Elliot's Point of View
Huminto kami sa gilid ng isang malaking puno sa tapat ng bahay na pinaghihinalaan naming hideout ni Kiefer. Mula rito, kita ang dami ng bantay. Armed, alert, and obviously prepared. Mas lumalamig ang paligid hindi dahil sa simoy ng hangin kundi dahil sa kaba sa dibdib ko.
"Sa'n tayo dadaan?" tanong ni Edward habang sinisilip ang paligid.
Binuksan ni Tyron ang blueprint na nakuha niya.
"Dito sa gilid, sa likod ng laundry area. Mas malapit 'to sa kwarto kung saan malamang nandoon si Avery," paliwanag niya.
Tahimik kaming tumango at dahan-dahang gumalaw.
Every step felt heavy.
Hindi lang dahil sa tensiyon, kundi dahil sa takot na baka mahuli kaming wala pang nagagawa.
Pagdating namin malapit sa pader ng compound, sakto na sanang papasok kami nang may biglang humablot sa amin.
Bago pa kami maka-react, tinakpan na ang ilong namin ng tela. May gamot ito at matapang.
Ilang segundo lang, tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising ako sa malamig na buhos ng tubig. Mabilis akong dumilat at nanlalamig, nanginginig, pero agad kong inikot ang tingin ko.
Tinali kami sa mga upuan. Si Edward, Tyler, at Tyron ay pare-parehong walang magawa.
Pero ang mata ko, kay Avery agad lumipat.
Naka-upo siya sa isang sulok. Hindi nakatingin. Hindi umiimik.
"Avery!" Sigaw ko. Pilit akong tumatayo pero walang kwenta. Nakagapos kami.
"Pillow! Okay ka lang?!" Tanong ko, puno ng pag-aalala. Pero bakit parang iba? Parang wala siyang reaksyon.
Napatingin ako sa kanan. Si Kiefer. Nakangisi. Hayop.
"Ikaw! Putangina mo! Kalagan mo 'ko! Harapin mo 'ko! I swear, papatayin kita!"
Pero ngumisi lang siya. Tanginang ngiti 'yan, punong-puno ng kayabangan at kasamaan.
"Enough, Elliot," malamig na boses ni Avery ang pumunit sa init ng ulo ko. Napatingin ako sa kanya. She couldn't even meet my eyes. Pigil ang luha.
"Anong ibig sabihin nito, Avery?" halos 'di ko na maipinta ang mukha ko. Hinahanap ng puso ko ang dahilan. Kahit anong rason. Kahit sinungaling na pag-asa.
"Stop this... I don't love you anymore," bulong niya. Pero kahit mahina, sapat na para wasakin ako.
Parang may bombang sumabog sa dibdib ko.
Hindi, hindi pwede. Hindi ito si Avery. Hindi ito 'yung babaeng yumakap sa 'kin kagabi. Hindi ito 'yung babaeng pinangarap kong makasama habang buhay.
"Avery... okay pa tayo kanina, 'di ba? Bina-blockmail ka ba ng hayop na 'to? Please, sabihin mo. Just blink, just shake your head. Kahit ano. Just tell me this isn't real." pagmamakaawa ko. Ang sakit. Nasasaktan na ako.
Pero umiling siya. Halatang pinipilit ang sarili na maging matigas. Pero sa bawat panginginig ng labi niya, ramdam ko... she's hurting too.
"Please, just let me go," sabi niya. "Ginamit lang kita."
Ramdam ko ang bigat ng boses niya. Parang bawat salita, hinugot mula sa sugat. Pero pinipilit pa rin niya. Kahit pa alam naming dalawa na pareho kaming nasasaktan.
"Avery... please. Ako na lang maghuhugas ng pinggan. Ako na lang matutulog sa sahig. Just please, huwag mo lang sabihin ulit na hindi mo ako mahal." parang bata kong pakiusap. I can't lose her. I can't!
Nagkatinginan kami. Tumulo ang luha niya. Pero hindi siya nagbago ng desisyon.
"Sorry, Elliot... I never loved you."
Argh. Wala na. Para akong nilunod sa sariling luha ko.
"Stop the drama!" sigaw ni Kiefer. Tangina mo talaga.
"You! Alam kong pinilit mo siyang sabihin 'yan! Putangina, aminin mong tinakot mo siya!" galit na galit na boses ni Tyron.
"Do you think so?" pang-asar ni Kiefer.
"Kilala namin si Avery! Hindi niya kayang gawin 'to kung hindi mo siya ginamitan ng dahas!" boses na may paninindigan, mula kay Tyler.
"Then prove it," sabi ni Kiefer. "Princess, kiss me."
Halos mabingi ako sa sinabi niya.
"No. No, please. Pillow, 'wag. I'm begging you." I said hoping that she won't.
Tumingin si Avery sa amin. Sa akin. Tumalikod siya at tumayo. Dahan-dahang naglakad papunta kay Kiefer.
Bawat hakbang, parang tinutusok ang puso ko. Umasa ako, baka palabas lang 'to. Baka planado. Baka may twist.
Pero nung nakita kong inilapit niya ang mukha niya kay Kiefer... napalunok ako. Umiiyak siya. Hindi siya nagsalita. Pero halatang pinipilit ang sarili.
"Kapag hinalikan mo siya..." halos hindi ko na kaya. "Sige... malaya ka na."
Pikit mata akong naghintay.
"Sorry," bulong niya bago niya idikit ang labi niya kay Kiefer.
At doon, literal na gumuho ang mundo ko.
Pinili niya. Pinili niya ang halimaw.
Kiefer kissed her back. At si Avery? Hindi gumalaw. Umiiyak lang.
Tapos...
BOOOOOM!
Nagulat kaming lahat sa biglang pagsabog sa labas.
May putukan.
Chaos.
Pumasok ang mga pulis, nakasuot ng tactical gear.
Sigawan.
Barilan.
Si Kiefer, agad hinila si Avery. Nakita kong tinangka niya akong tingnan.
"Avery!" sigaw ko.
Naglakad siya palayo, pilit na kinalas ang tingin niya sa 'kin.
"Sorry..." bulong ng mga labi niya.
"P-Pillow..." ang tanging nasabi ko.
At sa pangalawang beses, pinili niya si Kiefer. Hindi ako.
Itutuloy...