Avery's Point of View
Dahil sa sinabi ni Elliot ay nag-iba ang sistema ng katawan ko.
'Yung tipong gusto kong magpaliwanag sa kaniya, gusto kong ipamukha sa kanya na kaibigan ko lang talaga si Tyron, pero paano ko nga ba gagawin 'yon? Tsk. Ano ba, Avery. Wala ka ring karapatan. Hindi mo siya pag-aari.
Agad akong naligo. Medyo malamig ang tubig pero wala akong pakialam, mas gusto ko 'yung giniginaw ako kaysa 'yung pinapawisan ako sa init.
Habang naliligo, paulit-ulit kong naririnig sa utak ko 'yung sinabi ni Elliot. "May gusto ka lang kay Tyron kaya pinagtatanggol mo siya."
Pagkababa ko, nakita kong tahimik ang apat na kumakain. Walang imikan. Napa-buntong hininga ako.
"Bye guys, una na ako," paalam ko sa kanila habang inaayos ang bag ko. Sabay-sabay silang tumango, maliban kay Edward na biglaang tumayo.
"Wait, sabay na tayo Avery," saad niya habang mabilis na kinuha ang bag niya.
Tumango lang ako. Pagkalabas namin, naghintay ako sa labas habang inilalabas niya ang kotse niya. Hindi ako mapakali. Ang daming tanong sa utak ko. Pero wala pa ring sagot. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtanong.
"Tara," yaya ni Edward habang binubuksan ang passenger door. Pumasok na ako.
Habang nagda-drive siya, ako naman ay busy sa phone. Nag-post ako ng recent selfie ko. Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto, may mga comments agad.
"Ang ganda mo riyan sa picture na 'yan," saad ni Edward na may halong paghanga. Napangiti ako. Ang sweet naman.
"Thank you, Edward," balik ko sa kaniya na may bahagyang kilig sa boses.
"Kaso nga lang, medyo sablay 'yung framing. Dapat kasi pantay ang space sa gilid. Unless may subject kang sinasadyang i-highlight. Tsaka, against the light pa siya, medyo blurred," seryosong saad nito na para bang isa siyang photography mentor.
Napakunot-noo ako. Parang may something. Parang may tinatago siya.
"Ang dami mo namang alam sa pag-picture. Haha," natatawa kong saad para hindi mahalata ang duda ko.
"Sakto lang. Kagaya mo, president din ako. Editor-in-chief ng campus journalism," proud niyang sabi.
"Wow talaga? Mahilig ka rin ba sa mga candid shots, mga stolen moments?" usisa ko na may halong pang-uusig.
Natahimik siya. Parang nabigla. Nakita ko sa gilid ng mata ko 'yung tension sa ekspresyon niya.
"Ahh, hindi naman masyado. Madalas hindi ako 'yung photographer, actually," pag-iwas niyang paliwanag.
"Ah ganun ba? Pero kung hindi ikaw, eh sino? 'Di ba president ka? So ibig sabihin alam mo kung sino 'yung nag-post ng picture ko?" panunulsol ko pa.
Hindi siya sumagot. Bagkus, ngumiti lang siya. Pero para sa akin, parang pilit ang ngiti niya.
Napatingin ako sa likod ng kotse. May camera, isang magandang DSLR.
"Edward, sa'yo ba 'yang DSLR na 'yan?" sabay turo ko sa likod.
"Ahh... oo, binili ko dati pa," sagot niyang halatang nag-a-alangan.
"Pwede ko bang makita 'yung mga pictures na nandiyan?" tanong ko habang kinukuha na ang camera. Nahalata kong nataranta siya ng konti.
Bigla namang namatay ang camera.
"Ahh... lowbat nga pala iyan. Hindi ko pa na-charge eh," sagot niya na parang nakahinga ng maluwag.
"Edawrd, may tanong pa ako," seryoso kong sabi.
"Ano 'yon?" sagot niya.
"President ka ng journalism club, right? Kilala mo siguro kung sino 'yung nag-post ng picture ko. May kinalaman ka ba doon?" tanong ko agad.
Napansin kong bigla siyang natahimik. Bumilis ang pagpapatakbo niya ng kotse.
"Sorry, hindi ko talaga alam. Tara na," pag-iiba niya ng usapan.
Dumiretso na kami sa school. Hindi na ako nagtanong pa. Pero ramdam ko, may itinatago siya.
"Mauna ka na Avery, may aasikasuhin lang ako sa club," sabi niya.
Tumango lang ako at naglakad papuntang classroom. Kaunti pa lang kami roon. Kumuha ako ng notebook at nanghiram ng lecture sa classmate ko. Busy akong nagsusulat para may ma-review ako mamaya. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko kung sino ang kumuha ng picture na 'yon.
Dumating na ang iba. Sakto namang tapos na ako sa notes.
"Mukhang pagod ka agad, ah?" bati ni Tyron na may kasamang ngiti.
"Kakatapos ko lang magsulat ng lecture. 'Di kasi ako nakapagsulat kahapon," paliwanag ko.
Bigla niyang pinitik ang noo ko.
"Aray ko!" arte kong reklamo habang hawak ang noo.
"Katamaran kasi," balik niya.
"Okay, from now on, parati na kitang pipitikin kapag hindi mo ginagawa ang dapat mong gawin," sabi niya na may seryosong tono pero may lambing.
Napangiti ako. Ang sweet niya. Parang kuya vibes na hindi.
"Tsk! Kala mo girlfriend niya na kung maka-akto," saad ni Elliot mula sa gilid ng room. Napalingon kaming lahat.
Bumuga ako ng hangin.
"Baliw. Nagsasalita mag-isa ang hambog," bulong ko sabay tawa nang mahina.
"Anong sabi mo? Ako baliw?!" sigaw niya habang tumatayo.
"Ikaw ba? Ikaw ba? Satsatero! Kalo mo kausap, eh. Hambog!" sigaw ko rin. Heto na naman kami. Tumawa naman ang buong klase. Nagtititigan kami ni Elliot.
"Hindi ako hambog! Ikaw nga feeling bossy sa loob ng kwarto!"
Tumahimik bigla ang paligid. Narealize naming pareho, baka nalaman na ng iba na magkasama kami sa isang kwarto. Agad akong umupo. Namula ako sa hiya.
"Kahit kailan talaga ang daldal mo. 'Yan tuloy, nalaman nila," bulong ko.
"Anong pake nila? May ginagawa ba tayong masama?" seryosong balik niya.
"Ahh... wala naman," nahihiyang sagot ko.
"O. 'di 'wag ka na mahiya," saad niya bago pumasok ang teacher.
*Dismissal*
Naglabasan na lahat maliban sa akin. Inayos ko pa gamit ko nang biglang tinawag ako ng isang teacher.
"Avery, can you give this to Mr. Salvador sa journalism club?"
"Okay po, Ma'am," sagot ko.
Pagdating ko sa office, kumatok ako pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako, wala pa rin. Tinry kong pihitin ang knob at bukas naman ito. Binuksan ko ang ilaw at napanganga ako sa mga litrato sa loob.
Ang gaganda. May mga pangalan sa bawat ilalim ng frame, lahat may credits. Pero may isa akong nakita sa dulo...
'Yun 'yung picture ko.
Walang pangalan. Pero may nakasulat sa ilalim:
"In a world full of judgmental people, there's one-person existing keep on fighting with a smile."
Napalunok ako. Hinawakan ko ang frame. Sa mga katabing picture, puro pangalan ni Edward ang nasa baba.
"Si Edward kaya?" tanong ko sa sarili ko.
Biglang may boses sa likod.
"What are you doing here?" boses ng isang lalaki. Napasigaw ako sa gulat.
"I-I'm here to give this note to Mr. Salvador," sagot ko agad habang humarap.
"I'm Mr. Salvador," sabi niya habang kinukuha ang notes.
"Okay. You can leave," malamig niyang tugon.
Kinuha ko ang bag ko.
"Thank you and sorry for coming in without permission, sir," sabi ko habang palabas na.
"Tama nga siya, you are beautiful inside and out. You can go home now."
Sino kaya 'yung 'siya'?
Itutuloy...