WebNovelDetoxify26.32%

Chapter 9: Distance

Avery's Point of View

Dahil sa nangyari kanina, agad akong umuwi. Sobrang dami ng papuri na naririnig ko sa paligid, pero 'di ko ginusto na may nag-picture sa akin. Ang ganda lang kasi talaga ng kuha, parang professional ang kumuha. Dahil na rin siguro sa nangyari kanina, galit ding umuwi si Elliot.

Pagkauwi ko, dumiretso ako sa hapag-kainan para kumain kasama ang lahat ng nasa bahay.

"Ang ganda mo sa picture na naka-post sa bulletin board, Avery," nakangiting sabi ni Edward.

Napangiti naman ako sa papuri.

"Naku, 'wag mo akong binobola, ha. Baka kotongan kita," pabirong sabi ko habang kumakain.

Napansin ko namang tahimik lang sina Elliot, Tyron, at Tyler. Ang weird nila ngayon, parang naninibago ako sa mga inaasta nila. Dahil dito, tinapos ko agad ang pagkain ko at nagpaalam na magpapahinga na ako sa kwarto.

Napagdesisyunan kong bumalik na sa kwarto namin ni Elliot. Nakakahiya na kasi kay Tyron na parati akong nag-iistay doon para lang makaiwas kay Elliot.

Pagkatapos maligo at magsuot ng pajama, napansin kong bumukas ang pinto. Dumaan ang maamong mukha ni Elliot na parang may gusto na namang sabihin.

"Matutulog ka na agad?" malambing niyang tanong.

Tumango lang ako. Ayoko nang pahabain pa ang usapan namin. Umupo ako sa kama at sinimulang punasan ang basa kong buhok.

"Gusto mo, bar tayo?" alok ni Elliot.

Agad akong tumanggi. Sawa na ako sa alak-high school pa lang, napagdaanan ko na 'yan. I mean yeah, as a multitasker napapagsabay ko ang pag-aaral at gumimik. Umupo siya sa tabi ko at mas inilapit pa ang katawan niya sa akin.

"Sige na, baka kung ano pa ang magawa ko," sabi niya sa pang-aakit na tono.

Nagulat ako, kaya bigla akong lumayo.

"Pagod ako," madiin kong sagot.

Lumayo ako at humiga sa kama. Grabe ang pagod ko ngayong araw.

Bigla siyang tumayo sa harapan ko, at napansin kong kakaiba ang ekspresyon ng mukha niya, parang may balak na hindi maganda. Dahan-dahan niyang tinaas ang shirt niya, at nakita ko ang mga abs niya.

Sh*t!

Nag-iinit na ang katawan ko. Hindi ko kaya ang mga tingin niya at ang paggalaw niya na parang nang-aakit. Kaloka mga teh!

"Pag 'di ka sumama sa akin, baka may magawa akong hindi kanais-nais," sabi niya habang nakatingin nang direkta sa akin.

Napalunok ako at pilit na umiwas ng tingin. Hindi ko na kaya ang tension na nararamdaman ko, pero hindi ako susuko.

"Ayoko nga! At pwede ba, 'wag kang umasta nang ganyan sa harap ko!" banta ko.

Lumapit siya ng unti-unti hanggang halos magkadikit na ang aming mga labi. Sa sobrang kaba ko, hindi na ako makapagsalita.

"Isa..." nang-aakit niyang sabi.

Ano ba 'to?! Sasama na ba ako?

"Dalawa..."

Mas lalo siyang lumapit, at halos maubos na ang lakas ko.

"Tatl-"

"Oo na!" sigaw ko sabay tulak sa kaniya.

Halos mahulog siya sa kama.

Agad kong inayos ang sarili ko habang pilit kong binabawi ang lakas ko.

"Sasama ka rin pala, pinahirapan mo pa ako," sabi niya, sabay ngisi.

"Sa isang kondisyon," seryoso kong sagot.

Napataas ang kilay niya. "Ano 'yun?"

"Sasagutin mo ang tatlong tanong ko, at dapat totoo lang ang sagot mo."

"Game," mabilis niyang sagot.

Nagkatinginan kami, mata sa mata.

"Ikaw ba ang nag-post ng picture ko sa bulletin board?"

"No," malamig niyang sagot. Napaisip tuloy ako. Sino kaya?

"Kung hindi ikaw, kilala mo ba kung sino ang nag-post no'n?" seryoso kong tanong.

'Di siya agad sumagot. Napaisip ako habang kinakabahan. Tumagilid siya ng tingin bago nagsalita.

"Oo," mahina niyang sagot.

Napatayo ako sa excitement. Malalaman ko na rin kung sino!

"Sino?!" agad kong tanong.

Tinignan niya ako nang masama bago umiwas ng tingin.

"Ang daming tanong, ha. 'Wag kang abusado. Kaya magbihis ka na kung ayaw mong may gawin ako sa'yo rito," banta niya. Sira talaga.

"Damot! Tsk!" pagdadabog ko.

Napilitan akong magbihis para sa bar. Ayoko man, pero may isang salita naman ako.

Pagkabihis ko, bumalik ako sa kwarto. Nakita ko si Elliot na nakangisi, nakahiga sa kama, naka-ready na rin para umalis. Ambango niya tignan sa suot niya.

"Let's go?" tanong niya. Tumango na lang ako.

Pagdating sa kotse, sumakay ako sa likod.

"F*ck, it's raining," sabi niya.

'Di ko siya pinansin at tumingin na lang sa bintana.

"Dito ka sa passenger seat. Magmumukha akong driver 'pag diyan ka sa backseat," inis niyang sabi.

Tinignan ko siya nang masama pero lumipat pa rin ako ng pwesto para makaalis na kami.

"Happy?" sarkastiko kong tanong.

Tumawa lang siya, pero 'di ko na siya pinansin.

Habang nagbibiyahe kami, napatitig ako sa windshield. Ang bawat patak ng ulan, parang may hatid na kakaibang saya. Naalala ko ang bata pa lang ako, mahilig akong maligo sa ulan.

*Flashback*

I was eight years old when I first saw him.

It was at a wake. The air was cold, and the rain kept falling outside. I remember holding onto my umbrella, watching people come and go. Then I saw a boy sitting alone in the corner, away from everyone. His face looked... sad. Parang gusto niyang mag-isa.

Lumapit ako sa kaniya. I didn't even know why. Maybe because I knew what it felt like to be alone.

"Bakit nandiyan ka?" I asked softly.

He didn't look at me right away. "I hate rain," he muttered, hugging something close to his chest.

"Bakit naman?" tanong ko, kahit medyo naiilang ako.

"Feel ko malungkot ako. Namatay kasi ang mom ko habang umuulan... last year," he said, almost in a whisper.

My heart sank. I didn't know what to say. So, I just sat beside him. I didn't speak. I just stayed. Minsan kasi, hindi mo kailangang magsalita para makiramay.

Then, he turned to me and handed me a necklace. It had a small raindrop pendant, shiny and silver.

"Salamat, dinamayan mo ako," he said. "You're nice."

I blinked. "Sure ka bang sa'kin na 'to?"

He nodded. "Yeah. You look cute with it," sabay ngiti.

Napatingin ako sa kaniya. Totoo ba 'to? Napaka-sincere ng tingin niya. My cheeks felt hot. But I just smiled, trying to hide the small flutter in my chest.

"Okay lang. Salamat," I said, holding the necklace tightly.

I didn't say it out loud, but... I had a crush on him too.

Pero hindi ko inamin. Bata pa kami. At saka... baka iba lang din 'yung feeling. But deep down, I remembered thinking:

I hope he remembers me.

*End of Flashback*

Pagdating sa bar, nag-order ako ng drinks.

"Baka malasing ka," sabi ni Elliot.

"Kaya ko sarili ko!" inis kong sagot.

Umiling siya at lumipat ng table.

Tsk! Hambog talaga!

Itutuloy...