Avery's Point of View
Nagising ako sa isang kwartong sobrang puti. For a sec, akala ko nasa langit na ako. Pero wait lang... ang ingay yata sa langit.
May nag-uusap sa paligid ko. Ang bigat pa ng katawan ko. Pakiramdam ko parang may truck na dumagan sa 'kin.
Pagtingin ko sa kamay ko, may dextrose akong nakakabit.
"Gising na siya!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Pamilyar ang boses, parang kay Tyler.
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Tama nga ako. Nasa ospital ako, at andun sina Tyler, Edward, Tyron, at si... Elliot, na nakatayo lang sa pader, walang imik.
"Okay ka na ba, ganda? May masakit pa ba sayo?" tanong ni Tyler na parang sobrang concern. Hindi pala parang, concern talaga siya.
"Avery, kumain ka muna. Kailangan mo ng lakas," sabay abot ni Edward ng tray ng pagkain. Gusto ko tuloy mag-joke ng "Pwede bang may fries?" pero weak pa ang boses ko.
Si Tyron naman, lumapit at inalalayan akong maka-upo. Gentle pa rin, gaya ng dati.
Pero si Elliot... tahimik. Seryoso lang ang mukha. 'Di tumitingin sa 'kin. Pero bakit ganun? Parang siya pa rin ang gusto kong titigan. Talande!
"O-Okay na ako... I think nalipasan lang ako," sabay iwas ng tingin. Ewan ko, parang may bigat sa dibdib ko. Humingi muna ako ng isang baso ng tubig dahil natuyuan na ako ng laway.
"Eat this, Avery, para magkalaman naman tiyan mo," sabi ni Edward sabay subo saakin. Para akong baby sa eksena, pero kinain ko na rin dahil naramdaman ko na rin ang gutom.
Habang kumakain ako, nagkukuwentuhan yung tatlo pero ako? Nasa silent mode. Laging bumabaling ang mata ko kay Elliot. Bakit ba ang cold niya ngayon? Hays.
"By the way, si Elliot pala ang nakakita sayo," sabi ni Tyler bigla.
Napatingin ako kay Elliot. "Oo nga, narinig ko pa 'yung boses niya bago ako mawalan ng malay," sabi ko.
Pero ni hindi siya tumingin. Parang galit? O ayaw lang talagang magsalita?
"Thank you, Elliot... sa pagliligtas," saad ko. Pero ni hindi man lang siya nag-react. Tapos lumingon siya sa mga kasama namin.
"She should rest," sabi niya, seryoso pa rin ang mukha. "Let's go." pinal niyang saad.
Isa-isa silang nagpaalam at ako? Naiwan na lang sa kama, tahimik. Ni hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman.
Pagka-alis nilang lahat ay pinikit ko na lang ang mga mata ko at sa isang iglap, dumilim ulit ang lahat.
Tyron's Point of View
Bago ang lahat, I guess kailangan kong sabihin 'to, I'm Tyron. Mas matanda ng dalawang minuto kay Tyler, kaya oo, ako ang kuya. Twins kami, though most people say mas chill si Tyler at mas suplado ako. Gets ko naman. Suplado talaga ako sa mga hindi ko feel kausap. Pero 'pag sa mga totoo kong kaibigan? Solid ako.
I'm also Elliot's cousin. Magpinsan kami sa ama. Kami yung tatlong laging magkasama dati — me, Tyler, and Elliot at isama mo pa si Edward. Alam ng buong batch na quadro kami noon pa. Lahat ng kalokohan, bonding, away, tawanan — sabay-sabay naming nilamon. We were practically brothers.
But now?
Hindi kami okay ni Elliot.
Hindi na kami close katulad dati. Cold siya sa'kin. Dedma minsan. Civil kung may kailangan. Pero ramdam kong may lamat na talaga, at ako raw ang may kasalanan.
Ang masaklap? Hindi ko naman alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag.
Well, actually... I do. And it's because of her.
There was this girl. Hindi ko siya niligawan. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko siya binigyan ng dahilan para umasa. Pero, she liked me — sobra pa yata. I tried to be respectful. Maayos. Magka-org kasi kami, so ayoko namang bastusin or isnabin. She was... okay. But I never liked her that way. I made it clear.
Pero anong ginawa niya?
Ginamit 'yung closeness namin para gumawa ng kwento. Para ipagsigawan na may "something" daw kami. She told people na kami. She even told Elliot.
And the worst part?
Elliot believed her.
Ni hindi man lang siya nagtanong sa 'kin. Hindi siya lumapit. Hindi niya ako hinarap. Nagbago na lang siya bigla. At ako, well... ako 'yung tipo ng tao na 'pag hindi mo ako kayang tanungin ng diretso, hindi rin ako mag-e-explain.
Kasi, bakit pa?
Wala naman akong kasalanan.
And so here we are. May tensyon sa pagitan namin. May lamat sa pagitan ng dalawang dati'y parang magkapatid. Pero ayoko munang isipin 'yon ngayon. Hindi ngayon. Hindi ngayong si Avery ang dahilan kung bakit lahat kami parang binagsakan ng mundo.
Pagkauwi namin galing ospital, ang dorm ay sobrang tahimik. Walang Avery na tumatawa, sumisigaw, o nagra-rant tungkol sa kung sino ang may pinakamasarap na abs sa dorm. Walang kulitan. Walang kwela.
Tahimik. Mabigat.
Parang may kulang. Actually, hindi lang parang — may kulang talaga.
Si Avery.
Nasa garden kami nila Elliot, Edward, at Tyler. Si Elliot, nasa tabi ng halaman.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Did you see him?" malamig kong tanong sa kanya.
"No," sagot niya na parang robot. "But he's familiar. I just can't remember where I saw him."
Napangiwi ako. Lakas pa ng loob na magyabang na siya ang nakaligtas, pero walang ambag sa investigation.
"You're useless," sabay tayo ko at sindi ng yosi. Kailangan ko 'to. Promise.
Biglang nagsalita si Elliot, this time may apoy sa boses niya.
"Edi sana ikaw ang sumagip, gago. You f*cking moron!"
Bumaling ako sa kanya. Diretso ang tingin namin sa isa't isa. Para kaming dalawang leong gustong magkagatan.
"I wish I did! Sana ako na lang!" sigaw ko. Hindi ko na kinaya. Halos sumabog na ang dibdib ko sa inis.
Ngumisi siya. 'Yung ngisi na parang gusto mong suntukin.
"But you didn't. Kasi hindi ka talaga meant para sa kaniya. Ako ang laging nandiyan. Ako ang laging una. Akin siya."
Lumapit ako. Halos magdikit ang noo naming dalawa. Isang iglap na lang, baka maglaban na kami.
Buti na lang dumating sina Tyler at Edward.
"Tama na!" sigaw ni Tyler habang pinipigilan kami.
"Kapag 'di kayo tumigil, ipapaalam ko 'to kay Avery," banta naman ni Edward.
Nagkatinginan kami ni Elliot. Matagal. Mabigat. Hanggang sa umatras siya. Pero hindi pa ako tapos.
Lumapit ako, dinuro siya sa noo.
"I swear, Avery will be mine," mariin kong bulong, sapat lang upang marinig niya.
Tinapik niya ang daliri ko.
"I will not let that happen."
At tumalikod siya, paalis.
Pero hindi pa tapos ang laban.
Hindi pa rito nagtatapos.
Itutuloy...