ATHENA'S POV
Nagkatitigan kami ni Arius. Alam kong tinitingnan kami ngayon ni Reiya.
"Are you ok?" Tanong ni Arius sa akin at sinara ang pinto. Tumango lang ako.
"What happened?" Tanong niya. Kinewento ko sa kanya ang kaninang kinewento ko kay Reiya.
"Magkakilala kayo?" Bulong ni Reiya sa akin at tumango ako.
"Reiya sya si Arius Mnemosyne. " Tumango nalang si Reiya. Napangisi nalang ako dahil magkaugali ang dalawang kasama ko.
Kung walang mag first move ay di sila gagalaw.
"Kayo ba?" Kung umiinom lang ako ng tubig ay baka naibuhos ko na ang tanong ni Reiya.
What the freak? Hell no! Never!
"No." Sabay naming sabi at natawa naman samin si Reiya.
What's funny, girl?
"Ok, well kung may salamin lang dito makikita niyo mga mukha niyo." Tumayo na si Reiya at parang ngingisi-ngisi.
"Osya maiwan ko na kayo. Kung need mo ng kahit ano or kasama puntahan mo ko sa dorm." Sabi niya sa akin kaya tumango ako.
She's really a good person. S din pala sya.
"So, what do you feel?" Tanong sa akin ni Arius. Umupo sya sa kaninang inuupoan ni Reiya.
"I feel better." Sagot ko at nginitian lang sya.
"Come on Athena, alam kong hindi yun ang buong kwento." Sabi niya at inirapan ko nalang sya.
"Kung ayaw mo maniwala, umalis ka nalang." Sagot ko at nagtaklob ng kumot.
"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong niya. Inalis ko ang pagkataklob at tiningnan ko sya.
"Yes." Sagot ko at tiningnan ko ang reaction niya at wala man lang nagbago.
Ganun pa rin.
"How's your dad?" Tanong nya, alam kong iniiba niya lang ang topic kaya nya iyan natanong.
"He's ok." Sagot ko at tumango naman sya.
"About the girl here earlier." Kumunot naman ang noo ko.
"What about Reiya?" Tanong ko.
"I can't read her mind." Sabi niya habang nakayuko.
"You use your power?" Tanong ko at tumango naman sya kaya inirapan ko nalang sya. "It's all white then biglang nagiging black." Sinasabi niya yun habang nakakunot noo.
"Well, to tell you the truth, na sesense ko ang power niya. Ang lakas, gusto ko sana itanong kanina kung ano ba ang kaya niya." Sagot ko.
"By the way, umalis kana. May pasok ka pa diba?" Tanong ko at tumango naman sya.
"Sige puntahan kita mamaya dito." Tumayo na sya at lumabas na.
REIYA'S POV
Pagkalabas ko sa infirmary ay nakita ko kaagad si Vryx na nakatingin sa akin.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinila niya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang magpahila.
Nakarating kami sa Library. Hindi ito ordinaryong library dahil sobrang daming mga libro.
"Professor Mycroft assigned me." Napakunot noo naman ako.
"Ng ano?" Tanong ko. "To know your power." Sagot niya kaya di agad ako nakapagreact.
"Why?" Tanong ko pero di naman nya ako sinagot.
Sumunod nalang ako sakanya at kumuha sya ng libro.
"Basahin mo yan." Binigay niya iyon sa akin.
"The Healer?" Basa ko sa libro. "Yes, may possibility na isa kang healer dahil ang mama mo ay isang healer. Yes I know your parents. Everyone knows." Nakatingin sya sa akin habang sinasabi iyon.
"Everyone?" Tanong ko at tumango naman sya.
"You really don't know?" Tanong niya kaya tumango ako.
Umakyat naman sya pero di ko nalang sya sinundan. Nakita ko syang kumuha ng libro at tiningnan nya ako habang pababa sya.
"Here, read this. Sinabi sayo ni Professor Red na basahin mo ang History ng Starfall." Binigay nya sa akin ang libro.
"Well, actually that book is kinda special." Sabi niya kaya napatingin naman ako.
"Bakit?" Tanong ko at tiningnan niya ako.
"Buklatin mo." Sinunod ko naman sya. Nakita ko ay walang nakasulat. Halos lahat ng mga pages walang nakasulat.
"It will show up to the one who really needs it." Sagot niya kaya napatango naman ako.
"Kaya hindi mo nakikita ang nakasulat dahil hindi mo pa sya kailangan." Sagot niya kaya tumango-tango nalang ako.
"What if kailangan ko na sya pero nasa bingit na ako ng kamatayan?" Tanong ko at tiningnan nya ako ng masama.
"Di mangyayari yun." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"Anong di mangyayari?" Tanong ko pero di niya ako sinagot napahawak nalang sya sa bridge ng salamin niya.
"Anyways, you need to know the history of Starfall kaya hihiramin muna natin." Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
Umupo sya kaya umupo ako sa harapan nya.
"Here, read this." May binigay uli sya ngunit hindi na ito libro kundi notebook.
"That's my note... Part of it may history about Starfall. It will help you." Tumango tango naman ako at binuklat yun.
Ang ganda ng sulat kamay nya. Cursive at naiintindihan. Parang sulat babae.
May napansin ako sa nakasulat sa notebook nya.
"Those who don't believe in magic will never find it." Napatingin naman ako kay Vryx dahil sinabi niya yung binasa ko sa isip ko.
"That's my favorite quote." Sambit nya kaya napatango naman ako.
Bigla kaming may narinig pagsabog kaya napatayo agad ang karamihan ng nandito.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Vryx ngunit di niya rin alam ang isasagot nya.
Iniwan ko doon si Vryx at lumabas na sa library. Nagtanong ako sa mga nagtatakbohan papunta sa gawi ko.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"May mga dark spirits sa labas ng campus." Napakunot noo naman ako.
Dark Spirits?
Aalis na sana ako para puntahan ang sinasabi nila ngunit may humawak sa braso ko.
"Anong gagawin mo?" Tanong niya at nakakunot ang kanyang noo.
Galit ba sya?
"Bitawan mo ko." Utos ko sa kanya kaya binitawan naman nya ako. Nagtuloy uli ako sa paglalakad pero nagtuloy din sya na sundan ako.
"Pupuntahan mo ba yung pagsabog?" Tanong niya kaya tumango naman ako.
"Alam mo bang napakadelikado." Di ko nalang pinansin ang sinabi niya.
May mga nakita kaming mga professor sa labas ng campus ngunit hinila ako sa damohan.
"Shh, if they see us diretso tayo sa detention." Tumahimik nalang ako dahil ayoko naman ma-detention.
Tumingin naman si Vryx sa mga professor pero ako'y nakatingin kay Vryx.
Bakit nya ako sinasamahan?
Napaiwas ako ng tingin nang tumingin sya sa akin. Napalunok ako dahil bigla akong nahiya.
"Bakit pala sinamahan mo ko?" Tanong ko.
"Baka may mangyari sayo." Napatango naman ako. Sinasamahan niya ako dahil mahina ako at hindi ko pa alam kung anong kapangyarihan ko. Yeah, right.
"Is that Arius?" Napatingin naman ako sa tinitingnan nya.
Oo nga si Arius at kasama ang mga professor.
"Anong ginagawa nya dyan?" Tanong ko pero di naman ako sinagot.
Nakita ko ang mukha ni Arius na halatang di mapakali. "May nangyari kaya?" Tanong ko kay Vryx pero nagkibit balikat lamang ito dahil hindi nya rin alam ang sagot sa tanong ko.
Pagkatapos makipagusap ni Arius sa mga professor ay bigla silang nagsitakbuhan kaya agad kong inaya si Vryx na sundan sila.
"Curiousity kills the cat." Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi ni Vryx at ngumisi sya sa akin kaya umirap nalang ako .
Nakarating kami sa isang abandon building. "May gantong lugar sa academy?" Tanong ko at as usual wala syang alam.
Nagtago kami sa bush ni Vryx at tiningnan sila Arius at ang mga professor. May kung anong naramdaman ako dahil biglang lumakas ang hangin.
"Did you feel that?" Tanong ni Vryx kaya tumango ako.
Lumaki ang mata ko nang makita ko si Athena nakatayo lang at humahangin sa paligid nya.
"Wala ata syang malay." Sambit ni Vryx. Walang malay pero nakatayo?
Pilit na ginigising ni Arius si Athena pero hindi ito gumagalaw.
"This is freaking me out." Tugon ko at napataas naman ng isang kilay si Vryx. "What?" Tanong ko pero nginisian nya lang ako.
Nakita ko naman ang Archstar na lumapit kay Athena at may binanggit na sila kaya tuluyan ng natumba si Athena pero nasalo naman ito ni Arius.
"Let's go." Pag aya ni Vryx kaya sinundan ko na lamang sya dahil malalagot kami kapag nahuli.
Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin ang nangyari.
"Care to share." Si Vryx na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Iniisip ko lang yung nangyari kanina." Tumango-tango sya. "Pero ang ipinagtataka ko..." Lumingon uli sya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.
"Bakit si Athena lagi? Noong una sya rin at ito ngayon. Tingin mo may gustong manakit kay Athena?" Tanong ko kay Vryx.
"If you're that curious... let's ask Arius." Tumango ako.
Papunta kami ngayon sa Starhearth or mas kilala ko itong clinic dahil alam kong dinala si Athena dito.
Pagpasok namin ay nakita ko si Arius na nakaupo at binabantayan si Athena.
"What happened?" Tanong ko kay Arius at napatingin naman sya sa akin at nakakunot na ang kanyang noo. Tumingin naman sya sa kasama kong si Vryx.
"Couple?" Tanong ni Arius kaya naguluhan naman ako.
"Anong nangyari kay Athena?" Pagiiba ko ng tanong. Napabuntong hininga naman sya bago nya sagutin ang tanong ko.
"I don't know. Habang naglalakad kami napansin ko na bigla nalang sya nawala at nakita ko sya doon sa abandon ruins. Nakatayo, hindi ko sya magising. Kaya tinawag ko agad ang mga professor kasi di ko alam ang gagawin ko. " Sagot nya.
"Hindi ko alam kung anong gusto nila kay Athena, I have so many why's." Hinawakan ni Arius ang kamay ni Athena na walang malay.
"Kailan magigising si Athena?" Tanong ni Vryx. "Baka magising na sya maya-maya, tinulungan sya ng Archstar para hindi sya macomatose" Tumango nalang si Vryx.
Napatingin naman sa akin si Arius. "You're a healer, right?" Tanong ni Arius. Kahit ako ay hindi ko alam kung healer ba talaga ako.
"Your mom is a healer." Sambit ni Arius.
"I don't know, hindi ko alam kung healer ako." Sagot ko at tinitigan nya ako ng matagal.
"I can't read your mind. It feels like there's a barrier." Sabi ni Arius. Nakakabasa sya ng mga iniisip ng tao?
Hinawakan naman ni Vryx ang balikat ko. "I think... alam ko kung paano mo malalaman ang powers mo." Napatingin naman ako kay Vryx.
Paano?