Elliot's Point of View
Hindi ko maipaliwanag 'tong pakiramdam ko habang nasa loob ng campus. Kanina pa ako parang may kung anong iniintay—pero hindi ko alam kung si Avery ba 'yun... o si Mr. ₩.
Baka both.
Nasa hallway ako, papunta dapat sa class namin nang makita ko siya. Si Avery. Nakaupo sa bench, hawak ang phone, nakakunot-noo. Ramdam ko agad that something's wrong.
Lumapit ako.
"Hey," casual kong bati.
Tumango lang siya. Walang ngiti. Walang kahit ano.
"Anong meron, Pillow?" tanong ko. Alam kong may mali.
She raised her phone without saying a word. Doon ko nakita 'yung message.
[Hi, my princess. Miss me? - ₩]
Tangina. Eto na naman. 'Di pa rin tapos?
Umupo ako sa tabi niya. "Bakit ngayon lang mo sinabi?"
"Tingin mo ba okay pa 'yung timing? Kagigising ko lang sa bangungot tapos susundan ng ganiyan?" she said, this time, medyo may pikon sa boses niya.
"Fair. Pero Avery, dapat kahit gano'n sinasabi mo sa amin. Sa 'kin. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga saakin." masuyo kong saad.
Napatingin siya sa 'kin. Straight to my eyes. "Oo. Kaya nga ako natatakot, eh."
"Bakit?" nababahala kong tanong.
"Kasi the more na lumalapit ako sa inyo, lalo na sa 'yo, the more na parang may humahabol sa 'kin. Parang ang dami kong sinasaktan—pati sarili ko." nalulungkot niyang saad. Argh, my pillow!
"Pero Pillow..." I reached for her hand. "We're here. I'm here. You're not a burden. You're not a curse." I assured her.
Hinila ko siya palapit. Hinalikan ko ang noo niya.
"Tingnan mo nga ako," I said. "I don't care kung may psycho na sumusunod. I don't care kung every week may threat. What I care about is you. Safe ka. At mas okay ako kapag alam kong hindi mo ako tinataboy."
She chuckled, weak but honest.
"Ang drama mo." saad ko habang nangingiti.
"Excuse me? Ikaw 'tong bigla na lang magwawala kapag hindi ko ginugulo buong araw." siyempre ibang usapan 'yon.
"Sira." Pero ngumiti na siya.
"'Yan ang smile na gusto ko."
Ngiti mo lang mahal ko, it'll made my day.
Avery's Point of View
Nakakairita 'tong lalaking 'to. Ang kulit, ang lambing, ang clingy... pero ang hirap iwasan.
Kaya siguro kahit na may Mr. ₩ na gumugulo, hindi ko kayang palayuin si Elliot. Kasi sa likod ng lahat ng mga delikadong maaaring mangyari, siya 'yung safe place ko.
I mean, who else would kiss your forehead at 8:00 AM habang may death threat ka?
Ako lang. Ako lang 'yung sira-ulong in love.
"Okay, fine. Sasabihin ko lahat simula ngayon," sabi ko.
"Promise?"
"Pinky swear pa gusto mo?"
"Edi wow. Grade 2 yarn?"
We both laughed. Pero sandali lang 'yun kasi biglang tumunog ulit ang phone ko.
[This is just a preview. Don't get too comfortable. - ₩]
Napatingin ako kay Elliot. Nakita niya rin 'yun.
"Shit," bulong niya.
Tumayo siya, at parang automatic, nag-text na kina Tyler at Edward. Meanwhile, I held the phone tighter.
"Tingin mo, sinusundan ako ngayon?" tanong ko.
"Honestly? Possible. Pero hindi ka na nag-iisa ngayon." he assured me.
"I know." alam kong hindi nila ako pababayaan, I have them. I have my Elites with me.
Right after that, dumating sina Tyler, Edward, at Tyron. Halatang hiningal pa galing sa pagtakbo.
"Anong meron?" tanong ni Tyler, habang pinupunasan ang pawis sa batok.
"Si Mr. ₩. Nag-message ulit," sagot ni Elliot.
Edward pulled out his phone. "We need to call someone."
"Like whom?" tanong ko.
"Someone who can trace this number." sagot ni Tyler.
Napatingin ako sa kanila. For once, lahat sila seryoso.
At that moment, I knew this was no longer just some random psycho. This was war.
Tyron's Point of View
Nakatingin lang ako kay Avery.
She looks tired, but braver. Hindi kagaya noon na lahat tinatago. Now, she's standing here—kahit takot, kahit nanginginig, pero matatag.
Nakakahiya mang aminin, pero proud ako sa kaniya. Sa dami ng pinagdaanan niya, sa bigat ng binuhat niya mag-isa, she still managed to find her strength. Kahit pa minsan ay ako mismo 'yung naging dahilan ng bigat na 'yon.
At kahit na si Elliot ang pinili niya, I'm not gonna be that bitter guy sa gilid.
Not anymore.
I've had time to think. To really think.
Hindi madali. Masakit, oo. Kasi ako rin, minsan, umasa. Pero mali rin siguro na umasa ako nang sobra... nang hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong mamili nang malaya.
Avery never led me on. Hindi siya naging unfair. Ako lang talaga 'yung pinilit kong suotin 'yung papel na hindi para sa akin.
At ngayon, malinaw na sa akin: mahal niya si Elliot.
And that's okay.
I can't spend the rest of my life resenting someone for choosing love. I can't keep blaming Elliot for being the one she turned to. And I won't let my ego ruin the only friendship that matters now — Avery's, and my bond with my cousin.
Kung may magbabantay sa kaniya, dapat all four of us. Hindi 'to about sa love triangle anymore.
This is about Avery's safety.
This is about something bigger than pride.
Because if I really cared about her, I'd protect her — not just from others, but from myself too.
"Gagawa tayo ng schedule," sabi ko. "May tagabantay kay Avery at all times."
Elliot nodded. "Tama. Magbuo tayo ng rota. Kung gusto ni Mr. ₩ ng gulo, ibibigay natin."
"But smart," dagdag ni Edward. "Hindi pabarabarang tapang. We plan. We move smart."
Tyler grinned. "Maganda 'to. Parang MI6. Pero pogi version."
Napailing ako.
"Basta ang importante," dagdag ni Elliot, "Hindi na natin siya pababayaan. Ever."
I looked at Avery.
She nodded.
"I'm tired of running," sabi niya. "So, this time, lalaban ako."
And right there, kitang-kita ko sa mga mata niya—si Avery, hindi na takot. She's ready.
Ready na rin kami.
Mr. ₩, maghanda ka.
Itutuloy...