REIYA'S POV
Kinakabahan ako sa mangyayari sa akin. Tiningnan ko naman si Vryx na nakatingin na sa akin at hinahanda nya ang sarili niya.
Ang next subject pala na tinutukoy nya ay Sparring!
"Are you ready?" Ngiting tanong nya sa akin. Hindi ko malaman kung anong kangiti-ngiti dito. Napakunot noo tuloy ako dahil sa mga ngiti niya.
"Begin." Sabi ni Sir.Mycroft. Kaya mas lalo akong kinabahan.
"Are you nervous?" Tanong sa akin ni Ares na lumalapit sa akin ng dahan-dahan. Tumango naman ako.
"Tama na ang chit-chat umpisahan na ang laban." Napatingin naman ako sa mga bench at ang nagsalita ay yung lalakeng nakita ko kahapon sa may dorm. Di ako sigurado.
Teka, naalala ko na. Sya yung nasa restaurant na tumitingin sa akin na lalake.
Paglingon ko kay Vryx ay may bigla syang sinabing salita at napatilapon ako at tumama ang likod ko sa may bench.
"Argghh." Napakunot ang noo ko sa sakit.
Tangina, magkalaban nga kami.
"Are you ok?" Tanong ni Sir Mycroft. Mukha ba akong ok?
"I guess not." Kasunod nyang sabi kaya pinilit ko nalang tumayo habang nakahawak ang kamay ko sa tagiliran ko.
"Rule No.1 Wag kang tumingin sa iba." Sabi ni Vryx na papalapit na sa akin. Napakunot noo ako dahil nabadtrip ako bigla sa kanya kahit sparring lang ito.
Tsk.
"Ok, next pair." Anunsyo nito sa klase. "Reiya go to infirmary." Tumango nalang ako at nagumpisang maglakad. Dama ko parin ang sakit sa likod at tagiliran ko.
"Are you ok?" Tanong ni Vryx. Tinaponan ko sya ng i-don't-know-you-look.
Mukha ba akong okay? Piste!
"Fine." Sagot ko at umuna na ako maglakad kahit ansakit ng likod ko. Di ko na pinakinggan ang sinabi niya. Alam kong sparring to pero nabadtrip ako bigla sa kanya.
Tsk, asaan ba yung infirmary?
"In your right, then go left." Napatingin naman ako sa nagsalita. Yung lalake sa restaurant.
"I'm Arius Mnemosyne." Sabi niya at umalis. Ang weird rin ng isang yun. Sinunod ko naman yung sinabi niya at nakarating naman na ako sa infirmary.
----
"Dear, be careful next time pagbababa ka sa hagdan." Tumango ako sa nurse. Yun ang dinahilan ko kung bakit sumakit ang likod ko.
Lumabas na ako sa infirmary at nakita ko si Vryx na nakasandal at nakatingin na sa akin.
Hindi ko nalang sya pinansin at pupunta nalang ako sa dorm para magpalit.
"Hey, are you mad?" Tanong nya sa akin ngunit di ko nalang sya inimik.
"Reiya." Huminto ako tiningnan ko sya at ang mukha nya ay nagtatanong kung galit ba ako.
"No." Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.
"Are you sure?" Tumango naman ako at ngumiti.
Kahit badtrip pa ako sayo sige kunware di ako inis.
"Anong next subject?" Tanong ko para maiba ang topic.
"Hindi na matutuloy, may sumira ng barrier ng eskwelahan kaya pinatawag ang mga professor." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"Barrier?" Tanong ko. "Kapag nasira ang barrier maaring may pumuntang mga halimaw o kahit ano pa dito sa eskwelahan." Paliwanag nya at napatango naman ako. Nakakatakot naman pala.
"Sino naman sumira?" Tanong ko at nagkibit balikat lang sya dahil hindi nya rin alam kung sino.
"Bakit ka nasa harap ng infirmary?" Tanong ko. Ngunit di sya sumagot at napakamot nalang sya sa ulo.
"Pupunta tayo sa hall." Sabi niya kaya sinundan ko nalang sya.
----
Pagdating namin doon ay maraming mga estudyante ang nagkikwentohan pero ang karamihan ay tungkol sa barrier.
Nasa harap ang mga head at naguusap rin sa nangyari ngunit biglang natahimik ang lahat ng may pumasok na isang professor at tumatakbo at sumisigaw.
"Darius, huminahon ka." Sabi ng isang babaeng professor.
"May babae sa dulo ng barrier sa silangan." Napatayo naman ang mga professor at nagmadali umalis.
Tumayo rin ako at dahan dahang sinundan sila.
"Where are you going?" Nagulat ako dahil biglang sulpot ni Vryx.
"Shhh." Hinablot ko yung kwelyo nya at tumago kami sa may dingding.
"Bakit Professor Red?" Tanong ng lalaking professor. "Nothing , I think I just saw someone." Sabi ni Professor Red. Napatingin naman ako kay Vryx. Ngayon ay magkatabi kami.
"Ikaw kasi ang ingay mo." Sinisi ko sya.
"C'mon Red, we don't have time." Nagpatuloy sila sa paglalakad at sinundan din namin sila.
---
Nasa bush kami ni Ares at nagtatago. Nakita namin ang mga professor na may binuhat na isang babae na walang malay.
Teka..
"Athena?" Napakunot noo ako dahil si Athena talaga iyong binubuhat nila ngayon.
"You know her?" Tanong ni Vryx at tumango naman ako.
"Tara sundan natin." Sabi ko kay Vryx. Hindi na sya nagtanong, sinundan nalang nya ako.
Hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa infirmary kaya di na namin sila sinundan at nandito kami ngayon sa hall.
Bakit nandito si Athena?
"Hey, care to share. What are your thoughts?" Tanong ni Vryx sa akin.
"Hindi ko alam kung dito nagaaral si Athena. Dahil nag drop out din sya sa pinagaaralan ko dati." Napatango tango naman si Vryx.
"Ask her, kapag nagising na sya." Suggestion nya at gagawin ko yun.
Bakit sya nandoon sa dulo ng barrier? Anong ginagawa nya doon?
Hindi ako makakaisip ng payapa kapag di ko pa sya tanongin.
Napatayo naman ako at naglabas ako ng tissue.
"Where are you going?" Tanong ni Vryx.
"I'll ask her." Di ko na sya tiningnan at tumakbo paalis sa hall.
Nakarating ako sa infirmary at nasa harap na ako ng pinto.
Ok, Reiya, act.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Professor Red at ang kasama nyang isang professor kanina.
"What are you doing here?" Tanong ni Professor Red.
Hindi ko pinansin ang tanong nya. Nakita ko si Athena na nakatingin na rin sa akin at halatang gulat sya. "Athena!" Tumabi sila sa dadaanan ko kaya nayakap ko si Athena.
"Reiya?" Bulong sa akin ni Athena na nagulohan rin kung bakit ako nandito.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Professor Red.
"Magkaibigan po kami." Kumalas ako sa yakap kay Athena.
Alam kong nakatingin sa akin si Athena.
"Sige ikaw na muna ang bahala sa kaibigan mo." Tumango ako at hinintay sila umalis bago ko ulit kausapin si Athena.
"Anong nangyare sayo?" Tanong ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya rin.
Nagkasabay kaming nagtanong kaya ako nalang ang unang sumagot.
"Dito ako nagaaral." Sagot ko.
"Dito rin ako nagaaral, kakarating ko lang kanina. Pero bigla nalang may umatake from behind kaya ako nahimatay. Hindi ko nakita ang mukha pero nakaramdam ako ng takot noon." Kwento nya sakin.
"Sinabi mo ba yan sa mga professor?" Tumango sya.
"Hindi ko alam na dito ka rin pala nag aaral." Sabi ni Athena.
"Ikaw rin naman, ang akala ko ay sa ibang bansa ka magaaral." Sagot ko.
"Noong panahong nagkita tayo sa restaurant ay doon ko rin nakilala si Sir Mycroft. Hindi ko rin alam na isa rin pala akong mage." Natawa naman sya habang kinekwento yun.
"Kinuha rin ba sayo ang magulang mo?" Tanong ko ngunit umiling naman sya.
"Reiya, anong nangyare?" Tanong nya ngunit yumuko nalang ako dahil ayoko muna magkwento.
Biglang bumukas ang pinto at kita ko si Arius na hingal na hingal at nakatingin ngayon kay Athena.
Ganun rin si Athena.
Anong meron?