CHAPTER 11

“Naka-drugs ka!”

Ramdam ko ang pagbato ng mga tingin ng mga estudyanteng nakatambay sa malapit sa amin. May isa't kalahating oras kaming vacant kaya nasa school ground kami ni Rhen nagpapalipas ng oras.

Late na sila nakauwi noong sabado kaya hindi na rin niya ako nasipot sa usapan. Noong linggo naman ay may date raw sila ni Hans. Sa madaling salita ay walang oras ang kaibigan kong ito sa akin noong weekend dahil busy siya sa love of her life. Ngayon ko lang din tuloy na-kwento sa kanya ang tungkol sa anak ni Kenneth. At, tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala.

“H'wag kang maingay,” suway ko sa kanya.

“Sigurado ka ba talaga sa tsismis mo? Paano ‘yon magkakaanak kung wala namang asawa. Wala siyang matris, girl!” aniya. Napapahilot pa siya sa sintido niya, feeling stress.

“Tinanong ko kung anak niya at ang sagot niya ay 'oo'. Baka naman ay nabuntis niya ex-girlfriend niya tapos iniwan sa kanya ang bata noong nag-break sila. Possible naman ‘yon, ‘di ba?

“Siguro?” patanong niyang sagot. “Pero, ang sigurado ko lang ay palapit na rito si Gemar ng buhay mo.”

 Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad akong napatayo't palinga-linga. “Maiwan na kita rito ha. H'wag mong sabihin kung nasaan ako.”

Wala pa akong nakukuhang sagot kay Rhen nang nagmamadali akong tumakbo palayo sa lugar na ‘yon. May 30 minutes pa bago magsimula ang klase kaya dumiretso muna ako sa library sa CED building. Malaki ang chance na hindi niya ako makita rito.

Hindi naman ako nag-a-assume na hahanapin niya ako pero mas mabuti na rin ang nag-iingat. Ayaw ko na muling suwayin sina mama at papa kaya simula ngayon ay iiwasan ko na siya. Kinausap ako ni papa patungkol sa nangyari at pinaliwanag niya ang side ni mama kaya naiintindihan ko. Tama si Kenneth concern lang sila dahil hindi magandang tingnan na nagpapalipas ako ng gabi na may kasamang lalaki na hindi ko naman kaanu-ano. May tanong pa rin ako kung ang malalim nilang dahilan kung bakit ayaw nila sa pamilyang Dela Merced pero hindi ko na rin sila pinilit na sabihin sa ‘kin.

At, dahil medyo matagal ang 30 minutes ay kumuha muna ako ng libro't nagbasa para maglibang. Nakakaboring din naman kasi rito. Maya-maya'y biglang naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa table.

From: Rhen the kabute

Gaga! Anong eksena niyo ni Gemar? Hinanap ka niya kaya sinabi ko na lang na umalis ka agad nang malaman mong palapit na siya. Shuta ka, girl! Iniiwasan mo ba siya? LQ kayo kahit walang label?😂😂

Napatampal na lang ako sa noo nang dahil sa message ng kabute kong kaibigan. Hindi ko alam kung nanadya pa ito o hindi siya makaramdam, kulang ata ng sampong mag-asawang sampal ang babaeng iyon. Lagi na lang akong nilalaglag, parang hindi kaibigan.

To: Rhen the kabute

Isa kang malaking hatdog, bes! Saludo sa ‘yo ang middle finger ko!

Hindi ako sigurado kung hindi ko talaga siya makakatagpo sa bawat iwas ko, basta sinusubukan. It's better this way.

NATAPOS ang lahat ng klase namin ngayon na punong-puno ng pagpapasensiya. Simula nang makabalik si Rhen mula sa school ground ay hindi na niya ako tinatantanan ng mga tanong niya. Ngunit, kahit isa ay wala naman akong sinagot. Muntik pa tuloy siyang mapalabas kanina dahil hindi nakikinig.

Dapat talaga ay si Gemar lang ang iiwasan ko pero dahil ayaw kong bigyan ng sagot ang mga tanong ni Rhen at pati siya ay iniwasan ko na. Nagliligpit palang siya ng gamit niya nang iwan ko siya sa classroom.

“Jessa.”

Speaking of the devil #1, nadatnan ko siya sa parking lot na nakasandal sa Ducati ko. Ang kapal ng mukha!

 “Umalis ka d'yan sa baby ko, baka masaktan siya.” Mabilis ko siyang hinila palayo sa motor ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil busy ako sa pag-check kong may gasgas ang baby ko. Medyo magaspang kasi ang pagkatao ng lalaking ‘to kaya hindi dapat madikit sa makinis kong baby.

“You're weird,” komento niya. Iyon na rin ang naging hudyat para harapin ko siya.

“Ano bang kailangan mo? Nang dahil sa kaartehan mo sa hospital ay napagalitan ako ni mama. Hindi ka rin ba makaramdam na ayaw kong makita ka?” straight to the point Kong turan.

Hindi na uso sa akin ang paligoy-ligoy dahil medyo kulang sa aruga ang kausap ko na tila hindi nakakaintindi.

 “Kasalanan mo rin naman kaya ako nasa Hospital that time, ‘di ba? Kung gusto mo ay kakausapin ko sina tita,” aniya. Anong nakain nito't biglang naging maamo.

“Hindi ko naman kasi sinabi na sundan mo ko noong Valentines e'. H'wag mo ring tawaging tita si mama dahil ‘di ka niya pamangkin at lalong ‘di kayo close. D'yan ka na nga dahil mas may importante pa sa 'yong dapat kong intindihin.”

Wala na rin siyang nagawa nang mabilis kong pinaandar ang motor ko. Mas mabuti na ring maging harsh ang dating sa kanya ng mga sinabi ko para iwasan niya na rin ako. It's better for both of us para na rin hindi na ako guluhin ng ex- girlfriend niya at ‘di kami magtalo ni mama.

 Noong nagbantay ako ng isang gabi sa kanya hospital ay may nakilala akong ibang side niya. Hindi 'yong bully at epal na Gemar ang kaharap kundi ang soft niyang pagkatao. Ramdam kong ang pinapakita niya sa akin that time ay totoo. Nakausap ko rin ang personal maid niya kung saan sinabi nitong mabait nga raw ang alaga niya, medyo kulang nga lang daw sa atensiyon kaya medyo may pagkamakulit.

Gusto kong makipagkaibigan sa kanya simula no'ng gabing ‘yon pero naiipit ako dahil ayaw ng parents kong mapalapit ako sa kanya.

 “Anak?”

 Bumalik sa reyalidad ang aking isipan nang marinig ko ang boses ni mama, nakatayo siya sa entrance ng shop. Kanina pa ako nakarating pero hindi ko nagawang pumasok dahil sa over-thinking. Hindi ko rin napansin na marami-raming pumapasok sa shop.

 “Mukhang marami pong customer, ma. Pasensiya na po pagod lang po ako kaya ‘di muna ako pumasok,” depensa ko kahit wala naman siyang sinasabi.

 “Dapat umuwi ka na lang kung pagod ka. May nga staff naman ako rito kaya basic lang sa akin ang maraming customer,” aniya.

“Sabay na po tayong umuwi. Tutulungan muna kita rito.”

 Akma na akong mauunang pumasok sa shop ng hawakan ako ni mama't yakapin.

“Sorry kung pinagbabawalan ka namin ngayon, anak. Hahayaan ka naman naming makipagkaibigan o makipagrelasyon pero 'wag lang sa isang Dela Merced. We can't say our main reason but I'm doing this for us. I want the best for you, honey.”

Yinakap ko na rin si mama. Namalayan ko na nga lang sarili kong umiiyak na sa balikat niya.

***

Saktong alas-syete ng gabi nang magpasya kaming mag-close na ng shop. Uuwi kasi ngayong gabi si papa kaya kailangan naming umuwi ng maaga para sabay kaming kumain ng dinner. Madalang lang kasi umuwi si papa dahil madalas ay maraming pasyente kaya sa unit na niya sa tabi ng hospital siya umuuwi.

 Akala namin mauuna kami mauuna kaming dumating sa bahay pero mali pala kami dahil pagdating namin ay nando'n na si papa, nakahanda na rin ang dinner at kami na lang talaga ang hinihintay.

“Papa.” Agad akong yumakap sa kanya't hinalikan siya sa pisngi gano'n din naman ang ginawa ni mama. “How's your day?”

“It's great, my baby. Anyway, I think it's for you.” Inabot niya sa akin ang isang bouquet of red tulips na nakapatong kanina sa lamesa.

 “For me? Ang sweet mo po, papa.” Walang pag-aalinlangang tinanggap ko't inamoy ang bulaklak.

“Its not from me, baby. Nakita ko ‘yan sa labas tapos nakasulat sa card ang pangalan mo kaya pinasok ko na rito sa bahay. Anyway, may message sa card. It's look like you have a suitor,” aniya.

Kunot-noo ko namang hinanap ang card at binasa. Sino naman kaya ang magbibigay nito.

 

To: Jessa

Maybe you're curious why I gave you this. If you know what red tulips symbolize, I'm sure I already answered your question.

Walang nakalagay kong kanino galing. Masyado naman itong pamisteryoso. Siguro pangit ‘to kaya nahihiya magpakilala. Well, hindi naman ako tumitingin sa physical appearance dahil mas mahalaga sa akin ang panloob na kalooban at kung kaya niya ba ako buhayin. S'yempre, I want my first boyfriend to be my husband kaya kung husband material ka ay mag-apply ka na.

“Red tulips symbolizes confession of feelings.”

Agad kong nilingon si mama na nakikibasa pala sa card. Nanay ko tsismosa na. “What.”

“Kung sino man ang nagbigay ng bulalak na iyan ay siguradong gusto niya mag-confess. But, I don't like his strategy dahil mas gusto kong magpakilala muna siya sa ‘min. Well, he need our approval first.” Tinapik ako ni mama bago siya umupo sa tabi ni papa.

“Pero, sino siya?”

©author_aii