WebNovelDetoxify31.58%

Chapter 11: Fading

Avery's Point of View

Dahil sa nangyari kagabi, hindi ako halos nakatulog. Naiisip ko pa rin ang halik ni Elliot.

Seryoso ba 'yun o epekto lang ng kalasingan?

Pagmulat ko ng mata, nakita ko siya sa kabilang kama, mahimbing pa rin itong natutulog.

Pinilit kong umiwas ng tingin at agad na nagbihis.

Shet Avery, panaginip lang ba 'yun? Tanong ko sa sarili ko habang pababa sa kusina.

Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Edward na abala sa pagluluto. Lumapit ako sa kaniya, at halata ang gulat sa mukha niya.

"Aga mo atang nagising?" tanong niya, tila nagtataka.

Napatawa ako sa reaksyon niya. "Oo nga eh. Anong niluluto mo?"

"Ahh, omelet at bacon," sagot niya na may ngiti. Tiningnan ko ang niluluto niya, at ang bango nito, nakakatakam!

"Wow, mukhang sobrang sarap niyan, Edward," sabi ko na may papuri. Napangiti siya, kaya ngumiti na rin ako.

Lumabas muna ako bago mag-almusal, naisipan kong maglakad-lakad sa labas ng dorm. Nag-unat ako at naglibot, hanggang sa may makita akong maliit na cute na puppy. So adorable!

Lumapit ako rito, at walang naghanap sa kaniya. Kinuha ko siya at naupo sa tapat ng dorm.

"Ang cute mo naman!" sabi ko habang nilalaro siya. Dinidikit pa niya ang ulo niya sa kamay ko, parang gusto niya na ako agad. Napansin ko ang collar niya na may nakasulat.

"Kiff," basa ko. Wow, parang kiffy ang atake.

"Ang cute naman ng pangalan mo, baby Kiff!" pagkausap ko sa aso kahit alam kong hindi 

Habang nag-e-enjoy ako sa paglalaro kay Kiff, narinig ko ang boses ng isang lalaki na tumatawag sa pangalan niya. Agad akong tumingin sa pinanggalingan ng boses, at laking gulat ko nang makita si Kiefer!

"Thank God, I found you," sabi niya habang nakatingin sa akin at kay Kiff.

"Hey, Avery, right? Thank you for keeping my dog," sabi niya, sabay ngiti. Grabe, ang gaan talaga ng vibes ng lalaking 'to.

"You're welcome. By the way, dito ka rin ba naka-dorm?" tanong ko, curious lang po.

"Ahh, oo. Malapit lang dito, pangatlong street mula rito," sagot niya.

"Nice, kapitbahay pa pala kita! At least may kakilala na ako," sagot ko. Nagtawanan kaming dalawa, at binigay ko na sa kaniya si Kiff.

"It's really nice to see you again, Avery," sabi niya, habang nakatingin nang diretso sa akin.

Parang may double meaning ang sinabi niya, pero dedma na lang.

"Kain na tayo. Pasok na!" biglang sabi ni Elliot na nandito na rin pala. Halatang seryoso ang mukha niya, kaya agad akong tumayo.

"Ah sige, mauna na muna ako Kiefer. See you!" pagpapa-alam ko kay Kiefer.

Naunang umalis si Elliot kaya sumunod na rin ako sa damuhong 'to.

"You don't have to do that," sabi ko habang sinusundan siya papasok.

"Do what?" tanong niya na hindi man lang tumitingin saakin.

"Tsk! Hindi mo kailangang sigawan si Kiefer. Para tuloy bastos ang dating mo," saad ko na may pagka-irita.

Huminto siya at tiningnan ako nang masama. "Edi dun ka sa lalaki mong hinog," malamig niyang sabi bago ako iniwan nang tuluyan.

Lalaki ko? Abnormal ba talaga 'tong kurimaw na 'to?

Pagkarating ay umupo na ako sa hapag-kainan, katabi si Tyron.

"Musta na, Tyron?" tanong ko, sabay ngiti.

"Okay lang naman," simpleng sagot niya habang kumakain.

"Bakit parang 'di ka namamansin lately, hmm?" tanong ko ulit.

"Masyado ka lang kasing busy, kaya 'di tayo nagkakausap. By the way, nakuha tayo sa audition natin sa Performing Arts Dance Club ng school, 'di ba?"

Nag-abot siya ng isang gold ticket. Kinuha ko ito at binasa.

Welcome to the Performing Arts Dance Club!

You passed the audition.

We'll have a gathering this Saturday to choose our president. See you there, and congratulations!

"Omg! Sana ikaw na lang ang mapili, Ty. Ang galing mo kaya!" sabi ko. Napangiti siya at ginulo ang buhok niya.

"'Di naman. Mas ikaw 'yun. First time ko nga maka-encounter ng feminine dance style sa Hendrix University, lalo na't all-boys school ito," sagot niya, tila may halong paghanga.

"Oo nga, no? Pero ikaw pa rin dapat ang president. You're the best," sabi ko, sabay tawanan kami.

"Tsk! Parang kayong dalawa lang ang tao dito, ah. Kumain kayong dalawa, 'wag puro satsat!" sabat ni Elliot.

Napaka-hambog talaga ng ugok na 'to.

"Ingetero. Palibhasa walang talent," bulong ko.

"For your information, I'm the captain ball, not just in basketball but the president in the sports club, too," sagot niya, tila nang-aasar.

*Kinabukasan*

Excited akong gumising kinabukasan. This is the day mamimili kami ng president para sa Performing Arts Dance Club. Nagbihis ako agad, at gaya ng dati, nakita ko na naman si Elliot na natutulog.

Hays, mukha talaga siyang mabait 'pag tulog.

Binalewala ko na lang at kumatok sa kwarto nila Tyron.

Paglabas ni Tyron, bagong ligo siya. Ang linis niyang tingnan sa puting t-shirt at black pants.

"Sasabay ka ba saakin, Avery?" Sheesh, ang pogi rin talaga ng isang 'to mga atih!

"Oo, tara na, sabay na tayo," sabi ko nang mahimasmasan.

Pagdating namin sa meeting, ang unang bahagi ay tungkol sa expectations bilang Performing Arts dancers. Na-excite ako nang malaman na part kami ng mga official school events at competitions.

Dumating na ang nomination ng president. Tahimik ang lahat. Nagulat ako nang biglang magtaas ng kamay si Tyron.

"I nominate Avery for president," sabi niya, walang pag-aalinlangan.

Napatitig ako sa kaniya. Ano bang trip nito?!

Pagboto, halos lahat ng cards ay inilagay sa box ko.

"So, I think we have a new president. Congratulations, Avery!" sabi ni Ma'am Jessica, sabay abot ng isang box.

Pagbukas ko, nandun ang yellow gold na costume at matching shoes.

"Ang kulay ng iba ay silver, pero ikaw lang ang naiiba dahil ikaw ang president nila," sabi ni Ma'am Jessica.

Napangiti ako at napaisip. This is going to be a crazy ride.

Itutuloy...