WebNovelDetoxify71.05%

Chapter 26: Choice

Elliot's Point of View

"Avery! Nasaan ka?!" Sigaw ko habang namimilipit sa sakit. Halos hindi ako makatayo dahil sa pagputok kanina. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Pero kahit nanginginig at halos 'di na makalakad, pinilit ko pa rin. Kailangan kong mahanap si Avery.

Kahit madilim, kahit halos wala akong makita sa kapal ng usok at gumuhong debris sa cafeteria, hindi ako tumigil. Hanggang sa nakita ko siya.

May bumuhat sa kanyang isang lalaki—at hindi kung sino-sino, si Kiefer!

"You. Are. Just. Mine. At dahil nangengealam ang Elliot mo, papatayin ko siya. Isn't that great? Mawawala na siya, at ako na lang ang mahal mo."

F*ck. Tinig pa lang, kumulo na agad ang dugo ko. Pero lalo akong natulala nang makita kong tinakpan niya ng panyo ang ilong ni Avery.

Akmang susugod na ako, may kahoy na napulot na sana'y ipupukpok ko sa likod niya pero may humila sa braso ko.

"Shh! Elliot, ako 'to. Si Tyron," bulong niya.

"Damn it, Tyron! Bitawan mo ko! Hindi ko siya pwedeng hayaang makuha ng hayop na 'yon!" may gigil kong saad. I'll surely kill that bastard!

"Wala ka sa kondisyon. Kung susugod ka ngayon, sabay kayong mamamatay. Do you want that?" pangungumbinsi nito saakin.

Tumigil ako. Galit, poot, at takot—lahat ng emosyon parang gustong sumabog. Pero tama siya. Kung sugod ako nang sugod, wala akong laban.

Sinabi saakin ni Tyron ang mga nalalaman niya.

"Paano mo alam ang mga plano nila?" tanong ko, halos hindi makapaniwala.

"I've been watching them," sagot niya, diretsahan. "Nung nakita kong sinusundan si Avery ng mga lalaki, nag-disguise ako. Kinausap ko sila, nagkunwaring isa ako sa kanila. Nalaman ko lahat. Pinapapatay ka nila, Elliot. 'Yung pagsabog? It's just a distraction. Plano ka na nilang tapusin." paliwanag niya.

Halos hindi ako makahinga. Shit. Lahat pala 'yun scripted. For what? To cover up my death? 

"Bakit hindi mo sinabi agad?!" galit na bulong ko.

"Pag kinausap kita, madadamay ako. At baka hindi na rin ako makalapit kay Avery. You saw it yourself, kanina lang, iisa lang ang may lakas ng loob na kausapin siya. Lahat takot kay Kiefer."

Napakuyom ako ng kamao. Lahat ng galit, nandoon. Pero mas nangingibabaw 'yung pangangailangan kong mailigtas si Avery.

"Then what now?" tanong ko.

"We fight smart. May plano ako." saad niya.

Tumango ako. "Call Tyler and Edward. Sabihin mong pumunta sila sa likod ng gymnasium, sa tambayan. Doon nila tayo sunduin. Tayong dalawa, dadaan tayo sa fire exit."

"Copy."

Naglakad kami paunti-unti. Habang palalim nang palalim sa loob ng nasirang building, naririnig ko ang boses ni Kiefer.

"Hanapin niyo sila! Ayokong mawala 'yang Elliot na 'yan! I want him dead!"

Putangina mo. Hintayin mo lang.

Nakalabas kami sa kitchen at agad tumakbo papunta sa likod ng cafeteria. Sumulpot doon sina Tyler at Edward sakto. Bago pa kami nakasakay, agad kaming nagplano.

"Okay, spill," sabi ni Edward.

Naglabas ng blueprint si Tyron. "Ito ang hideout nila. Nakuha ko 'to kanina sa isang bag ng tauhan ni Kiefer. Risky, pero walang naka-alam."

Tinuro niya ang isang silid. "Dito most likely nakatago si Avery. May tatlong bantay sa labas, isa sa loob. Pero mahina ang likoddito tayo papasok."

"Meron pa ba tayong oras para manghingi ng back-up?" tanong ni Tyler.

"Too late. Every second counts. We go in now. We get her out. We hit them hard kung kailangan."

Tahimik kami. Hanggang sa ako ang nagsalita.

"Let's go. Hindi ako aalis doon hangga't hindi ko siya kasama palabas."

Sumakay kami sa van. Ako ang nagmaneho, kahit namamaga pa ang braso ko.

"Forgive me, Lord. Pero kung may masama akong magawa sa halimaw na 'yun... sana maintindihan mo."

Avery's Point of View

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Masakit ang ulo ko. Mabigat ang katawan. At ramdam ko agad na hindi ako ligtas.

Nasa kama ako, puting silid.

Malamig.

Tahimik.

Tila hotel pero may presensya ng panganib. Sa tabi ko, nakaupo si Kiefer. Nakangiti.

"P-Please... huwag mo kong hawakan," mahina kong sabi, tinatangkang umatras.

"Huwag kang matakot, Princess. Ikakasal muna tayo bago kita tikman. Isn't that romantic?"

What the hell. Baliw na talaga siya.

"A-Anong balak mong gawin?" tanong ko, nanginginig ang boses.

"Wala naman. Or maybe meron—'yun ay ang patayin si Elliot. Then you're all mine."

Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko mapigil ang luha ko.

"Please... please. Gagawin ko lahat. Huwag mo lang siyang saktan. Ako na lang. Akin na lahat. Huwag lang siya."

Napatingin siya sa'kin. Biglang nawala ang ngiti. Tumingin nang diretso.

"Mahal mo talaga siya?" tanong niya, masyadong kalmado para sa isang psycho.

"O-Oo. Mahal na mahal."

Pak!

Isang sampal.

Malakas.

Nanlambot ang panga ko at nalasahan ko ang dugo.

"Oh, sorry. Napalakas yata. Pero dapat hindi mo sinasabi 'yan, Princess. Hindi maganda para sa aking pakinggan. Gets mo?"

Napahagulgol ako sa takot. Tapos bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Gusto mo talagang mabuhay si Elliot?" tanong niya.

Tumango ako, mabilis.

"Then you'll do what I say. Lahat."

Tahimik akong um-oo. Para sa kanila. Para sa kaniya. Para mailigtas ko ang mga mahal ko.

Itutuloy...