Avery's Point of View
Agad akong bumaba at nakita ko ang tatlo na sina Edward, Tyron, at Tyler na nakaupo na sa mesa. Tahimik. Walang imikan. Pero kahit ganon, napangiti ako. Kahit paano, sabay-sabay kaming kakain. Something na hindi na namin nagagawa lately.
"Haysss, salamat at sabay-sabay tayong kakain ngayon," masaya kong sabi sa kanila habang lumalapit.
Ngumiti si Edward at Tyron, pero si Tyler... nakaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang bigat ng aura niya.
"May sakit ka ba, Tyler?" tanong ko sa kaniya habang lumalapit.
"Wala," malamig niyang tugon.
Masakit. Bakit ganito siya makitungo? Asan na 'yung dating Tyler na laging may kalokohan, laging may banat, laging may ngiti? Parang ibang tao na siya ngayon.
Tumayo ako at nilapitan siya. "Wait, check ko lang kung may sakit ka-"
Akmang hahawakan ko ang noo niya pero bigla niyang tinapik ang kamay ko. Napalingon ang dalawa. Ako? Napatulala.
Tahimik akong bumalik sa upuan ko. Si Edward, sinubukang kausapin si Tyler pero ni hindi ito lumingon.
Piliting ngumiti. Pilitin Avery. Kaya mo 'to.
Napatingin ako kay Tyron. Nakatitig siya sa akin. At sa mata niya, nakita ko ang pag-aalala. Pero walang sinabi.
"K-Kunin ko lang 'yung pagkain. Excuse me," mahina kong sabi. Tumayo ako, kinuha ang tray ng pagkain. Pero habang papalapit ako, napahinto ako.
Narinig ko ang usapan nila.
"Wala siyang kasalanan dito, Tyler. You should not do that to Avery," sabi ni Tyron, may diin ang tono.
"Tyron is right. She's innocent. She doesn't even know what's happening here," dagdag ni Edward.
At ang boses ni Tyler ang sumunod-galit.
"I don't care! Yeah, she's innocent, pero siya ang dahilan kung bakit nag-aaway si Elliot at Tyron. She's the reason why all of us-"
Hindi na niya tinuloy. Agad akong pumasok dala ang tray ng pagkain. Hindi ako nagpahalata. Diretso akong umupo at binaba ang tray. Walang nagsalita.
Lahat ng 'to... kasalanan ko.
Dapat pala hindi na ako nag-transfer dito. Hindi ko na sila nakilala. Hindi ko sila tinuring na pamilya. Ako ang dahilan ng pagkakagulo nila.
"I love this situation. So quiet."
Alam ko agad kung sino ang nagsalita. Si Elliot. Walang tunog ang upo niya sa tapat ko. Kahit malamig ang boses niya, pinilit kong ngumiti. Masakit man, ayokong makitang basag ako.
"Let's eat," sabi ko. Pilit na masaya.
Kumilos na silang lahat. Tahimik. Wala ni isang usapan habang kumakain kami. Pero habang pinagmamasdan ko sila, kahit na puno ako ng luha sa loob, napangiti ako.
Kasi andito sila. Buo pa rin kami. Kahit paano.
"I'm full."
Napalingon ako kay Tyler. Tumayo siya at akmang lalagpas na siya sa gilid ko, hinawakan ko ang pulso niya.
"Tapos ka na agad, pogi?" tanong ko, pilit pa ring ngumingiti at may kwela sa aking tinig.
Tumitig siya sa kamay kong nakahawak sa kanya. Tiningnan ako. Ilang segundo lang. Pero sapat para maramdaman kong wala na ang dati niyang lambing. Hinila niya ang braso niya at tuluyang umakyat.
Nayuko ako at pilit na ngumiti. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
May mali ba akong nagawa?
"Hey, Avery, are you okay?" tanong ni Tyron habang hinahaplos ang balikat ko.
"Ahh yes, I am," sagot ko, at pilit na ngumiti.
"You're not good at lying," malamig pero totoo, galing kay Elliot.
"Masaya lang ako," bulong ko.
"You don't look like one," dagdag ni Edward.
They care.
At doon ako tuluyang nasira. Napaiyak ako sa loob ko. Hindi 'yung hikbing malakas. Kundi 'yung tahimik pero wasak.
"Masaya talaga ako... kasi magkakasama tayong kumain," sambit ko habang pilit na tumatawa. "Para kayong mga tanga."
Tumayo ako. Pinunasan ang bibig.
"CR lang ako," paalam ko. Pagkalayo ko pa lang, bumulusok na ang aking mga luha.
Pumasok ako sa CR. Tahimik lang. Walang kahit anong tunog kundi ang paghikbi ko. Gusto kong pigilan, pero mas pinapalala ng pagpigil ko.
Bakit ganito?
Tyler's Point of View
I'm Tyler. Yes, that Tyler — twin ni Tyron, ultimate mood-maker ng dorm, certified pogi ayon kay Avery (char), and your occasional team peacekeeper.
Kung hindi mo pa gets, ako 'yung kakambal na mas approachable. Mas madaldal. Mas madalas ngumiti. Si Tyron kasi, automatic default niya ay resting sungit face. Pero sa totoo lang, malambot 'yun sa loob. Ako nga lang ang laging sumasalo sa damage control kapag may nagagalit sa kanya — especially si Elliot.
Certified comic relief ng dorm, at minsan, tulay sa pagitan ng dalawang taong ayaw mag-usap.
Pero lately... ayoko na. Ayoko munang maging tulay. Ayoko munang ngumiti. Ayoko munang lumapit.
Lalo na sa kaniya.
Umiwas ako kay Avery nitong mga nakaraang araw. Hindi dahil galit ako. Okay, maybe konti. Pero mas totoo, litong-lito lang ako.
Sa tuwing tinitingnan ko siya, naiisip ko kung gaano kami kasaya dati. Kung paano kami halos hindi mapaghiwalay. Pero ngayon? Parang siya ang mas naging mitsa ng hindi pagkakaintindihan nina Tyron at Elliot. Parang simula nang dumating siya, biglang nagkahiwa-hiwalay ang dati naming solid na koneksyon.
Unfair ba kung iniisip kong siya ang dahilan?
Kahit alam kong hindi niya naman sinasadya. Kahit kita ko namang nasasaktan din siya.
Pero hindi ko na maibalik ang dating Tyler na laging kakampi niya. Kasi kahit ako, hindi ko na rin kilala ang sarili ko.
Nasasaktan ako... pero ayokong aminin.
Oo, galit ako. Oo, gusto kong sumigaw. Pero bakit ganito? Bakit 'pag nakita ko siyang umiiyak, parang sinasakal ang puso ko?
"Wala! Kasalanan niya! Kung hindi siya dumating, wala sanang gulo."
Pero sa isang sulok ng utak ko... may boses na kumokontra.
Hindi niya kasalanan. Hindi niya alam.
Pilit kong binabalewala. Pero hindi ko na kaya.
"You don't need to do that," narinig kong boses mula sa likod. Si Elliot.
"Do what?" tanong ko, paangas.
"I heard everything, Tyler. Lahat. Don't play dumb."
"Tama naman ako, 'di ba? Nung wala pa siya, okay pa tayo. Pero ngayon?"
Isang suntok. Isang malakas na suntok mula kay Elliot ang bumagsak sa pisngi ko. Tinanggap ko.
"Do you hear yourself, Tyler? Hindi ikaw 'yan. That's not the Tyler I know."
Tumalikod siya, pero pareho kaming napatigil.
Avery.
Nasa pinto siya. Luhaang mata, nanginginig na labi.
"Avery..." sabay-sabay naming sabi. Pero siya? Ngumiti lang.
"G-Ganun ba? S-Sorry Tyler sa nagawa ko. Kung meron man. Promise, 'di na mauulit."
Tumalikod siya saamin at umalis. Pumasok siya sa kwarto.
Avery's Point of View
Tumutulo ang mga luha ko habang naka-upo sa kama. Wala akong ibang maramdaman kundi guilt. Masama akong kaibigan. Ginulo ko ang mundo nila.
I ruined everything.
Hindi ko alam kung paano ito aayusin. Pero isa lang ang alam ko ngayon.
I need to pay for this. I deserve this pain.
Itutuloy...