WebNovelDetoxify47.37%

Chapter 17: Psycho

Avery's Point of View

Few weeks na ang lumipas mula nung insidente na halos ikabaliw ko. Simula noon, parang nag-iba ang lahat. Hindi ko alam kung ako lang ang nag-iisip nito pero ramdam ko.

Si Edward at Tyron, mas naging caring. Para silang biglang naging super protective. Lahat ng kilos ko, gusto nilang bantayan.

Pati si Tyler, napapakamot na lang sa ulo sa mga pinapakita ng dalawang 'yon. Parang may silent competition na nagaganap. Tapos ako? Tanghaling tapat, ako 'yung confused.

Sino bang pipiliin mo kung pareho silang sweet at pogi? Jusko, what a life!

Pero higit sa lahat, ang pinakanakakabahala sa lahat ay si Elliot. Mula nung araw na iniligtas niya ako, bigla siyang nag-iba. Parang hindi na siya si Elliot na makulit, hambog, laging may pasaring. Parang nawalan siya ng gana sa akin. Ni isang hi o pang-aasar, wala. Para akong multo sa harap niya. At sa totoo lang... masakit.

"Miss na kita, hambog ka," bulong ko habang nakatingin sa langit sa garden ng school.

"So? What do we have here?"

Nagulat ako. Pamilyar na boses. Mabilis akong lumingon.

"Kiefer?"

Ngumiti siya. "Yah, the one and only! Hahah!"

"Dito ka na nag-aaral?" Gagita Avery, obvious ba? Uniform niya, kapareho ng iyo.

"Yah, as you can see," sabay tawa. "Ba't parang nagmumuni-muni ka r'yan?"

"Wala. Nag-iisip lang. About life, you know." sagot ko pabalik.

"About sa nangyari last week?" tanong niya sabay lapit.

"Narinig ko nga raw may humabol sa'yo. Buti okay ka. Kumusta na sugat mo sa tuhod?"

Tumigil ang mundo ko. Nanigas ang katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"P-Paano mong nalaman na nasugatan ako sa tuhod?" nabibigla kong tanong sa lalaki.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. Yumuko. Tumahimik.

Dahan-dahan akong tumayo. Tumigil ang paghinga ko sa ilang segundo. "W-Walang nakakaalam na nasugatan ako sa tuhod, Kiefer. Hindi ko sinabi kahit kanino." mararamdaman ang sakot sa aking boses.

"Ay, oops. Mukhang nahuli ako roon ah." Sabay tawa na para bang nasisiraan ito ng bait.

Malamig ang boses niya. Parang ibang tao. Bigla siyang ngumiti, pero hindi na 'yon yung cute na Kiefer. Iba. May kilabot sa likod ng batok ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, nanginginig ang tinig.

"Don't worry, my baby," sabay lapit. "I won't hurt you. Mahal na mahal kita para saktan ka. Hahaha!"

Napaatras ako, pero parang ayaw gumalaw ng katawan ko.

Napatumba ako. Bigla niya akong niyakap mula sa likod. Amoy ko ang pabango niya, pero hindi na ito mabango, amoy takot, amoy panganib.

"Get off me, you pervert psycho!" sigaw ko habang lumuluha na sa takot.

Tumawa siya ng malakas. "Awww, don't cry my baby. Hindi bagay sa'yo ang malungkot."

"B-Bakit mo ginagawa 'to?" sigaw ko habang yakap-yakap ang sarili ko.

"It started two years ago. Nakita kita sa bar. Ang ganda mo. The way you moved, the way you laughed. Hindi kita makalimutan. Araw-araw kitang iniisip, ni hindi kita kilala pero obsessed na ako. Every night, you're the star of my dreams. And when I found out you're studying here, I transferred just to be near you." mahabang paliwanag nito.

Nanghina ang tuhod ko sa mga narinig ko.

"B-Bakit ako?" tinig ko'y namamaos. "I'm trans... h-hindi ako tunay na babae."

Nag-iba na naman ang mukha niya. Galit. Mabangis.

"So what? You're more beautiful than most girls. Your voice, your skin, your soul. I love you, Avery!" saad niya.

Tinakasan ko ang paghinga. Tumingin ako sa langit. "Lord, tulungan N'yo po ako..."

Tumayo siya. "You may go, my sweetheart. But always remember..." ngumiti siya na parang demonyo. "I'm a psycho, and I can kill."

Tumawa siya nang malakas habang naglalakad palayo.

Naiwan akong tulala. Nanginginig. Umiiyak. Hindi ko alam kung anong mas masakit-yung takot ko o yung katotohanang may taong baliw na obsessed sa'kin.

"This can't be real," bulong ko.

Pag-uwi ko sa dorm, dumeretso ako sa kwarto. Nanginginig pa rin ako. Parang sinasaniban ang bahay. May pakiramdam akong hindi ligtas.

Ayaw ko munang sabihin sa apat ang nangyari.

Napag-isipan kong maghanda ng dinner para sa lahat. Baka sakaling mabawasan 'yung bigat. Tinawagan ko si Edward para tumulong magluto. Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa simpleng pag-usap sa kaniya. Simula nung insidente, gusto ko na lang may kasama ako palagi.

7 PM na. Handa na ang lahat. Kailangan ko na lang tawagin sila.

"Tyler, kakain na!" sigaw ko habang kumakatok. Lumabas siya, diretso lang lumakad paibaba. Walang kibo. Ang weird.

Sumunod ay si Tyron.

"Tyron! Tara na! Kain na tayo!" sigaw ko ulit. Pumasok ako dahil bukas ang pinto.

Nakita ko siyang natutulog, naka-uniform pa rin. Parang anghel. Mukha siyang pagod. Pero hindi excuse 'yon para 'di siya sumabay!

May naisip ako. Tumalon ako sakanya. As in boom! Sakto ang bagsak-nguso sa dibdib.

"You're so silly," sabi niya, biglang dumilat. Grabe yung titig niya. Kinabahan ako. Kumabog ang puso ko. Bigla kong naalala si Elliot... at 'yung kiss.

Nagmamadali akong tumayo. "K-Kain na tayo! Baba ka na lang, ha."

Huling pinto, ang kwarto namin ni Elliot.

Pagpasok ko, wala siya sa kama. Narinig ko ang tubig sa banyo.

Kinabahan ako. Lumapit ako para kumatok, pero-

Biglang bumukas ang pinto.

Diyos ko. Nakita ko ang lalaking bagong paligo, naka-towel lang, basang buhok, bagong gupit. Parang Greek god. Nawala ang hininga ko at napahawak ako sa dibdib ko. Oh, gawd!

"What are you doing there?" malamig niyang sabi.

"I-I just want to tell you na luto na 'yung dinner," pautal kong sagot.

"I'm not hungry," sabay talikod.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ang bilis ng tibok ng puso ko... pero mas masakit ngayon. Parang literal na may tinik sa dibdib ko.

Hinawakan ko braso niya. Lumingon siya, seryoso. Bitaw agad ako.

"Please... kahit ngayon lang," pilit kong ngiti. Pero fake. Ramdam kong peke. Halata niya siguro.

"Okay. Wait for me downstairs," malamig pa rin ang tono niya.

Lumabas ako ng kwarto nang tulala. Hindi ko alam kung pa'no ako nakalabas. Pero isa lang ang sigurado ko.

Nasasaktan ako.

Itutuloy...