KABANATA UNO

Christine POV

"Tina! Christina! Open the door! I'll count to 3 if you don't open this fucking door swear hindi mo magugustohan ang gagawin ko!!Christina! ."

Alam Kong si daddy yon at mas lalong alam Kong galit na galit siya dahil sa ginawa ko , Sino ba naman ang matutuwa kong kahiya hiya nman ang ginawa ko . 1 week ago nalaman Kong buntis ako dahil sa mga symptoms na naranasan ko Kaya nag pa check up ako at hindi nga ako nag kamali kasi nag bunga ang lahat ng kahibangan ko ng gabing iyon kasama ang lalaking yon at ito na ang dahilan Kung bakit ang lakas ng sigaw ni daddy sa labas ng pinto ng room ko.

" Ronald huminahon Ka muna paano lalabas ang anak natin Kung ganyan ang kilos mo para Kang papatay ng Tao."Bigla naman akong kumalma ,alam Kong si mommy yon ang nagsalita.

" Cheery wag mo akong pakialam sa ginagawa ko alam ko ang ginagawa ko kailangan bigyan ng leksyon ang batang yan wala ng ginawa kundi ang mag bigay ng kahihiyan sa pamilyang to." Daddy said

" Ronald nasa tamang edad na si Christina Kung ano man ang nangyari hindi na natin mababago yon."

" Alam ko yon Cheery pero ang mag pabuntis na walang asawa o kahit kasintahan isa yong kahihiyan sa pamilya!"Sigaw ni daddy

" Ronald huminahon Ka muna."Sabi ni mommy na umiiyak

" Umalis Ka jan cheery!!!!!."

Alam kong galit na galit na si daddy hindi ko na Kaya pang marinig dahil umiiyak na si mommy alam Kong kasalanan ko nman ito Kaya napagpasyahan ko nalang lumabas para harapin ang lahat ng galit ni daddy. Tumayo na ako at Dali Dali binuksan ang pinto nakita ko si daddy at mommy sa labas si daddy ang sama ng tingin niya sa akin pero si mommy tiningnan niya ako na ng nag papahiwatig na sana hindi nlang muna ako lumabas .

" Sinong ama niyan." Tanong ni daddy pero wala akong lakas sabihin kung sino dahil alam kong hindi nman to na buo ng may pag mamahal.

" Hindi ko po alam."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na hindi ko inaasahan , alam Kong deserve ko to pero para atang bumaliktad ang pisngi ko sa lakas at parang sumusikip ang diddib ko dahil kahit alam Kong sino ang ama ng pinagbubuntis ko, pero hindi ko pweding sabihin dahil mas lalong magagalit si daddy pag nalaman niya na ang anak ng karibal niya sa negosyo ang ama ng dinadala ko.

" Kung ayaw mong sabihin kung sino ang ama niyan lumayas Ka ! Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala akong anak na disgrasyada ! ".Bigla akong hinila ni daddy palabas ng bahay at itinulak kaya napaupo ako pero inaalala ko anak ko kasi malakas ang pagka tulak sa akin. Bigla akong dinaluhan ni mommy upang tulungan piro hinila siya ni daddy ,umiiyak na si mommy habang naawang nka tingin sa akin .

" Ronaldo! Tumigil kana hindi mo lang anak si Christina anak ko rin siya kung pinapalayas mo siya ede palayasin mo na rin ako! ". Sigaw ni mommy alam Kong si mommy lang ang kakampi sa akin dito habang ang dalawa Kong kapatid naka tingin lang sa akin na kahit anong awa wala akong makita sa kanila.

"Na sisiraan kana ba Cheery?"

" Sige itakwil mo ang anak natin hindi ako mag dadalawang isip na hiwalayan Ka!". Mommy said while crying pero wala man lang reaksiyon si daddy sa lahat ng sinabi ni mommy

" Mommy you can't do that andito pa Kami oh anak mo rin kami iiwan mo Kami dahil Lang Kay Tina!" Sigaw ng maldita Kong kapatid na si Christy.

" Anak tumuyo kana jan please halika na " Sabi ni mommy na hilahila ako para akong wala ng lakas pang tumayo dahil sa lahat ng nangyari.

" Mom hindi mo to kailangan gawin para sa akin tama si Christy andiyan pa sila ,paano ang mga kapatid ko , I know you love me very much but mommy wag mong gawin to."I said while sobbing hindi ko ata matatanggap masisira ang pamilya ko kaya nag disisyon akong harapin si daddy.

" Jake Downson siya ang ama ng dinadala ko daddy." Sabi ko na tumutulo ang mga luha ko na kanina pa walang sawa sa pag agos , Kita Kita ko kong paano nanlilisik ang mga mata ni daddy dahil sa sobrang galit expected ko nman na ganito ang reaksiyon niya piro natatakot parin ako. Isang malakas na sampal muli ang natanggap ko mula sa ama ko , Dapat sanay na ako eh dati pa sa aming tatlong magka kapatid ako ang madalas mapagbuhat ni daddy ng kamay mula pag Kabata, Kaya dapat sanay na ako eh piro bakit parang ang sakit parin dahil alam kong anak niya rin nman ako piro bakit ako lagi ? Kahit ngayon na nasa tamang edad na ako kapag may nagawa akong mali madali lang kay daddy ang pag buhatan ako ng kamay , pero si Christy at Christian hindi niya man lang masigaw sigawan ,ako lahat mula noon hanggang ngayon lahat ng pasakit kunting kamalian ko lang ako na ang masama . Lahat nman ginawa ko lahat ng gusto niya sinunod ko kahit ang maging doctor ginawa ko kahit gustong gusto ko kumuha ng Culinary arts pero dahil sa pagiging masunurin ko ginawa ko lahat ng galaw ko iniingitan ko pero bakit ganito.

" Isa Kang napakalaking stupida! Itataas na sana ni daddy ang kamay niya upang sampalin ako ng mag salita si mommy " sige ronaldo isang sampal pa hindi ako mag dadalang isip na mag file ng divorce bukas na bukas din! ".Nabitawan ni daddy sa ire ang kamay nito at tumingin Kay mommy na parang kumalma.

" Alam kong malaki ang nagawang kasalanan ni Tina piro Ronaldo anak natin yan wala na tayong magagawa makinig kanamn sa akin kahit ngayon Lang! "

Ibinaling ni daddy ang tingin niya sa akin at sinabing " tumayo ka jan pupunta tayo sa nga Downson!" Sa narinig ko bigla akong kinabahan ano kaya ang plano ni daddy Baka mag eskandalo siya sa mga Downson anong gagawin ko, maaring kumalma si daddy ngayon piro alam konng pag dating sa lugar ng mga Downson di ko alam ang magagawa nito ,pero bago pa ako maka huma hinila na ako ni daddy papasok na kotse Dali Dali nmang sumunod si mommy at tinabihan ako .

" Don't worry baby mommy is here Okey! Inaalo ako ni mommy dahil para konang ilabas lahat ng luha ko iyak lang ako ng iyak " anak tumigil kana makakasama yan sa bata please !"

Narating namin ang mansion ng mga Downson habang si daddy dali dali bumaba ng kotse at sumunod kami ni mommy

" Alfredo ilabas mo ang magaling mong anak !" Sigaw ni daddy sa labas ng gate ng mga Downson

" Alfredo!" " Ilabas mo ang anak mo!"

Kinakalampang na ni daddy ang gate ng lumabas ang mga guards at sumonod ang matandang Downson pati ang may bahay nito." Anong problema Ronaldo bakit Kayo nandito?" Sabi nito

" Ilabas mo ang magaling mong anak Dapat niyang panagutan ang anak ko !"

" Anong Sabi mo?" Ang ginang na Downson ang nag salita

" Binuntis lang nman ng anak nyo ang anak ko."Bumaling si daddy sa akin Yan! yang magaling Kong anak binunstis Yan ng anak niyong magaling!"Hindi ko alam piro nanghihina na ako sa lahat ng nangyaring ito, biglang akong may naramdamang basa sa hita ko nakinakatakot ko alam ko ang mangyayari dahil ang lakas na nag patulo ng dugo sa hita ko at dahan dahan akong nawalan ng ulirat.

" anak ! Anak ! Ronaldo ang anak natin dinudugo siya !" Rinig ko si mommy yon. Bigla ko nalang naramdaman ang aking pag hangat sa ere at kasabay non wala na talaga akong malala.