KABANATA KWATRO

Christine POV

It's already 11 in the evening piro gising parin ang buong diwa ko , hindi maalis sa isip ko ang lahat ng nangyari at mas lalong hindi mawala sa isip ko ang mga text at tawag na hindi ko sinagot mula Kay Jake alam kong galit siya sa mga oras nato baka isipin niya ka gustohan ko rin ito, piro gustohin ko mang sagutin siya kanina, wala akong lakas ng loob na sagutin lahat ng maaring sabihin niya. Nabobored na ako sa kakahiga sa kama kasi kanina pa ako andito nanakit na ang likod ko pero hindi nman ako inaantok kaya nag pasya akong tumayo at pumunto sa maliit kong veranda dito sa kwrto ko , malamig ang simoy ng hangin na siyang nanonoot sa aking kalamnan kahit pa naka pajama at naka talukbong ako ng makapal na kumot, maliwanag ang buwan na siyang nagbibigay ng liwanag upang matanaw ko ang mga puno sa labas ng mansion na ito . Papasok na sana ako ng may mahagip ang aking mga mata mula sa labas ng gate naka kaway ito sa akin na para bang pinapaypay niya ako palapit sa kanya at mas pinaka nakakabigla ay ang malaman ko Kong sino yon, " Oh my God si Jake yon ! Hindi ako pwedeng mag kamali Siya yon?" Sabi ko sa utak ko dahil sa pag kataranta iwan ko kung anong sumanib sa akin piro bigla akong nagpanggap na walang nakita sa labas at tumingin sa ibang direksyon at dahan dahang pumasok uli sa kwrto ko. Mabilis kong isinara ang pinto at pumupo sa kama ko ang lakas ng tibok ng puso ko , ano kaya ang pakay non bakit andito siya ng ganitong oras? .

" Anak gising na umaga na ". Kahit mabigat ang aking mga talukap pero sinikap ko pa ring dumilat dahil naririnig ko si mommy na nagsasalita habang ni yoyugyug ang aking balikat.

" Mom ? Anong oras na?." Tanong ko

" 7 am na anak nagtaka ako kung bakit hindi ka umagang mubaba kaya nagpasya akong puntahan ka rito". Saad nito na nakahawak sa aking kamay at pinipisil nito " Okey ka lang ba anak?" Tanong ni mommy na ikinatango ko at ngumiti nman ito sa akin .

" Oh sige na bumangon kana at maligo naghanda na ako nag umagahan natin, ang mga kapatid mo tapos ng kumain si Christian at Christy nasa school na hinintay kitang bumaba kanina para tayo'y magsabay na kaso ang mga kapatid mo malalate kaya nauna na sila." Sabi ni mommy

" Okey lang nman mommy , si da-daddy asan?" Tanong ko hindi ko alam kong bakit ko itinanong.

" Maagang umalis ang daddy mo pupunta ng office may aasikasohin raw." Sabi ni mommy hindi na ako nagsalita at tumayo na " Sige na pagkatapos mo bumaba kana ha." sabi nito at umalis na.

Tumayo ako at nagpunta sa banyo , maliligo ako kahit wala akong masyadong tulog nitong mga nakaraang araw at mas lalo na kagabi around 3 :45 am na siguro ako nakatulog dahil sa pag iisip sa lahat ng nangyari dagdagan pa ng nakita ko si Jake kagabi. After a few minute's natapos na ako lumabas na ako ng banyo na nakapagtapis ng tuwalya , naghahalungkay ako ng damit na maari kong suotin , ang nakita ko ay isang white dress na hindi nman masyadong maikli above the knee ito at backless papatungan ko nalang ng cardigan , tatlong buwan palang pero klarong klaro na ang umbok ng aking tiyan " Sorry baby alam Kong nahihirapan karin nitong mga nakaraang araw sorry naging pabaya si mommy." Sabi ko sa sarili ko habang tumutulo ang luha at hinahaplos ang tiyan ko hindi ko lubos ma isip na muntik na palang malaglag ang baby ko dahil sa kapabayaan ko " Sorry baby from now on mommy will always take care of you. " Sabi ko sa anak ko na para bang sasagot talaga ito habang hinihimas himas ito.

Pababa na ako ng hagdan ng may marinig akong nag uusap sa baba " Asan si tina?" Kailangan niya ng maghanda darating mamayang 10:30 ang mga Downson!" Rinig kong sabi ni daddy bigla ata akong nanlamig sa aking narinig.

" Akala ko ba mamayang alas otso ng gabi pa ? Anong nangyari? " Rinig kong tanong ni mommy , hindi ko ata magawang igalaw ang mga paa ko. " Tumawag si Alfredo kanina meron siyang business meeting sa London mamayang 6 pm ang flight niya kaya pinaaga nila, sabihan mo si Christine na maghanda na!" Saad ni Daddy na nag palamig ng buong katawan ko hindi ko maintindihan ? Matatae o maiihi ako sa mga narinig ko , aware akong ngayong araw nato pupunta ang mga Downson pero hindi ko akalain ganito Ka aga ?,tiningnan ko ang aking pambisig na relo malapit ng mag 9 am " putcha anong gagawin ko nito?" Bago ako naka huma pabalik ng kwrto na nakita ako ng daddy sa hagdan.

" Christine mabuti bumaba kana." Sabi nito nakatingin sa akin pero walang emosyon ang mukha nito .

" Yes dad?" Sagot ko

" Mabuti at naka paghanda kana bumaba kana rito at maya maya'y darating na ang mga Downson ."Sabi nito na ikinatango ko nalang at bumaba na, naka bihis sana ako kasi papasok muna ako ng trabaho pero mukhang hindi ata ako matutuloy sa trabho .

Nakaupo ako sa sofa habang pinagpapawisan ang aking paa at kamay hindi ko alam anong mararamdaman ko , ilang ulit ko na atang pabalik balik na tinitingnan ang aking relo 9:33 am na malapit ng mag 10 , habang palapit ng palapit ang alas diyes para na akong nasa loob ng ref ang lamig na ng pakiramdam ko daig pa nitong naghihintay ako ng resulta ng board exam . " Anak Okey Ka lang ba. " tanong ni mommy ng lumapit ito sa akin "okey lang po ako mommy." Sagot ko kahit hindi naman talaga .

" Wag Kang mag alala anak andito si mommy okey , alam kong mabigat sa kalooban mo itong nangyari anak sanay maintindihan mo ang daddy mo ha, walang magulang ang gustong pahirapan ang anak , alam kong mapipilitan Ka lang dahil hindi nyo nman mahal ang isat isa piro para sa magiging anak mo nalang sana anak ha." Mahabang paliwanag ni mommy na kinasikip ng dibdib ko, kanina pa gustong gusto kong umiyak pero pinipigilang ko , naintindihan ko naman ang daddy sa kanyang ginawa alam kong mailalagay sa kahihiyan ang pamilya namin pagnagkataon lalo na kilala ang daddy sa industriya .

" Okey lang po ako naiintindihan ko po ."Saad ko habang naka yuko ayokong makita ni mommy ang mga luha ko kasi alam kong nasasaktan din siya " lagi mong isipin na para rin ito sa ikabubuti mo at sa magiging anak mo okey? Wag kang mag alala nandito si mommy ." Naputol ang sasabihin ni mommy ng dumating ang daddy naabutan niya kaming naka yakap si mommy sa akin habang hinahaplos ang likod ko.

" Umayos na kayo andiyan na sa labas ang mga Downson ". Sa narinig ko bigla akong tumayo at sumunod si mommy inayos nito ang buhok ko at pinunasan ang luha ko ."Huwag kanang umiyak papangit Ka niyan okey ?" Sabi nito habang naka tingin sa akin .

Nasa sofa ako naka upo at katabi ko si mommy at nasa tapat naman naka upo si daddy ng pumasok ang ginoong Downson at Ginang Downson kasunod si Jake at ang mga taohan nito na may dalang mga kahon , tumayo si daddy para makipagkamay at kasunod si mommy kaya tumayo rin ako " Nice to see you again Cheery ." Sabi ng mommy ni Jake na nakangiti nakipag beso ito sa mommy at lumipat ang tingin sa akin " and nice to see you also iha, kamusta ng pakiramdam mo?." Tanong nito sa akin " Okey na po ako." Sagot ko .

Nakaupo na kami ngayon sa hapag kainan habang nag uusap sila daddy hindi ako mapakali dahil tagos sa buto ang titig ni Jake sa akin hindi ko magawang tumingin sa dereksyon niya kasi para akong matutunaw " Galit kaya siya sa akin ? Gaga syempre ikaw ba namn ang hindi sagutin ang tawag matutuwa Ka ?" Kastigo ko sa sarili ko dahil nagtatalo ang aking dalawang bahagi ng utak , hindi ako comfortable kaya tumayo muna ako at nag punta sa banyo hindi ko ata matagalan ang titig niya . Naghugas lang ako ng kamay at nagpasya ng lumabas ng banyo ng may nagtakip ng bibig ko sabay hila papasok pabalik sa loob , ang higpit ng hawak niya sa braso ko at sinalampak ako sa pinto ng banyo dahilan ng mapadaing ako dahil sa sobrang sakit ng likod ko kaya sa bandang huli binitawan ako nito

" Mag - usap tayo !!!" Maawtoridad na saad nito na nakatitig sa mga mata ko para atang nanlambot ang mga tuhod ko at nag freeze ang ang buong katawan ko ng malaman ko kung sino ang nasa harapan ko .

" Ja-Jake???"