First day of Intramural, I was assigned to deliver some snacks for CED players, kasama ko si Rhen pagkatapos ng ilang araw na hindi ko siya nakakasama dahil laging nagpapatawag ng meeting ang SC president.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula no'ng huli kong nakausap si Kenneth. Ngunit, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang sinabi niyang may chemistry kami. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dahil umalis din naman siya agad. Hindi ko pa nga rin nababalik ang shirt niya.
“Para kang tangang ngumingiti d'yan.”
Parang isang manipis na salaming nabasag ang imagination ko nang marinig ang sinabing ‘yon ni Rhen.
“Shut up!” Pinangdilatan ko siya ng mata.
“H'wag mong sabihin na naiisip mo pa rin ang sinabi ni Kenneth, gumising ka na sa kagagahan mo dahil nandito na tayo sa field. Be attentive, baka mamaya ay tamaan ka ng bola,” aniya.
I sighed.
Na-kwento ko sa kanya ang pagtulong sa akin ni Kenneth at ang sinabi nito. Pero, hindi naman ata tama na sirain niya ang imagination ko, ‘di ba?
“Whatever,” mahina kong usal. Hindi ko alam kung narinig niya pero wala naman siyang naging violent reaction.
Pilit kong tinuon ang atensiyon sa pagbibigay ng snacks sa players na nagpapahinga. Ngunit, bigla-bigla na lang talagang pumapasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Kenneth. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti hanggang ang Kenneth na nasa isip ako biglang naging...si...
“Mind on Earth, Jessa!”
“Gemar?”
Something hit my head and I feel dizzy.
***
HINDI KO alam kung paano nangyari. Nagising na lang akong nakahiga sa puting bed, sa tingin ko ay nasa loob ako ng clinic.
Anong ginagawa ko rito?
And, it's like a cue someone flipped the curtain that covers where I am. Seryosong nakatingin sa akin ang lalaking nakasuot ng Basketball Jersey uniform—Gemar.
“What are you doing here?”
“Checking if you're still alive,” sarcastic niyang turan.
“What happened? Why I am here?” pagtatanong ko ulit.
“Natamaan ka lang naman ng bola, Miss Lutang. Dinala ka rito ng mga taga-CED tapos tinawagan ako ni Rhen para bantayan ka dahil panunuurin pa raw niyang maglaro si Hans ng buhay niya. Sakto naman na katatapos lang ng laro ko kaya pumayag na ako,” paliwanag niya.
“Pwede ka naman tumanggi.” Naiirita talaga ako sa kanya kahit wala pa siyang ginagawa.
Sa dami kasi ng pwedeng pakiusapan ni Rhen ay bakit itong lalaki pa. Pwede rin namang i-resched niya muna ang kaharutan para sa akin. Para namang hindi kaibigan e'.
“Pangalan ko raw ang huli mong binanggit bago ka mawalan ng malay,” aniya.
Hala, oo nga. Biglang nag-flashback sa isip ko ang imagination ko kanina. Bakit gano'n?
“Ipapaalala ko lang din sa ‘yo na maliban kay Rhen ay wala ka nang ibang kaibigan. I'm the only one choice kaya ‘wag ka na maarte. How are you feeling?” pagpapatuloy niya nang ‘di ako sumagot kanina. Umupo pa siya sa gilid ng higaan ko.
“Dont ask me like you care. Para rin sa kaalaman mo ay may iba pa akong kaibigan—”
“Are you referring to Kenneth Bello?” pagputol niya sasabihin ko. “Nabanggit ni Rhen na pinagpapantasyahan mo ‘yon. ’Di hamak namang mas gwapo ako.”
Ano bang problema ni Rhen? Isang malaking sekreto ko tapos i-ku-kwento niya lang sa lalaking ‘to. Sarap naman putulin ang dila ng babaeng ‘yon.
“Wala kang pakialam! Umalis ka na rito!” Tumalukbong ako ng kumot. Naiinis ako, legit!
“Bumangon ka na d'yan, Miss Lutang. CET versus CAS ang naglalaro ngayon. Siguradong player ang crush mong hindi ka gusto.”
Pagkasabi ng katagang ‘yon ni Gemar ay agad akong napabangon. “ Talaga? Tara na!”
Nagmamadali kong inayos ang sarili't nagsuot ng sapatos. Gusto kong makita kung paano niya ipapanalo ang laro. Matagal na kasi siyang panalo sa akin.
Wala namang naging pag-angal si Gemar nang hilahin ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit hinila ko pa ang mokong na ‘to...pero basta. H'wag lang siyang magreklamo dahil babatukan ko talaga siya.
Ngunit, para akong binagsakan ng langit at lupa nang makita kong katatapos lang ng laro. Hindi ko man lang napanuod kung gaano siya kagaling.
“Kanina pa kasi ‘to nagsisimula. Ilang oras ka ba naman kasing tulog,” turan ng kasama ko. “Nagsisimula na sila bago ko pa nalaman na nasa clinic ka.”
“Dapat kasi ay ginising mo ako!” singhal ko.
Pigilan niyo ako dahil baka masapak ko ‘tong kasama ko. Nadadagdagan na naman ang inis ko sa kanya.
“Hindi nga pwede.”
Hindi ako sumagot bagkus ay pinangdilatan ko lang siya nang mata. Nagkataon namang nahagip ng paningin ko si Kenneth na nagpupunas ng pawis habang papalapit banda sa amin.
“Papalapit na siya!” Pinalo-palo ko pa ang balikat ni Gemar.
“Umayos ka nga, Jessa. Parang bata kung umasta ka,” saway sa akin ni Gemar na isip-bata.
“Pakialam mo?” Tinaasan ko siya ng kilay bago humakbang para salubungin ang love of my life. “Hi, Kenneth.”
“Ikaw pala, Jessa. Nanuod ka ba?” tanong niya. Omeghad, ang pogi talaga ng boses niya.
“Hindi ko nga naabutan kasi tinamaan ako ng bola kanina sa field kaya dinala ako sa clinic,” paliwanag ko.
H'wag sana siyang maturn-off sa ‘kin dahil hindi ko siya napanuod. Sinubukan ko naman kasi pero hindi lang talaga umabot.
“Kamusta ka naman? Sana nagpahinga ka na muna para maging mas okay ka. Anyway, panalo naman kami. Legend kaya ako pagdating sa court.”
Concern ba siya sa akin? Kinikilig naman ang mga bones ko. Para gusto kong gumulong-gulong ngayon dito sa court.
“Congrats.” Ngumiti ako ng ubod ng tamis para langgamin siya. “Isasauli ko pala sa ‘yo ang T-shirt mo pero naiwan ko ang bag ko sa clinic. Kung okay lang sa ‘yo ay kunin natin.”
“Sa ‘yo na lang ‘yon. Marami naman akong org. shirt. Kailangan ko na ring umalis.”
“Sandali,” pigil ko sa kanya. “May sasabihin lang sana ako.”
Alam ko na maaaring hindi ito ang tamang lugar pero para sa akin ay ngayon ang tamang oras. Hindi ko kayang sarilinin na lang ‘to, dapat share-share.
“Ano?” he asked.
“Una ko itong naramdaman noong unang beses mo akong tinulungan sa pang-aaway ni Herisha. Tapos lumala ata noong sabihin mong may chemistry tayo. I like you, Kenneth,” pag-amin ko. Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko pero hindi ako aatras.
“I don't want to reject your confession but I think you misinterpret something. Biro ko lang ang sinabi kong may chemistry tayo. Ang ibig kong sabihin ay may chemistry subject tayo na mayro'n naman talaga noong High School. Sa tingin ko ay infatuation lang din ang nararamdaman mo. You're just attracted with me. You're like a friend and sister to me, Jessa.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nagbabadya na ang luha ko't ramdam ko ang disappointment. Why is that?
“I thought we're in the same boat.”
“Alam mo dalawa lang ‘yan. It's either mawawala o lumala. But, I assume na mawawala ‘yan. I'm sorry.” Tinapik niya ako sa balikat bago tuluyang umalis.
Bagsak ang balikat kong sinundan siya ng tingin hanggang malapitan at akbayan niya ang isang babae. Iyon na rin ang naging hudyat upang magbagsakan ang mga luha ko.
“That girl is his rumored girlfriend. Hindi ako tsismosa, sadyang maraming fans si ate Cery sa mga kaklase ko kaya nalaman ko,” hayag ni Gemar.
Akala ko ay umalis na siya pero hindi pa pala. Nakakahiya na nakita pa niya ang nangyaring rejection.
“Hindi ko kailangan ng opinyon mo dahil alam ko na rin naman ang bagay na ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan dahil nakatuon pa rin ako sa papalayong bulto ni Kenneth at ng babae niya.
“H'wag ka na umiyak d'yan. I don't want to see you cry," aniya.
“Umalis ka na kasi!” singhal ko.
Hindi ko gustong nasa harapan ko siya habang umiiyak ako. Ayaw ko na siya pa ang maging karamay ko.
“Ikaw na nga itong sinasamahan pero ikaw pa ang galit. Aalis na ako kaya ‘wag mo akong sigawan. Hindi ko nga alam kung bakit pa kita sinamahan. Nagsasayang lang ako ng oras.”
Hindi ko man siya tingnan ay ramdam ko ang paglayo niya sa ‘kin.
©author_aii