Christine POV
" The patient is okey as well as the baby Mr and Mrs Salazar." The doctor said, nakikinig lang ako habang naka pikit.
" Thank you Doctor Mendez." Mommy said.
" Pag may nangyari sa anak natin Ronaldo hindi ko alam kong mapapatawad kita! kahit kilan hindi mo tinatrato ng tama ang anak natin ! Dati pa laging si Christine ang pinagbubuntungan mo ng galit sa lahat ng nagawa ko ? Kulang paba na kabayaran ? na hanggang ngayon nanatili ako sa tabi mo?". Naririnig Kong sigaw ni mommy , wala akong lakas na dumilat kahit pa gising na aking ulirat para bang pinagdikit ang aking mga talukap sa mata.
" Hindi mo ako masisi Cheery sa pagkat siya ang naging Bunga ng kataksilan niyo ni Amando sa tuwing nakikita ko si Christina hindi ko mapigilan ang galit ko ". sigaw ni Daddy alam kong dati pa hindi na anak ang turing ni daddy sa akin hindi naniniwala si daddy hanggang ngayon, para sa kanya ako ay bunga lang ng kamalian ni mommy, at ooh alam ko kong anong istorya ng pag iibigan nila daddy at mommy noon , ipinagkasundo ang mommy at daddy ng mga Lolo ko at si mommy ay may nobyo lingid sa kaalaman ng mga magulang ni mommy at ni daddy , piro nag itakda ang kasal nila hiniwalayan na ni mommy si tito Amando , at nag pakasakal sila 3 Bulan lang daw noon ako sa tiyan ni mommy ng malaman ni daddy ang tungkol Kay Tito Amando Kaya pinanghihinalaan na ni daddy mula noon si mommy na akoy hindi niya anak. Masakit isipin na ako ang naiipit sa sakit ng nakaraan ng aking mga magulang pero wala akong magawa.
" Ilang ulit ko bang sabihin na anak mo si Christine Ronaldo matagal na kaming wala bago tayo ikinasal ". umiiyak na sigaw ni mommy nakikinig lang ako habang nagtatalo ang mga magulang ko pero kasing bigat ng bato ang bawat pagsasalita nila sa kanilang pag tatalo.
" Hindi ito ang panahon para ungkatin ang nakaraan Ronaldo ang unahin natin si Christine buntis siya at kailangan niya ng atensyon sa kanyang kalusugan at ng bata." mahinahon na sabi ni mommy.
" Aalis ako pupuntahan ko ang mga Downson para panagutan ng walang Hiya niyang anak si Christina! Isa itong napakalaking kahihiyan pag nalaman na ng media!"bigla akong natakot sa sinabi ni daddy kaya kahit ayaw ko piro idinilat ko aking mga mata " Dad , Mom wala pong kasalanan si Jake sa nangyari pareho po kaming lasing ng gabing yon nakikiusap ako , Kaya ko nman pong buhayin ang bata." Umiiyak na sabi ko.
" Nababaliw kana ba ilalagay mo Kami sa matinding kahihiyan ? "Anong sasabi ng mga tawong nakakakila sa akin sa industriya ! Hindi pwede kailangan kang panagutan ng walang hiyang anak ni Alfredo!".Sigaw ni daddy at pumunta ito sa pinto sabay pasalampak na sinira ito.
Umiyak nalang ako ng umiyak dahil sa lahat ng nangyayari hindi ko alam kong bakit ako napunta sa sitwasyon nato , Mali ang lahat ng nangyari piro hindi ko pinangsisihan ang naging bunga nito. Hinahaplos ko ang tiyan ko habang umiiyak dahil sa pag kakataong ito wala akong magawa kundi ang umiyak. " Anak tama na yan nasasaktan akong makita kang ganyan, makakasama yan sa bata kaya pakiusap tumigil kana sa pag iyak." Umiiyak na sabi ni mommy sa pagkakataong to ang mommy lang ang nandito sa tabi ko, ang dalawa kong kapatid hindi man lang tiningnan ang kalagayan ko.
" Mommy I'm sorry ,sorry po talaga dahil sa nangyari tama po si daddy wala akong kwentang anak kahihiyan lang ang iibigay ko sa inyo." Umiiyak talaga ako habang nanghihingi ng kapatawaran sa mommy ko.
" Anak wala kang kasalanan Okey ? Ako ang dapat na may kasalanan dito dahil sa akin naghirap ka ."Inaalo na ako ni mommy habang yakap yakap.
" Sorry po talaga Kong hindi lang sana ako naging tanga Ede wala po kayo sa sitwasyon nato."
" Tama na yan anak mag pahinga kana kanina kapa iyak ng iyak hindi kana maganda niya." Sabi ni mommy alam kong inaalo niya ako ngayon " Anong gustong kainin ng baby ko ha???". Sabi ni mommy .
" Wala po akong gana mommy." Sabi ko habang naka takip ang kamay sa mukha .
" Anong gusto mong kainin? kaninang umaga kapa hindi kumain hapon na anak kumain ka kahit konti kailangan mo ng lakas anak para sa magiging baby mo please nman." Sabi nito
" Meron ditong favorito mong adobong manok at may sabaw rin ng sinigang na bangus anak " sandali at ihahanda ko."Kahit ayaw ko mang kumain piro dahil ang sakit makitang nahihirapan din si mommy dahil sa sitwasyon ko Kaya minabuti ko nalang kumain kahit konti. Pagkatapos Kong kumain kahit papano gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko paring maiiwasang isipin kong ano ng nangyari sa pag punta ni Daddy sa mga Downson gustohin ko mang puntahan at pigilan si daddy ngayon piro wala akong magawa . Gabi na piro hindi ko paring magawang makatulog kahit saglit sa kakaisip kong anong problema nanaman bukas ang haharapin ko dahil alam Kong sa pagkakataong to alam na ni Jake na nabuntis niya ako.
" Oh anak mag pahinga kana muna ha tatawag lang ako saglit Kay aling Nita sa bahay para tanungin kong umuwi na ang kapatid mong si Christian." Paalam ni mommy tumango ako para sumang-ayon kasi wala talaga akong ganang mag salita okupado ang isip ko kung anong nangyari kanina sa bahay ng mga Downson ,kilala ko si Daddy pag sinabi niya talagang tutuparin niya ang pag punta.
Kinaumagahan nagising ako , pero wala si mommy ako lang mag isa dito sa kwrto piro nabigla akong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Daddy kasunod si mommy at mas ikinagulat ko ang pag pasok ni Jake at ng mga magulang nito , hindi ko mawari Kong anong mararamdaman ko ngayon na nandito sila sa harapan ko wala akong makitang emosyon sa mukha ni Jake at sa mga magulang nito Kaya ibinaling ko Kay mommy ang tingin at siyang pag lapit niya sa akin. " Anak Okey kana?".Tanong ni mommy na ikinatango ko.
" Sabi ng doctor magaling kana Kaya lalabas na tayo ngayon." Sabi pa ni mommy pero nag salita si daddy
" Pagkatapos mong lumabas dito bukas na bukas din mamanhikan ang mga Downson sa bahay." Sabi ni daddy na ikinabigla ko piro para akong napipi ng tingnan ko si mommy pero tumatango lang siya na parang sumang ayon.
" Kamusta kana iha?" Ang ginang na Downson ang nag salita , ayaw ko nmang maging maldita kaya " okey na po ako." Sabi ko habang naka yuko nahihiya akong tumingin sa gawi nila kasi nka titig si Jake sa akin.
" Mabuti pasensya kana wala man lang kaming dala kahit prutas para sa sayo, mag pagaling Ka ha ."Bakas sa mukha nito ang pag aalala
" Okey lang po. " Sabi ko gustohin ko mang ngitian ang ginang pero di ko magawa alam Kong mabait ang ginang dahil ramdam ko ang sinceridad niya sa pag aalala sa akin, piro na iilang ako sa titig ni Jake sa akin.
" Oh siya hindi na Kami mag tatagal Ronaldo Bukas na bukas makakaasa kang darating Kami sa pamamanhikan sa bahay niyo." Sabi ng ama ni Jake piro nakikita kong parang may lungkot ang mga mata ni Jake , naguguilty ako dahil gaya ko nabibigla rin siya sa mga nangyayari, Hindi ko magawang isipin kong ano ang ginawa ni daddy para mapasunod ang mga Downson kilala ang pamilyang ito na ma impluwensya Kung gugustohin Kayang Kaya ng mga Downson ipabagsak ang mga negosyo ni Daddy . Natigil ako sa pag iisip ng may kamay na humawak sa balikat ko tiningala ko ito at nagulat ako ng Makita ko ang ginang na Downson naka ngiting nakahawak sa balikat ko tila ba nagpapahiwatig na sana magpakatatag ako. " Aalis na kami iha mag pagaling Ka ha ingatan mo ang magiging apo ko ."Sabi nito na naka ngiti . "Opo Salamat po" Sabi ko na nakangiti rin .
Pagkatapos ng nangyari sa Hospital kanina Hindi ko maiwasang isipin kong anong mangyayari bukas , seryoso ang mga Downson na babalik sila bukas. Anong gagawin ko sa nakikita ko sa mukha ni Jake alam Kong hindi niya rin gusto . " Ano bang Dapat Kong gawin ?". Tanong ko sarili ko kahit alam Kong hindi ko alam ang sagot , sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kong anong tama Kong gawin piro wala akong maisip Hindi pwedeng takasan ko to alam ko ang kakayahan ni daddy, siguro tatanggapin ko nalang lahat ng mangyayari bukas. Natigil ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text piro ikinabigala ko tatlong message ang dumating, wala namn akong naiisip na mag text sa akin , hindi rin nman alam ni Kzy ang sitwasyon ko ngayon kaya hindi yon mag tetext , tumatawag lage yon hindi kasi yon fan ng text , kaya dali dali Kong kinuha ang cellphone ko.
Unknown number 09*******
(sinabi ko sayong ipaalam mo sa akin after 1 month)
( Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Kung sinabi mo muna sa akin bago sa mga magulang mo nagawan Sana natin ng paraan!!!!)
( Ano bang mali doon at hindi mo unang naipa alam sa akin!!!!)
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng mabasa ko ang lahat ng message niya , feeling ko hindi ako maka hinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam Kong saan niya galing ang phone number ko wala Naman akong naalala na nagbigay ako sa kanya ng Cellphone number. Kasunod ng text ay biglang nagring ang cellphone ko Hindi ko alam Kong sasagutin ko ba o hindi , wala akong lakas marinig lahat ng sasabihin niya kaya nagpasya akong patayin at e off ang cellphone ko bahala na si batman kong anong mangyayari bukas.