CHAPTER 12

“Red tulips again?”

Lumipas na ang ilang araw pero hindi ko pa rin alam kung sino ang sa likod ng mga red tulips na ito. Araw-araw akong nakakatanggap ng isang tangkay ng bulaklak. At, ngayon nga ay may isa na naman na nakasipit sa locker ko. Pinaglalaruan niya ba ako?

“Sana all laging nakakatanggap ng bulaklak,” pang-aasar ni Kristel. “Pahiram naman ng ganda mo. Anyway, kanino ba galing ‘yan? Kay Gemar ba?”

Gemar? Imposible naman na sa kanya ‘to galing. Speaking of him, ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita pagkatapos ng encounter namin sa parking lot. Nasaktan kaya siya sa mga sinabi ko?

“Hindi ko alam. Sige, mauna na ako sa ‘yo sa classroom.”

Tumango lang naman si Kristel bilang tugon habang nangangalkal pa sa locker niya. Maraming tumatakbo sa isip ko habang tinatahak ang hallway papunta sa classroom. Masaya ako na pagkatapos ng hindi magandang salubong sa akin ng paaralan na ito ay may nagawa pa ring humanga sa akin. Ngunit, literal siyang nakakasakit sa ulo dahil feeling espesyal siyang pamisteryo. Busted siya sa akin kapag magkataon.

“May pabulaklak na naman si Mr. Right?” tanong ni Rhen nang makaupo ako sa tabi niya.

“Pinapaipon niya ata ‘to sa ‘kin para may mailagay ako sa puntod niya kapag mailibing ko siya ng buhay. Namumuro na siya sa ‘kin, nabuburyo na ako kakahintay ng face reveal niya,” pagrereklamo ko na ikatawa naman ng bruha. “Walang nakakatawa.”

“Gigil ka, girl? May dahilan naman kasi siya kung bakit hindi pa siya umaamin. Hindi rin kasi siya makapaniwala nang ma-realize niyang gusto ka niya. So, maghintay ka muna,” aniya.

Wait, what? May alam ba siya kung sino ang feeling famous na admirer ko kuno.

“Did you—”

“Good morning, class.”

Wala naman sa timing ang pagpasok ng professor kong ‘to. Hindi ba pwedeng makipagtsismisan muna ako saglit dahil marami na talagang tanong sa isip ko.

“Don't dare to ask me dahil ‘di ko rin naman sasabihin sa ‘yo. Maghintay ka dahil malay mo siya pala ‘yong lalaking ideal mo.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay nag-focus na siya sa pakikinig sa guro.

Ideal ko? Si Kenneth lang naman ang ideal man ko pero impossible na siya dahil may someone special na siya. May anak pa nga, ‘di ba? Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng oras para sa ‘kin. Nagkalinawan din na rin kami na magkaibigan lang kami.

Another option is Gemar pero hindi ko naman siya ideal man—so, sana ay hindi siya. Maayos na kami sa isa't isa pero iniiwasan ko siya. Ayaw kong mapalapit sa kanya dahil mukhang nahawa na rin ako sa karupokan ni Rhen.

Ngunit, sigurado akong hindi sila ang sa likod ng red tulips na ito dahil ilang araw nang sa locker siya naglalagay. As far as I know ay bawal pumasok ang mga taga ibang Colleges sa locker room ng isang Department—depende kung malakas ang connection mo?

Who ever he is, he's a definition of torpe. Ang lakas ng loob niya na magpadala ng bulaklak sa bahay pero duwag naman humarap sa ‘kin. 

“Dismiss, class.”

Bumalik sa reyalidad ang aking isipan nang marinig ang turan na iyon ng aming professor. Sa sobrang overloaded ng utak ko ay hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.

“I need to go home na, girl. See you when I see you,” ani ni Rhen. Tumango lang naman ako bilang tugon.

Nababagot akong tumayo't lumabas ng classroom. Nang mapadaan ako sa isang trash bin ay nayayamot kong tinapon ang bulaklak. Wala namang sense kong dadalhin ko pa siya sa bahay dahil hindi ko naman alam kung kanino galing. Napupuno na ng tulips ang kwarto ko, baka sa isang araw ay tirahan na ‘yon ng bubuyog.

Wala na akong next class kaya dumiretso na ako sa parking. Well, ito naman talaga ang lagi kong routine dahil madalang ko lang naman makasama si Rhen at Kenneth na matatawag kong best friends. Laging maaga umuwi ng bahay si Rhen dahil bantay-sarado siya ng parents niya samantalang si Kenneth naman ay sa ibang College Department kaya ‘di ko alam kung anong schedule niya. Mas mabuti na rin naman na ganito ang routine ko para lagi kong matulungan si mama sa shop.

Ngunit, ang inaakala kong smooth na araw ngayon ay biglang bumaliktad ata. It's like dejavu when I'm seeing a man right now beside my Ducati. Akala ko ay successful na ang ginawa kong pagtaboy sa kanya pero akala ko lang pala. He smile ear to ear to me while holding one bouquet of red tulips.

Wait, what? Tulips? Don't tell me...

“I miss seeing you,” aniya.

“Excuse me, lumayo ka sa motor ko baka sagasaan kita.”

Sasakay na sana ako nang hawakan niya ako't inabot ang bulaklak. What's wrong with him today. “...For you.”

“Anong bang trip mo?” pagtataray ko. Actually, I'm just trying to act rude.

Ramdam kong nanlalambot na ako. Ramdam kong nagiging soft at marupok na naman ako. Gusto ko na tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Kanina lang ay hinihiling ko na sana ay hindi siya ang sa likod ng mga tulips na natatanggap ko, ngunit ngayon ay sinasampal na ako ng katutuhanan dahil siya...siya ‘yong tinutukoy ni Rhen. Siya ‘yong lalaking hinihintay kong magpakilala sa akin para iharap sa parents ko.

“I know you're confused and so do I. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula. Nagising na lang ako isang araw na ikaw na ang unang pumapasok sa isip ko. Noong araw na ipagtabuyan mo ‘ko ay nasaktan ako. Bakit? When I kissed you, I actually want to claim you as mine. Noong binantayan mo ‘ko sa hospital ay parang ayaw ko na matapos ang gabing ‘yon. I'm so confused what happened to me...” tumigil siya saglit at huminga ng malalim. Nanatili lang naman akong tahimik, waiting for his next words.

“...Noong araw na pinagtabuyan mo ako rito mismo sa lugar na ‘to ay na-realize ko na gusto kita. That's the reason why I left red tulips outside your house. Nagtanong pa ako kay Rhen kung anong address mo. I actually want to confess my feelings to you but I am afraid that's why I used that flowers to deliver my message.”

“Nagbibiro ka ba?” sabat ko.

I really don't know how to react. Ramdam ko ang sincerity niya pero hindi ko maipaliwanag ang isip ko. My heart was convinced sa hindi ko maipaliwanag na dahilan pero pilit kong sinasabi na isip na mali ito. I can't accept his confession kahit pa sabihing wala na ang gusot sa pagitan namin, pinapalayo ako sa kanya nina mama kaya iyon ang dapat kong gawin.

“S'yempre hindi. Alam ko nahihirapan kang maniwala sa ‘kin kasi hindi maganda ang unang pagtrato ko sa ‘yo. Pero, gusto ko lang naman kasing inisin ka kasi ang cute mo mainis. Alam mo bang ang cool mo kapag nakamotor ka tapos prangka ka rin na walang pakialam kung anong sabihin ng ibang tao. Wala kang arte sa katawan kaya siguro nakuha mo agad ang attention ko. Ibang-iba ka sa mga babaeng nakilala ko sa paaralang ‘to. Alam ko na huli na para humingi ng sorry pero sorry pa rin sa panlalait ko. Actually you're so pretty and——”

“Stop!” pagputol ko sa kanya. “You don't need to explain too much. I already know your feelings and it's enough. Wala ka rin namang mapapala sa ‘kin.”

Hindi ko tinanggap ang bulaklak niya. Agad akong sumakay sa motor bago walang pasabing mabilis itong pinaandar palabas ng parking lot. Hindi ko intensyon na maging rude sa kanya pero iyon lang ang paraan ko para hindi tuluyang malunod sa mga salita niya.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako para sa kanya. We're not friends actually pero iniisip ko palang na i-re-reject ko siya ay kumikirot na ang puso ko't nakakaramdam ako ng konsensiya. Ano bang nangyayari sa ‘kin?

Nang makalayo-layo na ako sa campus at tumigil muna ako sa gilid. Nagsisimula na kasing manlabo ang paningin ko't nagbabasakan ang luha ko. Bakit ganito? Bakit parang gusto ko siyang balikan at yakapin.

Hindi kaya...

Hindi, mali ang iniisip ko. Siguro ay naawa lang ako sa kanya dahil sa ginawa kong pag-reject sa confession niya. Pero kasi...

Aarrggh!

© author_aii