STARS 2: Velian

REIYA'S POV

Mag dadalawang linggo na at di parin umuuwi si papa. Ako nalang mag isa ang bumubuhay sa sarili ko. Nag part time ako para may maipakain sa aking sarili. Nag drop out ako sa eskwelahan ko dahil hindi ko afford ang tuition na babayaran buwan-buwan.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant at naglilinis ng pinagkainan ng umalis na costumer. Iniisip ko parin hanggang ngayon kung sino ang mga kumuha kay Papa. Wala akong kilala na kamag-anak ko. Kamusta na kaya si Papa?

"Reiya, nagwowork ka pala dito?" Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Athena, kaklase ko sya school ko kaso nag drop out ako.

"Bakit ka pala biglang nag drop out?" Tanong niya habang nakangiti. Mabait si Athena at alam kong makakasundo ko siya. "Family problem." Maiksi kong sagot at tumango na lamang sya sa akin.

"By the way nag drop out rin ako kanina lang." Napatingin naman ako sa kanya di ako makapaniwala sa sinabi niya. Ano yun ginaya niya ako? Grabeng trip yan.

"Actually, kakabigay ko lang ng mga papers kaya pumunta ako dito para kumain." Napatango nalang ako sa sinabi niya. Bakit kaya sya nag drop out? Ayos naman ang pamumuhay niya, tingin palang ay pang rich girl ang datingan ng mga pormahan niya.

"Pupunta na kasi ako sa states." Hindi na rin ako nagulat dahil alam kong mayaman si Athena.

"By the way, una na ako. Goodbye." Sabi niya. Bakit parang may laman ang pamamaalam niya. Hindi ko nalang sya pinansin at nilinis na ng tuloyan ang lamesa.

Pagkalabas ni Athena sa restaurant ay may pumasok na isang lalake.

"One large fries and coke. Dine in." Rinig kong sabi ng lalake at umupo sya sa tapat ng nililinisan ko.

"Reiya! Doon ka muna daw sa kusina. Kulang daw sila kasi absent yung dalawa." Tumango nalang ako at ibinigay sa kanya ang mga panglinis.

Lumingon ulit ako sa lalake at medyo nabigla ako kasi lumingon siya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. Ang weird naman non.

Matapos ang trabaho ay umalis na ako. Dahil may mga tirang pagkain ay binigay ito sa amin. Hindi ito marumi kumbaga ito yung mga hindi nabenta.

Pagka uwi ko ng bahay ay pagod lamang ang naramdaman ko at lungkot. Wala na yung sumasalubong sa aking paguwi na may umiinom. Nakakamiss din pala siya.

Naiimagine ko si papa na nakaupo sa usual spot niya. Napakunot noo nalang ako at nagready na para kumain.

Nang makaupo na ako ay biglang may kumatok. Sino naman yun at mag hahating gabi na?

Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang lalaking nagbigay sa akin ng sulat noong nakalipas na dalawang linggo.

"Sir?" Yun lang ang nasabi ko. Pumasok siya sa bahay at sinarado ko naman ang pinto.

"Mycroft, iyan ang apelyido ko." Sagot niya at tumango naman ako. Sinundan ko sya ng tingin habang umuupo sya sa upuan.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko at tumingin naman sya sakin. "Hindi naman ako umalis, pinagmamasdan kita mula noong ibinigay ko ang sulat sa'yo." Sagot niya.

Napakunot ako ng noo, paanong pinagmasdan hindi ko naman siya nakikita. Eh bakit naman sya nandito?

"Kailangan mo ng umalis sa lugar na ito. Nanganganib ang buhay mo." Napakunot noo naman ako. Tanginang sino ba sya para magdesisyon sa buhay ko?

"Aantayin ko ang papa ko." Matigas kong sabi ngunit hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.

"Don't make me repeat it." Napasigaw ako dahil sa higpit ng hawak nya sa braso ko. May sinabi syang salita ng dahilan kung bakit kami napunta sa ibang lugar.

Nakita ko ang mga bagahe ko na nakapack na. Napatingin naman ako sa kanya at ang tingin na iyon ay nagtataka.

"Welcome to Starfall Academy." Ngumiti sya sa akin. Napatingin naman ako sa harapan ko. Isang napakalaking asul na gate agad ang bumungad sakin.

Hindi ako makapaniwala, isa ba itong kastilyo? Eskwelahan ba talaga 'to?

May sinabi na naman si Sir Mycroft kaya gumalaw ng kusa ang mga bagahe ko. Saan ito pupunta?

"Sundan mo ang bagahe mo. Sabihin mo ang pangalan mo at ipakita mo ang sulat na ibinigay ko sayo." Magtatanong na sana ako ngunit nawala na sya. Tangina bakit ba kapag magtatanong ako ay bigla syang mawawala. Punyeta!

Ginawa ko nga ang sinabi niya sinundan ko naman ang mga bagahe ko na lumulutang sa ere. Walang gaanong tao pero may mga naglalakad din at mukhang normal lang sakanila ito.

Hanggang sa huminto rin ang bagahe sa pag galaw pero nanatili silang nakalutang. Napatingin naman sa nakasulat sa taas.

The Feather

Napatingin naman ako sa babae na nakatingin na rin sa akin at nag aantay rin ata na ako ang unang magsasalita.

"Reiya." Ipinakita ko ang sulat na hawak ko tiningnan niya yun at saka may binigay sya saking badge.

"Movēre." Biglang gumalaw ang mga bagahe ko dahil sinabi ng babae. Iyon rin ba ang sinabi kanina ni Sir Mycroft kaya gumalaw ang bagahe ko?

"Sundan mo iyan at dadalhin ka sa dormitory mo." Napatango naman ako at sinundan nga ang mga bagahe ko na gumagalaw. Kinakabahan ako kung ano ang pwedeng mangyari sakin.

May mga nadadaanan naman akong nga student rin ata na katulad ko dahil lumulutang din ang nga bagahe nila.

Biglang bumagsak ang mga bagahe ko kaya ang alam ko ay nandito na ako sa sinasabi niyang Dormitory. Napaangat naman ako ng tingin at binasa ang nakasulat.

Supreme

Napakunot noo naman ako sa nabasa ko. Papasok sana ako ng bigla akong hinarang ng dalawang lalaking nagbabantay doon.

"Insigne honoris?" Napakunot noo naman ako sa tinanong nya dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Here's mine." Napatingin naman ako sa lalake na pinakita yung badge nya kaya nakapasok. Ginaya ko rin sya at pinakita ang badge kaya nakapasok rin ako.

Parang namumukhaan ko yung lalake na iyon. Hindi ko nalang inisip dahil hindi ko alam kung saan na ako pupunta pagkatapos nito.

"Hi." Napalingon naman ako sa lalake na nakasalamin at nakangiti sa akin ngayon. Di ko maiwasan obserbahan ang physical appearance nya.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa brown eyes nya.

"Hi." Binati ko rin sya pero di ako ngumiti. Nanatili lang siyang nasa harap ko at halatang may gustong sabihin.

"Bago ka ba dito?" Tanong niya at tumango naman ako. Napatingin naman sya sa badge ko at napangiti sya. "Parehas tayo ng Insigne." Tiningnan ko rin yung tinutukoy nya at parehas nga kami.

"Tara, tutal parehas naman tayo ng pupuntahan sumabay kana sakin." Mabuti naman at nag aya siya dahil hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang di sya tingnan.

Matangkad, moreno, at gwapo. Napatingin naman ako sa braso niya. Tumango-tango ako.

Bakit ba ako tumatango-tango?

"Ako pala si Velian Eryx Lyraciel, pero Vryx nalang." Tumango ako at inilahad nya ang kamay niya para makipagshake hands.

"Reiya, Reiya Noxshade." Inabot ko naman kamay nya at nakipashake hands. Ewan ko pero bakit biglang bumilis tibok ng puso ko? Dahil ba sa kaba? Siguro nga.

Binitawan ko na ang kamay nya at naglakad kami pareho. Pinagmamasdan ko ang kasama ko habang naglalakad. "Ang tangkad mo." Bigla syang napalingon sakin at ako naman napakunot.

"Nasa genes kaya matangkad ako." Nagprocess sa utak ko ang sinabi niya. Teka, nasabi ko ba iyon ng malakas sa kanya? Tangina akala ko nasa isip ko lang yun. Nakakahiya ka Reiya, pinutok ka nalang sana sa kumot.

Napansin kong natawa naman siya kaya napatingin ako at bigla naman syang huminto.

"Andito na pala tayo." Napansin ko na ito ay mga kwarto.

"Sa left ang boys room, well girls are always right." Ngumiti sya sakin pero mukhang may iba sa ngiti niya. Tsk kung ano-ano lang siguro iniisip ko.

"Sa insigne mo malalaman kung saan yung room mo. Kung may gusto ka pang itanong sa akin puntahan mo lang ako sa boys room. " Nauna na siyang umalis. Ang bait naman nya at napangiti nalang ako.

Hindi ko nalang siya nilingon at hinanap kung saan yung room ko. Tsk paano ba malalaman sa insigne yung room ko. Bakit ba di ko nalang tinanong sakanya kung paano? Fuck!

"Ehem, find!" Banggit ko pero walang nang yari.

"Abracadabra!"

"Tangina naman, paano ba'to?" Napakamot nalang ako sa noo ko.

"Oh hi, you need some help?" Napatingin naman ako sa babae at napanganga ako dahil sobrang ganda nya. Parang may nahulog na anghel sa harapan ko. Sobrang liwanag!

"Hindi ko kasi alam kung paano mahanap room ko." Sagot ko.

"Oh, just tap your insigne or badge then say the Ostende word." Ngumiti sya sakin bago sya umalis ginawa ko naman yung sinabi niya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay may biglang bumukas na pinto siguro eto na iyon.

Pumasok ako sa loob at napamangha dahil ang ganda ng kwartong iyon. Dito ba talaga ako? Sa loob ay may kama na ang katabi nito at may mini cabinet. Nakapatong naman ang isang lampshade doon. Meron ding isang malaking wardrobe.

Inilapag ko ang mga bagahe ko. Pag kalapag ko ay may nakita akong papel sa table. Binasa ko naman iyon.

"Say it when you need it." Tiningnan ko yung isa pang nakasulat.

Managed - to clean

Sino naman ang nagiwan dito? Mukhang sulat kamay. Tinago ko ang sulat sa bulsa ko.

Sinubukan ko sabihin yung nakasulat.

"Managed." Napapikit ako dahil baka may sasalubong sakin or baka may jumpscare.

Dinilat ko ang mata ko dahil nakita ko ang mga bagahe ko na nakabukas at nakalutang ang mga gamit ko at nilalagay yun sa wardrobe ko. Namangha naman ako at napangiti.

Hindi ko na kailangan mano-manohin yung pag-linis.

K I N A B U K A S A N

Nagising ako sa isang malakas na kalembang at hindi ko alam kung saan nang-gagaling yun. Bigla kong naalala na nasa dormitory na pala ako.

May kumatok sa pinto ko kaya nagmadali akong buksan. Napalaki naman mata ko na si Vryx iyon.

Paano niya nalaman kwarto ko?

"Pinapaabot sayo ni Professor Mycroft etong uniform mo." Napatingin naman sya sa suot ko at agad umiwas ng tingin.

Napatingin naman ako sa suot ko na naka see-through na dress. Putangina kita yung bra ko.

Kinuha ko kaagad ang damit at bigla ko sinara yung pinto. Wala ba silang babae dito na pwedeng magdala ng gamit, shutek.

Tiningnan ko ang uniform, kulay asul ito. Skirt at may long sleeve.

Biglang sumakit ang tenga ko dahil sa may speaker na maliit sa kwarto ko. "Announcement to everyone proceed to hall exact 9, late will not be forgiven." Yan ang narinig ko sa speaker kaya nagmadali akong nag-ayos at sinuot ang uniform

Kinuha ko ang badge at isinuot iyon sa damit ko. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Vryx na naghihintay sa akin sa gilid.

Bakit hindi pa sya nauna?

"Baka hindi mo alam ang hall." Napatango nalang ako kasi may sense naman yung sinabi niya.

Nagsimula kami maglakad at hindi ko napansin na ang gwapo niya lalo ngayon.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa hall at ang daming mga tao.

"Dito kalang sa tabi ko." Sabi ni Vryx at tumango naman ako. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil anlaki ng hall. May mga nagbubulungan na mga estudyante. Medyo maingay.

"Bakit pala tayo nandito?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin di ko maiwasang umiwas ng tingin.

"I don't know either pero mukhang i-wewelcome ang mga bago dito." Ngumiti sya sakin.

"Tanong ko lang ah, bakit ka pala lumalapit sa akin?" Tanong ko pero hindi naman nya iyon kinagulat.

"Bawal ba? I think sa lahat ng mga estudyante dito ay ikaw ang matino. This is my way to be friends with you." Tumango naman ako. Wala ba syang kaibigan?

"Well, fortunately ikaw lang ang magiging kaibigan ko kung nagkataon kapag gusto mo naman." Sagot nya.

"Ah oo , pwede. Friends tayo." Napangiti naman sya. Parehas pala kami na wala ring kaibigan. Siguro di naman masama na maging kaibigan ko sya.

Biglang tumahimik ang lahat ng may pumunta sa harap.

"Archstar or Headmaster." Napatango naman ako. Itatanong ko sana kaso naunahan ako ng sagot.

"Goodevening, I welcome those new students here. " Pumalakpak naman yung iba.

"Humanda ka dahil tatawagin ka." Napatingin naman ako kay Vryx. Ano? Tatawagin ako bakit? Di naman to recitation diba?

"I will call those new students, so please come here if I call you." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya, at mas lalo akong kinabahan dahil sa mga tingin ng mga tao or paranoid lang ako.

Hinawakan naman ni Vryx ang kamay ko. "Hey, it's ok. Bibigyan kalang ng coat. Every year yun." Nawalan naman ang kaba ko. Coat lang naman pala. Nakita ko naman yung suot nyang coat at may nakasulat na maliit.

S ang nakasulat. Ano meanong ng S?

"Ms. Phoebe Hamilton." Pumunta ang babae sa harap at ibinigay ang coat na may nakasulat na SP.

"Anong ibig sabihin ng SP?" Napalingon naman ako kay Vryx at ang lapit ng mukha ko sa kanya na ikinagulat nya rin kaya inilayo ko. Bakas din ang gulat kay Vryx pero sinagot nya pa rin ang tanong ko.

"Special ang ibig sabihin nun." Sagot nya na parang walang nangyare.

Ang dami ng natawag at karamihan ay R ang nakasulat ang sabi ni Vrys ay Regular iyon.

"Ms. Reiya Noxshade." Tumingin si Vryx sa akin kaya pumunta ako sa harap.

Hindi ko alam pero bakit ang daming bulongan noong pumunta na ako.

Binigay ng Archstar sakin ang coat at may nakasulat na S. Bumalik na ako sa pwesto namin ni Vryx at nakatingin yung iba sakin.

"Bakit sila tumitingin sakin?" Tanong ko kay Vryx.

"Don't mind them, tara?" Napakunot noo naman ako dahil saan naman kami pupunta?

"We have a class." Sagot nito, teka nababasa nya ba iniisip ko.

Class? Umpisa ba agad?

Ngumiti sya sakin. "Let's go?" Tumango naman ako.