WebNovelDetoxify34.21%

Chapter 12: Escape

Avery's Point of View

Dahil sa nangyari kahapon, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over. I mean, hello? Ako na ang president ng Dance Club!

'Di ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Seryoso, hindi ko pa yata fully naiintindihan kung anong responsibilidad ang kaakibat ng title na 'yon. Pero eto, umaga na naman at may nakapatong sa katawan ko.

May kung anong bigat sa dibdib ko kaya napadilat ako.

"Bwisit..." bulong ko.

Pagtingin ko, si Elliot! Nakayakap siya sa akin na parang unan.

Literal. Na. Unan.

Parang sinanay niya na sarili niya na ganito matulog sa 'kin! Halos hindi na ako makagalaw. Jusko, mapipisat ata ako sa sikip ng pagkakayakap niya.

"Amoy alak na naman 'tong lalaking 'to," reklamo ko habang pilit inaalis ang braso niya. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap.

Aysus Maryosep, para na akong lumpiang nabalot sa yakap.

Inatras ko ang katawan ko nang todo para maabot ang phone sa bedside table. Stretch pa more, Avery. Finally, nakuha ko rin.

"Salamat naman at nakuha ko..." bulong ko, sabay silip sa screen.

4:00 AM. Ang aga pa. For sure, hindi pa nagluluto si Edward ng almusal. Kaya imbes na bumangon, pinikit ko na lang ulit ang mata ko, hoping to get a bit more sleep.

Pero bigla kong narinig, "You changed a lot."

Napadilat ako agad.

Si Elliot. Gising siya? Pagtingin ko sakaniya ay nakapikit pa ito.

Tinitigan ko siya at doon ko lang talaga napansin... ay hindi! Lagi naman kase ata, ang gwapo niya. Hindi ko alam kung epekto lang ng liwanag ng lampshade o ng alak, pero he looked like an angel. Yung tipong mahirap paniwalaang tao lang siya.

Over naman sa papuri!

May nakita akong maliit na dumi sa pisngi niya, so aabutin ko na sana gamit ang daliri ko nang...

"What are you doing?" bulong niya, sabay dilat.

"Uhm... Kasi may dumi," sabay tulak ng bahagya sa kanya para kumalas.

"Sorry, nakayakap pala ako," ngisi niya.

"Tsk. Okay lang," sabay tayo ko para ayusin ang suot ko. Okay nga lang ba talaga?

"Aga mo ata nagising," sabi niya habang inayos din ang sarili.

"Ewan ko nga rin," sagot ko.

"Masarap ba akong kayakap?" tanong niya, sabay tingin sa akin na may ngisi. BOOM. Nag-init agad pisngi ko. Inis ako sa sarili ko kasi I felt it-I was blushing.

"H-Hindi ah, bigat mo nga eh," pagtatanggol ko.

"Bakit parang nagbu-blush ka?" Napahawak ako sa pisngi ko. Shocks. Mainit nga.

"A-Ano... 'Di kaya!" sabay iwas tingin. Grabeng hirit 'to.

Tahimik kami pareho habang nagce-cellphone. Pero naramdaman kong unti-unting lumalapit si Elliot. Nilingon ko siya, at ayun nga, nakangiti pa habang tumatabi sa akin. Ano na naman 'tong trip mo, Elliot?

"Anong ginagawa mo?" tanong ko, kunwari seryoso.

"Masama bang tumabi?" he smirked.

"Hindi naman, pero... masyado kang malapit." Umusog ako ng konti, pero parang wala lang sa kanya.

"Ayan, anong oras na?" sabi niya. Sinilip ko ang phone.

"4:20 pa lang." saad ko.

"Tara sa garden. Kape tayo," yaya niya.

"Tara, sige." Bumaba ako sa sala habang hinihintay siyang sumunod.

"Sige, una ka na sa labas. Gagawa lang ako ng kape," sabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Gagsti. Bigla akong natulala. Yung ngiting 'yon... parang napanaginipan ko na.

Umupo ako sa upuan sa garden at binuksan ang phone ko.

Pero hindi ko na mabasa nang maayos ang screen. Yung ngiti niya kasi kanina, parang hindi mawala sa isip ko.

Madalas kasi akong managinip na may kasamang lalaking hindi ko maaninag ang mukha, nasa beach kami, holding hands, naghihintay ng sunset. Pero laging blur. Ngayon, ewan ko, parang si Elliot 'yun. Jusq, para kang ewan mhie!

"Here you go," bati ni Elliot habang inaabot ang isang mug ng kape.

"Thank you," sagot ko sabay ngiti. Sabay kaming humigop ng kape.

"Ang sarap sa feeling, 'no?" sabay tanong niya habang nakatingin sa langit.

"Tama ka," sagot ko. Napangiti ako habang tumitingin din sa ulap.

"Sana ganito palagi..." dagdag niya.

"Yung 'di tayo nag-aaway?" tanong ko. Napatawa kaming dalawa.

Grabe. Isang buwan na pala ako rito. Ang bilis ng panahon. Dati para kaming aso't pusa, ngayon...

"Tsk. Hirap mo pa lang kausap," bigla niyang sabi.

"Bakit na naman?" tanong ko, sabay lingon.

"Wala. Ubusin mo na lang kape mo," sabay ngisi.

Humigop ako. Mainit pa rin, pero saktong sakto sa lamig ng umaga. Nakangiti ako nang mapansin kong nakatingin siya sa akin.

"Sarap 'no? Sarap ko talaga." saad niya bigla.

Shemay! Napalingon ako agad sa opposite direction.

"I mean, 'yung pagkakagawa ko sa kape..." dagdag pa niya. Nahuli ko siyang medyo namumula. Uy, nahiya siya. Cute.

"May tanong ako," sabi ko.

"Go on." saad niya pabalik habang inaantay ang tanong ko.

"Maganda ba ako?" Hindi ko alam kung bakit ko 'to tinanong. Bigla siyang natahimik.

"E-Ewan. Siguro... Hindi," sagot niya.

Ang lakas ng sigaw niya sa 'HINDI'. Parang tinusok ang confidence ko. Napayuko ako, medyo nalungkot.

"Pero... Oo. Maganda ka. Kasi simple ka," bigla niyang dagdag.

Napatingin ako sa kanya, sakto naman, tumayo siya at iniwan ako sa labas.

Kinikilig ba ako? Shet, bakit ganito?!

Inubos ko ang kape habang pinapanood ang sunrise. Ang ganda. Ang payapa. Parang gusto ko na lang laging ganito.

Pagpasok ko, andun na sina Edward, Tyler, at Tyron. Nagkukwentuhan sa sala.

"Good morning, people!" bati ko.

"Morning," sabi ni Tyron.

"Good morning, ganda," singit ni Tyler sabay ngisi.

"Thank you, pangit!" sagot ko. Tawanan naman silang lahat.

"Biro lang, pogi!" dagdag ko.

"Did you hear that, guys? Tinawag ako ni Avery na pogi!" yabang ni Tyler.

"Oo na, oo na," sabat ni Edward.

"Hi, Pres," bati ni Tyron.

"Pres?" gulat ni Edward.

"Yeah. Si Avery ang bagong presidente ng Dance Club," sagot ni Tyron.

"Wow! Congrats, ganda!" sabi ni Tyler.

"Libre ka naman!" dagdag ni Edward.

"Oo na. Ako na bahala sa dinner mamaya," sagot ko.

"Good," ani Tyron.

"Tsk,ikaw talaga!" sabay tawa ko. Lahat kami natawa pero tumigil ang lahat nang marinig ang boses sa likod.

"You look so happy," sabi ni Elliot. Lahat napalingon.

"Manglilibre kasi si Avery," sabat ni Tyron, pero parang may bahid ng lamig ang ngiti ni Elliot.

"Okay, just be careful, Tyron. Mahirap nang makaalis kapag nalalaglag ka na sa bangin," makahulugang saad niya.

What does that even mean? Napatingin si Tyron kay Elliot, kita sa mata niya ang inis.

"Avery, mag-ayos ka na. May pasok ka pa," sabat ni Elliot.

Tumango ako agad. Ayoko nang may suntukan na naman.

Pag-akyat ko, sinundan ako ni Elliot. May tensyon. Lumingon ako.

"Bakit ganyan mukha mo?" tanong niya.

"Ano na naman 'yung kanina? Inaaway mo na naman si Tyron." saad ko.

"Ikaw ba si Tyron? Bakit ka affected?" malamig niyang tugon.

"Basta, ayoko ng ganito. Ang awkward sa bahay kapag nag-aaway kayo." sagot ko.

"Eh 'di 'wag kang makisali," asik niya.

"Pwede namang pag-usapan nang maayos, 'di ba? Hindi 'yung nagmumukha kayong magkakaaway sa iisang bubong." depensa ko.

"Tsk. May gusto ka lang kay Tyron kaya pinagtatanggol mo."

Napahinto ako. Ang bigat ng sinabi niya.

Wait, what?

Bakit parang... nagseselos siya?

Itutuloy...