KABANATA TRES

Jake POV

Nagising ako sa sobrang lakas ng pagkakakatok sa labas ng aking kwrto dito sa aking sariling bahay, Oo meron na akong sariling bahay since I was 21 nagsimula na akong magkaroon ng sariling bahay pero kung minsan umuuwi din nman ako kina mommy kung hindi ako puyat at pagod sa trabaho most especially pagnamimis ko aking ina. Pero ngayon sobrang sakit ng ulo ko dagdagan pa ng kung sinong ponshopilato na kung makahampas ng pinto parang magigiba ito.

" Jake! Buksan mo ang pinto bilisan mo!" Dinig kong boses ni daddy ano kayang problema ang aga aga naninira ng mood.

" Ano ba gusto mo bang gibain ko to!" Sigaw nito alam ko kong paano magalit ang daddy kaya Dali Dali na akong tumayo at binuksan ang pinto pero ang sumalubong sa akin ay ang malakas na kamao ni daddy.

" Walang hiyaka! nangbuntis ka ng babae!" Sigaw nito sabay hawak sa kwelyo ng damit ko.

" Alfredo huminahon ka at pag usapan natin ang problema!" Pagmamakaawang sigaw ni mommy wala akong idea kung sinong binuntis ko dahil mahigit 3 months na akong busy sa kompanya sa ka busyhan ko hindi ko na magagawa ang mambabae. " Dad ano ba! sinong buntis?. "Tanong ko

" Tumigil ka Jake alam mo kong sino at ang pinaka nakakap*tang ina is talagang ang anak pa ni Ronaldo!" Sigaw nito sa sobrang lakas ng sigaw ni daddy parang hindi na sink in sa utak ko !ano daw ? Anak nino? Ni tito Ronaldo? Hahahaha putcha ngayon ko lang na alala ang lahat ,ooh tama nga pala 3 months ago nag kita kami ni Christine sa bar , Hindi ko akalain na nagbunga pala ang lahat ng nangyari sa gabing iyon , pareho kaming lasing ng gabing yon piro hindi ko expect na magbunga ? isang beses lang nman namin ginawa. " Ako may anak na? " Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.

" Anak ano ba ang nangyari? "Tanong ni mommy tulala parin ako Kaya hindi ako nakasagot.

" Anak nman magsalita Ka !" Nagmamakaawang sabi ni mommy

" Bukas na bukas mamanhikan tayo sa mga Salazar para pag usapan ang kasal!" Sabi ni daddy na ikinabigla ko.

" Dad naman! anong kasal ? Ooh alam kong mali ang nangyari ng gabing yon piro ang bata lang ang pananagutan ko at alam mo kong bakit?." Sigaw ko dahil sa frustration

" Wala akong pakialam bukas na bukas mamahikan tayo at alam mo rin kung bakit! kilala ko si Ronaldo totohanin niya ang sinabi niya." Sabi ni daddy

" Dad! I can't Mahal ko si Celine at hindi pwede ang gusto mo!" Sigaw ko hindi pwede bakit ako magpapakasal kung isang one night stand lang naman yon hindi ko pinangarap ikasal sa babaeng hindi ko mahal si Celine ang mahal ko siya lang !

" Nasisiraan kana ba uunahin mo yan kaysa sa kahihiyan na matatanggap na ating pamilya." Sigaw ni Daddy na ikinailing ko hindi pwede sa susunod na taon balak ko ng mag propose Kay si Celine pagkatapos ng Contrata niya sa modeling agency niya sa Paris

" Daddy namn wala akong pananagutan sa ina ng bata pero sa bata ooh ! Susuportahan ko lahat ng kailangan ng bata yon lang dad! Wala ng iba!"

" Bubuksan uli ni Ronaldo ang kaso kung hindi mo papakasalan si Christine!" May hinanakit na sabi ni daddy. " Alam mo dati pa ang kasong sinasabi ko Jake kaya pakiusap pakasalan mo anak niya at wala ng iba!."

"Anak kahit ito nalang ibigay mona sa daddy mo please." Nasusumamong sabi ng daddy dahil sa narinig ko bigla akong nawalan ng pag asang takasan ang problemang ito alam ko ang sinasabi ng daddy piro parang hindi ko parin magawang isipin na magsasama kami sa iisang bubong ng babaeng iyon na masaya.

" Mag bihis Ka pupunta tayong hospital bibisitahin natin ang magiging asawa mo ."Sa narining ko bigla akong kinabahan hindi sa gusto ko kundi dahil sa isiping anak ko ang dinadala ng babaeng yon.

" Anong nangyari?!!"

" Pumunta kaninang umaga ang mga Salazar sa mansion hinahanap ka nag wawala si Ronaldo habang sumusunod ang asawa at anak nito sa bahay siguro dahil sa takot nahimatay at dinugo si Christine kanina kaya dinala siya sa hospital." Sabi ni mommy bigla akong nakaramdam ng takot at awa kung sana nandon siguro ako baka sakaling hindi na masyadong nagwala si tito Ronaldo.

Kasalukuyang nasa hospital kami ngayon dahil bibisitahin namin si Christine sinalubong kami ni Tito Ronaldo at Tita Cheery sa labas , ganun parin ang taglay na kagandahan ni tita matagal ko na siyang hindi nakita piro walang pinagbago , bumati lang ako kay tita cheery at ngumiti ito. "Pasok kayo nagpapahinga si Christine sa loob ." Sabi ni tita .

Hindi ko alam bakit masaya akong makita siya na maayos ang lagay na nakaupo sa kama habang nakayoko , wala akong lakas para magsalita kaya tahimik lang ako sa tabi habang nakikinig sa pag uusap nila daddy ,sinusulyapan ko siya ng tingin medyo pumayat siya ngayon kaysa noong nakita ko siya 3 months ago sa club pareho kaming lasing non ,pero siya ang unang lumapit sa akin dahil hindi din naman lingid sa kaalamn ng lahat kababata ko si Christine bago mangyari ang lahat kung hindi siguro nangyari yon siguro naging matalik pa kaming magkaibigan ni Christine dahil sa subrang lapit ng mga pamilya namin noon . Nakayuko parin siya ng tiningnan ko lumapit si mommy sa kanya " Kamusta kana iha?" Tanong ni mommy " okey na po ako" Sabi nito

" Mabuti nmn pasensya kana wala man Lang kaming dala kahit prutas para sa sayo, mag pagaling Ka ha." Pag alalang sabi ng mommy

" Okey lang po. " walang emosyong Sabi nito kita sa mga Mata nito ang takot at lungkot.

" Oh siya hindi na Kami mag tatagal Ronaldo Bukas na bukas makakaasa kang darating Kami sa pamamanhikan sa bahay niyo. "Sabi ng Daddy at biglang lumapit ang mommy Kay Christine habang nakahawak ang kamay sa balikat nito ." Aalis na kami iha mag pagaling Ka ha ingatan mo ang magiging apo ko ". Sabi ni mommy na naka ngiti . "Opo Salamat po" Sabi nito na nga nakangiti rin pero bigla akong naramdam ng galit dahil hindi ko alam kong kanino ako magagalit sa sarili ko o dahil sa ngiting yon at mas lalong nag ngitngit ang aking kalooban ng isipin ko si Celine hindi pwede malaman niya Ito! "Ano ba kasing nakain ng babaeng yon ? " Malinaw ang sinabi ko sa kanya na kapag nagbunga ipaalam niya bullshit ede sana nagawan ko ng paraan!" Sigaw ng utak ko

Alas 11 na ng gabi pero hindi parin ako makatulog Kaya tinawagan ko si Sev para kumuha ng impormasyon gusto Kong tawagan ang babaeng yon piro wala akong number kaya si Sev ang tinawagan ko tatlong ring lang sinagot na agad nito, sakim talaga sa pera ang gonggong nato alam niya Kasi na pag tumawag ako pera agad ang makukuha niya.

" Yes ? Bakit napatawag ang isang Jake Downson ?" Bungad na agad na tanong nito sa akin

" May kailangan akong maka usap pero hindi ko maka-usap."

" Hahahaha hindi ka ba sinapot ng call girl na binayaran mo?" Maniningil ka siguro!" Sabi nito na nakaka bwesit.

" Tsk! Hindi! kailangan ko ng number ni Christine Salazar Kasi gusto ko siyang maka usap pero wala akong number."

" Owssss!. Hahahaha tol naman bakit anong kailangan mo don sa cute Kong office mate at crush? Hahahaha ."

" Wala kana don bigyan mo ko ng number niya!" Sabi ko

" No! Wala akong number ni Christine." Pag mamatigas na sabi nito.

" 500k give me the number."

" It's a no! Wala nga akong number."pag mamatigas na sabi parin nito.

" Okey 1 Million give me the number ."Sabi ko while smirking Kasi alam Kong bibigay agad ito mukhang pera to eh .

" HAHAHAHA deal! " I"ll sent the number rigth away ".

(Me)

("sinabi ko sayong ipaalam mo sa akin after 1 month.")

( "Hindi ba malinaw ang sinabi ko?" Kung sinabi mo muna sa akin bago sa mga magulang mo nagawan Sana natin ng paraan!!!!)

( Ano bang mali doon at hindi mo unang naipa alam sa akin!!!!)

It's been 15 minutes piro wala talaga akong natanggap na reply , impossible nman na Hindi niya alam na ako teka ." Tama Kaya ang ibinigay ng na number ni sev matawagan nga". Naka tatlong ring na ako pero hindi ako sinasagot piro tinawagan ko parin ulit piro sa pang apat na tawag Hindi na ito makuntak siguro nag off na ito na phone." walang hiyang babaeng yon talagang gusto nya rin siguro ang nangyayari ngayon Kasi Kung Hindi makikipagcooperate yon". " Puntahan ko nalang Kaya?". Dali dali akong nag bihis at patakbong sumakay sa kotse kailangang hindi mangyayari ang dapat mag mangyari bukas maghahanap ako ng paraan para pigilan ito .