YANE'S POINT OF VIEW
Sa lamig ngayon hindi ko naiwasan na yakapin siya ng mahigpit habang dinidilaan niya ang aking leeg patungong tenga. May kiliti akong nararamdaman habang ginagawa ito. Gumagapang ang kanyang kamay pababa sa aking puson at mas pababa pa sa hita.
Walang humpay kaming naghahalikan at pinagsasaluhan ang gabing ito. Hanggang sa itaas nito ang suot kong damit at pinaglalaruan ng sarili nitong dila ang aking nipples. Panay pakawala lamang ako ng matitinding ungol sa ginagawa niya.
"Ohhh...bff..." Kusang lumiliyad ang ang aking katawan dahil sa kiliting nadarama.
Halik na may kasamang pagnanasa. Halik na kailanman hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko. At Kay Tyron ko lamang narasanan ang lahat, ang halik na pinangarap ko lamang at itong romansa na sa mga movie ko lang napapanuod at na babasa.
"Uhhhhmm... Tyron..."
Tangkang huhubarin ni bff ang suot kong undies ngunit mabilis ko itong pinigilan. Nakipagtitigan siya sa akin ng matagal bago ako magsalita.
"Huwag." Mahina kong pakiusap. "Hindi pa ko handa."
"B-akit..." namamaos nitong usisa.
Umiling ako, "Virgin pa ko ayokong mawala ito ng basta lang."
"Bff tayo 'di ba?" nagsalubong ang kilay ko.
"Hindi ito para sa iyo. Para ito sa lalaking pakakasalanan ako." Natauhan siya sa kaniyang ginawa.
Hindi ko inutos sa kanya ngunit na gawa nitong tumayo at magdamit muli sabay hagis sa akin ang kumot.
"Magbihis ka na." Pagdakay iniwan na ako mag-isa sa kuwarto.
Totoo naman.
Bff kami pero di ko sinabi na porque magkaibigan kami ay maaari na niyang kunin ang pagkababae ko.
Ano yon.
Ibibigay ko lang ng basta na wala man lang kami na raramdaman sa isat-isa? Gagawin namin ito kahit init ng laman lang ang dahilan?
Hindi maaari.
Gaya ng tinuran ko ibibigay ko lamang ang pagkababae ko sa lalaking deserve akong pakasalan.
Muling bumalik ang liwanag ngunit malakas pa rin ang ulan kung kayat hindi pa rin ako maka-uwi. Ang inaalala ko kanina pa ay iyong hindi pagsipot ni Whence sa usapan namin baka nga kako hindi naman talaga kinausap ni bff eh baka sinabi niya lang iyon para hindi kami magkita.
{ "Hi Whence gising ka pa ba?" } Hinintay ko ang kanyang reply ngunit wala naman.
Lumabas ako ng kwarto ni bff nag babakasakali na may makakain dito.
Nakita ko ito natutulog sa sofa. Hindi niya nakuhang matulog sa kwarto nito dahil alam niyang andoon pa rin ako. Nang makakain ako saglit sa kusina ay nagpunta ako sa pintuan. May nakita akong payong at saka binuksan.
"Uuwi na ako."bumangon siya, "Pahiram muna ng payong."
"Okay, ingat." hindi ko alam kung naiinis siya o ano kasi nagawa nitong maghilamos gamit ang palad.
"Okay." bago pa ko makalabas pinigilan niya kamay ko. "Bakit?"
"Sorry, kalimutan mo na sana iyong mga nangyari. Sana ganoon pa rin tayo ka-close at nag-aasaran. Hindi ko gustong mag-iwasan tayo."
Masaya kong hinawakan ang kamay nito, "Best friend forever tayo Tyron kung ano iniisip mo huwag mo nang isipin. Madali lang para sa akin ang lahat para makalimot. Malaki kaya tiwala ko sa iyo. Kung gaano kabigat yang timbang mo ganoon din ka-Heavy ang pagkakaibigan natin."
Ang totoo, hindi ako ganoon uri. Ugali kong hindi basta makalimot sa nangyari lalo kung virginity na ang pag-uusapan. Pero dahil magkaibigan kami kaya kong kalimutan ang lahat ng ito.
DUMATING ang araw ng linggo. Mayroon simpleng ganap sa bahay nila Whence tulad ng sinabi niya isuot ko raw ang t-shirt na ibinigay sa akin ngunit wala akong ideya kung bakit.
"Hi Whence Happy birthday." Pambungad na bati ko nang makarating kami ni BFF sa party.
"Salamat Yane!" Inabot ko ang regalo."Nag-abala ka pa." Napansin ko ang suot nitong red t-shirt. "Uy, ang galing naman parehas tayo ng shirt?"
"Hindi lang parehas Yane couple shirt ang suot natin." Lumabas ang dimple niya ng ngumiti .
"C-couple?? B-akit ?" Inilahad niya ang kamay.
"Tara ipapakilala kita sa mga kaibigan at barkada ko." Lahat ng tao ay itinuon ang paningin sa aming dalawa ni Whence. "Mga Tropa, relatives, si Yane nga pala siya yung tinutukoy kong nais kong ligawan." Seryoso lamang ang mga barkada niya habang ang relatives nito ay nagbulungan.
"Whence, anong ibig sabihin nito?" Hiyang-hiya ako sa mga tao.
"Kailangan ko pa bang ulitin gusto kitang ligawan. Gustong-gusto kita Yane kahit sinasabi nilang mataba ka, matakaw, wala naman sa akin iyon ang mahalaga mabuti kang tao."
Napansin ko kaagad si Bff na nakatingin lamang sa amin. Muli kong tiningnan si Whence na ngayon ay hinihintay ang sasabihin ko.
"Talaga bang liligawan mo ako?"
He nodded, "Matagal mo na akong gusto 'di ba?" Alanganin kung sasagot ako sa tanong niya. Minamata na kasi ako ng mga tao sa paligid namin.
Yumuko ako, "Hindi tayo na babagay. Ano ba laban ko sa panlabas mong kaanyuan napaka guwapo, maganda pangangatawan samantalang ako, hindi na nga kagandahan mataba pa. Hindi ba parang alanganin?"
Sige, Yane i-down mo pa sarili mo. Down na down ka na nga tapos magsasalita ka pa tungkol sa sarili mo.
Pinisil niyang bahagya ang pisngi ko. "Ituturing kita na parang Prinsesa. Lahat ng ayaw at gusto mo susundin ko. Ganito ka-desidido ang puso ko para mahalin ka na walang hinihintay na kapalit."
"Pero---"
"Kung iniisip mo ang sasabihin nila huwag mong intindihin tayong dalawa ang dapat nagkaka-unawaan. Tatanungin kita, gusto mo ba talaga ako?"
Lumingon na muna ako kay Bff kahit na parang wala lang sa kanya ito.
"Oo, gusto kita."
MARUPOK!
"Talaga? So, pumapayag kang ligawan kita? Huwag ka mag-alala bukas na bukas pupuntahan kita sa inyo para manligaw."
Okay na sana kaso biglang tumunog ang sikmura ko naging dahilan tuloy ng kasiyahan ang lintek na tiyan na ito!
"Sorry, hindi kita kaagad pinakain." Tumingin kay Bff. "Pre, kumain na kayo maraming pagkain diyan."
Ang mata ko na dapat puso ang lumabas mga pagkain ang lumulutang. Kaagad kong hinatak si Bff sa puwesto ng mga pagkain at nang makakuha ay lumugar kami sa wala gaanong tao.
"Bff." Tawag ko rito.
"Yes bff."
"Ang saya ko!"
"Alam ko."
"Hindi ko naisip na gagawin sa akin ito ni Whence."
"Maski naman ako eh." Nagsasalubong na naman ang kilay nito. "Sana lang talaga tama yang desisyon mo."
Uminom ako ng tubig, "Naalala mo bff ang dati nating pangarap o binabalak? Pareho tayong mataba at hopia sa pag-ibig pero dahil naniniwala tayo sa forever hindi tayo nawalan ng pag-asang maghintay na dumating yung someone. Sabi mo pa nga sa akin OPERATION : FINDING LOVE Kahit wala tayong ka-ide-ideya di ba? Pero heto na yun bff nahanap na natin ang tunay na LOVE. Siguro naman may purpose si God kung bakit sabay dumating sina Whence and Cecil sa buhay natin at kung ano man iyon natitiyak kong napakalaking biyaya yun mula sa Dios."
"You're right, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat." Hinaplos ang kamay ko. "Kapag nasaktan ka nandito lang si bff mo ha wala pa rin magbabago."
"Siguro ang pagkain puwede ko makalimutan pero ang bff ko never yata 'yon naka-mark ka na rito." Sumuntok-suntok ako sa dibdib. "Kaya kung ako sa iyo ituloy mo na yang panliligaw mo kay Cecil baka maunahan ka pa."
Ngumiti, "Hindi na kailangan."
"Ha? Bakit?"
"Napag-isip isip ko na ikaw muna ang iisipin ko."
"Ano?"
"Hindi ko muna liligawan si Cecil."
"Bakit??"
"Eh ano ba dapat?" Nag-pout. Pansin kong papalapit sa amin si Cecil.
Ngumuso ako sa likuran niya. "Dapat maging masaya ka rin iyon ang karapat-dapat para sa yo." tumayo na ako at iniwan sila ni Cecil.
Makokompleto ang buhay ko kung pareho kami ni Bff na masaya sa lovelife hindi yata ako makakapayag na ako lang.
"Hello." bulong ni Whence.
"Hi,"
"Nabusog ka naman ba?"
"Sobrang busog ang sasarap wala akong pinalampas kahit na isa." masaya kong hinimas ang sariling tiyan.
"Mabuti naman tara ipapakilala kita ng mas masinsinan sa mommy and daddy,"
"Ha? Ngayon na ba talaga? Wala pa tayong relasyon 'di ba?"
"Ganoon din 'yon." holding hands kami pumasok sa sulok ng kabahayan. Madilim dito at hindi ko matanaw ang dinaraanan namin.
"Bakit dito tayo dumaan?"
"Bago natin kausapin ang magulang ko puwede ba mag-request?" Huminto kami pareho.
"Ano naman 'yon?"
"Puwede ko ba i-kiss ang future girlfriend ko?"
"Ha?"
"Gusto kitang i-kiss," Pagkatapos niyang sabihin nun ay hinalikan na ko.
Bakit ganon parang ang gulo niyang humalik na parang hindi smooth na katulad kay bff.
Naging mabilis ang kamay niya dahil na hawakan kaagad nito ang puwet ko.
"Sandali...kiss lang huwag ng sosobra doon."
Ngumisi, "Ano ka ba kapag naging tayo asahan mong ganyan ang gagawin natin kapag tayong dalawa lang."
"Ano?"
"Bakit? Wala ka pa bang experience sa ganyang bagay?" Tulala ko siyang tinitigan sa mata. "Wala pa talaga? Are you sure?"
"W-wala pa."
Niyakap ako, "Eh kung ganoon pala dapat lang na sa akin ka mapunta." hinagkan ang aking labi. "Dahil ako ang una't-huli mong makakasama."
Ughhh!
Kainis, gusto kong kiligin.
Sarap niyang ihampas sa pader!
"Hinahanap ka na yata ng Bff mo."
"Ang akala ko ba ipapakilala mo ko?"
"Para sure kapag mag-syota na tayo."
Hindi na lang din ako nagsalita dahil pabor naman ako 'don. Balik kami sa party pero nagpa-iwan ako sa mga pagkain dahil kumakalam na naman ang tiyan ko. Gutom na naman ang alagang SAWA.
"Hey!" kinalabit ako ng isang babae.
"Kumakain ka na naman? Gaano ba kalaki ang sawa nasa tiyan mo at hindi ka mabusog-busog?"
"Eh, ano ba paki mo?" inis kong sumbat.
"Nakakainis kasi yang katawan mo. Hindi ka ba nahihiya paano pala kung naging kayo ni Whence? Oh my god, baka mapatay mo siya dahil sa sobrang bigat."
"WALA KANG PAKI!" I rolled my eyes at sabay walk out.
"Kung ano ikinapayat ng katawan siyang kapal naman ng mukha." Bubulong-bulong ko.
"Sino kaaway mo?"
"Hi bff, ano balita?" Inakbayan ko.
"Umuwi na tayo huwag ka na magreklamo." hatak-hatak niya kamay ko palabas ng party.
"Maaga pa kadarating lang natin."
"Pasok!" bulyaw ng buksan ang pinto ng kotse.
Nakuha kong umatras sa takot, "Ano ba problema mo?"
"Sinabi ng pumasok ka." hindi na nakasigaw pero nakakatakot pa rin. Wala na kong nagawa kundi sundin ang ipinag-uutos niya.
"Ano bang problema mo bff kanina lang okay pa tayo ah?" Ito ang pinaka-ayaw kong ugali ni Tyron. Minsan mabait pero madalas masungit. Ang magalit ng walang sapat na dahilan iyon ang madalas namin pag-awayan.
"Bawiin mo mga sinabi mo sa kanya." laman ng isip ko ang salitang 'BAKIT'
"Layuan mo siya dahil ang tulad niya hindi dapat pagkatiwalaan."
"Sinisiraan mo siya."
"Kailan mo ko nakitang nanira ng ibang tao tingin mo sinasabi ko ito para siraan lang siya sa anong dahilan?"
"Puwede bang diretsahin mo ko? Bakit ba ganyan ka na lang magalit sa tao. Akala ko ba tanggap mo na siya ang magiging boyfriend ko?"
"Kanina lang din nagbago ang isip ko tumawag sina mama at daddy."
"Anong connect?"
"Mawawala ako ng anim na buwan." Lumapit ako, "May pinapaayos sa akin si mama para sa bago nilang business na gagawin dito sa Pinas. Naisip ko na matagal din ang anim na buwan at paano nga kung sagutin mo kaagad siya? Sino na lang magbabantay sa iyo kapag sinaktan ka niya?"
Napanganga ako sa itinuran nito.
Ang labo niya!
"Natural naman sa relasyon yong may away di ba pero teka hindi talaga kita ma-gets!" Cross arm kong tampo kunwari.
"Hintayin mo ko makabalik tapos papayag akong sagutin mo siya, ano deal?"
"Anong deal? Anim na buwan ko siyang pahihirapan? Sa itsura lang ni Whence parang pang isang araw lang siya sa mga nililigawan niya."
"Deal?" Hamon niya.
"Ewan ko."
"Natatakot ka ba na mainip siya sa iyo? Kung talaga sincere siya maghihintay yon ng anim na buwan."
"Hindi naman sa ganoon kaya lang paano kung ganoon na nga ang nangyari?" Kagat labi kong wika.
"Then may isang lalaking darating sa buhay mo at magpapabago sa paniniwala mo. Isang lalaking 'di ka iiwan kahit anong mangyari."
"Mayroon pa kayang ganoon?"
"Mayroon pa magtiwala ka lang sa akin, okay?"
"OK DEAL."