“You're lips taste so good...” he said between our kisses.
Mapupusok ang naging palitan ng aming mga halik. It's my first time making out—we're freaking torrid kissing. It feels like ecstasy that so hard to resist. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay pareho kaming hinihingal.
“Wanna try something more intense?” he asked.
“Ahmm—”
“Jessa!”
Biglang nagliwanag ang paligid at naglaho sa harapan ko si Gemar. The next thing I know ay nasisilaw na ako sa liwanag na pumapasok sa bukas na bintana sa kwarto. Nakatayo si mama sa gilid habang nakapamewang.
Si mama lang pala ang salarin kung bakit nasira ang maganda kong panaginip—wait, what? Isang nakakadiring panaginip pala ‘yon. Mabuti na lang ay hindi totoo dahil baka masuka lang ako kapag ang kutong-lupa na ‘yon ang kahalikan ko.
Masuka? Hindi naman ako nasuka nang halikan ako ni Gemar kagabi. Siguro ay dahil mabilis lang ‘yon tapos nabigla rin ako. But, honestly he taste and smell like mint. Hindi na masama—what?
Ano bang pinag-iisip ko? Nakakadiri kaya ang ginawa niya sa ‘kin kagabi. Manyak ang g*g*ng ‘yon.
“Bumangon ka na d'yan bago ko pa maisipang hilahin kita papuntang banyo!" bulyaw sa akin ni mama.
“Ma, naman!”
“Wala ka bang balak pumasok ngayong araw? Maaga ka namang umuwi kagabi pero napuyat ka pa kahit wala ka namang boyfriend para pagpuyatan. Kumilos ka na bago ko tawagin si Brando para ipahila ka!”
Umagang-umaga pero ang haba ng speech ni mama. Anyway, si Brando ‘yong alaga naming aso. Matalino ang asong ‘yon dahil tinuruan ni mama pero hindi close sa akin ang asong ‘yon, parang hindi niya ako ate. Charr...
Napapakamot ako sa batok na tinungo ang banyo. Hinubad ko ang damit ko't binuksan ang shower. Hinayaan ko lang na lumandas ang tubig sa katawan ko hanggang maalala ko ang panaginip ko. Bakit ko ba napanaginipan ‘yon? Continuation ba ‘yon ng halik niya kagabi? Mukhang kailangan ko talagang ingatan ang puri ko dahil nagsisimula nang maging mahalay ang isipan ko.
Hindi naman talaga gano'n ang nangyari kagabi. Noong halikan niya ako ay mabilis ko rin naman siyang tinulak pagkatapos mag-sink in sa utak kong magkalapat na mga labi namin. Mabuti na lang talaga at hindi ako marupok dahil baka hindi lang first kiss ang makuha ng lalaki ‘yon—malay mo pati puri.
Maling-mali talaga na pumunta ako sa event na ‘yon. Nakakawala ng kainosentihan kaya pati sa panaginip ay hi-na-hunting ako.
“Jessa, may balak ka bang tumira sa loob ng banyo? Mag-iisang oras ka na d'yan!” rinig kong turan ni mama.
Grabe naman si mama sa isang oras, halos wala pa nga akong 3O minutes dito. “Don't worry, ‘di naman maaga ang schedule ng klase ko ngayon. H'wag ka pong excited dahil ako naman ang papasok sa school at ‘di po ikaw, Ma,” sagot ko.
“Baliw ka talagang bata ka! Sige, pupunta na ako sa shop ko. Nasa lamesa ang breakfast mo, kapag malamig na ay initin mo na lang.”
“Opo.”
KANINA habang kumakain ako ay naisip kong hindi na lang pumasok dahil baka makasalubong ko si Gemar. Nakakahiya ang nangyari kagabi. Pero, wala naman akong choice dahil baka malaman ni mama. Hindi naman strict si mama pero mas gusto niya kasing priority ko ang pag-aaral at laging ang magandang buhay lang daw ang hinihiling niya para sa akin.
Kaya naman ay nandito ako sa paaralan at pilit na binubura sa isipan ang maling alaala. Pilit ko ring pinapanalangin na sana ay hindi ko makita ang manyak na ‘yon ngayong araw—pwede ring habang-buhay.
“Bitch!”
Parang isang hangin na hindi ko napansing may sumampal sa akin. Natauhan na lang ako dahil sa panunuot sa laman ng pisngi ko ang sakit. Feeling ko ay hindi na pantay ang pisngi ko dahil sa lakas no'n.
“What the heck!" Masama kong tiningnan ang walang-hiya na biglang nananakit.
Bakit ba kasi hindi ko napansin ang paglapit ng babaeng ‘to. Gano'n na ba kalutang ang utak ko? Or, baka invisible ang demonyitang ‘to.
“Para ‘yan sa kalandian mo! Hindi mo ba talaga kaya ang kakatihan ng katawan mo kaya ‘di mo magawang iwasan ang boyfriend ko? Ako dapat ang partner niya kagabi pero ninakaw mo siya sa ‘kin! Nagawa mo pa talagang makipaghalikan sa kanya? Pasalamat ka dahil ‘di ko nalampaso ang mukha mo kagabi dahil maraming tao! Last warning, layuan mo ang boyfriend ko!" Dinuro niya pa ako bago mag-walk out palayo sa ‘kin.
Boyfriend? May amnesia ba ang babaeng ‘yon? Sa pagkakaalam ko ay break na sila at baka gusto niyang isampal ko ang katutuhanang suntok sa buwan na lalandiin ko ang lalaking ‘yon.
Gano'n ba talaga kapag mahal o gusto nila ang isang tao? Parang nakakatakot tuloy magmahal.
“Ghad! Nakita ko ‘yon a'. Bakit ‘di ka lumaban?”
May pagkamulto ba talaga ang mga tao ngayon? Kanina pa ‘di ko namamalayan ang paglapit nila.
“Kabute ka talaga in your past life, Rhen. No wonder lagi ka na lang sumulpot,” turan ko sa kaibigan kong kasabay ko na sa paglalakad ngayon.
“Whatever,girl. So, what's the tea? Bakit ka sinampal ng Herisha?” pakikitsismis niya. What do I expect from her, ‘di ba?
“Inagaw ko raw partner niya kagabi tapos nakita raw niya ang paghalik sa ‘kin ni—” Agad akong napatakip nang bibig nang mapagtanto kung anong sinasabi ko.
“Hinalikan ka ni Gemar? OMG!" Patalon-talon siya habang pinapalo ako sa braso. “Is that real? Kinikilig ako!”
“I didn't say that,” pagdadahilan ko. Hindi ko naman nabanggit ang name kaya sana makalusot.
“Kahit ‘di mo nabanggit ang pangalan ay alam kong si Gemar ang kahalikan mo. Hindi ako bobo, friend.”
Pilit lang naman akong ngumiti sa kanya. Bakit ba kasi napakadaldal ko? Hindi ko man lang na-filter bago sabihin. Kung Hindi nga naman ako tanga, ‘di ba?
“Mag-kwento ka naman kung ano pang nangyari,” pangungulit niya.
“I kick him in his balls."
Pagkatapos ay nilakihan ko ang mga hakbang ko para mauna ako sa kanya sa paglalakad. Bahagya pa kasi siyang natigilan sa sinabi ko. At, nang mukhang nag-sink in na sa utak niya'y rinig ko ang pagsisigaw niya sa pangalan ko.
Hindi ko naman talaga sinipa ang balls ng manyak na ‘yon dahil kargo-konsensiya ko pa kapag mabaog siya. Sayang ang lahi dahil gwapo pa naman sana—what?
Hindi pala siya gwapo. Take two, dapat pala ay sinipa ko na lang dahil ‘di naman sayang ang lahi niya.
HOURS had past at uwian na. I'm so happy dahil ‘di ko nakita ang pagmumukha ng lalaking ‘yon. Weekend din bukas kaya siguradong matatamik ang buhay ko dahil walang kulang sa aruga na manggugulo.
Palinga-linga ako habang papalapit sa motor ko sa parking lot, baka kasi nasa tabi-tabi siya. Napatigil ako sa ginagawa ko nang ma-realize kong parang hinahanap siya ng mga mata ko. Bakit ba ako palinga-linga pa? Pakialam ko ba kung nasa paligid lang siya?
I'm so freaking weird.
Akmang sasakay na ako sa motor ko nang makita ko si Herisha kausap ‘yong babaeng buyer ni mama dati kung saan ako nagdeliver ng order. I think Shaila ang pangalan. Hindi naman siguro masamang makitsismis, ‘di ba?
“How is he?” nag-aalalang tanong ni Herisha. Akalain mo ‘yon nakakaramdam din pala siya ng pag-aalala sa ibang tao. Pero sino bang tinutukoy niya?
“Stable na rin naman ang kalagayan niya. Nagkamalay na raw ‘yon kanina pero hindi pa pwedeng lumabas ng Hospital sabi ni Tito. Actually, doon ako dederitso ngayon. Gusto mo bang sumama?" turan naman ni Shaila.
Sino ang nasa Hospital?
“Sige,”agaran namang tugon ng demonyitang girl na medyo anghel ngayon.
Pagkatapos ng usapan nila ay kanya-kanyang silang pumasok sa kotse nila. Parang baliw din naman akong nagmadaling sumakay sa motor ko at mabilis silang sinundan. Hindi ko alam kung bakit curious ako sa naging usapan nila. Hindi ko alam kung anong mapapala ko sa pagsunod sa kanila.
Sa totoo lang ay nagmumukha na akong stalker ngayon. Parang may part kasi sa ‘kin na gustong makita ‘yong taong pinag-uusapan nilang nasa Hospital daw. Hindi ko naman alam kung sino.
Bahala na nga si Batman o kaya ay si Darna.
Tumigil kami sa harap ng isang pribadong Hospital. I keep my distance from them while entering in the said building so that they won't notice me. Siguradong pagtatawanan ako ni Rhen sa ginagawa ko ngayon. Natatawa na nga lang din ako dahil ‘di ko magawang labanan ang curiosity ko.
Kanina pa rin ako nakakatanggap ng messages galing kay mama. Alam niya kasi kung hanggang anong oras ang klase ko at inaasahan niya akong tutulungan ko siya sa shop. Hindi ko rin sinasagot ang tawag niya dahil siguradong tatanungin ako ni mama kung saan ako, at dahil ‘di ako nagsisinguling na bata ay siguradong masasabing nilalamon ako ng curiosity kaya sinusundan ko ang dalawang babaeng ‘to.
Bahala na later kung anong ipapaliwanag ko.
“Visiting Gemar Dela Merced," rinig kong turan ni Shaila sa nurse station.
Gemar? What the heck? Anong ginagawa ng lalaking ‘yon dito?
“Relationship with the patient?" the nurse asked.
“I'm the cousin."
“Room 202 po.”
Nakita kong tumango lang si Shaila bago naglakad paalis sa station kasama si Herisha. Susunod pa ba ako sa kanila? Alam ko na kung sino ang dadalawin nila. Kailangan ko pa bang malaman kung anong nangyari sa kanya?
Akma na akong lalabas ng Hospital nang parang may bumulong sa ‘kin na kailangan ko silang sundan. Curiosity is killing me again. I want to know what happened.
Huminga ako ng malalim bago sumunod kina Shaila pero pagtapat ko sa nurse station ay nginitian ako ng nurse. Ang creepy.
“May I help you, ma'am?”
“Ahmm...I'm with the two girls earlier who are going to visit Gemar Dela Merced. Ang bilis kasi nila maglakad kaya naiwanan ako.” Hindi ako nagsisinguling pero dahil sa curiosity na ‘to ay nagawa ko lang namang maghabi ng kwento. It's unbelievable!
“Sige po, ma'am.”
Mabuti na lang ay hindi nakahalata ‘yong nurse. Hindi ko na makita ang bulto nina Shaila kaya ang room number na lang ang hinanap ko. Nasa tapat na ako ng Room 201 nang biglang lumabas si Herisha sa katabi nitong kwarto which is the Room 202.
Kunot-noo niya akong tiningnan. “What are you doing here? Makati na naman ba ang katawan mo kaya hanggang dito ay sinusundan mo ang boyfriend ko?”
Hindi pa ako nakakasagot nang lumabas din si Shaila at ‘di katandaang babae na siguro'y bantay ni Gemar. Nakakahiya naman. Bakit ko pa kasi naisipang sundan sila.
“I know you.” Tukoy sa kanya ni Shaila. “Ikaw ‘yong anak ng may-ari ng Macaraeg Shop. Are you here to visit my cousin? Gising naman siya kaya halika—”
“No! She's a freaking slut, Shaila. Inaahas niya boyfriend ko,” sabat naman ni Herisha.
Masyado namang threatened Ang babaeng ‘to. Akala naman niya'y kaagaw-agaw ang boyfriend niya este ex-boyfriend na pala. Itong desperada ‘to lang talaga ang ‘di alam ang salitang ex-boyfriend.
“Actually, napadaan lang ako. Hindi ko nga alam na nandito kayo. May dinalaw kasi akong kakilala. Sige, aalis na ako.” Pilit akong ngumiti bago sila talikuran. Dapat talaga ay kanina pa ako umuwi dahil unang-una ay wala naman akong pakialam sa lalaking ‘yon.
“Please stay, Jessa!”
©author_aii