WebNovelDetoxify39.47%

Chapter 14: Teammates

Avery's Point of View

Simula nung sinabi ni Sir Salvador ang mga salitang, "Tama nga siya, you are beautiful inside and out," hindi na iyon nawala sa isip ko.

Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko 'yung eksaktong tono ng boses niya, 'yung pagkakatingin niya habang sinasabi 'yon. Pero mas lalo akong nababaliw sa tanong kung sino kaya ang nagsabi noon kay Sir?

"Ang hirap naman manghula kung sino!" sigaw ko sa loob ng kwarto sabay sabunot sa buhok ko. Naiinis na ako. Sobrang dami nang nangyayari sa paligid ko na hindi ko maintindihan.

At dagdagan mo pa 'yung picture ko na kumalat sa buong campus. Jusko! Nubayan, parang teleserye na 'to sa true lang!

"Hey!" tapik ni Tyler sa balikat ko, sabay upo sa tabi ko.

"Hello, pogi," sabay balik ko, kunwaring chill habang nagpapatuloy sa pag-swipe sa phone.

"Is there any problem, ganda?" tanong niya, ramdam kong genuine 'yung pagka-concern sa tono ng boses niya.

"W-Wala naman," sagot ko. Pero halatang may tinatago akong something.

"Mukhang meron, eh," pamimilit niya ulit, sabay turo sa akin ng kilay niyang laging nakataas kapag curious siya.

Bumuntong hininga ako. Inayos ko ang upo ko at hinarap siya.

"Naguguluhan na kasi ako, Tyler, sa mga nangyayari. Una, 'yung sa picture ko na kumalat sa buong campus. Pangalawa, si Sir Salvador, sinabi niyang 'Tama nga siya, you are beautiful inside and out.' Pangatlo, may isang lalaking 'di ko alam kung ano talaga ang gusto niya. Nalilito na ako," yumuko ako habang sinasabi ko iyon, parang biglang bumigat lahat ng iniisip ko.

Biglang nag-salita si Tyler, "Ang hirap!" sarkastikong saad nito.

Napakunot noo ako. "Ang hirap?" ulit ko sa kaniya, halatang litong-lito na.

"Oo, ang hirap. 'Di mo nararamdaman yung galaw ng ibang tao. 'Di ka pa rin nakakahalata," sagot niya na parang naiiyak sa frustration. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya, inis, o nasasaktan. Lalong lumalim ang misteryo.

"Hindi kita maintindihan. Diyan ka na nga. Pinapasakit mo lang ulo ko," sabay tayo ko at kinuha ang bag. Wala na akong lakas makipagsabayan pa sa mga malabong sagot niya.

Habang paakyat ako sa hagdan papuntang school building, nakita ko si Elliot na nakatayo sa dulo ng hagdanan. Mukhang naghihintay. Pero dahil late na rin ako at may aasikasuhin pa sa club, dinaanan ko na lang siya.

*Dance Club Room*

Naka-uniform na kaming lahat ng pang-performing arts dancer. Lahat naka-silver, samantalang ako lang ang naka-gold. Nakakailang. Ang dami kong nararamdamang mata sa paligid.

Harap kami sa manager namin, at may sinabi sila na ako raw dapat ang mauna, kasi ako ang president. Sige na nga. Hindi na ako tumanggi.

Sakto namang pumasok ang ibang manager. Kasama na rin si Ma'am Jessica, ang choreographer slash manager namin.

"So guys, without any further delay, nagpatawag ako ng meeting kasi naisipan ko na kailangan natin ng activity para mas maging exciting ang training natin. Binigyan ako ng Dean ng permission na idagdag ito sa grades niyo," panimula ni Ma'am Jessica.

Na-excite ang lahat, except kay Tyron na tahimik lang sa gilid. Pati pala siya ay nandito na.

May tinanggal si Ma'am na pantakip sa whiteboard at laking gulat namin nang makita ang bracketing.

"So, ito ang bracketing. Dahil 24 na kayong lahat, hahatiin kayo sa dalawang sets of two teams. Yes, nadagdagan kayo," sabay lingon sa pinto.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Elliot. Naka-gold din siya. Parang ako... Gaya ng suot ko. What???

"At andiyan na siya, ang dating president ng club. Mukhang nagbabalik siya." saad ni Ma'am Jessica na alam kong ang tinutukoy ay ang lalaking kakapasok lang sa loob. "So, ito na ang mga magkakateam," sabay tanggal ng listahan sa whiteboard.

Nagulantang pa rin ako. Si Elliot? President din? Paano nangyari 'yon? Sports club president siya, 'di ba? Tapos ngayon, dance club? Gosh. Collab edition? Hindi ko alam na marunong din pa lang sumayaw ang damulag na 'to.

Lumapit ako sa whiteboard at hinanap ang pangalan ko. Team C. Paglingon ko, si Tyron pala ang isa sa team ko.

"Yes! Ka-team kita," tuwang-tuwa kong sabi kay Tyron.

"Oo nga, eh. Ayos 'to," sagot niya na may halong saya sa boses.

Limang tao na kami sa grupo. Akmang lalapit na ako kay Ma'am para i-submit ang mga pangalan ng Team C, nang may humila ng kamay ko.

"I think, sa inyo ako." saad ng lalaking humila saakin. Pagtingin ko ay si Elliot pala. Napa-hinto ako. Bigla akong kinabahan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halo-halong lungkot, kaba, galit, kilig?

"Tsk. Look at the blackboard and find my name. Makikita mong Team C ako," seryoso niyang sabi habang nakatitig pa rin. Argh, those eyes.

Sinilip ko ulit. Tama siya. Team C nga siya. Nagkatitigan kami nang matagal. Ang lalim ng titig niya. Parang may sinasabi. Parang may gusto siyang iparating pero pinipigilan niya.

"A-Ahh sige," nanginginig pa ang kamay ko habang hinahawakan ang g-tec kong ballpen. Isinulat ko ang pangalan niya, tapos inabot na kay Ma'am ang listahan.

Nagkumpulan na rin ang iba't ibang team.

"Mukhang nahanap niyo na ang mga ka-team niyo," panimula ni Ma'am Jessica. "So kagaya ng nakasulat sa blackboard: Team A vs Team C. Team B vs Team D. Don't worry, Round Robin ito at lahat kayo ay may makakalaban. Every Saturday ang performance niyo."

Tumango kami lahat habang ina-absorb ang instructions.

"Ibibigay na rin namin agad ang theme ng sayaw. Kami rin ang magiging judges. Tandaan, follow the genre or theme na binibigay namin. Team A at C: Love, heartbreak, and pain. Team B at D: Strong, sexy, and unique. Okay? Battle of the dancers 'to, so give your best!" pagtatapos ni Ma'am Jessica.

Nagbulungan na agad ang mga team. Halatang sabik sila.

Paglingon ko sa grupo namin, nakatitig silang lahat sa akin. Parang ako ang inaasahan nila.

"Uhmm... so kalaban natin ang Team A. Puro lalaki sila. Barako. Mahihirapan silang ipakita ang element ng love unless may magpe-pretend na babae sa kanila. Ang advantage natin... nandito si Avery saatin," biglang sabat ng isang lalaki na may salamin which is ka-team namin. Nang sabihin niya 'yon ay biglang may sumulpot agad na ideya sa aking isipan.

Napatingin sila sa akin. Alam ko na. Mukhang ako ang magiging bida sa performance namin. Mapapasabak na naman ako.

Love, heartbreak, and pain.

Kung alam lang nila... ako mismo 'yung tema. Ako 'yung kwento. At ang lalaking 'yon? Nandito rin sa team namin. Si Elliot.

Ano na naman to, Universe?

Itutuloy...