WebNovelDetoxify42.11%

Chapter 15: Warning

Avery's Point of View

Agad akong nagbihis para sa practice namin sa school. Kahit dalawang buwan na akong nandito sa Hendrix University, hindi pa rin ako fully sanay sa mga mata ng mga lalaking nakatingin sa 'kin. 'Di naman sila bastos ha, pero yung tingin nila? Parang sinisiyasat kung alien ba ako o hindi. Jusko, parang gusto ko ng placard na may nakalagay: Yes, trans ako. So what?

Pero in fairness sa sarili ko, sanay na rin naman pala ako. HAHAHA! Gulo mo girl. Kanina lang reklamo, ngayon sanay na. Welcome to my brain.

Kaya habang paakyat ako papuntang practice room ng Team C, pinipilit kong ilagay sa utak ko na this is my moment, girl.

Ang dami kong nadaanang practice room, at sa bawat silip ko ay jusko, ang gagaling ng mga kalaban.

May isa pa nga dun na parang mga robot mag-sabay sabay. Sabi ko sa sarili ko, "Kaya natin 'to! Hindi tayo nagpatalo sa heels, hindi rin tayo matatalo sa footwork!"

Pagdating ko sa hallway ng practice room namin, nakita ko lahat ng ka-team ko nasa labas pa. Si Tyron andun na, pero si Elliot? Wala si koya.

"Bakit 'di pa kayo pumapasok?" tanong ko sa kanila habang lumapit. Pero tahimik lang silang lahat at nakatingin sa loob.

Napatingin ako sa loob. Teka lang. Ano 'to? Horror movie?!

Sa blackboard, nakasulat ang "TIME'S UP" at hindi ito chalk, ha! Parang dugo! Juskq!

Napakapit ako kay Tyron ng wala sa oras. Ramdam ko talaga 'yung kaba. Kabaklaan. Chos!

Pero si Tyron, hinawakan lang ang kamay ko, tapos ngumiti nang bahagya. Teka, bakit parang sweet? Focus Avery!

"Time's up, huh?" rinig kong sabi ni Elliot mula sa likod. Tumingin akong bigla at andun siya, and has this confident demeanor, parang lalaban sa kung sino man ang gumawa no'n.

"Bullshit," saad niya, tapos pumasok siya sa room at binura gamit ang whiteboard eraser. Kahit may iba pang natirang mga letters, sinulat niya ulit sa board: Love, Heartbreak, and Pain.

"We should not waste our time. 'Wag kayong magpa-apekto sa simpleng words. That's not a threat," sabi ni Elliot, at parang may spark sa tono niya. Leader mode on.

"Let's go, guys. Practice na tayo," sabi ko naman sa group para maibalik ang momentum.

Nag-decide kami na interpretative at dancehall ang style. Interpretative para sa heartbreak and pain, 'yung tipong parang may k-drama scene sa bawat galaw. Ang kanta? I'll Never Love Again-grabe, iyakan sa choreography pa lang!

Dancehall naman para sa love. Energetic, may hips, may attitude. Ang kanta? Mi Gente. Yasss!

"So, it's settled. Me and Avery will be in front to express the theme of love, heartbreak, and pain," saad ni Elliot habang confident na nakatingin sa lahat.

Nagulat ako pero tumango na lang. Lahat sumang-ayon, maliban kay Tyron na parang may gustong sabihin.

"I have an idea," saad ni Tyron.

"Ano naman 'yon?" tanong ko.

"What if... gawin nating love triangle? Mas dramatic. Mas impactful." suggest niya.

Napaisip ako and actually, ganda ng idea.

Pagtingin ko kay Elliot, seryoso ang tingin niya kay Tyron. Parang sinasabi ng mata niya, 'Wag kang umaagaw, ha.'

Pero ngumiti si Elliot.

"Sige, maganda 'yang idea mo," sabi niya. Akala ko okay na, until-

"But don't forget. Ako ang tunay na main partner niya."

Ayun na nga! Nagkatitigan sila. Parang WWE staredown!

"Okay, tama na! Practice na tayo!" singit ko para mabasag ang tensyon.

Nagstart na ang practice, and let me tell you, ang lapit ni Elliot. 'Yung tipong hawak na niya ang bewang ko. Kilig to the bones pero at the same time, nakaka-ilang.

"Are you okay?" tanong niya habang nakatitig.

"Uhmm... O-Oo," sabi ko kahit halatang nahihiya ako.

"I think you're lying," sambit niya sabay dikit ng katawan. Grabe!

"A-Ahh Elliot, I think you're too close," pa-atras kong sabi. Tumingin siya nang nakangisi. Packing tape, ang lakas ng dating, oo!

"Why? It's just a dance," sabi niya habang nakatitig. Jusko, kung movie 'to, rated SPG na mga ante!

Tinulak ko siya nang mahina. "Alam ko. Masyado ka lang talagang malapit," inis kong saad sabay lakad sa gilid para uminom ng tubig.

"Are you disappointed with what I said?" tanong niya habang may mapaglarong ngiti.

"Nope," pero deep inside, ewan ko ba. Parang oo.

"Come on, Avery. You're not good at lying," saad niya ulit.

"Shut up! Nagpapahinga ako rito," sabi ko habang nagpo-phone.

"Chill, hahaha," tawa niya habang nilalapitan ako. Then, inabot niya sa 'kin ang towel niya.

"Thanks," sabi ko at nakita ko namula ang tenga niya. Kilig alert?!

"You look like a tomato," asar ko habang tumatawa. Napailing siya sabay alis. Cute mo, gagi.

Pagkatapos ng ilang araw na puyat, pagod, at halos mabali naming mga buto sa ensayo, dumating na rin ang araw ng competition. Jusko, Lord, iligtas mo kami. Hindi ko alam kung mas nanginginig ako dahil sa kaba o dahil sa lamig ng aircon sa event hall.

Naka-full glam kami—makeup on point, outfit na fierce pero elegant, tapos 'yung necklace na raindrop na suot ko... Itinago ko ang pendant sa loob ng aking pang-itaas. I don't know, parang lucky charm siya. I held it before going onstage. Weird, no? Pero may something comforting sa kanya.

"Team C, ready na?" tanong ni coach habang nilalagay ang headset niya. Lahat kami sabay-sabay tumango.

Nagkatinginan kami ni Elliot. He gave me this small smile. "Let's kill this."

"Yes, let's slay their souls," sagot ko habang nakangiti. Kinabahan na 'ko pero sige lang, laban lang mga mhie!

Sa Loob ng Stage

Biglang dumilim ang paligid. Tumunog ang una naming music cue na "I'll Never Love Again". As in, literal na may lighting effects pa na parang ulan, matching sa theme namin. Ang drama!

Ako at si Elliot ang nauna sa gitna. Mabagal ang bawat galaw, pero may bigat. Para kaming nasa eksena ng breakup sa isang K-drama. Kumapit siya sa kamay ko, dahan-dahan, tapos unti-unti akong binitawan habang umiikot ako palayo. Ang sakit sa dibdib kahit sayaw lang!

Pagdating sa climax ng heartbreak, may lift na ginawa si Elliot. Binuhat niya ako, and habang nakataas ako sa ere, bumalot ang spotlight sa 'kin. Parang ako si Song Hye Kyo—char! Pero grabe, naramdaman ko yung energy ng audience. Tahimik pero ramdam mo yung impact.

Then boom! Nag-shift sa "Mi Gente". Biglang nagsigawan ang audience. 'Yung lungkot naging puro fire. Kami lahat biglang nagka-hip movement na parang sinasaniban. Sway here, pump there, sabay sabay ang stomp at grind. Girl, 'yung bewang ko parang may sariling buhay. Si Tyron? Grabe 'yung spin niya habang naka-slide. Si Elliot? Literal na pinasayaw pati abs niya, bakit ganun?

May isang part na nagka-face-off kami ni Elliot at Tyron, sabay may tension pa rin sa choreography. Love triangle dance battle, mga ses! Gigil, landi, sakit—lahat nandun.

And finally, 'yung ending pose—ako sa gitna nila, hawak kamay pareho, pero ako mismo ang binitiwan sila pareho. Mic drop.

After the Performance

Paglabas namin ng stage, puro hiyawan, tapos may mga nagsisigaw ng "Team C!" at "Ang galing ng choreography!" Jusko, gusto kong umiyak. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil... we did it. Andami pa ring nanood kahit na sabado ngayon.

Maya-maya, tinawag kami sa stage for announcement of winner.

"And the champion for this dance battle competition is..." drumroll effect kahit walang drums

"Team C!"

Sabay hiyawan ng mga manonood. Yesssss!

Lahat kami ay nagyakapan. Si Elliot biglang niyakap ako at binuhat pa. "Told you we'd kill this."

"Put me down, Elliot!" tawa ko habang nakapikit. Pero deep inside? I felt like flying.

Pagkatapos ng competition, ang bilis ng lahat. Parang panaginip. Sigawan. Palakpakan. Lahat kami nagtitilian, niyayakap ang isa't isa — hindi lang dahil nanalo kami, kundi dahil nabuo namin 'yung performance na punong-puno ng damdamin. Parang isang pelikulang tumagos sa audience.

Ramdam ko pa rin ang pintig ng puso ko habang bumaba kami ng stage. Lahat excited. Lahat masaya. Naghahagikgikan sina Tyron at ang iba naming ka-grupo, at si Elliot habang nagpapakuha ng picture. Ako naman, sandaling umatras para kunin ang pink aquaflask tumbler ko sa gilid ng stage — saglit lang sana.

Dumaan ako sa madilim na bahagi ng backstage. Tahimik. Parang biglang bumagal ang oras.

May naramdaman akong presensya. Isang lalaki, nakasuot ng itim na hoodie, nakayuko, may takip ang mukha. Hindi ko siya agad nakilala. Bago pa ako makakilos o makatanong, hinawakan niya ang braso ko. Hindi marahas, pero may bigat.

"Anong—?" Napaatras ako.

"Don't panic," malamig niyang bulong.

Tumigil ang puso ko saglit.

Hindi ako makasigaw. Hindi ako makagalaw. Parang may bumalot na lamig sa katawan ko. Gusto kong tumakbo, pero parang na-paralyze ako sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko siya, pilit inaaninag ang mukha niya — pero madilim. Wala akong makita, kahit anong pilit ko. Pero may kakaiba sa kanya... para bang kilala ko siya? O narinig ko na ang boses na 'yon dati?

Bumilis ang tibok ng puso ko. "S-Sino ka?" nanginginig kong tanong.

Hindi siya sumagot.

Tumalikod na sana ako para tumakbo pero bigla na lang akong nanghina. Para bang may bumalot na ulap sa paningin ko. Lumulutang ang paligid. Nawala ang focus. Sumasayaw ang mga ilaw.

At bago ako tuluyang mawalan ng malay...

May narinig akong sigaw. Boses na pamilyar. "Avery!"

Mabilis na mga hakbang. May humabol. May tumulak. May pag-aalalang sigaw.

At ang huling imahe sa isip ko bago ako tuluyang nakatulog: isang pares ng kamay na sumalo sa akin.

Itutuloy...