CHAPTER 6

“Arrghh!”

Paikot-ikot ako sa higaan pero hindi pa rin talaga ako makatulog, halos nagawa ko na ang lahat ng posisyon pero wala paring epekto. Posisyon sa pagtulog kaya ‘wag kang berde.

Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay mukha ni Gemar ang aking nakikita. De-ni-demonyo niya na ba ako? Kailangan ko atang magpatingin sa albolaryo.

Sa inis ko ay marahas akong bumangon at kinuha ang phone ko sa bedside table, kailangan ko talaga marelax para makatulog. Stress talaga dala ng lalaking ‘yon e.

Nag-log in ako sa Facebook at nagtungo sa profile ni Kenneth. Kailangan ko makita ang mukha niya para kumalma ako, pero mali ata ang naging desisyon ko dahil nanlumo lang ako.

May bago siyang post na may caption na ‘you're worth waiting for'. Ang naka-attach na picture ay isang candid photo ng babae. Ito siguro ang author na tinutukoy ni Rhen.

Nawa'y lahat, 'di ba?

***

“Jessa!”

Parang nabuhay ang katawang-lupa ko nang marinig ang sigaw na ‘yon. Mabigat ang talukap ng aking mga mata nang unti-unti ko itong imulat. Antok na antok pa ako, ano bang ingay ‘yon?

“Anong oras na! Bilisan mo d'yan kumilos!” Hinila ako ni mama dahilan para tuluyan akong magising.

“Bakit ba, mama?”

“Anong bakit? Nakalimutan mo na bang may pasok ngayon? Wala ka naman kasing boyfriend pero ang tagal mo matulog! Ano bang pinagpupuyatan mo?” walang prenong turan ni mama. Nanay ko nakalunok ng megaphone, ang aga-aga ay napakaingay.

“Grabe ka sa ‘kin, ma! D'yan ka na nga.” Mabibigat ang aking mga yabag patungo sa banyo.

Kailangan niya pa talagang ipamukha sa akin ‘yon? Bawal bang magpuyat kapag walang boyfriend? Nanay ko talaga minsan ay kulang na sa aruga, palibhasa ay laging busy sa Hospital si papa.

Pagkatapos kong maligo ay sinabayan ko ang parents kong mag-agahan. Himala nga dahil hindi pa umaalis si papa. Ang saya makita na kompleto kami ngayong umaga.

“Kamusta naman ang pag-aaral mo, anak?” tanong ni papa.

“Maayos naman po, papa.”

 “Very good.”

 Masyadong mahalaga kay papa ang pag-aaral kaya iyon ang palaging concern niya. Nag-iisa lang din naman akong anak kaya naka-focus sila sa akin.

 “Papasok na po ako,” paalam ko sa kanila.

“Iwasan mo rin ang Schoolmate mong Dela Merced. Hindi ko gusto ang pamilya nila,” pahabol na paalala ni papa.

 Tumango lang naman ako bilang tugon bago lumabas ng bahay. Hindi ko naman sinabi kay papa ang nangyari sa pagitan namin ni Gemar pero pinapaiwas niya rin ako. Siguro ay nagkwento sa kanya ni mama. Akala ko ba ay hindi niya ipapaalam kay papa pero mukhang hindi talaga siya makapagtago rito.

 Ngunit, kilala ba nila ang mga Dela Merced? Bakit pareho silang ayaw sa pamilyang ‘yon? May hindi pa ba ako alam sa pamilya namin?

Pilit kong iwinaksi sa aking isipan ang gumugulo kanina. Alam kong may dahilan sila kung mayro'n man silang tinatago. Sana maintindihan ko rin sa tamang panahon.

 “You're too early for our class tomorrow, Miss Macaraeg.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang first period professor namin na nagliligpit ng gamit.

 “Traffic po kasi, Miss,” pagdadahilan ko.

 “Wala akong pakialam sa dahilan mo. Bilang parusa ay ikaw ang ipapadala kong tutulong sa Student Council sa pagprepare para sa Intrams at Valentine's day. Every block ay kailangan ng representative kaya ikaw ang sa klase na ‘to. Sasabihin ko ‘to sa Council president kaya kailangan mong sumipot sa meeting nila mamayang 12nn,” pahayag niya bago lumabas ng classroom.

 Bagsak naman ang balikat kong napasandal sa pader. Wala sana kaming maraming activity ngayon sa mga subject pero dahil sa kabagalan ko ay nabigyan pa ako ng dagdag trabaho na wala namang sweldo.

Malas ko ba talaga?

“Napuyat ka no?” Tinapik ako sa balikat ni Rhen.

 “Shut up!” I sighed.

“Wala ka namang jowa pero ang lakas mo magpuyat. Nadaig mo pa ako, girl,” komento niya.

“Lumayo ka nga sa ‘kin baka masapak kita!”

 Nakakainis talaga ang babaeng ‘to. Stress na nga ako pero nagagawa pa akong pikonin. Panis na gatas ata ang nainom ng kaibigan kong ‘to noong bata pa siya.

***

 SAKTONG ALAS-DOSE ng tanghali ay pumunta ako sa auditorium kung saan ang meeting place raw namin. Its a large room for some performance and activities but they said that it became a meeting place every time na nagpapatawag ang Student Council or kahit ang BEC president. Labag talaga sa loob ko ang pagpunta rito pero kailangan e.

 May pag-uusapan lang naman daw kami para sa upcoming events. Siguro naman ay mabilis lang ‘to matapos dahil magrereklamo na talaga ang mga bulate sa tiyan ko. Wala pa akong kain kaya pakainin niyo ako.

“Mukhang andito na ang mga pinadala ng bawat College Department. So, let's start,” Panimula ni Miss M.

Mercewin Tadtad is her name. She's our Student Council president. Gusto niyang tawagin siyang Miss M dahil special daw siya't nag-iisang maarteng prinsesa sa pamilya nila ayon sa tsismis ni Rhen. She's living like a Royalty.

Sana all na lang.

“Dalawang events ang paghahandaan natin. Pumayag ang BEC president na magkaroon tayo ng Valentine's Ball pero tayo ang mag-aasikaso ng lahat tapos tutulong na rin tayo sa Intramural natin. Masyadong maraming trabaho ito kaya kinailangan ko ang tulong niyo,” paliwanag ni Miss M.

“Ano ba kasing kalandian ang naisip niyo. H'wag na tayo mag-valentines ball para walang trabaho,” komento ko. Lahat tuloy ay ng paningin nila ay natuon sa ‘kin.

 May mali ba sa sinabi ko?

“What's your name?” biglang tanong niya.

 “Jessa,” sagot ko.

 “Your name sounds 'malandi'. We have neighbor who named Jessa and she's freaking 'kabit',” maarteng turan niya.

Nagtawanan naman ang mga kasama namin. Ang babaw naman ng kaligayahan nila. Hindi nga man lang ako natawa sa banat ng SC president na ‘to. Ang lakas ba naman ng loob niyang insultuhin ang pangalan ko.

“Ahem!”

 Nakuha ang atensiyon ng lahat nang biglang may tumikhim, kahit nga ako ay napatingin sa—anong ginagawa niya rito?

“Gemar...” banggit ni Miss M sa pangalan ng lalaki. “I'm glad that you volunteered to help us.”

So, magkakilala sila? Sabagay, mukha namang magnet ang lalaking ‘yan na madaling maka-attract ng babae. Siguro dahil sa kilala ang pamilyang pinanggalingan niya kaya kilala siya ng karamihan, parang ako lang ang nag-iisang palaging naiirita sa kanya. We are like north and south pole, we can't attract each other.

 “Ano ba ang task ko? May practice pa ako kaya wala akong oras sa mga biruan niyo, Mercewin.” Pinagkrus pa niya ang braso niya. Mukhang bad mood ang tatay niyo.

“I'm sorry for that, I forgot that you're a player from Nursing Department. I will give you the simplest task nalang dahil masyadong malakas ka sa puso ko.” Lumapit si Mercewin kay Gemar at umangkla sa braso nito na parang walang nakakakita sa ginagawa niya. “Maghanap ka na lang ng event organizer para sa VB natin.”

Lola niyo naglalandi na. Sakit sa mata ng ginagawa niya, parang gusto ko siya sapakin.

“Para sa task na ‘yan ay isasama ko na si Jessa.” Tinanggal niya ang kamay ni Mercewin sa braso niya bago lumapit sa akin, walang pasabi niya lang naman akong hinila palabas ng hall.

 “Saan mo ba ako dadalhin?” Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero wala naman akong nagawa. “Ayaw ko ng gulo kaya iwasan mo na lang ako.”

“Walang gulo na mangyayari dahil kakain lang naman tayo. Libre kita ngayon kaya 'wag ka na mag-inarte.”

 Nagugutom na rin ako kaya nagpatianod na lang ako sa paghila niya hanggang makarating kami sa Cafeteria. Tahimik lang kaming bumili ng pagkain at kumain hanggang may kulang sa arugang kumuha ng juice ko't tinapon sa damit ko. Mukhang attracted ang beverages sa ‘kin.

 “That's for malanding tulad mo! Nagagawa mo pa talagang landiin ang boyfriend ko pagkatapos kitang balaan?” singhal sa akin ni Herisha.

Masyado na bang threatened sa ‘kin? Palibhasa ay hindi faithful sa kanya ang mokong niyang jowaers.

“H'wag kang mag-eskandalo rito,” Hinila ni Gemar ang girlfriend palayo sa ‘kin. “Let's talk in other place.”

 Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Gemar bago ako iwan. Pagkatapos akong ipahiya ng girlfriend niya ay iiwan lang niya ako sa ganitong sitwasyon? Hindi man lang naging concern sa ‘kin? Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanila.

“Do you have extra shirt?”

Agad akong napatingin sa may-ari ng baritonong boses na ‘yon. Bakit ba kapag inaapi ako ni Herisha ay dumarating siya?

“None,” sagot ko.

Maya-maya'y may kinuha siyang putting T-shirt sa bag niya. “You can wear it.” Inabot niya sa ‘kin ang damit.

“Salamat.”

It's a simple round neck shirt na may logo ng CETSO sa harapan at sa likod ay may nakaprint na Bello.

“Thats my extra org. shirt, iyan lang ang nasa bag ko kaya pasensiya na. May practice lang naman kasi kami ng Basketball ngayon e',” aniya.

 Para siyang anghel sa paningin ko. Parang biglang umihip ang hangin tapos slow motion na nililipad ang buhok niya. May liwanag sa—wait, liwanag? Hindi naman ‘yon sundo, ‘di ba? Masyadong maliwanag talaga ang ilaw dito sa cafeteria na bukas kahit umaga.

“Infairness, may chemistry kayo.”

Pareho kaming napatingin sa babaeng nakiki-third wheel. Feeling kasama pero tsismosa lang naman pala.

“Kristel!” saway ko sa kaklase kong epal.

 “What? I just saved you, baby. Nagbabadya na kasing tumulo ang laway mo, pasalamat ka kasi nagising kita sa pag-day dreaming mo.”

Sige, ipagsigawan mo pa.

“May chemistry naman talaga kami,” nakangiting turan ni Kenneth.

Shuta girl...kilig ang lamang-loob ko to the highest level. 

 

©author_aii