WebNovelDetoxify28.95%

Chapter 10: Dare

Avery's Point of View

Dahil sa ginawa ni Elliot ay hindi ko mapigilang mairita.

Sakto namang dumating ang mga alak, kaya agad akong uminom.

Sa sobrang bad trip, dinampot ko ang cellphone ko para mag-check ng socmed habang sunod-sunod na tagay ang ginagawa ko.

Ano bang problema ng hambog na 'yun? May nasabi ba akong mali?

Napatingin ako sa kabilang table kung saan naroon siya. Ang lakas talaga ng pull niya sa akin-sakto namang nakatingin siya pabalik.

Sa inis, tinaas ko ang isang shot ng whiskey at tumingin sa kanya nang may mapanuksong ngiti. Gusto ko siyang inisin, at mukhang effective dahil mas lalo siyang nagmukhang bad trip. Ngumiti ako nang todo para lalo siyang ma-irritate bago bumalik ang tingin ko sa harap ng table.

Pero napansin kong ubos na pala ang alak ko. After two hours, wala na akong iniinom. Kaya imbes na maghintay pa ng waiter, binayaran ko na ang lahat ng nainom ko at nagdesisyong lumipat sa may bartender para tikman ang iba't ibang klase ng alak.

Habang naglalakad papunta roon, napansin ko ang gulat sa mukha ni Elliot. Tila hindi niya nagustuhan ang paglipat ko, pero wala akong pakialam. I need a fresh vibe, away from him.

Pag-upo ko sa harap, agad akong nag-order.

"Lima ngang B-52," sabi ko. Tumango ang bartender at nagsimula na sa paghalo ng alak.

Habang hinihintay ko ang order ko, naputol ang pag-iisip ko nang biglang may nagsalita mula sa tabi ko.

"Excuse me, ikaw lang ba mag-isa?" alam kong ako ang tinatanong nito.

Napatigil ako. Nang tumingin ako, halos 'di ako makapagsalita.

Shet, ang gwapo. Model vibes, parang artista mga vebz!

Tumango lang ako.

"Pwede bang makiupo?" tanong niya.

"Hindi naman akin 'yang upuan, kaya bahala ka," sagot ko na may halong biro. May tama na rin ata ako since kanina pa ako umiinom.

Napangiti siya at umupo sa tabi ko.

"By the way, I'm Kiefer Solozon Domaria," pagpapakilala niya.

Ngumiti rin ako.

"Just call me Avery." saad ko pabalik.

Dumating na ang order ko, kaya agad akong uminom. Napahiyaw ako sa lakas ng tama, at natawa si Kiefer.

"Pwedeng makipag-usap habang umiinom? Nakakaboring kasi kapag mag-isa," sabi niya na parang may kasamang pilit na charm. Gets ba?

Dahil boring din naman ako, napatango ako.

"Drink this first," sabi ko habang inaabot sa kanya ang isa sa mga shots.

Pag-inom niya, napahiyaw din siya sa lakas ng hagod. Nagtawanan kami pareho.

Ang saya pala ng ganito, kahit saglit lang.

"Tara, lipat tayo ng table. Don't worry, my treat," alok niya.

"Sige, ikaw bahala," sagot ko nang tumayo siya. Sumunod ako, pero bago pa ako makalayo, napatingin ako sa gawi ni Elliot.

May kasama siyang babae. 'Yung babae noong dinala niya sa dorm last time. Biglang sumikip ang dibdib ko.

Wala naman akong karapatan, 'di ba? Sabi ko sa sarili ko, pero parang mas bumigat ang nararamdaman ko. Para akong natulala at hindi makagalaw.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napatigil ako, umaasang si Elliot iyon. Pero pag-angat ko ng tingin, si Kiefer lang pala.

"Are you okay?" tanong niya, may halong pag-aalala habang hawak niya ang pisngi ko.

"O-Oo, nahilo lang ng unti," pagsisinungaling ko. Naiwas ako ng tingin at sumunod na lang sa kanya.

Dadaanan namin ang table nila Elliot at ng babae niya. Babae niya?! Oa.

Ayusin mo sarili mo, Avery. Kunwari wala kang kilala.

Nakita ko sa gilid ng mata ko si Elliot na tila naiinis o galit. Kaya hinawakan ko ang braso ni Kiefer, parang nang-aasar.

Nasa kabilang table na kami nang may sumigaw, "Kiefer!"

Lumingon kaming dalawa. Ang babae ni Elliot ang tumawag.

"Yumi!" sagot ni Kiefer, at lumapit ito kay Yumi. Sinabihan ako ni Kiefer na sumunod, kaya napilitan akong sumama.

Paglapit ko, kitang-kita ko ang tingin ni Yumi sa akin, maldita at nakakasunog. Pero dedma lang ako at nagpaka-inosente.

"It's been a long time," sabi ni Yumi kay Kiefer.

"Naghahanap ba kayo ng table? Dito na kayo para mas masaya." Dagdag pa nito.

Wala akong nagawa kundi umupo kasama nila.

Ang awkward, shemay!

Habang nag-uusap sina Yumi at Kiefer, ramdam ko ang titig ni Elliot sa akin.

Hindi niya pinansin si Kiefer nang magpakilala ito kanina, at parang mas lalo akong nainis.

"Pano kayo nagkakilala, Kiefer, ni Avery?" tanong ni Yumi, at alam pala ng babaeng 'to ang pangalan ko.

"Nakilala ko lang siya kanina. Mukha kasing wala siyang kasama kaya nakipag-kaibigan ako," sagot ni Kiefer.

Napangiti ako. At least, genuine ang vibes niya. 'Di tulad ng hambog na 'to na nag-yaya pero iniwan din naman ako mag-isa. Tsk!

"Tsk, friend nga ba?" mahinang bulong ni Elliot, pero dinig ko. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Nakaka-irita talaga!

Pagkatapos ng ilang tagay at awkward exchanges, si Yumi ang nag-suggest ng spin the bottle.

Everyone agreed, pero alam kong maraming tension ang mangyayari. I just know it.

Nang tumapat ang bote kay Elliot, sumimangot agad si Yumi.

"Truth or dare?" tanong niya na may halong landi. 

"Truth," diretsong sagot ni Elliot.

"Do you still love me?" agad na seryoso niyang tanong.

Ramdam ko ang bigat ng tanong, lalo na't namumuo na ang luha ni Yumi. Pero ang sagot ni Elliot?

"No." walang pagdadalawang isip nitong saad. 

Napapikit na lang ako at nagdasal na sana'y matapos na ang gabi.

Ramdam ko ang kirot sa sagot na 'yon. Biglang pumatak ang luha ni Yumi, pero agad niya itong pinunasan. Tahimik siyang ngumiti at pinaikot ang bote.

Tumapat ito kay Yumi.

"Ako na ang magtatanong," sabi ko.

"Uhm... ano ang reason kung bakit kayo naghiwalay?" tanong ko nang deretsahan. Ewan ko ba, bigla na lang pumasok sa isip ko. Curiosity? Maybe.

Nag-iwas ng tingin si Yumi. Parang nag-iipon ng lakas ng loob.

"Natukso lang ako. Aaminin ko, I enjoyed that night na may nangyari sa amin ng ex ko. Pero napagtanto ko na mali iyon... and I'm sorry, Elliot. I was drunk that night."

Naramdaman ko ang galit... pero awa rin. Tumingin ako kay Elliot at tahimik lang siya, pero halata sa mukha niya na apektado rin.

"Sorry kung natanong ko 'yun," sabi ko. "I know, I was insensitive." dagdag ko pa. Epekto na rin siguro ng alak.

Ngumiti lang siya at pinaikot ang bote.

Tumapat naman ito kay Elliot.

"Truth or da-" hindi ko na natapos pang sabihin dahil agad na nagsalita si Elliot.

"You," agad niyang sabi.

Ugh. Nakakaasar. Ex niya katabi niya tapos ako pa rin ang binabanatan.

"I'll take that as a dare. Gusto ko i-kiss mo sa noo si Yumi," sabi ko. Jusq, kung ano-ano na lang talaga naiisip ko. Ganito po talaga ako 'pag naka-inom.

Napatingin si Yumi sa akin. Kita kong parang nahihiya siya pero may kilig rin. Nginitian ko siya ng konti. 

"Bakit 'di na lang ikaw ang i-kiss ko?" pang-aasar ni Elliot sa akin.

"Alam mo pa sa nag-uutos sa 'yo. Bilisan mo na at iikot ko pa 'to. Nalalasing na ako rito," sabi ko.

Tumayo si Elliot, tumingin muna sa akin, tapos mabilis na hinalikan si Yumi sa noo.

Pero ang sakit. 'Di ba dapat okay lang 'to? Kasalanan ko rin naman. Argh, tanga mo!

Ako na ang nagpaikot ng bote at tumapat ito sa akin.

"Dare na 'yan," pang-aasar pa rin ni Elliot.

"Oo na," irita kong sagot.

"Okay! Let me kiss you on the lips," saad ni Elliot na para bang ang simple-simple lang no'n. Lasing na ang bakulaw na 'to!

Lumakas ang kabog ang dibdib ko. Kita naman ang gulat sa mukha ni Kiefer at Yumi.

Dahan-dahan siyang lumapit. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Ilalapit na niya ang labi niya sa akin-

Pero bigla kong nakita si Yumi, umiiyak.

Para namang tinusok ang puso ko.

Agad kong tinulak si Elliot.

Agad kong kinuha ang gamit ko at umalis nang walang pasabi.

Ayokong makasakit ng tao.

Narinig ko pang tinatawag ako ni Elliot pero 'di ko na siya nilingon.

Pag-uwi, naligo agad ako at nagbihis upang mahimasmasan. Just when I thought tapos na ang lahat, biglang bumukas ang pinto.

Si Elliot. Lasing na lasing.

Agad siyang humiga sa kama at hindi man lang nag-alis ng sapatos at jacket. Napailing ako, pero nilapitan ko pa rin siya.

Tinanggal ko ang sapatos niya. Jacket next.

Nang matanggal ko na ang jacket, nagulat ako dahil nakamulat na siya.

"I really don't know why you're so damn hot and pretty in a simple way. There's really something about you," bulong niya.

Napatingin ako. Ang lambing ng boses niya. Sobrang sincere.

Hinawakan niya ang kamay ko, sabay pumatong sa akin.

Nanetong damuho na 'to, ang bigat kaya niya!

"Napapano ka ba?!" irita kong tanong. Ang bigat niya, promise. Pero 'di siya sumagot at nakatingin lang.

"Sorry sa gagawin ko..."

At bago pa ako makapag-react, hinalikan na niya ako sa labi.

Parang huminto ang mundo.

Humiwalay siya at inayos ang buhok ko.

"'Di mo pa natatapos ang dare ko... kaya ginawa ko na. Let's sleep."

At buong gabi, hindi ako nakatulog nang dahil sa kaniya.

Itutuloy...