WebNovelDetoxify76.32%

Chapter 28: Longing

Elliot's Point of View

Five years.

Limang taon mula noong araw na nawala si Avery.

Limang taon mula noong pinili niya si Kiefer—isang psychopath, sa halip na ako.

Ang daming nagsasabing, "Move on ka na." Ang dali sabihin, ang hirap gawin. Because Avery wasn't just any girl—she was the girl. My person. My home.

Pero ngayon, eto ako. CEO ng E-Sky Corporation. Isa sa mga pinakamalalaking kompanya sa Asya.

May posisyon, may pera, may kapangyarihan. Pero kulang pa rin. Wala pa rin si Avery.

Nakatitig lang ako sa kisame habang nilalabanan ang pagbabalik ng ala-ala. Biglang may kumatok.

"Come in," sabi ko.

"Elliot," si Yumi. "Naka-final na ang proposal para sa T.S. Corporation. I made sure magugustuhan nila this time."

Napangiti ako. Gusto ko talagang maka-collab ang T.S. Corporation— makakalikasan, and most importantly, they help displaced children.

"Thanks, Yumi," tugon ko. Tumingin siya sakin at ngumiti.

Yes, si Yumi. Ex ko. Pero ngayon? Best friend. Ironically, mas okay kami ngayon kaysa noon. We've come a long way.

"By the way, sasama ako sa 'yo sa meeting," dagdag ko.

"Good. Baka 'pag nakita nila mukha mo, maawa sila." pilyang saad nito.

"Ouch." I said sabay hawak sa dibdib ko, kunwari ay nasaktan sa sinabi niya.

"I'm kidding. Fix yourself. We'll leave in 15 minutes." saad niya professionally.

Pagdating sa headquarters ng T.S. Corp, I felt the tension. Matagal ko nang gustong makilala ang CEO nito. Ilang taon na rin kaming parang pusa't aso sa mundo ng negosyo. So, this was it.

Pagpasok namin sa conference room, may nakatalikod na lalaki. Binasa ko ang surname.

Salazar. That surname. Pagkabasa ko nito ay isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Alam ko kung sino ang nasa isip ninyo and yes, it was her. I entered the room regardless.

"Good morning, Mr. Salazar," bati ko. "I'm Elliot Reyes Enrique. The CEO of E-Sky Corp. Here to formally propose our collaboration."

Lumingon ang lalaki. Bahagyang lumaki ang aking mga mata dahil hindi ko inaasahang makikita ko siyang muli pagkatapos ng limang taon.

Kiefer.

"It's been a long time, Elliot," sabi niya na may mapanuksong ngiti. Hindi mo aakalaing minsan ay pinagtangkaan niya akong patayin.

"Yeah," malamig ko na lamang na sagot at hindi nagpatinag.

"So... you want a partnership, huh?" ani Kiefer, halatang nag-eenjoy sa nangyayari.

"That's the point of this meeting." saad ko.

"Okay," aniya, naglalaro pa ng pen sa daliri niya. "But we can't start yet."

Napakunot ang noo ko. "Why not?"

"The CEO isn't here yet."

Bumilis ang tibok ng puso ko. "I thought you were the CEO."

"I'm not Salazar, remember? I just manage some affairs." with that being said, alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Siya nga ba talaga? Ibig sabihin ba'y makikita ko na siyang muli? Handa na ba akong muli?

Tumalikod siya, sabay dukot sa phone. "She's here."

Pagbukas ng pinto, narinig ko agad ang boses na halos limang taon kong hinanap.

"Sorry I'm late." that angelic voice...

Tumigil ang mundo ko. Ang lakad. Ang hininga. Ang puso ko.

Narinig ko ang takong, unti-unting lumalapit.

Then, she walked past me wearing business suit, strong posture, elegant as hell.

Bineso si Kiefer.

"How many times do I have to tell you not to sit there?" panenermon nito sa lalaki. Biglang kinuyom ang puso ko sa sakit. Tsk, sa harap ko pa talaga.

Kiefer just raised his hands. "I surrender."

Then she turned.

At nagtagpo ulit ang mga mata namin.

Avery.

Mas lalo siyang gumanda siya ngayon. Mas composed. Pero nandoon pa rin 'yung mga matang minahal ko. Ang problema? Hindi na ako parte ng mundo niya.

"I'm Avery Salazar," she said with a calm but distant voice as if ngayon niya lang ako nakilala. "Let's proceed." dagdag niya.

You can do this, Elliot.

Avery's Point of View

Five years.

Five years since I was taken, isolated, at piniling manatili sa tabi ng taong minsan kong kinatakutan—si Kiefer.

Pero sa loob ng limang taon, nakita ko rin kung paano nagbago ang isang tao. He underwent therapy. Mahaba ang proseso, pero naging mabuting kaibigan siya.

At sa tulong niya at ni Dad, minana ko ang aming kumpanya and became the CEO of T.S. Corporation.

My father, Oliver Salazar, is a known businessman in the Philippines. Hindi siya palasikat, pero may respeto sa industriya. He handled T.S. Corporation for decades bago niya ito ipinasa sa akin. He's always been supportive—even when he didn't fully understand everything I went through.

My mom, Olivia, was more protective. Siya 'yung tipo ng ina na kahit nasa kabilang mundo ka na, tatawagan ka pa rin just to check if you ate. During my stay abroad, halos araw-araw kami mag-Facetime. Lagi niyang sinasabi, "Anak, umuwi ka na. Tama na 'yang corporate life mo r'yan." But I made a decision. Andito na ako, and I'm going to finish what I started.

I miss her. I miss her reminders. I miss home.

And I especially miss Yaya Mel—my childhood yaya na hanggang ngayon ay nagluluto pa rin ng paborito kong sinigang at biko tuwing birthday ko, kahit wala ako. She never forgets.

My younger brother, Jill—has always been the glue that keeps our family's humor alive. Palabiro, makulit, pero maaasahan. He's in his final year in college now. One year to go, and we'll be celebrating another Salazar milestone. Sabi nga niya sa last call namin, "Ate, sabay na tayo mag-cap and gown sa stage." Nakakatawa, pero nakakatuwa.

Despite the chaos, my family stayed whole. Tumibay kami. Mas naging bukas. Mas naging totoo sa isa't isa.

And here I am now.

From a broken girl to a woman with scars, strength, and stories.

"I'm Avery Salazar," I said with a calm but distant voice as if ngayon ko lang siya nakilala. "Let's proceed."

No more running.

This is my company. My life. My moment.

And even if Elliot's here now... he's not the center of my world anymore.

Hindi ko siya kailanman kinalimutan. Pero ginawa ko 'yun para sa kanya.

Sinubukan ko dati na bumalik ng Pilipinas, tatlong buwan akong nanahimik na sinubaybayan ang pinaggagawa niya. Nakita ko kung paano siya nagbago. Naging pabaya, naging mapusok, araw-araw ibang babae. I tried to understand him. Kasalanan ko rin naman.

Pero ang hindi ko malilimutan...

*Flashback*

Pumunta ako sa bahay niya para humingi ng tawad. Buo na loob ko. Pero bago pa ako makapasok, narinig ko na agad ang boses niya.

"Undress me, baby."

Tumulo ang luha ko.

Pero hindi pa 'yon ang pinakamasakit.

"Paano na si Avery?" tanong ng babae.

"She chose that psychopath. I don't care anymore. For all I know, mas malala pa ang ginagawa nila ngayon."

Sinundan ng halik.

At dun ko napagtanto. Wala na akong babalikan sa kaniya.

*End of Flashback*

Bumalik ako sa present nang tapikin ako ni Kiefer. May tumulong luha sa mata ko, agad kong pinunasan.

"Napuwing lang," palusot ko.

Napatingin ako kay Elliot. Nakatingin din siya sa 'kin. Ang tagal ng aming titigan. But I had to look away.

"Continue," malamig kong sabi sa secretary niya.

And now, the game has begun.

Business meeting? No.

This is personal. This is war. This is closure. Or maybe... This is the beginning of something we never finished.

Let's see who breaks first.

Me? Or him?

Itutuloy...