WebNovelDetoxify57.89%

Chapter 21: Fight

Avery's Point of View

Sinimulan ko na ang plano ko para pag-ayusin si Elliot at Tyron. Kagabi, kinausap ko na si Tyler at Edward para may ka-alyado ako.

Nag-brainstorming kami ng mga posibleng paraan kung paano namin sila mapapaatras sa pride nila at maitulak papunta sa pagkakaayos.

Isa lang ang hindi nagbago: ang pag-aacting ko. Kaya kung akala niyo, soft ako, aba, maghanda kayo. Best actress kaya'to, mga mhie!

Tinext ko sina Tyron at Elliot na kunyari galit ako sa kanilang dalawa. Kailangan mag-ingat. Baka mabuko kami.

Originally, wala akong balak bumalik sa kanila. Pero dahil kay Tyler na nagdrama pa kagabi at literal na umiiyak sa yakap ko ay nag-iba ang ihip ng hangin.

Gusto ko na lang silang pag-ayusin, hindi na palalimin ang problema. Bakit ko pa palalayuin ang sarili ko kung ang totoo, gusto ko lang naman bumalik sa dati?

I entered the classroom casually, pero as expected, lahat sila nakatingin sa'kin. Dedma mode si accla.

Poker face.

Umupo ako at sakto namang may lumapit.

Napalingon ako, si Tyron at Elliot.

Pareho silang may dalang regalo?

One had a bouquet, the other, a teddy bear.

Edward's Point of View

Putek. Eto na.

Tumayo sina Tyron at Elliot na parang may audition sa harap. Bitbit ang bulaklak at stuffed toy, sabay nilang inabot kay Avery.

"For you," sabay pa silang nagsabi. Kamuntikan ko nang malunok ang hininga ko. Si Avery? Pulang-pula ang mukha, parang nagdalawang-isip kung tatanggapin ba niya o tatakbo na lang palabas.

"Ako ang nauna," sabing seryoso ni Tyron kay Elliot.

Avery, who was clearly trying to keep a straight face, looked like she was glitching. Tangina, nasaan na 'yung acting mo? Kalma lang, girl.

"Excuse me," sabat ni Elliot. "Ako kaya ang naunang nag-effort." parang iba na 'to, ah!

Binaba ni Elliot ang teddy bear sa mesa ni Avery.

Tulala pa rin si Avery, mukhang hindi alam kung anong mas shocking: 'yung effort o 'yung competition.

"Ito oh, Avery," sabay patong ni Tyron sa bouquet. "Yung favorite mong bulaklak na nasa wallpaper ng phone mo."

"Tsk. Mas love niya 'yang teddy bear. Kaya nga 'yun ang dinala ko," sagot ni Elliot na may kasama pang irap.

"Wala akong pake. Flowers ang gusto niya!" parang mga aso't pusang bangayan ng dalawa.

"Just because it's on her phone doesn't mean it's her favorite, you idiot!" singhal ni Elliot.

Nagkaharap na ang dalawa. Tension rising. Ako at si Tyler, alert mode na. Si Avery, napatingin na nang masama. UH OH!

"Oh, really? You think you know her best? Just because you're loud doesn't mean you're right, genius," Tyron snapped.

"And just because you think you're calm doesn't make you smart, dude. Let me tell you something, at least ako ang naka-first kiss sa kanya."

Silence.

Parang may granada na sumabog. Lahat kami napa-kunot noo.

Si Tyron?

Parang sasabog na ang ugat sa sentido.

Literal.

Tinulak niya si Tyler at tinira si Elliot ng suntok.

Suntukan galore. Chaos.

Kami ni Tyler, hataw sa pag-pigil.

"Enough!"

That one word.

Galing kay Avery. Malamig. Matapang at parang tumigil ang mundo. Lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Tapos na? Seryoso ba 'to? Nagpapaka-isip bata kayo para lang sa maliit na bagay. Don't you hear yourselves? You two sounded so pathetic." saad ni Avery sa dalawa.

Si Elliot at Tyron, parehong nakayuko. Parang binagsakan ng langit. At parang mga batang pinangangaralan ng mga magulang. Ano kayo ngayon, boys! HAHAHA!

"You two. Ayusin niyo 'to. Kung hindi, I swear, I won't just stop talking to both of you, aalis ako. I'll transfer to a different university. To the States." sino ba namang mag-aakala na palabas niya lang ito. Putek, ang galing! Best actress!

Bagsak panga ng lahat. Scripted man 'to, pero damn, ang convincing ni Avery. Ang galing. Oscar-worthy!

"I don't think magkakasundo pa kami," sarkastikong sagot ni Elliot.

"Then start pretending that I don't exist," sabay sabi ni Avery. Damn, girl, savage.

"Jeez, okay! Chill!" ni Elliot.

"We'll try," dagdag ni Tyron, pero halatang masama pa rin ang loob. Kami ni Tyler, napailing na lang.

"Okay. I'll give you time," sabi ni Avery, "Pero bago ko tanggapin 'tong mga regalo niyo, mag-shake hands muna kayo."

Classic Avery.

"Bilisan niyo, oh," panggigigil ko pang dagdag. "Avery's waiting." tinignan naman ako nang masama ng dalawa.

Napilitan ang dalawa. Nag-abutan sila ng kamay, pero alam mong may pride pa rin. Halatang pinipigilan pa ang sapakan round two. Nanginginig na halos ang mga kamay nila dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa isa't isa.

"Jusq po, tigilan niyo na 'yan," sigaw ni Avery.

Nagulat ang dalawa, pero binawi ang gigil at maayos na nag-shake hands.

Avery smiled.

Napatingin kaming lahat.

Parang anghel sa gitna ng battlefield.

"Kung handshake lang pala ang kailangan para ngumiti ka ulit, gagawin ko 'to araw-araw," ani Tyron.

"Yeah right," irap ni Avery kay Elliot.

"What?" sagot ni Elliot, clueless pa rin.

Nagsibalikan kami sa upuan. Buti na lang wala si Ma'am dahil kung hindi, suspended kaming lahat.

"Okay. Quiet na. Sit down and don't bother me," Avery commanded like a queen.

Aba. Tumahimik kaming lahat. She owns this room. Really.

Mukhang matagal-tagal pa bago magkaayos ng buo ang dalawa, pero hey, first step done.

At sa totoo lang?

It was epic.

Itutuloy...