Avery's Point of View
Nagtataka ba kayo mga mhiema kung bakit ganito ako makisama sa kanila?
Well, to be honest, ayoko talagang maging ganito. Pero sa loob ng dalawang linggo kong pagkakahiwalay sa kanila, ang daming bagay na napagtanto ko. At higit sa lahat, ang daming sakit na kinailangan kong tiisin.
*Flashback*
I was on my way to my new apartment, one that my friend helped me find. I was still crying. I missed them already, every single one of them.
Pagdating ko sa apartment, hindi ito kalakihan, pero sapat lang para sa isang taong kagaya ko na gustong mapag-isa. Kumpleto, maaliwalas, at may sariling charm. Napangiti ako kahit papaano at pinunasan ang mga luha ko.
Nag-ayos ako ng gamit. Nagtimpla at nagluto ng omelet. Nagulat ako dahil 'di ko nasira ang omelet. I laughed a little.
"Look, Edward! Hindi nasira!" sabi ko habang tinitingnan ang omelet. Pero walang sumagot. Napatingin ako sa paligid. Walang Edward. Walang Tyron. Walang Elliot. Walang Tyler. Wala silang apat.
Mag-isa na lang ako.
Napayuko ako. Pinilit kong kumain pero nawala ang aking gana. Iniligpit ko na lang ang pagkain, nilagay ko sa refrigerator at nagtungo sa kama. Naligo muna ako at nag-ayos then humiga.
Sa kanan ng kama, may espasyo.
Naalala ko yung ngiti ni Elliot na pilyo, mapang-asar, pero genuine. Nakakabaliw. Argh!
Binuksan ko ang cellphone ko at nagsimulang magbasa: "How to emotionally detach", "How to limit attachment", "How to protect your peace",lahat nang mababasa ko tungkol sa paglayo ay binasa ko na.
Kasama sa mga nabasa ko ang: "Be distant. Be cold. Learn how to say no."
Kaya ko 'to. Para sa kanila 'to.
Kinabukasan, nagpaalam ako sa dean na mag-eexcuse muna ako ng dalawang linggo. Gusto kong mag-isip. Maghilom. Magbago.
I know I can cope up with the lessons. Buti na lang malakas ang dad ko here kaya pinayagan naman ako. Here we go!
Habang tumatagal, lalong tumitibay ang pasya ko. Napatingin ako sa gallery ng phone ko, puro kami. Nagtatawanan. Nag-aasaran. Parang wala nang mas sasaya pa ro'n.
But as the quote says, "Every good time must come to an end."
Nagbasa lang ako. Isang libro ang nakakuha ng atensyon ko, "Limit Your Smile." Nakita ko ang sarili ko sa karakter: masayahin, energetic, pero sa huli, nasaktan sa paraan na 'di niya inaasahan. At doon siya nagbago.
Gusto ko silang protektahan. Kahit ang kabayaran ay ang sarili kong emosyon.
Kaya, magbabago ako.
Elliot's Point of View
Dismissal. Tumayo ang lahat upang lumabas. Normal sa iba, pero para sa amin, hindi.
Nakita ko si Avery na kalmado, walang emosyon, at tila isang estrangherong nakasuot ng balat niya.
Agad akong tumakbo para maabutan siya. Nang mahawakan ko ang pulso niya, nagulat siya pero agad ding bumawi.
"What?" malamig niyang tanong.
"What's happening to you, Avery?" seryoso kong tanong.
She stared at me. Tahimik. Wala man lang takot sa mga mata niya.
"The real question is anong nangyayari sa 'yo?" tugon niya at hinila ang kamay niya palayo.
"I'm not playing games here, Avery. Gusto ko ng sagot, hindi tanong." medyo naaasar kong tugon.
"Do I look like something's wrong with me? I'm obviously okay. Ikaw? You're the one acting blind." bawat salita niya'y parang panang tumatama sa puso ko.
Tumawa siya. Hindi masaya at sarkastiko. Mapanakit.
Biglang dumating sina Edward, Tyron, at Tyler.
"Saan ka galing, Avery? Miss na miss ka na namin," bungad ni Edward.
"Kumakain ka ba ng tama? Ayos ka lang ba sa bagong tinitirhan mo?" tanong ni Tyron sabay hawak sa kamay niya.
Tinabig ni Avery ang kamay ni Tyron, isang bagay na hindi ko akalaing magagawa niya. Para silang mag-best friend noon.
Si Tyler? Tahimik. Hindi makatingin nang diretso kay Avery.
"I have to go. Please move. Nakaharang kayo sa daanan," malamig na tugon ni Avery at nilampasan kaming lahat.
"Parang hindi na siya si Avery," bulong ni Edward.
"She changed a lot," dagdag ni Tyron.
Hindi ako nagsalita. Tumalikod ako at sumakay ng kotse at umuwi.
Pero sa loob-loob ko, mas lumalim ang sakit. Mas lumalim ang tanong-
What happened to her?
Avery's Point of View
Habang nilalagpasan ko silang lahat, pakiramdam ko may tinik na humahapdi sa lalamunan ko. Parang unti-unti akong nadudurog. Pero kailangan ko. Para sa kanila.
"Kaya mo 'to, Avery," sabi ko sa sarili ko. "Naumpisahan mo na. Tatapusin mo na rin."
Pumara ako ng taxi. Tahimik. Malamig. Diretso sa apartment.
Pagbaba ko, sakto ring pagbukas ko ng pinto nang marinig ko ang boses na pamilyar .
"Sorry."
Si Tyler. Nakayuko. Huminga ako nang malalim. Kailangang maging matatag ako.
"Sorry for what?" tanong ko, pilit pinipigilan ang emosyon.
Bigla niya akong niyakap. Mahigpit. At puno ng pagsisisi. Aww, my Tyler pogi!
"Sorry, Avery. Sorry sa mga nasabi ko. Hindi ko sinasadya. Magiging good boy na ako, promise! Maghuhugas na ako ng pinggan. Bibilhan kita ng Yakult araw-araw. 'Di ba, gusto mo 'yon ganda? Please... bumalik ka na."
Naramdaman ko ang luha niya sa braso ko. Naiiyak na rin ako. Shemay, Avery. Ito na naman tayo.
"Please, sorry na talaga..." pagmamakaawa pa nito.
Hinaplos ko ang likod niya. Pinunasan ko ang luha ko. Nilabanan ko ang sarili ko pero...
"Shhh. Pinapatawad na kita. Tama na 'yan. Tahan na," bulong ko sabay tapik sa braso niya.
"Para akong bata," nangingiting saad niya.
"HAHAHA! Kaya nga eh, panget mong umiyak," biro ko. Tumawa siya kaya natawa na rin ako. Pero sa likod ng halakhak, may pasang sakit pa rin.
"Namiss ko 'yang tawa mo, ganda," sabi niya sabay ngiti. "Kanina kasi kala ko 'di ikaw 'yan."
"Siyempre eme lang." saad ko na lang.
"Tara na sa dorm?" pag-aaya niya.
"About that..." huminga ako nang malalim. "I think, 'di muna ako babalik."
Nagbago ang mukha niya.
"Akala ko ba okay na tayo? Galit ka pa rin ba?" nalulungkot niyang tanong.
"No, Tyler. It's not about me and you. It's about them. Elliot. Tyron. Lahat tayo. Hindi ako babalik hangga't hindi sila okay." sagot ko sa tanong niya.
Pinaliwanag ko lahat sa kanya. Lahat ng plano ko. At natuwa ako nang sabihin niyang tutulungan niya ako. Kakampi ko na siya ngayon. Yasss!
Natawa siya. "Patay ako sa tatlong 'yon pag nalaman nilang alam ko kung saan ka."
Sabay kaming tumawa. Wala na ang bigat sa puso ko, kahit saglit lang. I'm glad na okay na kami ni Tyler. Bumalik na ang dating maloko at punong-puno ng energy na makipag-asaran saakin.
Sana mag-work ang plano ko. Sana... mabuo ulit kami.
Itutuloy...