“What?”
Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglang pagsigaw ni Rhen. Kasalukuyan kaming na sa mini garden sa gilid ng CED building, katatapos lang ng klase kaya tumambay muna kami.
Na-kwento ko sa kanya ang about kay Kenneth kaya naman gulat na gulat ang gaga. Ngayon lang naman kasi ako nag-share ng nararamdaman ko kaya naiintindihan ko siya.
“Kumalma ka nga, Rhen,” saway ko sa kanya.
“Paano ako kakalma? Inamin mo lang naman na gusto mo si Kenneth Bello ng Civil Engineering. Parang gusto kitang sapakin ngayon!” bulyaw niya na naman sa ‘kin. Napakaingay talaga nito.
“Kung mag-react ka naman parang kilala mo. Teka, i-search natin sa FB.” Agad akong nag-log in sa Facebook pero walang pasabing hinablot ni Rhen ang phone ko.
“Kilala ko siya, matagal na. Kenneth Bello is the name, 3rd year Civil Engineering Student, gwapo, mabait at mayaman. Oh, dami ko learn,” pagmamalaki niya.
“Tsismosa ka kasi. Ano pa alam mo? Sabihin mo sa ‘kin para lalo ko pa siyang makilala,” na-e-excite kong turan.
Sinong ‘di ma-e-excite na makilala ang ideal man ko, 'di ba?
“Ang landi mo!” Kinutusan niya ako. “Wala kang pag-asa sa lalaking ‘yon. Base sa mga nasagap kong tsismis ay siya ang rumored manliligaw ni Ate Cery,” aniya.
“Sino naman ‘yon?”
“Nagbabasa ka ba ng fiction books or active ka ba sa social media?” tanong niya.
Ako ang unang nagtanong tapos sasagutin din ako ng tanong. Walang-hiya talaga ang babaeng 'to. Pero, sino ba kasi ‘yon?
“Hindi masyado kasi busy ako sa pagtulong kay mama sa Clothing line business niya,” sagot ko.
“Kaya naman pala hindi mo kilala. Si Ate Cery ay isang Author ng mga best selling fiction books. In her young age rin ay may-ari na siya ng restaurants na kilala Nationwide. Investor din siya sa business ng mga Bello na LoSuc Wine Manufacturer. At, lastly ay usap-usapan ng mga fans niya na ang manliligaw niya ay ang lalaking gusto mo,” paliwanag niya.
Natauhan ako ng kunti pero wala pa rin akong pakialam. Hindi pa naman confirm kaya may chance pa naman ako, ‘di ba?
“Wala akong pakialam sa kanya o sa usap-usapan na ‘yon. Basta gusto ko si Kenneth,” pagmamatigas ko.
Hindi ako maniniwala sa kwento ni Rhen hangga't hindi ko nakikita. Minsan lang ako maattract sa lalaki kaya hindi ko hahayaan na mauwi lang sa wala.
“Shuta ka, girl! Gusto na kitang sapakin. Wala ka ngang pag-asa kaya ‘wag kang mag-feeling third wheel sa relasyon ng iba, kay Gemar ka na lang para susuportahan pa kita,” pagpipilit niya. Ang tigas din naman talaga ng babaeng ‘to.
“Bukod sa hindi ko nakikita kay Gemar ang personality na gusto ko sa isang lalaki ay may girlfriend din siya. Mas interesado ako kay Kenneth kaya ‘wag kang kontrabida,” depensa ko pabalik.
Pigilan niyo ako, baka masakal ko si Rhen. Napipikon na ako sa babaeng ‘to. Ang hilig komontra, akala mo naman ay siya ang makikinabang.
“Matagal ko na ngang kilala si Gemar, ‘di ba? Base sa pakikitsismis ko ay hindi naman talaga mahal o gusto man lang ni Gemar ang girlfriend niya, parents lang nila ang nagset-up sa relasyon nila. Naghahanap lang ata pagkakataon si Gemar na makipagbreak sa babae. Hindi pa niya ata nakakausap ang Daddy niya tungkol do'n pero kapag maconvince niya ang Daddy niya ay siguradong may chance ka, girl,” pangungulit pa rin niya.
Hindi ba talaga siya titigil sa GemarxJessa ship niya? Lubog na nga simula't sapul pero pilit niya pang inaangat.
“Tigilan mo na nga ako!” singhal ko.
Hindi na rin ako nakatiis at nagwalk out na lang. Iniwan ko siya na patawa-tawa pa. Tuwang-tuwa ang kulang sa aruga dahil napikon niya ako, sarap kutusan ang walangya.
Tapos na rin naman ang klase ko ngayong araw pero imbes na umuwi ay dumiretso na ako sa shop ni mama. May physical Clothing Shop na si mama pero tumatanggap pa rin naman siya ng order sa online, mas marami nga siyang buyer sa online pero gusto ni papa na may physical shop para hindi pakalat-kalat sa bahay ang mga products.
Nagkataon din na may nakilala si papa na nagbebenta ng property kaya binili na niya.
“Hi, ma.” Humalik ako sa pisngi niya.
“Mabuti na lang ay pumunta ka rito. Pwede ba kitang utusan, anak?” tanong niya.
“Oo naman po, mama.”
Kunti palang ang staff ni mama kaya hangga't kaya ko ay tutulungan ko siya. Nagsisimula palang kasi siya rito sa Manila kaya mahirap talaga maghanap ng mapagkakatiwalaang staffs.
“Paki-deliver ‘to, anak.” May inabot siya sa ‘kin na ‘di kalakihang paper bag at isang pirasong papel kung saan nakasulat ang address. “Inorder ‘yan online ni Miss Shaila Dumon dahil busy raw siya't ‘di makapunta rito sa Shop. Iyan ‘yong limited edition dress at kailangan na raw niya bukas,” pagkwento ni mama.
“Bakit ako?”
Pwede ako magbenta pero hindi ko pa nasusubukan na magdeliver. May driver naman kasi si mama na siyang inuutusan niya para magdeliver ng ibang products.
“May inutos kasi ako kay Manong Tony,” tukoy niya sa driver niya.
“Okay po, mama. Ipanalangin mo lang na sana ay hindi ako maligaw.”
Kinuha ko na ang paper bag at nagtungo sa motor ko. Sinabit ko ng mabuti para hindi malaglag. Pagkatapos talaga nito ay hihingi ako kay mama ng dagdag allowance.
Tiningnan ko muna ang binigay na address ni mama bago pinaandar ang motor. Hindi naman pala ako maliligaw dahil nakatira lang kami sa same village at ‘di rin kalayuan sa bahay namin ang bahay nila.
Makalipas ng ilang minutong pagmamaneho ay narating ko na rin ang naturang address. Hindi naman kalayuan kapag mabilis magpatakbo ng sasakyan.
Agad akong nag-door bell na mabilis namang pinagbuksan ng hindi katandaang babae. Sa tingin ko ay katiwala siya rito.
“Delivery from Macaraeg Clothing Shop,” turan ko. Pinakita ko pa ang dala kong paper bag.
“Halika po, ma'am, pumasok muna tayo sa loob. Ikaw na po magbigay niyan kay Miss Shaila.”
Sumunod ako kay manang papasok sa loob ng bahay. “Miss Shaila, nandito na ang order mo," tawag ni manang. Tinatawag niya ata ‘yong amo niya rito.
“Yeeyyy!”
Napatingin ako sa babaeng nagmamadaling bumaba sa stairs, kasunod niya ang isang lalaki—Gemar?
Anong ginagawa niya rito?
“Ano ba ang order mo, Shaila?” tanong ng sperm na sa babae, hindi niya ata ako napansin.
“A gift for a friend who will celebrate her birthday tomorrow. It's a limited edition dress in Macaraeg Clothing Shop. Sila ‘yong bagong bukas na Shop here in Manila na nagtrending dahil ang ganda talaga ng mga products nila,” pagkwento ni Shaila sa Sperm. Maya-maya'y muli siyang tumingin sa ‘kin. “Ikaw ang model do'n sa page ng shop, ‘di ba?”
Pati ba naman ‘yon ay nakita niya. Naupload na kasi ni mama kagabi ang mga pictures ko bilang model ng Clothing business niya. Mukhang magiging sikat ako, girl.
“Is that you, Jessa?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gemar. “Hindi ko akalain na side line mo rin ang pagiging delivery girl,” komento niya.
“Anak ako ng may-ari kaya ‘wag kang manlait d'yan,” depensa ko.
“Wala akong pakialam kung anak ka ng may-ari dahil kaya kong bilhin ang lahat ng pa-aari niyo kahit isama pa kita,” aniya.
Nakalimutan ko na mayabang nga pala siya. Gusto bang lang ipamukha sa ‘kin na mas mayaman siya? Ipalunok ko sa kanya lahat ng pera ng pamilya niya e'.
“Itago mo na lang ang kayabangan mo,” sabat ko. Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya. “Baka kasi kailanganin mo ‘yan kapag sinabi ko sa girlfriend mo na may iba kang kasamang babae.”
H'wag niya talaga ako susubukan dahil hindi ko nagdadalawang-isip na ibalita ang pangbabae.
“Wala akong pakialam sa girlfriend ko at lalong hindi ako takot dahil pinsan ko si Shaila. Narito ako kasi partner kami sa isang activity dahil magkaklase kami. H'wag ka ngang malisyosa, Jessa,” ngisi niya.
Natamimi ako saglit matapos marinig ang sinabi niya. Bakit nga ba hindi ko naisip ‘yon? Medyo napahiya ako do'n a'.
“Whatever, uuwi na ako.”
Akma na akong aalis nang hawakan ako ni Gemar. “Mukha kang interesado sa ‘kin? The feeling is mutual, my dear."
©author_aii