Hindi na rin bumalik.”

Hindi ako agad nakasagot.

“Lola ko ang nagpalaki sa’kin,” dagdag niya. “Kaya habang nag-aaral, nagtatrabaho ako. Para kahit papaano, makatulong sa gastos.”

Humigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi dahil galit ako—kundi dahil gusto kong yakapin ‘yung taong ‘to. Yung dami ng dinadala niya, pero nagagawa pa rin niyang ngumiti.

“Alam mo,” sabi ko, dahan-dahan, “mas matapang ka pa sa lahat ng kilala ko.”

Napatingin siya sa akin, bahagyang gulat. Pero wala siyang sinabi.

Tumigil kami sa harap ng café.

---

[Jace’s POV – Café Drop-off]

Bumaba na si Eli. Dumiretso siya sa trunk ng kotse para kunin ang gamit.

Binuksan niya, at halatang hirap siya sa bigat ng mga bag.

“Hoy,” tawag ko. “Akin na ‘yang susi mo sa dorm mo.”

“Huh?” Tumingin siya sa akin, naka-kunot ang noo.

“Ako na magdadala ng gamit mo sa dorm. Para mamaya, pag tapos mo sa trabaho, dire-diretso ka na sa pahinga.”

“Ano ‘to, delivery service?” biro niya, halatang natutuwa.

Ngumiti ako. “More like… concerned citizen.”

“Baka magnakaw ka,” sabi niya, nakangisi.

“Ang unang kukunin ko? ‘Yung marshmallows mo sa ref,” sagot ko.

Tumawa siya. “‘Wag mong galawin ‘yon!”

“Nagbabanta ka ba?”

“Warning lang,” sabay kindat.

Kinuha ko ang susi mula sa kamay niya, sinigurado kong okay ang pagkakalagay ng gamit bago siya pumasok sa café.

Pagpasok niya sa loob, hindi ko napigilan mapangiti.

Iba ka talaga, barista boy.

---

[Jace’s POV – Eli’s Dorm]

Binuksan ko ang pintuan gamit ang susi niya. Tahimik. Medyo malamig. Amoy linen at konting vanilla—parang siya.

Inilagay ko ang mga gamit sa mesa. Isa-isa. Maayos. Gusto kong siguruhing walang masisira.

Uhaw ako, kaya naglakad ako papunta sa ref.

Pagbukas ko ng pinto—

May tatlong marshmallows ang laman. Literal. Tatlo.

Napailing ako.

“Akala ko joke lang ‘yung marshmallow obsession mo,” bulong ko sa sarili.

Tumingin ako sa pinto ng ref.

May nakadikit na papel:

LISTA:

– Flour

– Cocoa powder

– Marshmallows

– Chocolate chips

– Whipping cream

Note: pang-bake… pag may time <3

Ngumiti ako. Soft. Super soft.

Lumakad ako paikot sa kwarto niya. Hindi ko sinasadya, pero parang hinihila ako ng vibe ng buong lugar. May maliit na corkboard sa wall.

May mga litrato.

Picture nila ng lola niya. Picture ng café. Class photo.

At sa isang sulok...

Picture naming dalawa. Blurred. Candid. Ako ‘yung nasa likod niya, mukhang may sinasabi ako, habang siya naka-smile.

Napangiti ako mag-isa.

Hindi man ako laging kasama sa araw niya... pero meron akong puwang sa kwarto niya. At sa pader niya.

Tumingin ako sa sticky note ulit.

Pang-bake… pag may time.

Sana… sa susunod na bake mo, ako ang katabi mo sa kitchen.

[End of Chapter 5]

For my au's story follow my account in tiktok

@author.qu