⚠ Content Warning:
This chapter contains mature themes and scenes that may not be suitable for readers under 18 years old. Reader discretion is advised.
Avery's Point of View
Naghalikan kami ni Elliot.
Sa una'y marahan, magaan, ngunit habang tumatagal, para kaming mga uhaw na nilamon ng damdamin at init na matagal nang ikinulong sa mga puso namin.
"Let's go home," bulong niya matapos ang halik.
Tahimik akong sumakay sa kotse niya.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, hindi lang dahil sa alak, kundi dahil alam ko kung saan patungo ang gabing ito.
Habang binabaybay niya ang daan, napansin kong hindi ito papunta sa condo ko.
"This isn't the way to my place," nahihilo kong bulong.
"You're not sleeping beside Aldrin tonight," seryoso niyang sabi, hindi makatingin sa akin. "Hindi ko kayang maisip na nandun ka, habang ako ay wala."
Hindi ako umimik. Sa totoo lang, ni hindi ko alam kung dapat pa ba akong lumaban sa nararamdaman kong bumabalik.
Pagkarating namin sa condo niya, dire-diretso kami sa elevator.
Tahimik.
Mabilis ang tibok ng puso ko habang nararamdaman ko ang mainit niyang kamay sa likod ko. Wala kaming kibuan, pero damang-dama ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.
Pagdating sa unit niya, agad niyang isinara ang pinto at hinila ako sa dibdib niya. Muli niyang siniil ng halik ang labi ko, at tuluyan na kaming nilamon ng damdamin.
Hindi ito marahas, pero mapusok.
Hindi ito pagmamadali, pero puno ng pananabik.
Dinala niya ako sa kama, at dahan-dahan niya akong hinubaran.
Sa bawat paghipo niya, pakiramdam ko'y muling binubuo ang lahat ng parte kong winasak ng panahon.
Hinawakan niya ang pisngi ko. "Ang ganda mo, Pillow."
Hinaplos ko ang labi niya. "I had my surgery two years ago. I did it for me. Hindi para sa 'yo."
"And you're still the most beautiful person I've ever loved," bulong niya bago muling bumalik sa paghalik sa katawan ko.
Ang bawat galaw niya, may kasamang pangungulila.
Hinahalikan niya ang leeg ko na parang pilit binubura ang bawat luha kong pumatak sa mga panahong wala siya.
Naramdaman ko ang bigat ng katawan niya sa akin, at habang tumataas ang temperatura ng katawan ko, mas lalo kong nararamdaman ang init ng damdamin niya.
"Tell me you still love me," bulong niya sa tenga ko, habang nakadikit ang katawan namin.
Napapikit ako. "Just... don't stop."
Hindi siya tumigil. Sa halip, mas lalo niyang pinadama ang pagmamahal na hindi nasabi noon. Ang mga halik niya sa balat ko ay parang bawat alaala na gusto niyang buuing muli.
Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng aming mga hininga, ang pagbulong niya ng pangalan ko, at ang mabilis na pintig ng puso ko.
Pumatong ako sa kanya.
Bumawi ako.
Hinaplos ko ang dibdib niya, ang batok niya, at siniil ko siya ng halik—mainit, puno ng pananabik, puno ng luha.
"Avery..." ungol niya habang pinipigilan ang sarili.
"Don't hold back, Elliot," bulong ko. "Just... be with me tonight."
At tuluyan kaming naging isa. Walang kahon ng nakaraan, walang pangakong kinabukasan. Gabing iyon, kami lang. Sapat na ang katahimikan at bawat halik para mapuno ang lahat ng nawawala.
Matapos ang sandaling iyon, nakayakap siya sa akin. Tahimik. Ang kanyang hininga ay dahan-dahang bumagal habang nakadantay siya sa dibdib ko.
"I love you," bulong niya, at hinalikan ako sa noo.
Hindi ako sumagot. Pinikit ko lang ang mata ko. Hinayaan kong dumaloy ang luha sa gilid ng pisngi ko.
Hindi pa ito ang oras para sa amin.
Hindi pa kami buo.
Pero kahit papano... sa gabing ito, nahanap ulit namin ang isa't isa. Kahit saglit lang.
Itutuloy...