Elliot's Point of View
They say the firstborn carries the legacy. In my case, I’m the only son of one of the most powerful businessmen in the country. I am Elliot Reyes Enrique.
Ever since I was young, I knew I had a role to fill. A shadow to follow. A name to protect. But despite all the expectations and the luxury around me, something was always missing. Maybe it started when I lost my mom. I was only seven. I didn’t fully understand it back then, pero ramdam ko agad na may nawala sa mundo ko na hindi na mababalik. Since then, I had to grow up faster. Act tougher. Smile less.
And even now, I still feel like I’m living up to everyone else’s dreams—except mine.
People think my life is perfect. I’m rich. I’m smart. I’m a future CEO. But they don’t know the war I’m fighting inside. Especially with someone who used to be my brother by bond, my cousin—Tyron.
We weren’t always like this. We were best friends. Closer than real brothers. But everything changed in senior high school. We both fell for the same girl. And guess what? She chose him. Not me. That’s when everything fell apart. He left her eventually... just like that. And I tried to forget her by forcing myself to move on. That’s when Yumi came into the picture.
She was my escape. She was sweet, calm, and everything I thought I needed. But no matter how hard I tried, I couldn’t love her the way she deserved. Kasi hindi naman siya ‘yung nasa puso ko.
No one really knew the real reason why I distanced myself. Why I became colder. Why I never stayed in one place too long. But now... things are changing again.
And maybe this time, it’s my turn to choose.
Nang makita ko ang dugo sa kamay niya, bigla na lang nawala ang inis na nararamdaman ko. Napalitan ito ng galit... sa sarili ko.
Ang kulit kasi ni Yumi, eh. Sinabi ko na ngang wala na kaming dapat pag-usapan, pero ayaw pa rin niyang tumigil.
At dagdag pa rito, itong si Tyron na epal!
Tsk, akala ko si Edward lang ang dapat kong bantayan. Pati pala itong isang 'to. Naiirita ako habang pinapanood si Tyron na inaalalayan si Avery paakyat.
Pero, teka lang... Bakit ba talaga ako naiinis? Di ba dapat nga magpasalamat ako na may nag-aalaga sa kanya?
Argh! I'm going crazy!
Napalingon ako kay Yumi na umiiyak.
"Siya ba? Siya ba 'yung sinasabi mo?" tanong niya habang humahagulgol.
Hindi ko siya sinagot.
"B-Bakit siya? He's gay. B-Bakit hindi na lang ako?"
Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa kanya nang masama. Walang ginagawa si Avery, pero dahil sa sinabi ni Yumi, parang na-insulto siya. Ako lang ang may karapatang mang-asar kay Avery, walang iba!
"Kung siya nga 'yun, wala kang pake. Now, get out. Don't wait for me to call someone to drag you out," mahina pero may tonong pagbabanta kong sabi.
She's still sobbing habang papalabas ng dorm. Wala akong pakialam. I don't feel sorry for her. I just don't like her romantically.
We're just friends now. Hanggang doon lang 'yon.
Pagkaalis niya, agad akong tumakbo sa kwarto namin ni Avery para i-check siya. I hope she's okay. Alam kong ayaw na ayaw niyang nasusugatan.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako dahil wala siya roon.
Tsk! That Tyron again!
Paglabas ko ng kwarto, sakto namang lumabas si Tyron mula sa kwarto nila. Bago niya maisara ang pinto, nakita ko si Avery—may benda ang mga daliri niya at tahimik lang na nakatingin sa sahig.
Sh*t!
Papasok na sana ako nang bigla akong pigilan ni Tyron.
Tinignan ko siya nang masama, at gano'n din siya sa akin.
"Lubayan mo muna si Avery," malamig niyang sabi.
Napatawa ako ng sarkastiko.
"And what makes you think I'll follow you?" sagot ko. Sino ba siya?
"Tsk, kahit ngayon lang, please. Nasaktan siya nang husto."
Makahulugan ang tono niya. Nakonsensiya ako pero hindi ko pinahalata.
"Shut up. Titignan ko lang siya kung okay na siya, and please, wala kang karapatan na utusan ako." Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
Akma ko nang bubuksan ang pinto nang hilahin niya ako nang malakas sa aking pulso.
Aba, g*go ka ba?!
Tumayo ako, handang suntukin siya, pero bumukas ang pinto. Napatigil ako sa mukha ni Avery na may simpleng ngiti pero kita pa rin ang sakit sa mga mata niya.
"Stop it," sabi niya. Agad kong binitiwan si Tyron at kinalma ang sarili.
"Sorry," seryoso kong sabi.
"‘Yan dapat, good vibes lang," sabi ni Avery.
Nagulat ako sa ngiti niya, pero alam kong pilit lang iyon. Masakit pa rin siguro ang nararamdaman niya dahil sa basag na baso, o dahil sa akin.
"Tulog ka na, Avery. Mag-uusap lang kami ni Elliot," sabi ni Tyron.
Kumulo ang dugo ko. Heto na naman ang drama ng gagong 'to!
"No! Tara na, Avery. Tulog na tayo," sabi ko sabay abot ng kamay sa kanya.
Naghintay ako, pero hindi niya inabot ang kamay ko. Lumingon ako at nakita siyang nakatitig lang dito.
"Pasensya na, Elliot. Dito muna ako kay Tyron. Magbo-bonding kami," sabi niya, ngumiti pa.
Masakit. Napahiya ako.
"Ah, ganun ba? Sige, bukas na lang ulit," sagot ko, pilit na ngumiti. Sana mapansin niya ang effort ko.
"May lakad din kasi kami bukas," dagdag niya.
Put*ng ina!
Tumalikod na lang ako para itago ang sakit.
Avery's Point of View
"Tara na, nood na tayo!" yaya ko kay Tyron.
Kanina pa ako pinipigilan ng sakit na nararamdaman ko. Ano ba 'to? Gising, Avery, gising!
"Wait lang, kukunin ko lang 'yung mga pagkain natin," sagot niya, sabay takbo pababa.
Umupo ako sa kama. Hanggang kailan kaya kami ganito? Hirap na hirap na akong magpanggap.
Pagbalik niya, may dala na siyang pizza at ice cream. Tumabi siya at inabot ang pagkain sa akin.
"Hey, Avery!" sabi niya.
"Ay, bakit?" sagot ko.
"Kanina pa kita tinatawag, eh. Tulala ka na naman!"
Kinabukasan, maaga akong nagising. Pumunta ako sa kwarto namin ni Elliot para kumuha ng damit. Nakita ko siyang natutulog.
Napahinto ako sa harap niya.
Bakit ang gwapo mo kapag tulog ka? Sana lagi ka na lang tulog para wala nang beast mode!
Nagising siya at bigla akong hinila sa tabi niya.
"Please, kahit isang minuto lang," sabi niya.
Pagdating sa school, naalala ko ang nangyari sa garden. Ano ba 'to, Avery? Bakit hindi mo maalis si Elliot sa isip mo?
Pagtingin ko sa bulletin board, nandoon ang mukha ko.
"I like you, Avery," ang nakasulat sa ilalim ng litrato ko.
Sino ang gumawa nito?!
Itutuloy...