Author's Note
Hey there! So here I am again with a new story. But this time, it’s a bit different—it’s a fantasy story, so please bear with me. It’s actually my first time writing in this genre, so I hope you’ll stick with it until the very end.
If you find this story cringe and cliche then this is not for you. I'm just a normal person with twisted imagination. I write what I imagined.
Let the magic begins!
✨
✨
✨
REIYA'S POV
"Pwede ba!? Wag mong lalapitan si Clark, higad kaba?" Nakataas ang kilay at nakapamewang na sabi ni Kim sa akin habang ang mga dalawa nyang kasama ay naka crossed arms at nakataas ang kilay sa'kin na parang kadiri-diri akong nilalang.
Nandito kami sa Jaica at saktong walang katao-tao dito.
I rolled my eyes na tila bang wala na akong pakealam sa mga sinasabi nila sa akin.
"Nakikinig kaba!?" Tinulak niya ako ngunit di gaano kalakas. Halatang galit na sya dahil mapula na ang mukha nya. Sabagay ay maputi ito at halata mo talaga.
"Ok." Sagot ko ngunit nagulohan naman sya sa sinagot ko.
"Ano?" Nakakunot na ang kanyang noo. Gusto kong matawa dahil sa mukha nya pero nanatili akong seryoso.
"Sabi mo, hindi ko lalapitan si Clark." Paliwanag ko. Ang akala ko ay hindi na sya maiinis dahil di ko lalapitan ang boyfriend nya. Pero mas lalo pala itong nagalit.
"So pinapalabas mo na si Clark ang lumalapit sayo!" Sigaw nya sakin.
Tanginang, utak niya may ubo.
Kinuha ko nalang ang bag ko na nilagay nila sa sahig. "Hindi pa tayo tapos magusap." Hahawakan na sana ni Kim ang braso ko pero umiwas ako. "Narinig mo na gusto mong marinig, diba? Tangina ano pa inu-ulol mo dyan?" Halata namang gulat sya sa tabas ng dila ko.
Gago ka pala e.
Iniwan ko nalang sila doon na nakatanga. Liningon ko sila at nakangisi na si Kim sa'kin. Inirapan ko nalang sila at tumingin nalang sa dinadaanan.
Biglang umihip ng malakas ang hangin at napaayos naman ako sa aking buhok na hanggang tagiliran ko.
Lumingon ako kung nasaan sila Kim ngunit wala na sila roon. Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso sa paglalakad.
Ang weird nga lang, sa ganitong oras ay dapat marami ng mga estudyante ang kasabay kong maglakad pero ngayon ay wala.
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isang lalake. Hindi katangkaran at parang magka-height lang kami. Mukhang nasa 30's na siguro itong lalake.
Pero tama ba 'tong nakita ko bigla nalang siyang sumulpot out of nowhere.
"Ms. Reiya." Napatingin ako sa likuran nya kung may portal ba at doon sya lumabas ngunit wala. Kabag lang ba'to?
May ibinigay sya saking asul na envelope at ang nakasulat sa harapan ay "Starfall Academy" basa ko. Napakunot noo naman ako sakanya at nalilito. May parang logo na star at moon sa harapan. Nakatingin lang siya sakin at mukhang hinihintay niya akong basahin ko ang nasa loob.
Kinuha ko naman sa envelope ang isang light blue na papel.
"Starfall Academy
Where Stars Whisper and Magic Awakens
By royal decree of the Starfalls
Date: The 3rd Crescent of Light, Year 2020
To the Esteemed Ms. Noxshade,
By stars and ancient sigil, the Fates have spoken your name.
It is with great honor and solemn joy that we hereby extend to your formal acceptance into the hallowed halls of Starfall Academy."
Napataas namang ang kilay ko sa nabasa ko. Formal Acceptance? For what? Teka hindi naman ako nagenroll sa Academy na'to eh.
Biglang umubo naman ang lalake at parang ang tingin nya ay ituloy ko ang pagbasa.
"Your term begins on the first dawn of the Starfall. You are instructed to bring no more than what you can carry in heart and hand—our vaults and libraries will supply the rest."
Nakita ko naman ang isa pang papel kung saan may mga listahan ng kailangan.
Enclosed are the following:
Your sigil-marked Starpass, to be presented at the Gates of Starfall.
— A list of required artifacts and attire for first-year initiates.
— The official Oath of the Stars, to be memorized and recited beneath the Academy's Celestar.
Take heed: within these sacred walls you will learn to shape the elements, speak to stars, walk with shadows, and write your will into the very threads of reality. But such power is bound by wisdom, and wisdom by discipline.
Welcome, Seeker. The stars have been waiting for you.
In starlit trust,
Archmagister Nyx Lightvale
Supreme Magical of Starfall Academy
Keeper of the Stars and Magic
Pagkatapos kung basahin ay napatingin naman ako sa lalake.
"Anong pong ibig sabihin nito?" Pag galang ko dahil mas matanda sya sakin.
"Iha, hindi dapat ako ang nagsasabi sayo nyan." Tiningnan ko uli ang letter. Wala akong maintindihan sa nangyayari. May itatanong pa sana ako ngunit nawala na ang lalake at biglang umingay ang paligid at maraming estudyante ang dumadaan.
Hindi naman ako nakainom?
Hawak ko parin ang enveloped at nakatayo parin. Nagugulohan parin ako sa nangyayari. Dumiretso nalang ako maglakad papuntang gate ng eskwelahan.
Naisip ko parin ang sinabi ng lalaki, sino ba dapat ang magsasabi sakin.
Bigla kong naalala si Papa. Nagmadali akong umalis para makauwi na sa bahay para matanong si Papa.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa bahay. As usual nakita ko si papa na umiinom na naman ng alak.
"Nandito na ako." Kinuha ko ang mga walang lamang bote sa mesa at niligpit iyon. Tumingin ako kay papa na tinutungga niya ang isang bote ng beer.
Mapait na ngiti ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang kalala mag-inom si Papa. Noong buhay pa ba si Mama ay ganito na sya kalala mag inom?
"Andito ka na pala." May pasinok sya habang nagsasalita. Ang maganda kay papa ay kahit lasing sya ay maayos parin syang kausap.
Inilapag ko ang sulat na natanggap ko galing sa lalake. Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Papa at sa reaskyong pinapakita niya ngayon ay alam kong may alam sya.
"Saan 'yan galing?" Tanong niya at biglang tumuwid ang pagsasalita niya kumpara kanina. Tila naging seryoso ang tono ng boses niya ngayon.
"Binigay ng isang lalake." Sagot ko. Binasa naman niya ang laman ng sulat at napahawak sa kanyang noo.
"May alam po ba kayo ng hindi ko alam?" Tanong ko. Tumingin naman siya sakin na parang naiiyak. Nagugulahan ako sa mga pinapakita nyang reaction.
Umalis sya sa harapan ko at pumunta ng kwarto. Napayuko naman ako dahil ang akala ko ayaw nya pagusapan ngunit lumabas rin ito dala-dala ang isang album. Hindi pamilyar sa akin iyon.
Binigay niya sakin at saka sya umupo sa pwesto niya kanina. "Dyan mo malalaman ang kwento namin ng mama mo." Napatingin naman ako sakanya at halata sa mata nya ang lungkot. Bakit may pa story telling ngayon? Tumingin nalang ako sa album.
"Mga unting litrato lang yan. " Sambit ni papa. Binuklat ko naman iyon at nakita ko si Mama at papa na masaya at nakaakbay si papa kay mama.
"Ang mama mo ay isang special na babae bago ko pa lamang sya makilala." Panimula ni papa. Special?
"Isa syang Healer." Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Papa. Nababaliw na ba siya?
"Healer?" Tanong ko at tumango naman sya.
"Nakilala ko sya sa paaralan na yan ang Starfall Academy. Katulad mo ay inabutan din ako ng sulat na tanggap ako." Napatingin naman ako sa sulat na nilapag ko sa mesa.
"Starfall Academy the school of magic." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Nananginip lang siguro ako pero mukhang seryoso si papa sa mga sinasabi niya ngayon. Hindi ba siya nagbibiro? So totoo iyong nga nabasa ko sa letter?
"Dyan kami nagkakilala ng mama mo, doon nabuo ang pagmamahalan namin." Napangiti sya na tila bang parang kahapon lang nangyari iyon. Pero halata sa mata ni papa ang lungkot.
"Kung si mama po ay healer ano naman po kayo?" Tanong ko at nilingon naman nya ako.
"Fire User ako." Napamangha ako dahil sa sinabi niya.
Bigla kong natandaan noong mga pangyayari na wala kaming gas ay nakakapagluto parin kami iyon pala ay may kapangyarihan pala si Papa.
Ngayon naiintindihan ko na. Kahit hindi pa rin ako makapaniwala
"Sa araw ng kapanganakan mo ay namatay ang Mama mo." Natigil ako sa pag-iimagine dahil sa sinabi niya.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari. Mahina ang puso ng Mama mo. Kaya binigay niya lahat sayo ang kapangyarihan niya dahil mamatay na siya. Gusto niyang ipamana iyon sayo." Napamangha naman ako sa sinabi niya.
Ibig sabihin ba nito ay isa rin akong healer? Teka wala naman akong nararamdaman na may kapangyarihan ako.
"Naaral ang isang mahika Amethyst. Kailangan mong pumasok doon." Sabi ni Papa na hindi narin ako nagtataka.
"Alam kong mas mapapaganda ang buhay mo kapag doon ka nagaral." Tugon ni papa pero tahimik lang ang binigay ko sa kanya.
"Pero paano kayo? Pwede naman kayong sumama sakin diba?" Tanong ko ngunit umiling lang sya sakin at ngumiti.
"Katulad sa buhay ng normal na tao ay hindi pwede sumama ang magulang sa eskwelahan ng isang mag-aaral." Tugon ni papa na ikinalungkot ko. Hinawakan ni papa ang kamay ko at nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Huwag kang mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Niyakap nya ako. Ewan ko ba at parang may lungkot rin na bumabalot sa yakap na iyon kaya niyakap ko rin siya pabalik.
"Bukas na bukas ay hahanap na tayo ng mga gagamitin mo." Kumawala sya sa yakap. Napakunot noo naman ako.
"Paano po?" Tanong ko ngunit ngumiti lamang sya at nagtuloy na sa pag inom ng alak.
K I N A B U K AS A N
Ginising ako ni Papa ng madaling araw dahil kailangan raw ay maaga kami makarating sa pupuntahan. Ang nasabi niya kahapon ay hahanapan niya ako ng mga kailangan ko. Nakita ko syang nagkakape at kumakain ng pandesal.
"Kumain ka muna." Inalok nya sa akin yung tinimpla nyang kape para sa akin. Mukhang maganda ang mood ni Papa ngayon.
"Saan nga po pala tayo bibili ng kakailanganin ko?" Tanong ko. Nilapag nya ang kanyang baso at tumingin sa akin. " Sa Raven's Quill." Napakunot noo naman ako dahil hindi ko alam kung meron bang ganoon na lugar.
Pagkatapos namin kumain ng almusal ay may binigay sa akin si Papa ng malaking bag. "Para saan po ito?" Tanong ko pero ngumisi lang sya sa akin. Ama ko ba talaga ito?
Nasa labas na kami ng bahay namin at nakatayo lang rin si Papa at nagiisip kung saan ang direksyon.
"Dito." Tinuro niya ang bakuran namin. "Sure na ba talaga kayo dyan ang daan?" Tanong ko at tumango naman sya kaya sinundan ko sya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bigla akong nagulat dahil may kung anong tumutunog sa ibabaan ng aking paa. May narinig akong pinindot ni Papa ngunit di ko nakita kung saan iyon.
"Umatras ka." Utos nya sakin. Pagka-atras ko ay may nakita akong hagdan pababa. "Meron tayong hagdan sa baba?" Tanong ko at tumango naman sya. "Lahat ng mga mages ay may ganitong lagusan para patungo sa Raven's Quill." Di pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko.
"Tutunga-nga ka nalang ba dyan?" Sumunod na ako dahil sa sinabi niyang iyon. Ama ko nga ito, mukhang may pinagmanahan ako ng ugali. Habang bumababa kami ay di ko maiwasang tumingin kay Papa. Sya ang nauuna kaya natural na tinitingnan ko sya.
May gusto sana akong itanong sa kanya pero nahihiya akong sabihin iyon. Huminto sya at napahinto rin ako. "Bakit po?" Tanong ko.
"Andito na tayo." Sambit ni Papa ngunit wala naman akong nakikita. Dead end lang ang nakikita ko. Pinagloloko ba ako ni Papa?
"Ah saan po?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot ngunit may ginawa sya sa kanyang kamay at may sinabi sya. " Aperta." Yun lang ang narinig ko sa kanya. Magsasalita na sana ako ngunit biglang may pinto ang lumitaw.
"Gago." Dahil sa mangha ko ay napamura ako at tiningnan naman ako ng masama ni Papa. "Pumasok na tayo, mas maganda kapag maaga ka bumili dahil kaunti pa ang tao at hindi pa siksikan ang madadatnan mo." Tumango ako sumunod sa kanya.
Pagpasok ko ay napamangha ako dahil puro ulap ang nakita ko. "Saan po yung bilihan?" Tanong ko. Tinuro naman niya ang ulap. " Doon." Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Napatingala ako. Sa ulap? Seryoso ba sya dyan?
May nakita kaming elevator at pumasok sya doon kaya sumunod naman ako. May elevator dito??? "Pindotin mo ang no.7" Sinunod ko ang sinabi niya pinindot ko naman ito. Pagkapindot ko ay biglang bumilis ang pagakyat kaya napasandal ako.
Ilang segundo ay huminto na ito. "Andito na tayo." Sabi ni papa. Nakakapagtaka ay di man lang sya nagreact sa mabilis na paggalaw ng elevator. Marahil ay sanay na siya. Lumabas na ako sa elevator na yun. Napansin ko naman ang inaapakan ko. Matigas sya, ang akala ko ay malambot dahil ulap. So Design lang to?
"Ang inaapakan natin ay semento. Ang nakita mong ulap ay iyon ang nagsisilbing panglutang sa mga gusali dito."Napatingin naman ako sa kabuuan at napanganga ako dahil sobrang ganda nito.
Sinundan ko lang si Papa at huminto siya at tumingin sa akin. "Nasaan yung mga listahan ng mga kailangan mo?" Tanong nya at nilabas ko naman ito. Binasa niya iyon at tumango-tango.
"Kailangan mo ng attire. Doon tayo sa Pixie Dust, magaganda ang mga damit nila doon." Tumango nalang ako dahil hindi ko naman alam kung saan yung sinasabi niya. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa tinutukoy niya kanina.
Pumasok kami doon at may nakita kaming matandang kahera. "What a pleasant surprise! Chris ikaw na ba yan?" Tanong ng matanda kay Papa. " Opo Professor." Magalang na sagot ni Papa. "Ano kaba wag mo na akong tawaging professor hindi na ako nagtuturo." Napatingin naman sya sakin. "Eto na ba ang anak mo?" Nakangiti sya habang tinanong iyon.
"Opo, sya nga po pala si Reiya." Pagpapakilala sa akin ni Papa ngunit tumango lang ako dahil hindi ko sya gaano kilala. "Kamukha niya ang kanyang ina. Pero alam kung nagmana sa ugali ito sayo." Sabi niya habang naka ngiting nakatingin kay Papa. Lagi nalang..
"Ano palang bibilhin niyo?" Tanong niya. Ibinigay ni papa ang listahan ng kakailanganin ko. "Ayan, alam kong sa pixie dust ay nandito na lahat ng kailangan namin." Sabi ni Papa. Nagulat ako ng may isang maliit na lumilipad ang kumuha ng listahan.
Gago, totoo si tinkerbell?! Napapikit uli ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Iha sila ang tinatawag na fairy." Sabi ng matanda. Umalis na ang fairy na dala-dala ang listahan. " Sila ang tumutulong sakin upang mahanap agad ang mga gamit na kailangan ng mga bumibili dito. Hindi ko kaya kung mag-isa lang ako." Paliwanag ng matanda sa akin. Tumango nalang ako, lumapit ako kay papa at bumulong. "May pera ba tayo mukhang mamahalin ang mga gamit dito." Naglabas ako ng isang daan. Natawa naman si papa sa ginawa ko at natawa din ang matanda.
"Wag kang mag-alala sa pera dahil noong natutulog kapa ay nag withdraw na ako sa Solace Banks." May ipinakita syang card sa akin at may naka sulat na AD 500,000,000.
"AD? 500,000,000 MILLION?" Gulat akong napatingin kay Papa. "500,000,000 Ancestral Dime. Oo kung sa normal na mga tao ay Peso. Dito ay AD ngunit magkaparehas sila ng halaga." Napanganga ako dahil may ganyan kaming kalaking pera. Ganoon pala kami kayaman.
"Eto na pala ang mga gamit ng kailangan niyo." May binigay ang matanda malaking box at kaya ko naman iyon buhatin. "50,000 AD ang halaga." Napanganga ako dahil ganun kamahal. Parang gusto kong tumawad dahil nakakalula ang price.
Binigay ni papa ang card at katulad rin sa mga cashier ay sinwipe niya lang ang card ni papa. "Bumalik kayo ulit dito." Gago di na ako babalik ang mahal!
Lumabas na kami at sinundan ko si Papa "Akala ko po ba mura lang ang mga gamit doon? Bakit 50,000 eto?" Turo ko sa box na dinadala ko na nasa cart.
"Mura lang talaga iyan doon, kapag sa ibang mga shop ay aabot ng kalahating milyon ang mga gamit." Napanganga naman ako. Gago? May bumibili pa ba sa kanila doon?
Bumalik na kami sa elevator at pinindot ni papa ang 1. Mukhang pabalik na kami sa bahay.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na kami at doon ko nakita ang pinto na pinasokan namin kanina. Sumunod ako kay Papa.
Pagkalabas namin sa pinto ay nasa loob na kami ng bahay namin. Teka? Ang akala ko ay sa bakuran kami lalabas.
"Hindi tayo pwedeng makita ng tao na lumabas sa kung saan kaya mas maganda na sa loob." Paliwanag ni Papa kaya tumango nalang ako at inilapag ang mga gamit ni binili.
"Masaya ako para sayo anak." Tumingin naman ako kay papa at parang iiyak na naman sya. Ang emotional ngayon ni Papa.
"Mula ngayon magbabago na ang buhay mo." Sabi ni papa at ngumiti sya sakin. "Hindi ko sinabi sayo dahil hindi pa ako handa." Nakatingin lang ako kay Papa at nagaantay ng sasabihin niya.
"Reiya, isa kang mage." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Ngunit ano ang kapangyarihan ko?
"Ikaw lang makakatuklas kung ano ba ang kapangyarihan mo." Sambit ni papa. Napakunot noo naman ako, magsasalita pa sana ako ng biglang may lumitaw na dalawang naka mask na itim at naka robe na itim.
Bigla naman akong itinago ni Papa sa kanyang likuran.
"Sino kayo?" Sigaw ni papa. Halatang nagulat rin. "Sumama ka sa amin." Sabi niya kay Papa. Mukhang masasama silang tao.
"Hindi, hindi niyo sya kukunin." Hinarang ko ang kamay ko para maprotektahan ko si Papa.
"Sumama ka na sa amin kung ayaw mong mamatay si Melinda." Nabigla naman si Papa at di makagalaw halata sa kanya ang takot. Melinda? Si mama?
Hinawakan ni papa ang kamay ko at ngumiti na para bang sinasabi na magiging ayos ang lahat kapag umalis sya. Napakunoot noo naman ako at may lumabas na luha sa mga mata ko.
Pipigilan ko sana si papa ngunit nahawakan na sya ng dalawang naka itim at bigla silang nawala.
Anong nangyare?
Napaluhod ako at di ko alam ang gagawin ko. Parang kanina lang ay kasama ko si Papa. Anong nangyayari?
Sino sila?