1

BABOY, mataba, lumba-lumba, balyena, at penguin. Tampulan ng tukso, palaging simulan ng away at gulo. Ayos lang kung hanggang tukso, ayos kung sabihin ninyong HEAVY'GAT kami dahil totoo naman. Kung may pisikalan na ang pag-uusapan, aba, ibang usapan na nga ito dapat yata patulan namin kayo. Hindi lahat kailangan ninyong bastusin. Alam niyo na nga mataba ipamumukha niyo pa.

Alam niyo ba kung gaano kahirap magpigil sa pagkain, sobrang mahirap dahil kapag sinabi namin mag-da-diet na kami palagi naman masarap ang ulam. Mapanukso!

Masarap talaga ang kumain tipong lahat ng pagkain pagkakasyahin mo sa tiyan para lahat ay matikman. Sa palagay ko hindi na tikim ang tawag doon kundi lamon. Well, mahirap naman kung pipilitin kong magbawas o magpigil ng kain. Ang sama kaya sa pakiramdam!

Mayroon akong kaibigan, o sa mas madaling malaman 'BFF' means Best Friend Forever. Pareho kaming mataba iyon lamang ay mas mabigat ito ng kaonti sa akin pero kaonti lang naman. Since high school na kami magkaibigan then hanggang sa tumagal-tagal ay tumagal din ang pagsasamahan namin. Ewan ko ba pero madalas pa kami mag-away niyan ah? Siguro tama nga ang ilan. Magkakasundo kayo hindi dahil sa ugali kundi dahil pareho kayong food lover and food manic.

Kamuntik ko na nga pala makalimutan. Ako nga pala si Yane, sobrang ganda, sobrang bait, at sobra talaga dahil pati katawan ko SUMOBRA SA TIMBANG.

"ANO na?" galit na galit si Tyron ng marating ko ang restaurant na usapan namin.

"Sorry na tinapos ko na lang naman ang ginawa sa gym."

"Nakaka-inis ka hindi tuloy natin na abutan ang promo nila!" Hays, ang ayoko sa lahat kapag nagagalit ang bff ko palagi ngumunguso akala yata ikina-guwapo niya.

"Hayaan mo sagot ko na lang lahat ng kakainin mo."

"Sayang ang promo nila!"

"Hayaan mo nga bff, marami pa naman puwede kainan na may promo. May alam akong isang restaurant dito UNLIMITED!"

"Talaga?" Tila na buhayan ang loko.

"Oo pagka-galing ko kasi sa gym na daanan ko mukhang bagong bukas lang, ano tara?"

"Mura lang ba?"

"Huwag mo ng alalahanin sagot ko na lahat." Dahan-dahan itong tumayo at nag-lakad na parang penguin.

"Yane, tara na." Muli niyang tawag ng makalayo na.

"Coming!"

Go bff, simulan na natin maglakad dahil panigurado may labanan na naman.

"Ano bff di ba ang sarap sulit ang babayarin natin dito." simula kong salita ng nakakangalahati kami ng kain.

"Oo nga sa susunod ako naman ang manlilibre pero syempre kapag na late ako sa usapan natin."

"Patay tayo riyan baka sa iyo lang ako maghihirap ng bonggang-bongga."

"Filipino time ka kasi tsk." matapos niyang sabihin ay inirapan ko.

Maya-maya nakita ko si Whence ang lalaking crush na crush ko at ng buong kababaihan sa campus.

"Bff, sampalin mo nga ako." paki-usap ko habang nakatingin kay Whence.

"Bakit?"

"Basta, araaay!"

"Oh ano kulang pa?"

"Ang sakit!"

"Ano na naman kasi na tira mo at nagpasampal ka?"

"Si Whence---" nangangarap kong tanaw.

Tumingin ito sa kanyang likuran nagbabakasakaling malaman kung si Whence nga ba itong pinagpapantasyahan ko.

"Ah si Whence na bakla."

"Psst, anong bakla kapal mo! Hindi bakla si Whence!"

"Tingnan mo ito kapag nandiyan si Whence ang turing mo sa akin hindi kaibigan, kamping-kampi ka pa sa kanya."

"Tama bang mag-drama ngayon?" muli kong tiningnan si Whence.

"Omg, look bff, Uhm---yung jeans niya nakaka-inis!"

"Anong mayroon sa jeans niya at parang kinikiliti ka riyan?"

"Omg, uhmm---ang laki---" iritable tumayo ito. "Oh, ayaw mo na?"

"Nawalan ako ng gana."

"Weh, di nga? Umupo ka nga ulit diyan." Hinila ko braso nito para maupo, "Tingin mo bff gaano ka haba 'yon?" Nakanguso kong tanong.

"Three millimeters lang 'yan."

Sinamaan ko nga ng tingin, "Baka sa iyo." badtrip ito. Three millimeters lang na yun samantalang bakat na bakat nga.

"Hoy, kahit chubby ako----"

"Excuse me, correction hindi ka chubby, MATABA ka." Pagtatama ko.

"Ewan ko sa iyo."

"Bff, look si Cecil iyon 'di ba ang cheerleader?" Namula naman ito ng makita niyang lumapit kay Whence.

"Oo, si Cecilia nga."

"Teka, magkaibigan sila?"

"Malamang sa basketball si Whence at cheerleader si Cecil kaya tingin mo hindi sila nagkikita sa gymnasium?"

"Oo nga ano?"

"Ang taba-taba pero ang utak hindi magawang patabain." Wala akong paki-alam sa mga pang-aasar sa akin. Ang importante natatanaw ko si Whence papalapit sa amin...oh, my gad papalapit nga sila!

"Oh my, papalapit sila sa atin."

"Sigurado ka maraming namamatay sa maling akala."

"Sinong patay?" oh my Whence, ako patay na patay sa iyo. ( sending heart )

"Ah, ang alagang aso ni bff patay na nakaka-lungkot nga, eh." Kunwari naman akong nagpupunas ng luha.

"Condolence Tyron sayang na bawasan ka ng bff." Nakahimas sa braso ni bff habang naka-ngisi sa akin itong si Cecil.

Akala ba niya 'di ko narinig iyon? Excuse me babaeng patpatin hindi ako aso, baboy ako, baboy.

"By the way Yane, gusto sana kita imbitahan sa birthday party ko. Isama mo si bff mo para naman may kasama ka." Masayang wika ni Whence.

"Talaga kailan?"

"Text kita."

"Hindi ko alam number mo."

"Its okay, naka-save na number mo sa akin. I will text you na lang, bye." Lumabas kaagad silang dalawa sa restaurant.

"Bff, narinig mo 'yon? Oh my, paano kaya niya nalaman ang number ko? Tapos pinapupunta pa niya ako sa birthday party niya. Ang mahalagang araw niya." Tinapik niya ng malakas ang kamay ko na naka-patong sa lamesa.

"Baliw ka talagang baboy ka, ano?! Pinapatay mo na ba talaga si Doggie ko ha!"

"Sorry, wala akong ibang maisip na isasagot sa dalawa."

"Ho, mag-isa ka sa party niya!" Tumayo na ito at uminom ng tubig. Syempre, sayang ang cake kung hindi ko uubusin kaya bago siya habulin ay inubos ko muna.

"Bff, sandali grabe ka sa akin, ano? Magagawa mo talaga 'yon? Hahayaan mo ko na mag-isa hindi mo na ba ako mahal bilang bff mo?" malungkot kong tanong.

"Tingin mo hindi ko kayang gawin 'yon? Pinapatay mo ang doggie ko. Alam mo naman na mas matino pa kausap 'yon kaysa sa iyo."

"Ah ganoon? Grabe ka mukha ba kong aso ha? Tandaan mo baboy tayong dalawa."

"Dinadamay mo ko palagi sa kababuyan mo."

"Anong kababuyan? Denial ka pa, baboy ka Tyron, baboy ka, at baboy din ako." Niyakap-yakap ko ang kanyang braso na ubod ng laki.

"Sorry na bff, please?" litaw lahat ngipin ko para lang patawarin nito.

May dumaan na dalawang babae pinagtitinginan kami at may pinag-uusapan.

"Grabe dito pa naglandian ang dalawang dambuhala."

"Try mo ate magpa-ganda bago mo kami laitin." mataray kong sabi.

"At least, ako may pag-asang gumanda eh ikaw may pag-asa ka pa kayang pumayat?"

"Try mo muna gumanda ate bago mo ko tanungin ng ganyan at magkita tayo sa ending---babush!"

Hinila ko palayo si bff hanggang sa marating namin ang university.

"Bff, mauna na ko sa class ko magkita tayo mamaya sa uwian, bye." palam ko rito na hindi man lang hinintay ang tugon.

Halos makasabay ko si Professor Lando papasok sa room.

"Prof." seryoso niya kong tiningnan.

"Yes, Yane?"

"Puwede po ba mag-special subject na lang ako sa inyo?"

"Bakit?"

"Eh Prof 'di ba nga isang linggo akong hindi nakapasok."

"At bakit nga ba?"

"Nagkasakit po." Tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Nagkakasakit ka pa pala ng lagay na 'yan ha?" panunuya niya.

"Prof alam mo bang puwede kang mawalan ng lisensya dahil sa pang-iinsulto mo sa iyong estudyante." tila natakot yata kaya nilapitan ako, sabay akbay.

"Jino-joke lang naman kita. Siguro mag-special project ka na lang and puwede ba magbawas-bawas ka naman ng kain baka sa susunod hindi ka na makapasok sa klase ko."

"Bakit po?"

"Tingnan mo 'yang pintuan nakita mo? Konti na lang 'di ka na magkakasya." Masayang-masaya pumasok sa loob ng klase.

Kainis na Professor!

Kapag talaga ako pumayat.

Who you kayo sa akin!

LAST subject namin tanging iniisip ko lang kung ano ang kakainin namin ni Bff. Sigurado kasi na mag-aaya iyon kumain bago ihatid ako sa bahay.

"Last question, Miss Yane." tumayo ako.

"Professor?"

"Pagkain na naman iniisip mo, ano?"

"Excuse me?"

"Tingnan mo nga di mo alam kung ano ang tinatanong ko." Eh ano nga ba sinasani niya? "Good bye class." Sarcastic niyang tingin sa akin bago lumabas ng room.

"Taba, ano ba iniisip mo pagkain kanina, baboy ba?" Pang-aasar na naman sa akin ng isa kong classmate.

"Actually, iniisip ko kung masarap nga ba kumain ng tao." Pananakot ko.

"Wow! Si Miss Yane cannibal na ngayon." halakhakan ang mga sira-ulo kong classmate. Akala kung sino magaganda at guwapo. Kita naman mga gilagid kapag tumatawa maka-uwi na nga baka kung ano pa magawa ko sa mga hinayupak na ito.

Habang naglalakad may kung anong boses akong narinig na tinatawag ang pangalan ko.

"Yane, wait lang." Omg, si Whence, hala baka may tinga ako sa ngipin.

"Hi Whence." kinuha ko ang salamin at pasimple tiningnan ang ngipin.

"Pauwi ka na ba?"

"Hihintayin ko pa si Tyron," ay, shit. Mayroon ngang naiwan na tinga.

"Talaga? Sige sumama ka muna sa akin ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Hinila niya ko palapit sa mga friends nito.

Mga yummy at guwapo rin gaya ni Whence. Ang sarap siguro na ganyan ang boyfriend. Ugh, Lord kahit isang Whence lang oh.

"Guys, ito nga pala si Yane iyong madalas kong i-kuwento sa inyo." Madalas i-kuwento? Ibig sabihin pinag-uusapan nila ko kapag magkakasama sila.

"Akala ko si Yane ay sexy?" Banat ng isa.

"Dre, akala ko ba ayaw mo sa matataba? Eh, ano 'yan?" tawanan ang lahat.

"Guys, wait lang huwag niyo bastusin ang kaibigan ko." Ayieeee, kaibigan daw niya ko pero mas okay kung girlfriend.

"Totoo sinasabi nila." wari kong sabi.

"Hindi. Ayoko ng may binabastos na babae. Deserve mo pa rin respetuhin kahit mataba ka pa."

Please, huwag mo ako pakiligin Whence.

"Salamat." Nahihiya kong sambit.

"Kami-kami lang makikita mo sa party pero mamaya i-te-text ko sa iyo ang address ng house namin."

"Okay." sumagot na lang ako kahit alam ko naman kung saan ang bahay nila.

"Yane!" Lahat kami lumingon.

"Tara na." Seryoso mukha ni Bff.

"Tawag ka na." bulong ni Whence.

"Sige, mauna na ko sa inyo."

"Okay, hintayin mo ang text ko, ha." Nag-nod ako sabay alis para sabayan sa paglalakad si Tyron.

"Bff, bakit tahimik ka yata." pansin ko sa kanya.

"Wala naman." panigurado may nang buwisit na naman sa kanya.

"May nang bully na naman sa iyo, ano?"

"Always naman kaya lang hindi ba dapat masanay na tayo?"

"Totoo kahit saan man tingnan puro panlalait ang sinasabi nila kapag nakikita tayo."

"Yane."

"Oh?"

"Ihahatid kaagad kita sa bahay ninyo ah?"

"Hindi na tayo kakain?" Malungkot kong tanong.

"Sa susunod na lang may lakad ako."

"Saan saka sino magpapakain kay doggie mo?"

"Eh di ikaw, ikaw lang naman malapit sa kuwarto ko kaya ikaw na lang."

"Hooo---alam mo naman na ayaw ko sa kanya."

"Ngayon lang ito importante talaga lakad ko."

"Saan ba kasi ang lakad mo?" sasapukin ko talaga ito kapag ayaw pa umamin.

"Basta."

"Lihiman na ba?" buwisit na baboy na ito.

"Hay, naku, sige na sasabihin ko na niyaya ako ni Cecil lumabas."

"Really???"

"Oo."

"Its a date??"

"Not totally kasama kasi niya mga friends niya."

"Ah okay, sige na nga ako na bahala sa doggie mo."

"Salamat bff."

"You're always welcome bff kaya lang bakit ihahatid mo pa ko?"

"Gusto ko safe ka makauwi."

"Naks naman alam mo Bff ang weird mo rin ano magkapit-bahay na lang tayo pero inihahatid mo pa ko sa bahay namin."

"Gusto ko kasi safe ka."

Gusto niya maging safe ako, ang weird talaga.

Magkalapit na nga ng bahay ihahatid pa. Samantalang ang bintana ng kuwarto niya at bintana ng kuwarto ko ay halos magkatabi lang. Tapos kung makapagsalita na dapat safe? Ang weird. So weird talaga. Kung minsan, iniisip ni Tita Grace o kaya ni mama na may relasyon kami dahil nga raw palagi kami magkasama saka hindi mangyayari 'yon mataba na nga ako tapos mataba pa siya. Hala, kawawa ang mga magulang namin kapag nagkataon.

Hinatid niya ako sa bahay gaya ng sinabi nito pagdating ko sa loob nandoon na si mama.

"Anak, hindi ako ngayon matutulog dito ha?"

"Sa gym na naman?"

"Yes."

"Napapadalas yata?"

"Maaga dumarating mga kliyente ko."

"Ikaw ba dapat mag-adjust o sila?"

"Alam mo naman na dumarami ang kliyente kapag sila masusunod sa oras."

"Bahala ka."

"Ikaw ba kailan mo balak mag-gym?"

"Kapag po sinipag."

"Kailan nga ba??" Natatawa niyang tanong

"SECRET. SARAP-SARAP KUMAIN. ANO NGA BA PAGKAIN DIYAN? NAGUGUTOM AKO." naiiling na lang si mama sa katakawan ko.

Hinintay ko maka-alis si mama bago puntahan ang aso ni bff para pakainin. Pagkatapos, umuwi na ako upang magpalit ng damit at mahiga sa kama. Iniisip ko baka sakaling mag-text na si Whence at sabihin kung saan ang bahay nila.

Tumunog ang cellphone ko dahilan para bumalikwas at basahin ang text.

{ "Hi miss beautiful." }

{ "Sino ito?" }

{ "Si Whence." } Pigil naman ako sa kilig. { "Hey! nasaan ka na tulog ka na ba?" }

{ "Save ko na lang itong number mo." }

{ "Anong ginagawa mo?" }

{ "Nakahiga na." } siyang higa ko.

{ "Talaga? Sarap mo siguro kayakap." } Gusto yata niya ko makatabi at yakapin, AYIEEEE.

{ "Ano nga pala address mo?" } Pagbabago ko ng usapan.

{ "Brgy.Pinakpinakan, Clinton Subdivision, Block 27 Lot 23." }

{ "Madali ka lang naman hanapin." }

{ "Talaga? Alam mo 'yong subdivision?" }

{ "Oo naman, taga-clinton din ako." }

{ "Wow! Anong Block and lot mo??" }

{ "Iyon lang magkaiba siguro tayo ng phase. Sa phase 3 kami." }

"Block and lot nga?"

{ "Block 102 Lot 7." }

Matagal itong nag-reply.

{ "Tulog ka na?" } Reply ko muli.

{ "Puntahan kita." } Natigilan ako.

Pupuntahan daw niya ako? Totoo ba ito?!

Shit naman tumatawag siya. Sasagutin ko ba? Umaygad, sige na nga.

"H-hello?" Lakas ng kalabog ng puso ko.

"Hi Yane, nandito ako ngayon sa tapat ng Block 102/lot 7."

"Anoooo??" Napabalikwas ako sa sobrang gulat.

"Lumabas ka naman, please?" Binuksan ko ang ilaw ng aking kuwarto saka nag-suklay ng buhok.

"S-Sandali lang." pinatay ko ang cellphone.

Halos madulas-dulas ako sa pagtakbo para makalabas kaagad ng gate namin at may nakita kaagad akong bike sa tapat ng gate. Halos pagpanawan ako ng ulirat dahil siya kaagad nakita ko.

"Hello." sumilip-silip ako sa labas kung may mga tao pa.

"Hi." lumapit sa akin habang akay ang bike.

"Sino kasama mo?"

"Nasa gym si mama."

"Bff mo nasaan?"

"Wala nasa galaan pero magkapit-bahay lang kami."

"Kaya pala palagi kayo magkasama, oo nga pala..." naglabas ito ng chocolate at sabay abot. "Para sa iyo."

"Thank you favorite ko ito." tumawa ito dahilan para mahiya ako.

"Walang ano man medyo malapit lang ang phase one sa phase three." kakamot-kamot sa ulo.

"Oo nilalakad ko lang 'yan kapag sinisipag."

"Bakit ba kasi ngayon ko lang nalaman ang bahay niyo."

"Ewan ko ba sa iyo saka ngayon lang tayo nakapag-usap ng ganito. Nagulat nga ako ng ayain mo ko sa birthday party mo at sabihin sa mga friends mo na kaibigan mo ako."

"Natural lang naman ipakilala kita dahil friends tayo. Sa totoo lang, matagal ko nang gusto maka-usap ka. So, punta ka sa bahay ha?"

"Kailan nga pala ulit 'yon?"

"Next sunday na puwede ka ba?"

"Puwede naman pero baka ma-late ako ng dating."

"May lakad ka pa na iba?"

"Sa gym ni mama, taga-bantay ako hanggang hapon."

"Okay lang. Saan ba gym ninyo?

"Diyan sa phase two."

"Yane's Gym, sa inyo pala yun? Nakikita ko 'yon kapag napapadaan ako kung minsan."

"Oo, sa amin nga. Matagal na 'yan nakatayo. Siguro, nag-uumpisa pa lang i-construct ang mga bahay mayroon na."

"Pero bakit nasa Phase 3 bahay niyo kung nandito na kayo matagal na?"

"Nauna lang kami bumili ng puwesto para sa gym bago bumili ng bahay dito. Mahirap kasi 'yong uuwi kami sa malayong lugar pa. Mabuti nga binigyan kami ng discount ng developer."

"Mabuti naman pero ang kaibigan mo matagal na ba nakatira riyan?"

"Ah, sina Tyron, isang taon pa lang."

"Pero bff kayo?"

"Oo, since high school pa. Ngayon lang kami ulit nagkasama noong malipat sila ng mommy niya sa bahay na ito." Sabay turo sa bahay nila Bff.

"I see, ang ganda siguro ng samahan niyo ano? Biruin mo pareho kayo food lover."

"Talaga, sobrang ganda. Give and take kami sa pagkain. Minsan nga kumakain ako sa kanila o di kaya siya kumakain sa amin."

"Mabuti hindi nahuhulog ang loob mo sa kanya. Madalas kasi kung sino pa magkasama sila pa nagkakatuluyan."

Natawa ako sa sinabi nito, "Maganda at sexy ang tipo ng bff ko.

"Maganda ka naman ah? Hindi nga lang sexy pero mabait at charming." nag-init ang pisngi ko.

Huminto ang kotse ni Bff sa tapat ng bahay namin matagal bago ito lumabas.

"Ang sosyal ng bff mo ha?"

"Mayaman kasi 'yan, chos lang, tamad lang maglakad kaya kahit malapit ang pupuntahan kailangan pa sumakay ng kotse."

"Halata sa katawan pero ikaw hindi gaano mataba baka masaktan ka."

Lumabas din ang bff ko sa kotsepalapit siya sa amin ni Whence.

"Bakit nasa labas ka pa?" panimula ni Bff.

"Ah-- ano-- uhm--" tumingin siya kay Whence.

"Pre," bati ni Whence rito.

"Kailan pa tayo naging mag-Pre?" Mahina man ang pagkakasabi ni Bff alam kong narinig ni Whence kaya nagpaalam kaagad ito para makauwi.

"Sa sunday ha huwag mo kalimutan." Sumakay ito sa bike bago paandarin ng sobrang bilis.

"Ano ginagawa ng isang 'yon? Gabing-gabi na nasa labas ka pa at nakikipag-usap." masungit niyang sabi.

"May sinabi lang." Tumingin ito sa chocolate na hawak ko. "Ibinigay niya, gusto mo ba?"

"Iniiwasan ko na 'yan."

"Ows, bagong buhay na ba bff?" pangbabara ko.

"Pumasok ka na nga." Itinulak ako sa gate namin. "Pinakain mo ba si doggie?"

"Opo sir, good night na." Isinara ko ang gate, at dumiretso sa kuwarto.

Dinig ko mula rito sa kuwarto ko ang pagbukas niya ng kanyang pintuan. Bahagya ko binuksan ang bintana ko ng buksan niya ang ilaw ng kanyang kuwarto.

"Bff, kumusta ang date?" nahiga ako sa tabi ng bintana.

"Okay naman."

"Happy ka ba?" Nahiga rin ito sa tabi ng bintana niya medyo naka-bukas din.

"Oo masaya siyang kasama." dinig ko ang pagpindot niya sa cellphone.

"Mas masaya pa sa akin kasama?"

"Parehas lang."

"Magka-iba 'yong sa akin at sa kanya. Nililigawan mo na ba siya?"

"Kung may pagkakataon..."

"Mukhang mayroon naman. Ligawan mo na bagay naman kayo."

"Oo, bagay na bagay kami kasi siya payat tapos ako mataba."

"Eh di magpapayat ka para lumakas ang loob mo na sagutin ka niya."

"Hindi na kailangan."

"Eh ano? What if sagutin ka niya? Baka mahiya 'yon isama ka sa mga lakad dahil sa laki mo." Natahimik ito kaya sinilip ko.

"Ayos, tinulugan ako." isinara ko ang bintana niya sunod naman 'yong sa amin.

"Good night bff Tyron, thank you sa pagiging mabuting kaibigan."

Pumikit ako. Niyakap ang unan na nasa tabi ko. Sana tuloy-tuloy na itong pagiging close namin ni Whence. Napakatagal ko na siyang crush pero isang himala na talaga dahil siya na mismo lumapit para makipagkaibigan.