Avery's Point of View
Pagmulat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang bigat ng isang bisig sa bewang ko.
Ang mainit niyang hininga ay humahampas sa batok ko, habang ang balat niya'y nakadikit pa rin sa akin.
I turned slightly... and there he was. Elliot.
Peaceful.
Vulnerable.
Pero hindi ko pinigilan ang sariling bumuntong-hininga.
Napatingin ako sa kisame. It was still dark outside.
Tahimik. Nakaka-hipnotize. Pero sa loob ko, may bagyong pilit kong pinipigil.
Kahit pa gaano katamis ang gabi namin kagabi, alam kong hindi pa rin ito sapat para burahin ang mga sakit at pagkukulang.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin.
Maingat. Parang ayokong gisingin ang lalaking mahal ko... pero hindi ko kayang manatili.
I stood up. Tinapik ko ang pisngi ko. "You're stronger now, Avery," bulong ko sa salamin ng banyo habang nagsusuot ng damit.
Hindi ko pinag-sisihan ang nangyari. Never.
Kagabi, binigay ko ang katawan ko, hindi dahil sa alak, kundi dahil may parte pa rin ng puso ko ang naniniwalang siya pa rin... siya pa rin ang tahanan ko. Pero hindi ibig sabihin nito ay handa na ako.
Binuo ko ang sarili ko sa loob ng limang taon. Isang gabi ng lambing ay hindi sapat para talikuran 'yon.
Kaya kahit gustong-gusto ko siyang yakapin ulit, I picked up my LV bag, kinuha ang phone ko, at lumabas nang tahimik.
"Unti pang panahon, Elliot..." mahina kong bulong habang sumasakay ng taxi pauwi. "Ako mismo ang babalik sa 'yo. Pero... hindi pa ngayon."
Elliot's Point of View
Nagising ako sa tunog ng phone ko. Maliwanag na sa labas. Agad akong napahawak sa kama, hoping to find her beside me. But it was empty.
Again.
She left me. Again.
Napangisi ako nang mapait. I ran a hand through my hair and stared at the ceiling. "At pangatlong beses na pala 'to," mahina kong sabi.
Last night was perfect.
No lies, no walls—just raw, honest emotions.
Ramdam ko pa ang lambot ng balat niya, ang bawat halik, ang bawat ungol na hindi ko malilimutan.
And yet... here I am again. Waking up alone.
Bumangon ako at nagbihis. I needed to see her. I needed answers. I needed... hope.
Pagkarating ko sa building nila, diretso ako sa elevator. Hindi ako tumigil hanggang floor ng office niya. Inayos ko ang suot kong coat, nag-ipon ng lakas ng loob, at kumatok.
"Come in," sabi niya mula sa loob.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang busy sa mga papeles. Gaya ng dati. Calm. In control. As if nothing happened.
"Nabili mo na ba 'yung painkiller na pinabili ko sa 'yo?" she asked, without looking at me. Akala niya ata'y ako ang secretary niya. Para saan naman ang painkiller?
I smiled faintly. "Hi, Pillow."
Bigla siyang napatingin. Nagtagpo ang mga mata namin. Sandali lang... pero parang tumigil ang oras. Agad din niyang iniwas ang tingin.
"What are you doing here?" she asked without looking at me.
"I just miss you already," I admitted, my voice soft.
I stepped closer.
"I'm busy," malamig niyang tugon. Tuloy lang siya sa paglagda ng papeles.
I stopped in front of her desk. "Can we talk, Pillow?" I reached out to touch her hand.
"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang 'busy ako'?" she said flatly, pulling her hand away.
"Please, Avery... let's talk about what happened last night. About us." saad ko.
"I don't think it will work again," sagot niya, this time mas malumanay pero diretso.
Those words struck hard. Pero pinilit kong ngumiti. "No. Don't say that. I know nararamdaman mo pa rin 'to—between us. Just like I do."
She paused. "I... I can't. Not now."
"Why?" I asked.
"I need space," she said. "I need time to understand everything we've been through. Lahat ng sakit. Lahat ng mali. Lahat ng naiwan."
"Pagkatapos ba ng panahong 'yun... babalik ka sa'kin?" desperado kong tanong.
"I don't know," she whispered.
That hurt. Deep. Mas masakit pa kaysa sa pag-iwan niya.
But I nodded anyway. "Then I'll wait. Araw-araw, hihintayin kita. Hindi ako mawawala."
Napabuntong-hininga siya at tumayo. "Please, Elliot. Don't make this harder for me. Hindi ko kailangan ng pangako ngayon. Ang kailangan ko, ako. Kailangan ko munang makita ulit 'yung Avery na naniwala sa happily-ever-after. 'Yung Avery na naniwalang ikaw ang forever niya."
I hugged her.
Hinayaan niya lang din ako. Ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Pero andun din ang init... ang tibok ng puso niyang hindi kayang magsinungaling.
"Okay," mahina kong sagot. "Pero please, let me stay close. Kahit bilang estranghero."
Bumitiw siya sa yakap at tumitig sa akin. "Act like we don't know each other in public. Pure business lang. No emotions, no glances, no history. Please, Elliot."
Tumango ako. "Okay." pagsang-ayon ko.
At lumabas ako ng opisina niya, dalang-dala ang sakit na wala pa ring kasiguraduhan.
Avery's Point of View
Two months later.
Gano'n pa rin ang set-up namin ni Elliot.
Strictly business.
Pero habang tumatagal, mas nararamdaman kong bumabalik 'yung dating damdamin.
'Yung bawat sulyap niya sa mga meeting. 'Yung tahimik niyang pagtitig sa mga mata ko habang ako'y nagsasalita.
At kahit sinasabi ng utak kong huwag, 'yung puso ko, hindi ko mapigilan.
Dumating ang araw ng team building.
Isang buong linggong bonding with the entire company staff.
Nakakatuwa, kasi makakawala ako sa stress—even just for a while.
Nasa opisina na ako ng maaga. May 10 van na nakaabang sa labas. Nakaayos na lahat.
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ko kay Yen, ang manager kong assigned sa event.
"I think so, Ma'am. Pero may isa pa po tayong hinihintay."
"Talaga ba? Ang daming naghihintay, Yen. Atsak—" tila naiinip kong saad.
"Sorry, I'm late." saad ng isang boses sa aking likuran.
Napalingon ako.
At halos mapabagsak ko ang hawak kong tablet.
"Hi, Avery." pagbati nito sabay kindat.
It's Elliot.
Oh. My. Gosh.
Itutuloy...