Elliot's Point of View
Wala pa rin akong maayos na hinga simula nung makita ko si Avery na nakahandusay sa rooftop.
Halos isang maling galaw na lang kanina, baka... baka tuluyan na siyang nahulog.
Tangina, ayokong ulitin 'yun. Never again.
Si Tyron agad na lumapit para buhatin siya.
Si Edward sinalo ang likod ni Avery para hindi masaktan. Si Tyler? Alert. Parang bodyguard na ready umatake kung may sumulpot pa ulit.
Ako?
Frozen for a second. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa galit.
'Yung lalaki. 'Yung gago. 'Yung naka-mask.
Kung hindi ko lang siya sinapak agad, baka nakuha ko pa 'yung pangalan niya. Pero gaya ng dati, parang multo lang siyang nawala.
"May note sa bulsa ni Avery," sabi ni Tyler habang binubuhat siya papunta sa clinic.
Dahan-dahan akong lumapit at kinuha ang sulat. Isang papel na may sulat lang na:
"This is just the beginning. - ₩"
Putangina talaga. Sino ka ba, ha?!
Tyron's Point of View
Tahimik kami lahat habang binabantayan si Avery sa clinic. Nakahiga siya, still unconscious pero stable. Mabuti na lang at wala naman siyang galos.
Pero hindi ko mapigilan ang mag-init ang ulo ko habang tinitingnan si Elliot.
"Anong naisipan mo kanina, ha?" bigla kong tanong. "Iniwan mo kami para habulin 'yung lalaki?"
"At least may ginawa ako," malamig niyang sagot.
"May ginawa ka? Pucha, Avery could've fallen, Elliot!" singhal ko.
"At kung hindi ko siya pinigilan, baka mas lalong marami pa siyang nasabing kasunod."
Nag-init lalo ulo ko. "Lagi kang ganiyan. Palaging bida-bida. Laging solo. What? Akala mo ba ikaw lang 'yung concern sa kanya?"
"Excuse me? At least hindi ako useless habang may nangyayari." saad naman nito pabalik.
"Guys," singit ni Edward, halatang napapailing na. "Wala pa ngang isang oras nakalipas simula nung muntik nang mamatay si Avery, nag-aaway na naman kayo."
Tyler stepped forward. "Enough. Save your ego trip for later. Avery needs peace right now. Not two grown-ass men acting like high school rivals."
Nagkatinginan kami ni Elliot.
Walang gustong mag-back down.
Pero tahimik na lang ako. Kasi mas importante si Avery ngayon. Hindi ang pride ko.
Avery's Point of View
Hindi ko pa kayang idilat 'yung mga mata ko, pero naririnig ko sila
Ang lalim ng boses ni Elliot. Ang tigas ng tono ni Tyron. Parang naririnig ko rin sina Tyler at Edward. Maingay na naman. Tsk. Ang kulit ng mga 'to.
Pero may nag-aabot ng kamay ko. Alam ko agad kung sino. 'Yung grip na 'yun—si Tyron 'yan. And then, may boses na bumubulong malapit sa tenga ko.
"Pillow... I'm here. Hindi na kita iiwan."
Elliot.
Tyler's Point of View
Nakatayo lang ako sa may bintana ng clinic habang pinapanood silang tatlo. Si Avery, unconscious pa.
Si Elliot, halos hindi na gumagalaw sa tabi ng kama niya. Si Tyron, mukhang mamumugto ang mata sa inis.
"Guys," sabi ko habang hawak pa rin ang sulat ni Mr. ₩. "Kung may isa pang stunt na ganito, we better be prepared."
"Agreed," Edward said. "Pero this time, we work together. Walang solo hero shit."
Tumingin ako kay Elliot. Tahimik lang siya. Pero kita mo sa mata niya na punong-puno ng guilt, worry, at galit. Parang bomba na ready sumabog.
Elliot's Point of View
Hindi ko kayang mawala si Avery.
Hindi ko rin kayang ituloy 'tong childish drama namin ni Tyron habang may psycho na gustong sirain ang buhay niya.
Kaya kahit nakakainis 'yung ugali nung mokong na 'yun, kailangan naming magtulungan.
Tumingin ako sa kanya—kay Tyron. Ang kapal ng mukha. Pero andito siya. Nakaalalay rin kay Avery.
Napatingin siya sa 'kin.
"Let's just focus on protecting her," I said, tonong pagod pero totoo.
Tumango siya. Walang sarcasm. Walang yabang. For the first time again, pareho kaming nag-agree. For Avery.
Avery's Point of View
Unti-unti akong dumilat. Malabo pa pero nararamdaman ko 'yung liwanag, 'yung aircon ng clinic, at 'yung tunog ng apat na boses.
"She's waking up," narinig kong sabi ni Edward.
"Avery?" si Elliot, halos pabulong.
"Ayan na, ayan na! Gising na sya!" excited na boses ni Tyler.
"Relax, 'wag niyo siyang sindakin," sabi ni Tyron, pero halatang kinikilig sa ginhawa.
Nginitian ko sila. Weak pa pero totoo. "Alam niyo bang ang pangit niyong lahat kapag nag-aaway?"
Natawa silang apat.
"Welcome back," sabay-sabay nilang sabi.
Napansin ko si Elliot, hawak pa rin ang kamay ko, pero mas banayad na.
"Don't ever scare me like that again, Pillow," sabi niya, halatang pigil ang emosyon.
"Try mo kaya ikaw 'yung dukutin next time. Fair lang, 'di ba?" pabiro kong saad.
Napailing siya pero ngumiti. "Basta next time, sa akin ka lang magpapa-rescue."
"Hala possessive," bulong ko.
Ngumiti siya. "Always been."
Nang matapos ang nangyari sa rooftop, todo bantay ang mga mokong sa 'kin.
Sobra silang protective to the point na halos 'di na ko makagalaw mag-isa. Pero sa lahat, si Elliot ang pinaka-extra.
Hindi ko alam kung sobrang concern lang talaga siya o sinasadya niyang gamitin 'to para mas lalo akong mapalapit sa kanya.
Pero eto na nga, sa gitna ng lahat ng to ay nangyari na 'yung 'di ko inaasahan.
Flashback
Gabi na no'n at nasa balcony kami ni Elliot. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatitig sa mga stars. Sobrang chill ng hangin pero kabaligtaran ng nararamdaman ko sa loob—grabe ang kaba ko.
"Avery," sabi niya, sabay tingin sa 'kin. "May gusto akong sabihin."
Napalingon ako, trying to act cool kahit deep inside, shemay this is it na ba?
"Alam kong may mga bagay na hindi natin pwedeng pilitin, pero may mga damdamin na kahit anong iwas mo, lumalaban. At kahit sinubukan kong ilayo sarili ko sa 'yo... hindi ko kinaya."
Nanlaki mata ko.
"Gusto kita, Avery." saad niya. Straightforward at walang halong kaba.
Literal na napalunok ako. Hindi ko alam kung sasagot na ba ako o tatalon sa saya.
"Elliot..." ang tanging bulalas ko.
"Hindi mo kailangang sagutin agad. Gusto ko lang malaman mong totoo 'to. I don't want to lose you again. Kahit anong mangyari, gusto kong malaman mong mahal kita." And that again, hindi magkamayaw ang tibok ng puso ko.
Napayuko ako, nanginginig yung kamay ko pero hindi dahil sa takot kundi dahil sa sobrang dami ng emosyon na gusto nang sumabog. Pinilit kong hindi umiyak pero may tumulo pa ring luha sa mata ko.
Hanggang ngayon, 'di pa rin ako makapaniwala na may nararamdaman din siya sakin kagaya ng nararamdaman ko. Kasi noong una, pinipilit kong hindi siya mahalin.
Sige, nandun na tayo sa may gusto ako sa kaniya. Pero hindi ko hinayaan na mas lumala. 'Yun dapat ang plano—pero wala eh, marupok ako. Atsaka jusko naman mga inday, si Elliot na 'yun oh. Katawan pa lang bibigay ka na talaga!
Hindi ko na kinakaya.
"Gago ka," sabay kurot sa braso niya. "Ngayon mo lang sinabi, tanga ka."
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"Gusto rin kita," bulong ko.
And that was it. Simula nun, naging kami. Walang grand announcement. Walang fireworks. Pero sapat na 'yung yakap at titig na parang sinasabi ng mga puso naming, "Ito na 'yun."
End of Flashback
Fast forward to present, nandito kami sa dorm. Natutulog pa rin si Elliot habang ako, fully ready na for class.
Umupo ako sa tabi niya, pinagmasdan ko lang siya. Ang gulo ng buhok pero ang ayos pa rin tignan.
Tumunog ang phone ko. It's from an unknown number.
[Hi my princess. Miss me? - ₩]
Napalunok ako.
Kwinento na nila sakin ang buong nangyari habang wala ako sa sarili. At kung sino man tong Mr. ₩ na 'to, hindi pa tapos ang laban.
Bigla akong niyakap ni Elliot mula sa likod.
"Good morning, pillow," bulong niya.
"Good morning din, blanket," sagot ko, sabay ngiti kahit may kaba na namumuo sa dibdib ko.
"Tulog muna tayo ulit," pilit niya habang niyayakap ako pati paa.
"Hoy! Nakapang-school uniform na ako! Huwag mo lukutin ang damit ko!" sigaw ko habang pumipiglas.
"Date na lang tayo, pillow. Cutting ka na today," asar niya pa rin.
"Ambaho ng hininga mo, maligo ka nga muna," pikon kong sabi kahit hindi totoo.
"Kiss kita riyan," banta niya. Tumaas balahibo ko sa tono ng boses niya.
"Maligo ka na nga!" tawa ko, sabay tulak sa kanya papuntang banyo.
At nung pumasok na siya sa loob, mabilis akong lumabas ng dorm.
"Sorry, blanket!" sigaw ko habang tumatakbo papuntang campus. Naisahan ko nanaman siya.
Pero habang papalayo ako, tumigil ako sandali at napatingin sa langit.
Masaya ako... pero alam kong hindi pa tapos ang kwento naming lahat.
Itutuloy...