"Ano bang kabilin-bilinan namin sa 'yo, Jessa! Hindi ba ay ang sabi namin ng papa mo ay lumayo ka sa pamilyang 'yon!"
Palakad-lakad si mama sa harap ko. Halatang nagtitimpi siyang saktan ako dahil napapasabunot na lang siya sa sarili niya. Hindi ko naman sinasadyang suwayin sila. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kapag nasa harap ko na.
"Mama, 'wag ka na po magalit. Sinamahan ko lang naman siya dahil nakiusap siya sa 'kin," depensa ko.
Aminado akong may kasalanan ako sa nangyari. Hindi ko naman itatanggi na nanaig ang karupokan ko kaya nagpatianod lang ako sa sitwasyon.
"Hindi ka nagsisinguling sa 'kin pero nagawa mo kagabi. Kung hindi ko pa pala tinawagan si Rhen para tanungin kong nasa kanila ka ay 'di ko pa malalaman na kasama mo ang lalaking 'yon! Hindi kayo magkaibigan ng Gemar na 'yon pero nagawa mo siyang samahan at magsinungaling sa 'kin para sa kanya. Pasalamat ka na lang dahil nasa duty ang papa mo dahil kung sakaling nandito siya kagabi ay siguradong mapapatay niya ang lalaking 'yon. Umiinit talaga ang ulo ko sa 'yo, Jessa!"
"Mama, sorry na." Pilit kong hinahawakan ang kamay niya pero mabilis niyang binabawi.
"Mag-usap tayo mamaya, magpapakalma lang muna ako." Hindi man lang ako tiningnan ni mama sa mata bago umalis sa harap ko.
Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang galit niya. Nagawa ko siyang suwayin dahil kay Gemar sa kadahilanang hindi ko rin maipaliwanag. Nang hiniling ni Gemar na manatili ako sa hospital ay agad akong pumayag. Hindi ko alam kung dala lang ba iyon ng concern o konsensiya. Nalaman ko sa personal Yaya niya na na-aksidente siya noong gabing iniwan ko siya sa Empress Bar, sinundan niya pala ako kaso biglang bumangga ang kotse niya sa isang light post.
Hindi ko magawang sabihin kay mama ang totoo kaya sanabi ko na lang na mag-o-over night ako sa bahay nina Rhen. Hindi ko naman alam na malalaman niyang nagsisinguling ako. Isang malakas na sampal tuloy ang sumalubong sa 'kin pag-uwi ko kaninang umaga.
Hindi ako sinasaktan ni mama physically pero naging exemption ata kanina dahil ramdam na ramdam ko ang galit niya. Siguro ay hahayaan ko munang mawala ang galit ni mama bago ako magpaliwanag sa nangyari.
Kinuha ako ang phone ko at nagtype ng message. Kailangan ko ng napaglabasan ng sama ng loob.
To: Rhen the kabute
Meet me at the mini children's park here in our Village. I need someone to talk.
While waiting her reply ay naligo na ako't nagbihis. Kagabi pa kasi 'tong suot ko. Hindi naman ako nakapag-ayos pag-uwi dahil nasermonan ako ni mama. Wala pa nga akong kain dahil nawalan na rin naman ako ng gana.
From: Rhen the kabute
Pwede bang mamaya na lang pag-uwi ko pero 'di ko rin alam kung anong oras. Sinama kasi ako ni papa sa meeting niya kay Mr. Verallo kasi kasama rin si Hans. Alam mo mukhang kami na ang magkakatuluyan. Talk you later. 😘
Napapailing na lang akong nilagay ang phone ko sa sling bag. Mukhang mag-isa talaga akong magmumukmok ngayon. Kasalanan 'to ni Gemar e'. Kung hindi lang sana siya nagpaawa effect, hindi sana galit sa akin ngayon si mama.
Nang bumalik ako sa living room ay nadatnan ko si mama na chi-ne-check ang laman ng bag niya. Laging ganyan ang ginagawa ni mama bago pumuntang shop.
"Ma, weekend naman po ngayon kaya matutulungan kita sa shop," basag-katahimikan ko.
"Just stay here..."
Walang lingon na lumabas si mama ng bahay, parang tinusok ng karayom ang puso ko sa ginawa niya. Hindi gano'n si mama dahil she's the sweetest mom that I ever met. Iba talaga ang nagagawa ng galit.
Mukhang sayang lang ang outfit ko ngayon dahil hindi ko naman mairarampa sa shop. Siguro ay mag-iikot lang muna ako rito sa loob ng village para kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko.
I grab my key at nag-drive habang nakikinig sa music. Wala naman talaga akong destination ngayon pero agad akong napatigil nang madaanan ko ang mini children's park, dito dapat kami mag-me-meet ni Rhen ngayon pero dahil sa love life niya ay 'di rin natuloy.
Umupo ako sa ako sa isang bakanteng bench at pinanuod ang mga batang naglalaro.
"Baka malunod ka sa iniisip mo," a baritone voice said from behind.
Kunot-noo ko siyang tiningnan nang walang pasabi siyang umupo sa tabi ko. Matagal-tagal na rin no'ng huli ko siyang makausap. "What are you doing here?
"I bet we're in the same Village. Anyway, okay ka lang ba?" Dito na naman ang pagiging concern niya kaya nahuhulog ako sa kanya.
"Concern ka na naman sa 'kin, Kenneth. Alam mo bang nasa moving on process pa rin ako." Pinilit magmukhang nagbibiro pero failed naman.
"Hindi ko man sa suklian ang feelings mo sa 'kin pero hindi mawawala ang concern ko sa 'yo. Magkaibigan tayo, 'di ba?"
Tama naman siya, may karapatan siyang maging concern dahil kaibigan niya ako. Hindi niya rin naman kasalanan kung wala siyang gusto sa akin. Tanggap ko na rin naman at support ko siya kung saan siya masaya.
"Nag-away kami ni mama," panimula ko. Tahimik lang naman siyang parang naghihintay na ipagpatuloy ko. "Hindi kasi ako nakauwi kagabi tapos magsinungaling pa ako sa kanya. Nag-stay kasi sa Hospital para samahan si Gemar tapos ang sinabi ko kay mama ay sa bahay nina Rhen ako matutulog pero nalaman niya rin ang totoo. Alam ko na may mali ako pero hindi ko lang maintindihan kung bakit gano'n na lang ang galit niya. Pinapalayo nila ako kay Gemar dahil 'di raw magandang mapalapit sa pamilya nila. Hindi ko alam kung dahil pa ba 'yon sa pag-aasar sa 'kin ni Gemar or dahil may iba pa silang dahilan."
Hindi ko alam kung tama bang ilabas ko ang problema ko sa pamilya. Naguguluhan na rin kasi ako. Ayaw ko ng gulo at naging maayos na rin ang pakikitungo sa 'kin ni Gemar kagabi kaya kung maaari ay gusto ko na ayusin ang lahat.
"Nabalitaan ko ang ang nangyari kay Gemar. Anyway, intindihin mo lang ang parents mo dahil ganyan talaga kapag may pinoprotektahan sila. Mahal ka nila kaya ang mas makakabuti sa 'yo ang iniisip nila. Kung ako rin naman ay gano'n din ang magiging reaction ko. If ever na magpalipas ang anak kong babae sa bahay ng isang lalaki ay siguradong tatamaan sa 'kin 'yong lalaki. Pagsasabihan ko rin ang anak dahil hindi talaga magandang tingnan. Wala rin naman kayong malalim na relasyon para maging excuse. At, kung pakiramdam mo naman ay may tinitago sila sa 'yo ay 'wag mo muna isipin 'yon kasi darating ang araw na sasabihin din nila 'yon. Gano'n ang magulang, may mga bagay na mas mabuting sila lang muna ang nakakaalam para rin naman sa ikabubuti ng anak," he explained.
"Siguro gano'n na nga lang gagawin ko. Anyway, you sounded like a parent."
Ngumiti lang naman siya sa 'kin. Wala siyang pasabing hinila ako papasok sa mini Pizza House sa gilid ng park.
"Order ka na dahil alam kong gutom kana. Kanina pa ko pa kasi naririnig ang pag-iingay ng sikmura mo. H'wag kang mag-aalala dahil ako ang magbabayad," aniya.
Nakakahiya pero nakakatuwa. Ang swerte ng magiging girlfriend niya.
"Dre, here!"
Pareho kaming napatingin sa lalaking nakataas pa ang kamay, kung hindi ako nagkakamali ay siya 'yon kaibigan ni Kenneth. Ano nga ulit pangalan niya? JN? JM?
Pagkatapos kong umorder ay do'n kami umupo sa table ni JM at ng kasama niyang batang babae. Hindi naman ako makatanggi dahil libre 'to ni Kenneth.
"Libre mo rin ako, Dre. Ilang minuto ko palang kasama si Spade pero halos mamulubi na ako," turan ni JM.
Napatingin ako sa batang biglang tumingil sa pagkain at masiglang yumakap kay Kenneth. "Ninong is complaining because I want to eat a lot of food, Daddy."
Daddy?
"Anak mo?" Turo sa bata na nginitian pa ako.
He has daughter?
©author_aii