2

TYRON'S POINT OF VIEW

Dalaw-dalaw. Gabing-gabi dadalaw. Saka ano ba akala niya sa Bff ko may sakit? Mabuti na lang nakarating kaagad ako ng bahay, at kung nagkataon baka kung ano gawin niya kay Yane. Lalaki siya, at babae si Bff, natural lang na bantayan ko ang ikinikilos niya. Kabilin-bilin pa naman ni tita na tingnan ko ang anak niya habang nagtra-trabaho siya sa gym.

At syempre, bago pa ko ma-badtrip sa gabing ito naalala ko na naman ang nangyari kanina kasama si Cecil. Pakiramdam ko siya lang ang babae na never akong hinusgahan. Wala akong nakita na dahilan para ikahiya ako sa mga kaibigan niya na kapwa babae.

"Tama sila mataba ka nga pero hindi naman iyon sukatan para sabihin nilang wala ka nang karapatang magmahal. Kung pwede nga lang eh."

"Anong puwede lang?"

"Kung puwede lang na ligawan mo ko papayag ako."

"Hehe."

"Alam ko naman na gusto mo ko Tyron ramdam ko 'yon."

"Bakit ako? Marami naman guwapo riyan. Mga magagandang katawan kumpara naman sa akin na dambuhala."

"Tsk, sinabi ko na nga sa iyo na hindi iyan ang sukatan, o batayan para hindi ka puwede magmahal. Tyron, ako na lumalapit sa iyo lalayuan mo pa rin ba ako?"

NOONG gabing 'yon labis ang kaligayahan ko kaya lang iyon na nga at nasira lang ng makita ko si Whence kasama ang bff kong uto-uto. Nagpapabola na naman iyan I'm sure!

"Last day. Hay, ang boring." Favorite place namin sa canteen.

"Anong boring ba?" Paniniguro ko.

"Last day of school at dalawang buwan din akong di makakakain dito sa canteen."

"Eh di kainin mo na ang gusto mong kainin habang may oras ka pa."

"Mag susummer job ka ba?"

"Hindi."

"Bakit?" Naka-nguso niyang balik.

"May pinagkakakitaan ako hindi ba?" Pagpapa-alala ko.

"Oo nga pala, ako kasi sa gym lang tutunganga."

"Try mo kaya mag-gym nakakahiya kasi 'yong gym niyo pangalan mo tapos taga-bantay lang saka dambuhala pa. Mabuti na iinspire ang mga customers niyo kapag nakikita ka."

"Wow, salamat bff ha? Ang galing-galing mo talaga samantalang ikaw na ngangailangan ng ganoon."

"Hindi na kailangan dahil taas noo akong haharap sa mga tao na ganito dahil ipinagmamalaki ako ng soon to be girlfriend ko." Hindi ko na iwasan tumawa ng malakas.

"Si Cecil?!"

"Yes!"

"Walang mag-seseryoso sa atin tandaan mo yan bff."

"Bakit ba ang nega mo? Si Cecil na nga mismo nagsabi."

"Madaling sabihin pero mahirap paniwalaan."

"Bff puwede ba maging masaya ka na lang sa akin. Pareho lang naman tayo ng gusto di ba ang makatagpo ng lalaki at babae na ipagmamalaki tayo hindi dahil sa katawan natin kundi ipaglalandakan nilang hindi sila tumitingin sa panlabas na kaanyuan."

"Bahala ka nga." Sumimangot.

"Gusto mo ba ko maging masaya?" Usisa ko, "Kasi ako gusto ko maging happy ka at makatagpo ng lalaking mamahalin ka except Whence dahil hindi ko talaga siya feel. I swear."

Itinaas niya ang mga mata na parang tumitirik, "Wala na kong sinabi."

"Galit ka?" Nakanguso tanaw sa malayo, "Umuwi na tayo kung galit ka." Nag-salubong ang kilay sabay tayo, "Bff sorry na." Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa kotse ko, "Oo na sige na, sorry na nga, eh."

"Paano kung sabihin ko sa iyo nililigawan ako ni Whence?"

"A-ano?!" Umiling-iling ako, "No way, I will protect you kaya kahit sino pa yang magiging boyfriend mo dadaan muna sa akin!"

"Bff hindi kita tatay at lalong hindi nanay puro ka I will protect you, I will protect you tandaan mo BFF LANG KITA. Alamin mo naman minsan ang karapatan mo sa akin." Padabog itong pumasok sa kotse.

Hindi na naman kami nagka-intindihan. Hay ang hirap niyang makaunawa. Ginagawa ko lang naman ito dahil gusto kong maging maayos siya masama na ba 'yon?

"Kung diyan ka magiging masaya bahala ka." Sabi ko nang makarating kami sa bahay.

"Pagdating kay Cecilia alam mo naman na hindi ko siya gusto para sa iyo. Oo, bff tayo pero na isip mo ba na tutol tayo sa mga nagugustuhan natin baguhin natin 'yon. Ayoko masira at mabalewala itong friendship natin." Lumabas sa kotse at malalaking hakbang ang ginawa nito papasok sa kanilang gate.

Matamlay akong pumasok sa bahay. Ang tanging aabutan ay si doggie lamang. Parehong OFW ang parents ko kaya wala talaga akong ibang nakakasama bukod kina bff at tita.

Ang bait nila sa akin. Isa pa, minsan pinatutulog ako sa bahay nila kahit pa magkatabi kami matulog. Pabor na pabor. Malaki raw tiwala niya sa amin na di namin gagawin ang bagay na di dapat dahil bukod sa parang magkapatid na kami ay close din sina mama at papa kay tita.

Kumakatok ako sa bintana.

"Bff, tulog ka na ka ba?" Naka-talikod kasi ito sa bintana, "Huwag ka na galit please. Hindi ako sanay na ganyan ka sa akin, "Binuksan ko ang bintana sunod ang bintana nito, "Papasukin kita riyan kapag hindi mo ko pinansin. Isa..."

Hinawi ko ang kurtina upang mabuksan ko ng mas malawak ang bintana. Pagkalabas ko isinara ko kaagad ito tapos sunod binuksan ang bintana niya. Nagpabigat ako sa kanyang kama kaya umalon kaming pareho at mula sa kanyang likuran ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"My bff uy, ano ba matutulog ka na lang ba na ganito tayo, huwag naman."

"Bumalik ka na nga sa bahay mo." Inis niyang utos.

"Ayoko, humarap ka sa akin pag-usapan natin ito ."

"Bukas na lang inaantok na kasi ako."

"Ayaw mo?" Naupo ako saka ito tumuwid ng higa. "Ayaw mo ba talaga na ayusin ito, bff?"

"Matulog ka na nga! Ang kulit mong baboy ka!" Dinaganan ko siya tapos mahigpit na hinawakan ang kanyang magkabilang pulsuhan.

Matalim na titig ang ginawa nito, "Baboy ka rin!" Ganti ko.

"Butanding !" Bawi nito.

"Lumba-lumba!" Hindi ako papatalo.

"PENGUIN!!" papikit-pikit pa.

"Hippopotamus !" Bawi kong muli.

"BAKLANG ELEPANTE !!" sinamaan ko nang tingin siguro na pansin niya ito dahil nanlaki ang mata.

"BAKLANG ELEPANTE PALA..." Hinigpitan ko ng mas mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay saka hinalikan.

Noong una smack lang. Ewan ko ba at bakit tumugon siya sa smack kaya nagkaroon ako ng pagkakataong halikan siya ng totoohanang halik. Pareho kami nawala sa sarili. Pareho kami nakalimot na mali pala itong ginawa namin.

Ako na mismo nag-iwas. Umalis ako sa pagkakadagan habang titig na titig sa akin.

"Sino ngayon ang BAKLANG ELEPANTE m?" hindi ko siya matingnan ng diretso.

Nag-talukbong ito ng kumot, "Bumalik ka na sa bahay ninyo, alis!"

Mabilis pa sa alas-kuwatro akong nakabalik sa bahay na di ininda ang nararamdaman.

"Damn you Tyron!" Bulong ko sa sarili habang naghihilamos, "Bff mo siya bakit mo hinalikan?!"

Nagpasak ako ng headsets sa tenga upang makatulog dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa namin parang hindi ko tuloy siya ginalang. Bukas na bukas magso-sorry ako.

"GOOD morning tita." Ngiting-ngiti kong bati "Nandiyan po ba si Yane?"

Nagtataka itong tumingin ng relo, "Maaga pa naman kaya natitiyak kong tulog pa 'yon, bakit?"

"May itatanong lang."

"Kumatok ka ma lang sa bintana niya." Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa, "Ikaw ba kausap niya kagabi?"

"Po? Hindi po, maaga po ako nakatulog."

"Hintayin mo na lang siya magising." Pinagpatuloy niya ang pagwawalis sa labas, "Teka, nag-almusal ka na ba?"

"Hindi pa ho."

"Kung ganoon pumasok ka na sa loob at tatawagin ko na rin si Yane para sabay-sabay na tayong kumain."

"Hindi ko po 'yan tatanggihan tita papasok na po ako." Pumasok ako sa loob ng kanilang bahay na may ngiti sa labi.

Pagkatapos mag-walis ni tita kaagad pumasok sa bahay para gisingin ang bff kong si Yane.

Tila parang nag-slowmo ang buong paligid ko ng makita siya. Anong kakaiba rito? Bakit ngayon ko lang naramdaman ito? Baliw na ba ako?

"Good morning bff. " Inirapan lamang ako saka na upo.

"Anak, binati ka ng bff mo."

"Ma, paki-abot nga 'yong hotdog." Hindi ako tinitingnan kahit si tita.

Ako nag-abot ng hotdog, "Hindi na pala 'yong ham na lang, ma." Ako muli ang nag-aabot, "Ayoko nga pala ng ham, egg na lang. " akma kong ibibigay sa kanya ang itlog ng taliman niya ko ng tingin, "Isa pang-abot ihahagis ko sa iyo itong hawak kong kutsara!"

Nagkatinginan kami ni tita tila nagtatanong ang kanyang mga mata kung bakit nagtataray ang anak.

"Kumain lang kayo riyan." Tumayo na si Tita, "May meeting kami ngayong umaga ng mga kumare ko, "Tumingin kay Yane, "Anak, umayos ka bago ka umalis hugasan mo na 'yan at kapag hinanap ako ng mga costumer ko sabihin mo babalik kaagad ako ng hapon." Hinalikan niya ito sa noo, "Tyron, mauna na ko sa inyo. Ayusin niyo 'yang problema ninyong dalawa."

Tumayo ako, "Hatid na kita tita sa labas."

Pagkabalik ko seryosong kumakain pa rin si Yane tila walang balak magsalita o kausapin ako.

"Bakit ba nandito ka?" Nakatitig pala sa akin.

"Tatanungin ko sana kung--"

"Puwede ba huwag ka na muna magpakita sa akin matapos mo kong awayin at halikan ano ba klaseng kaibigan ka?!"

"Sorry, sorry na bigla lang naman ako dahil tinawag mo kong BAKLA. Alam mo naman na hindi iyon totoo."

"Ewan ko sa iyo." Tumayo na, "Pagkatapos mo riyan hugasan mo mga plato. "

"Hoy, sa iyo inutos ito, ah!" Bulyaw ko nang pumasok sa kwarto nito.

Dapat pala hindi na ako nakikain dito. Makakapaghugas pa ng pinggan. Kaasar. Tapos hindi rin pala ako kakausapin. Pambihira naman talaga.

"PAPUNTA ka na ba ng gym? Hatid na kita." Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko.

Kaya lang nag-suot ito ng helmet saka paharurot ang paandar ng motor.

Galit na galit siya?

Hindi na ba ako mapapatawad?

"Bff! " tawag ko nang makita siyang may kausap na lalaki sa Gym.

"Tumawag sa akin si tita hindi ka na naman daw niya makontak kapag daw ginabi siya ng uwi isara mo kaagad ito." Hindi niya ako pinapansin bagkus ay hinila niya ang lalaki palayo sa akin.

Naupo ako sa upuan. Pinapanuod ko lamang kung ano ang mga ginagawa niya kapag may kausap siyang kliyente.

Kung makahimas naman itong lalaking ito! Kainis ha?

"Ano pa ba hinihintay mo riyan? Tinawagan ko na si mama umuwi ka na."

"Ayoko pa,"

"At bakit? Wala ka ba gagawin??"

"Babantayan lang kita."

"Ano ako bata? Sabi ko sa iyo 'di ba huwag ka muna makipagkita sa akin?"

"Sorry na kasi..."

"Sorry your face!"

"Ano ba dapat kong gawin para mapatawad mo lang ako."

"Wala kang gagawin kundi ang lumayo muna. Mahirap ba 'yon?"

"Sobra." Natigilan siya, "Sanay ako na lagi kang nandiyan. Sanay ako na may bff akong sinasabihan kapag may problema kaya kung may ipapagawa ka akin gagawin ko mapatawad mo lang ako."

"Totoo?"

"Oo, bff."

"Kung ganoon? Sige kung mapapapunta mo rito ngayon si Whence patatawarin na kita."

I paused for while. Kahit masama loob ko sa lalaking iyon ay gagawin ko upang mapatawad lang ng matalik kong kaibigan. Pinuntahan ko sa covered court si Whence kung saan palagi ito naglalaro ng basketball.

"Pre, si taba." Bulong ng kaibigan ni Whence pero dinig ko naman.

Lumapit si Whence.

"Anong kailangan mo?" Maangas nitong tanong.

"Pinapupunta ka ni Yane sa Gym nila."

"At bakit? Dedede ba siya?" Tawanan ang lahat niyang barkada.

Kinuyom ko ang aking kamao, "Gusto ka raw niya makita."

"Pupuntahan ko siya mamayang gabi."

Nilayuan ko kaagad ito dahil naka-ngisi na sa akin. Kung puwede lang sapakin ito nagawa ko na. Halata naman bakla. Isa pa, halatang pinagkakaisahan nila ang kaibigan ko. Kung sa akin inis na inis sila what for sa kaibigan ko na tulad kong mataba.

"Ano sabi?" Bungad ni Bff.

"Mamayang gabi raw."

"Talaga? Sige sa bahay ko na lang siya papupuntahin."

"Bakit sa bahay?"

"Eh ano ipapakilala ko siya kay mama."

"Feeling boyfriend??"

"Eh ano naman sa iyo wala ka na roon."

"Tinatarayan mo pa rin ako akala ko ba mapapatawad mo ko kapag ginawa ko ang gusto mo?"

"Mamaya kapag dumating siya."

"What if hindi siya magpunta?"

"Eh di wala pa rin pansinan."

Sumosobra na talaga itong kaibigan ko porque hindi ko kayang mawala siya gumaganyan siya.

"Hi ma," kausap ko si mama sa video call.

"Kumusta ka riyan?"

"Okay naman wala na kaming pasok."

"Naaalagaan mo ba 'yong computer shop natin?"

"Syempre naman nandito kaya ako ngayon."

"Mabuti palagi rin kita ibinibilin kay Mareng Gie kaya maging mabait ka roon ah?"

"Opo, mababait naman sila kaya tingin ko lalo pa kami magkakasundo."

"Nasa trabaho kami ngayon ng daddy mo mag-ingat ka palagi." Nawalan na nang ngiti ang labi ko ng mawala sa kabilang linya si mama.

Mahirap din malayo sa magulang lalo kung wala kang kapatid na puwede mo malapitan kapag may problema. Mabuti na lang may pagkain at least nawawala stress ko kapag may pagkain sa harapan ko.

KINAGABIHAN. Isinara kaagad ni Bff ang gym ngunit wala pa rin si Tita Gie at kahit si Whence.

"Seven na wala pa rin si tita."

"Baka hindi umuwi ngayon nagkita-kita sila ng mga dati niyang classmates 'nong high school."

"Eh 'yong whence mo?"

"Maya-maya pa raw siya."

"Okay."

"Hindi pa rin tayo okay kapag hindi siya dumating."

"Okay lang at least hindi siya dumating." Sinamaan niya ko nang tingin, "Parang ikaw lang may gusto roon saka pupunta ka pa ba sa linggo sa bahay nila?"

"Malamang."

"Sasamahan kita ininvite rin ako ni Cecil."

"Wala akong paki."

"Bff."

"Ano??!" Inis niyang sagot.

"Bakit ba ganyan ka sa akin dahil lang ba kay Whence masisira tayo?"

"Hindi naman iyon ang kinaiinis ko eh!" Nilapitan niya ko, "Naiinis ako dahil hinalikan mo ko! Bestfriend kita Tyron."

"Nag-sorry na nga 'di ba? Hindi ko naman sinasadya saka gumanti ka rin naman, hindi ba?"

"K-kahit na!"

"Ewan ko sa iyo halik lang naman yan walang nawala dapat nga ako ang magalit dahil first kiss kita!"

"Wow! Sino kaya sa atin unang nanghalik? Excuse me lang ha! First kiss ko rin iyon!" Pareho kami na tahimik sa pag-amin namin sa isat-isa.

"Gusto ko na umuwi kaya lang di ko naman kayang iwan ka baka kung ano gawin sa iyo ng Whence na iyon."

"Mukha ba siyang manyak parang ikaw yata iyon, eh." Tinalikuran niya

"Bff."

"Ano!" Sa inis ko dahil nakasigaw na naman siya ay hinalikan ko muli ito. Ninakawan ko muli siya ng halik.

Naguguluhan ako parang may hinahanap-hanap na hindi ko alam kung saan makikita. At simula nang mahalikan ko siya 'ron ko lang nalaman na sa kanya pala mararamdaman ang kakaibang damdamin. Hindi literal na feelings as a friend pero....ahh...basta.

Malakas na tulak ang ginawa bago ito ituro ang pinto ng bahay, "UMUWI ka na."

"Sorry."

"Umalis ka na!" Nakuha kong sabunutan ang sarili sa buwisit at tuluyang lumabas ng bahay nila.

Kumukulog at kumikidlat ng mahiga ako. Wala pa rin sa kuwarto si bff .Gusto ko sana malaman kung natuloy ba si Whence pero hindi ko magawang magtanong at bumalik sa kanila.

Maya-maya ay dumating siya sa kanyang kuwarto.

"Dumating ba ng boyfriend mo?"

"Huwag mo nga ko kinakausap hindi pa rin tayo okay at 'di pa rin kita pinapatawad!"

Ah, so hindi dumating si Whence na bakla? Okay, buti nga sa iyo at least naka-iwas ka sa lokong 'yon.

Nahiga muli ako ng upang mailapat ang aking likod. Dumilim ang buong paligid ng kuwarto ko at sa kwarto ni bff.

"Hala, walang kuryente?" Nangangapa akong naghanap ng flashlight, "Bakit ngayon pa?"

May kumakatok sa bintana ko binuksan ko ito at bumungad si Bff.

"Puwede ba pumasok?" Pabulong niyang tanong.

"Sige."

"Bakit ngayon pa nawalan ng kuryente. Hay, nahihirapan ako h-huminga."

"Okay ka lang ba bff?" Nag-aalala kong lapit dito.

"H-hindi a-ako gaano m-makahinga..." Nakadapo ang kanyang kamay sa dibdib.

Kinuha ko ang paper bag saka ko pina-inhale exhale. Umabot yata ng kalahating oras ang ginawa nito tapos ng naging kalmado na siya kaagad ko ito inihiga sa kama ko. Madilim pa rin talaga. Mabuti na lang may mga glow in the dark akong nakadikit sa pader na nagsisilbing liwanag sa kabuuan ng kuwarto.

"Matulog ka na bff babantayan kita." Hinaplos ko ang kanyang buhok.

"Dito ka lang ha?"

"Oo, matulog ka na." Kasabay sa pagpikit ng kanyang mata ay bumuhos ang malakas na ulan.

Niyakap niya ang aking braso kaya ginawa ko na lang tabihan at yakapin.

I remember noong una kami nagkakilala. Gabi na umuulan, kumukulog, kidlat at sabay pa nawalan ng ilaw. Dahil doon nagulat ako may nakita akong tao sa gilid ng kalsada. Ugali kong tumulong sa mga nangangailangan. Nahihirapan siyang huminga that time. Hindi ako nagdalawang isip pa at ginawa ko ang dapat. Doon ko lang din nalaman na may sakit siyang hika. Nakakaawa ang kalagayan niya. Minsan kasi kapag may sakit kang hika hindi mo alam kung kailan ito susumpungin pero sabi niya sa akin every natatakot siya ganoon ang nangyayari kaya until now aware na ako sa mga posibleng mangyari kapag ganito ang panahon.

NAGKAUNTUGAN kami ng kumulog. Pareho kami naalimpungatan. Sabay nagkatawanan at tinginan.

"Hindi ka na ba galit?" Malambing kong tanong.

"Kailan ba ko na galit sa bff ko?" Nakangiti niyang wika.

"Eh ano 'yon bakit ka ganyan sa akin?"

Umiwas siya ng tingin, "Nagulat lang ako dahil sa ginawa mo. Dati naman kahit magkatabi tayo di mo ko hinahalikan o kung halikan mo man ako sa cheeks lang."

"Ganoon ba?" Tinitigan ko ang kanyang lower lips. Sabay pagtitig sa kanyang mata, "Ganito ba?" Dahan-dahan ko siyang hinalikan, "Tapos ganito?"

Diniinan ko pa ang paghalik. Malalim at sadyang mapusok. Pikit mata namin pinagsaluhan ang kadiliman ng gabi.

"Pag-aari kita ngayon." Bulong ko at muling pinagsaluhan ang mapupusok na halik.