Avery's Point of View
Agad akong nakapasok sa school habang dala-dala pa rin ang malaking ngiti sa labi dahil successfully naka-escape kay Elliot. HAHAHA!
For sure, inis na inis na naman 'yun mamaya. Pero ang sarap sa pakiramdam 'pag natatalo ko kahit once 'yung overly clingy kong boyfie.
Medyo maaga pa kaya dumiretso muna ako sa canteen. Hindi pa kasi ako nakakakain dahil sa mission: iwas kay Elliot.
Kaya ayun, spaghetti muna for breakfast. Judge me, I don't care. Cravings are valid.
Habang busy ako sa paglamon, napansin ko si Tyron na naglalakad papunta sa hallway. Instinctively, tinawag ko siya.
"Tyron!" sigaw ko, sabay senyas. Pero parang hindi niya ako narinig—or sadyang iniwasan lang talaga ako.
Natapos na ang spaghetti real quick, at agad akong pumasok sa classroom.
At gaya ng expected ay nakaabang na si Elliot sa seat niya.
'Yung ngiti niya nung una? Soft. Pero nung nakita niya ako? Boom, busangot mode activated.
Umupo ako sa tabi niya at bigla niya akong pinitik sa noo.
"Aray! Masakit 'yun ah!" reklamo ko habang hawak-hawak ang noo.
Lumapit siya sa tenga ko, at buong confidence na bumulong:
"Sabi mo may kiss ako... pero iniwan mo 'ko. Mamaya sa kwarto, Pillow. May utang ka." sabay ngiting nakakainis.
Tumingin ako sa kanya with my signature death stare. Pero syempre, slight lang. 'Di ko kayang magalit nang matagal sa taong 'to, ewan ko ba.
Habang nagle-lecture si prof, naramdaman kong may matang nakatingin sa akin.
I turned to my right—si Tyron. Pero nung lumingon ako, bigla siyang umiwas ng tingin. Alam kong aware na siya. Alam niyang kami na ni Elliot. And I get it... masakit.
Ayoko rin naman na mawala siya bilang kaibigan. Kaya may naisip akong gawin.
Sinulatan ko siya ng note:
From: Avery
Galit ka?
Dahan-dahan ko itong pinasa sa desk niya. No one noticed.
Nakita kong tiningnan niya lang 'yung papel, tapos tumingin sa akin. Nagpa-puppy eyes ako and full charm activated. Pero parang dedma. Hanggang sa nakita kong bumuntong-hininga siya at sumagot:
From: Tyron
Nah. I just need time.
Napangiti ako. Kahit papaano, 'di niya ako completely binlock out. Siguro kailangan ko lang din respetuhin 'yung space na kailangan niya.
After class, naglakad kami ni Elliot papuntang cafeteria.
Pero kahit anong kulit niya, wala akong ibang iniisip kundi si Tyron. Hindi dahil sa feelings pero dahil sa friendship.
Paano ko kaya maaayos 'to?
Baka libro. Tama. Mahilig siya magbasa. Bibili ako ng book para sa kaniya.
"Pillow, okay ka lang?" gising ako sa ulirat sa tanong ni Elliot.
"Oo, Blanket. Medyo nalulungkot lang ako," sagot ko habang nakatitig sa loob ng cafeteria.
"Bakit naman?" tanong niya ulit.
"Si... si Tyron."
Napabuntong-hininga siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Gulat ako sa lambot ng hawak niya. Walang pwersa, pero ramdam mong totoo.
"Nagsisisi ka ba?" tanong niya, this time mas tahimik ang boses.
"Hindi," sagot ko. Straight. Walang drama.
"Pero bakit siya 'yung hinahanap mo?"
Medyo napayuko ako. "Dahil kaibigan ko siya. Importante rin siya sa akin."
"Pero ako 'yung pinili mo, 'di ba?"
Tiningnan ko siya. May lungkot sa mata niya, pero pilit niyang tinatago. Ayoko siyang masaktan.
"Ikaw ang mahal ko, Elliot. Kaya 'wag mo naman sana pag-selosan 'yung taong naging kaibigan ko bago pa man tayo naging tayo. Huwag mo naman akong pagbawalan mahalin sila bilang pamilya." saad ko.
Napangiti siya ng konti. "So... paano 'yan? Pwede na 'ko magselos sa lahat ng estudyanteng lalaki maliban sa amin?"
"Pati guard, teachers, tendero, delivery guy-lahat bawal?"
"Tendero... exempted."
"Guard?"
"Pwede. Basta senior citizen."
Napatawa ako. "Grabe ka talaga."
Lumapit ako sa kanya, kunwari bubulong.
"Ang gwapo mo, Blanket."
Namula agad 'yung pisngi niya. Napakagat pa sa labi at napailing.
"Damn. Paano ba kita hindi mamahalin?"
Habang kumakain kami, sobrang saya ko. Pero ayun na naman siya—may lalaking pumila sa likod ko, nagpakilala, tapos si Elliot?
Tumayo agad. Tiningnan ng masama 'yung lalaki at hinila ako palayo. Siya na ang pumila para sa akin.
"Seryoso ka talaga?" natatawang tanong ko.
"I love you, Pillow," sagot niya, walang pakialam kahit may ibang tao sa paligid.
"I love you too, Blan-"
BOOM.
Isang napakalakas na pagsabog ang yumanig sa buong cafeteria. Nawalan ako ng balanse, naramdaman ko ang paglipad ng alikabok at mga debris. Napabitaw ako kay Elliot.
Hindi ko na magalaw ang katawan ko. Hindi ko mahanap ang boses ko. Lahat nanlalabo. Masakit. Manhid.
"Avery! Nasaan ka?!" sigaw ni Elliot sa kawalan. Pero hindi ko siya makita. Sobrang kapal ng usok.
Bigla akong binuhat ng isang tao. Pagtingin ko, pamilyar ang mukha kahit nakatakip ito.
"K-Kiefer?" mahina kong bulong.
Ngumiti siya-pero hindi magaan. "Andito na ako, my princess."
"Hush. Akin ka lang." kinilabutan ako.
Hindi ko na magawang sumigaw. Wala na akong lakas.
"You are just mine. At dahil nangengealam si Elliot, papatayin ko siya. Isn't that great? Mawawala na siya, at ako na lang ang mahal mo."
Nakakatakot. He sounded so crazy. Delikado na siya.
"So, for now... you need to rest."
Tinakpan niya ng panyo ang ilong at bibig ko.
Amoy kemikal. Amoy panghimatay.
Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
"E-Elliot..."
Itutuloy...