MAKALIPAS ang anim na buwan.
Sa anim na buwan puro bahay, gym, aral lang ang ginawa ko. Bihira na lang din akong kumain sa labas dahil wala rin naman akong makakasama. Si Mama kasi abala sa kanyang jowang foreigner.
Sa paglipas ng anim na buwan naalala ko si bff nag-enarte pa kasi ako noon kaya ayan umalis siya na wala man lang paalam.
"Yane! Ano ba naman yan!! Wala ka ngang pasok tanghali ka naman gumising! Hoooy ! BABOY ! BUMANGON KA NA ! walang mag babantay ng gym! Aalis kami ng mga kumare ko!" UGH, si mama ang aga-aga napaka ingay.
"Kapag hindi ka pa bumangon diyan hindi kita ipagluluto ng agahan, meryenda, tanghalian, meryenda, hapunan, at midnight snack! Yane, bangon na."
Kinalampag na naman niya ang pintuan ko kaya sikat siya rito sa subdivision dahil sa pagiging nagger nito. Sa dami-rami na puwede maging dahilan sa pagiging maingay pa. Mabuti hindi chismosa si mama kahit napaka ingay no'n hindi siya tulad ng ibang tao.
"Opo ma, babangon na saglit..." nakakatamad bumangon pero kailangan.
"Kanina pa ko rito haaaaa! Ayoko ng saglit! Bilisan mo at aalis kami! Sabay na tayo mag-almusal!!"
"Oo!!!" Irritable akong tumayo para buksan ang pinto.
"Ano? Magmumog ka muna bago bumaba." Ayos talaga si mama ngayon naman ang lambing lambing, "Hihintayin kita." Iniwan na ko.
Sa araw-araw na ginawa ng Dios bakit sa tuwing haharap ako ng salamin nakaka inis?
Gusto kong pumayat kaya lang masarap kumain.
Minsan awang-awa ako sa sarili ko kapag nakakaramdam ako ng gutom.
Kung pwede lang sana sa paggising ko isang araw payat na ako para wala na silang tatawaging BABOY, LUMBA-LUMBA, INAHING BABOY AT KUNG ANO-ANO PA.
Lalo na si mama.
Minsan na isip ko kung anak ba talaga niya ako, o ano kung makalait wagas.
"Maganda ako," Sabay tingin sa magkabilang pisngi.
"Mataba ka lang." Sinamaan ko ng tingin si mama ng makapasok sa kuwarto ko, "Tama na nga kakatingin mo sa salamin. Walang magbabago sa heavyweight mo. Tsk, kung bumaba ka na baka matuwa pa ko sa iyo dalian mo Yane."
"Ang sama mo talaga sa akin mama." Babatuhin ko sana ng suklay kaya lang nakatakbo kaagad palabas ng kuwarto.
No choice naman ako di ba? Siya ang mama ko! Isang bully! Tsk.
"KAPAG AKO PUMAYAT!"
"Kapag lang puro ka lang naman salita riyan at kulang na kulang sa gawa."
"Mama?! Ano ba? Kanina mo pa ako binabasagan ha? Naiirita na ko. AGA-AGA!"
"HOY! TANGHALI NA BAKA PWEDE KUMAIN NA TAYO AT SUNDUIN MO NA BFF MO!"
"BFF!?" Nabingi ba ko?
"Shunga, bff nga. Ano ba, alam mo gutom lang yan eh bumaba ka na nga."
"Ma, si bff talaga nandiyan na sa bahay nila?" Itinuro ko ang bintana.
"Malamang kaya nga pinasusundo ko 'di ba daming tanong."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni mama nagmadali na kong mag hilamos at mumog para puntahan si bff sa kanilang bahay.
Makailang katok ay walang bumubukas sa pinto.
Mukhang na goyo na naman ako ni mama ah?
Ilang sandali bumukas ang pinto at...
"Bff!!" bungad ko ngunit ibang lalaki ang nagbukas nito.
Nawala ang malapad na ngiti sa aking labi maski ang mga paningin ko ay napatitig sa kanyang mala-ADONIS na katawan. Hindi ko napigilan na kagatin ang labi sabay tingin mula ulo hanggang paa.
Kanin na lang ang kulang.
"G-Good morning." Binalewala ko na ang kanyang hubad na katawan. Pumasok ako upang hanapin si bff.
"Bff, yuhoo...nandito ka na pala, bff?" Hinanap ko siya sa bawat corner ngunit wala.
"Excuse me." Lapit ng lalaki.
"Nasaan si bff, lumabas ba siya?"
"What??" Aba teka, englishero yata ang isang ito.
"I said, where's my bff? Lumabas ba siya?" Sa loob ng limang segundo saka ako nakarinig ng halakhak.
"Excuse me?" Naiinis kong wika, "Anong nakakatawa? Nasaan ba si bff? Si Tyron??!"
Lalong lumakas ang tawa nito dahilan para samaan ko siya ng tingin.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Iiling-iling itong nagtimpla ng coffee.
"Hoy, teka, sino ka ba? Bakit mo sinasabi yan? Aha! Stalker ka ano? Sinusundan mo ko? Paano ka nakapasok dito sa bahay ng Bff ko? Siguro kinaybigan mo siya para makita ako ano?!"
Tumigil lamang ito sa pagtimpla ng coffee pagkatapos na meywang pa ito sa mismong harapan ko para ipakitang may abs ito. Okay, alam kong adik ako sa abs pero no effect sa akin yan dahil sa taba lang ni Bff ako nababaliw.
"Hindi mo pa rin ba ko nakikilala?" Tinitigan ko ang kanyang pag-ngiti parang nakita ko na yon, eh.
"Tyron." Muli niyang wika.
Doon ako nagsisigaw dahil sa hindi ko ma-express yung nararamdaman ko.
"Ikaw na ba yan?!" Titig na titig ako sa kanyang buong katawan, "Paano!?" Sinamaan ko siya ng tingin, "Nag-dru-drugs ka ano?!" Pinisil pisil ko ang kanyang braso, "GRABE bAKIT MAY MUSCLE KA NA! PAANO NANGYARI YON?" hinaplos ko bahagya ang kanyang tiyan na may six pack abs, "Heto paano ka nagkaroon ng ganito?"
"For your info hindi ako nag-dru-drugs sariling sikap ito."
"Talaga ba? Paano? Sa loob ng anim na buwan biglaan kang naging ganyan?"
"Syempre, disiplina sa sarili ang ginawa ko upang makuha ang inaasam-asam kong katawan at ito na ngayon." Bumalik sa paghigop ng kape.
"Teka?? Bakit ikaw lang? Bakit di mo sinabi sa akin ang tungkol dito. Bakit hindi mo ko chinallenge para magpapayat din. Bakit? Bakit?"
"Ang ingay mo ginawa ko lang ito dahil ayoko nang tawaging mataba."
"Ikaw lang ba?" Mukmok ko.
"Gusto ko mabago ang pananaw ko sa sarili."
"Kahit ako rin naman, eh." Mukmok ko pa rin.
"At higit sa lahat." Nilapitan ako, "Para ipakita sa babaeng mahal ko na may ipagmamalaki siya sa akin not even my body."
"At---at si Cecil 'yun." Yumuko ako dahil may konteng inis akong naramdaman.
Pagkatingin ko muli ay nakakunot ang noo, "Maybe Cecil ginawa ko talaga ito para sa kanya mas bagay kasi kung pareho kaming maganda yung pangangatawan."
"Pero nakakatampo ka pa rin talaga." Nakasimangot na sabi ko.
"Huwag ka mag-alala bff ililibre kita."
"Huwag na."
"Araw-araw akong nasa gym niyo."
"Talaga, sige, sige, hindi na ako galit."
Inakbayan ako, "I miss you bff ko sa wakas."
"I miss you too." Niyakap ako, "Hoy, teka."
"Bakit? Matagal na nating ginagawa 'to di ba? Kung kailan matcho na ako saka ka pa nahiya dapat nga, ikatuwa mo 'yan dahil ako ang bff mo."
"Eh di sige, ikaw na. Maiilang na akong kasama ka dahil hindi na tayo parehong mataba."
"Okay lang 'yan gusto mo ako na ngayon ang fit instructor mo."
"Hehe."
"Bakit ayaw mo ba?"
"Uhm, mahirap, eh."
"Kaya mo 'yan."
"Sa susunod na lang hahaha..." Natahimik ito, "Bakit? "
"Sinagot mo na ba si Whence?"
"Gaya ng utos mo, hindi pa."
"Talaga?"
"Oo nga. Actually, may date kami mayang gabi, sama ka?"
"Puwede rin."
"Isama mo na rin si Cecil." Paanyaya ko.
"May date nga kami mamayang gabi."
"Talaga? Eh di double date na tayo! Sasagutin ko na rin siya!"
"Ano?!" Iritable niyang tanong.
"Bingi ba?"
"Sasagutin mo na?"
"Oo, tutal naka anim na buwan na siyang nanliligaw kaya panahon na para sagutin ko siya." Tinitigan niya ko. Ang hirap na tuloy niyang basahin dahil masyado siyang naging gwapo dahil payat na kanyang mukha.
Kamukha na niya si Richard Gutierrez.
"Bahala ka." Nag-suot ito ng sandong puti saka lumabas ng bahay nila.
Sinundan ko ito, "Mag-kuwento ka naman sa pagbabakasyon mo."
"Ayun, trabaho at gym lang ang inasikaso roon."
"So, puwede mo ba sabihin sa akin kung bakit nag transformed ka ng ganyan? Alam ko naman na ayaw mong matuksong mataba."
"Gaya ng sabi ko para bumagay kami ni Cecil. Actually palagi nga kami nag-vi-video call."
"Ah ganon? Madalas pa kayo ng dalawa kaysa sa akin?"
"Heto, nagtampo pa syempre, isinisingit pa kita."
"Oo nga kaya pala ayaw mo ipakita yang mukha at katawan mo kasi nag-evolved ka na."
"HAHAHA." nakarating kami sa bahay.
"Oh my God, Tyron?" ayan na si Mama, "Ikaw na ba yan?"
"Yes, tita ako na nga po," Naupo siya upang kumain.
"Paano nangyari??"
"Diet and exercise."
"Wow, mabuti ka pa pinagtiyagaan mo ang pag-diet at exercise." Mapanuksong tingin sa akin.
"Ma stop oo na siya na pumayat at ako na hindi." Lumamon na lang ako kaysa makipagbiruan sa dalawa.
Kung magkuwento yung dalawang parang ilang taon hindi nagkita.
"Sabay na tayo pumasok bukas bff ha?"
"Ha?"
"Sabay daw kayo pumasok sa University." Epal ni mama
"Ahh." Tumayo ako para mag toothbrush.
"Yane, mauna na ko ha? Alam mo na madami pa kaming gagawin nila Mareng Sabel."
"Okay," sigaw ko mula rito sa kusina.
Tumahimik ang palagid alam kong kumakain si bff.
Pero...
Teka kumakain pa kaya siya ng marami?
Baka hindi na rin siguro.
"Anong iniisip mo?" Naibuga ko ang bula ng toothpaste sa lababo mabuti nga hindi sa mukha niya.
"Bakit ba bigla ka sumusulpot?" Siya na balak maghugas ng plato, "Hoy, ako na riyan. "
"Ako na."
"Ako na lang," Pilit ko.
"Hindi ako na," Inagaw ang sponge.
"Ang kulit mo, ako na nga lang."
"Mas makulit ka ako na lang nga kasi ginagawa ko naman ito dati 'di ba?"
"Dati yun, hindi ngayon," Kagat labi kong wika.
"Teka." Ibinaba nito ang sponge. Nagsalubong ang mga kilay nakaharap, "Kahit may nagbago sa akin ako pa rin ito ganyan na ba iniisip mo?"
"H-hindi naman sa ganoon,"
"Ako pa rin ito si bff mo baka naman iwasan mo na ko niyan dahil sa malaking pagbabago ko."
"Hindi, Uhm, I mean haay okay, ang laki na kasi ng pinagbago mo parang aware na sa akin ang lahat." Nahihiya kong wika.
"Bff, hindi ka ba masaya dahil natupad na pangarap ko?" Hinalikan ang noo ko. Ang sweet niya. SOBRA.
"HAPPY."
"Pero mas maganda siguro kung pareho tayong happy, tama?"
"Oo naman,"
"Kaya---" Humiwalay sa akin. "Magpapapayat ka na,"
"What?"
"Sa ayaw at gusto mo di ba balak mong sagutin si Whence hindi ba dapat ito na 'yong chance para magawa na natin 'yong Operation: Finding Love?"
Napa-isip ako ng malalim bago siya tingnan sa mga mata. Alam kong mahihirapan ako sa idea niya pero---Go Yane! Kayang kaya mo ito.
Maghapon kaming gumala sa mall panay ako kain habang siya titig na titig pero pansin kong tahimik ito at walang kibo.
"Bff?"
"Po?"
"Okay ka lang?"
"Oo,"
"Gusto mo ba?"
"Hindi, sa iyo na lang." Itinigil ko ang aking kinakain at masinsinan ko siyang tinitigan.
"Hindi ka ba nahihirapan?"
"Saan?"
"Na ganito. Alam kong mahina ka pagdating sa pagkain."
"Ah..."
"Ano ba ginawa mo para mapigilan?"
"Iniisip ko lang na kapag nalagpasan ko ito mangyayari ang gusto ko. Mahirap oo sobrang hirap pero kapag nakikita mong worth it naman ang hirap mo mapapangiti ka na lang talaga."
"Talaga?"
"Oo, mauunawaan mo ko kung gagawin mo rin yung mga ginawa ko." Kukurap-kurap akong kumain. Iyun nga lang may mga epal sa likuran ko.
"Are you sure na mag-jowa sila? Sa taba ng babae at gandang lalaki napakalabo talaga." Wika ng babae.
Nagkatinginan kami ni bff.
"Ano ka ba uso na kaya 'yan mataba bagay sa matcho." Satsat ng isang girl.
Sumimangot si bff.
"Kaya lang, bulag yata si kuya sa laki ng babaeng yan hindi siya nandidiri?"
Gusto ko silang sugurin pero pinigilan lamang ako. Pinatabi niya ko sa tabi nito kaya kita ko na ang pagmumukha ng mga babae.
Pambihira nga, eh.
Kung maka-taba sa akin akala mo sila hindi matataba pak ang kakapal pa ng lipstick!
"Sweet love, kumain ka lang ng kumain ha? Mamaya alam mo na..." Nanlaki mata ko sa ginawa nito
"Sakyan mo na lang ang gagawin ko bff sarap salaksakin ang mga ito eh akala nila kay puputi ng kili-kili." Nagbungisngisan kami.
"Alam mo beks nandidiri talaga ako at nasusuka na rin." Satsat ng babae.
"Sweet Love, may gift nga pala ako sa iyo," May kinapa siya sa bulsa habang abala akong nakatingin sa dalawang babae. Inis na inis naka tingin sa amin. "Love," Pagtingin ko may hawak si bff ng isang ring lumuhod siya na may ngiti.
Yung itsura niyang parang seryoso? Hindi mo kakikitaan na nagbibiro lang. Haay, bakit ganoon nararamdaman ko, bakit parang totoo itong gagawin niya?
Maraming tao ang nakatingin sa amin ni bff.
Hala, ano bang eksena 'ito?
"Bff, tumayo ka na," Bulong ko.
"Love, Will you marry me?" Gusto ko talaga matawa sa ginagawa niya.
Bulungan at tila mga kinikilig ang ilan sa ginawa ng kasama ko.
Kakaiba raw ang eksena namin dahil bagay daw kami. Uso na raw kasi yung mataba sa matcho. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
"Sagot ka na!"
"Whoooy!"
"Sasagutin na 'yan, Choosey ka pa ba ate ang guwapo at matcho ng mapapangasawa mo!"
Wala na akong choice kundi sumagot ng oo at isuot sa akin ang ring.
Madali naka move on ang mga tao at umalis sa kinakainan namin muli kong nilingon ang dalawang babae na galit na galit.
Mamatay kayo sa inggit, booom!
"Sira-ulo ka talaga bff!" Suntok ko nang makalayo kami.
"Oh, 'di ba ang ganda ng eksena naranasan mo na may nag proposed?"
"Sira-ulo."
"Haha."Tatanggalin ko na sana itong singsing ng pigilan nito, "Regalo ko talaga sa iyo 'yan f-friendship ring."
"Bakit ngayon mo lang ako binigyan ng ganito? Ang tagal na nating magkaibigan ah?"
"Nang makabawi bago ko suotan ng wedding ring si Cecil syempre ikaw na muna."
"Wedding ring kaagad?"
"Oo naman."
"Kayo na ba?" ngumiti lamang, "Ano kayo na ba?"
"Bff, sorry kung ngayon ko lang sasabihin ah? Actually, simula pa ng umalis ako girlfriend ko na si Cecil."
"Naitago mo sa akin 'yon? Teka, bakit pinagbawalan mo ko na sagutin kaagad si Whence eh ikaw rin naman pala itong hindi na pala single!"
"Relax." ngisi nito.
"Kainis ka!" Inirapan ko ng husto.
"Payag na akong sagutin mo si Whence."
Gusto ko talaga magtampo.
Ang daya naman niya.
Eh di sana kami na noon pa ni Whence.
"Hey! Yane and Tyron! Nandito na kaagad kayo?" Speaking of Cecil.
Kasama si Whence.
Maaga pa bakit nandito na sila?
"Hi Yane." Bati ni Whence.
"Hello." Wala kong ganang wika.
"Tyron, tutal nandito na rin tayong apat bakit hindi kaya ngayon na tayo kumain double date." Lumapit ito kay bff.
Buntong-hininga akong lumapit sa isang boutique ng mga dress para makapili ng damit saka busog pa naman ako bahala sila wala akong gana kausapin sila.
"Miss may ibang size pa kayo?" Matapos kong isukat ang dress pero di naman kasya.
Assuming lang.
"Sorry po pero last size na po yang triple XL." hindi ko alam kong natatawa siya o ano.
"Ah ganoon ba?" Naghanap ako ng ibang dress ngunit yung isang pinili ko hindi pa rin kasya, "Miss, may size pa ba rito na sumunod?"
Tinitigan niya ko sabay irap, "Miss, hanggang Triple XL na lang talaga ang available sa store namin. Bakit di niyo subukan na magpasadya na lang kaysa nahihirapan kayo ng ganyan."
Mapait akong ngumiti at ibinalik ang dress. Pang-iinsulto pero totoo. Ito yung feeling na gusto mo suotin pero hindi kasya.
Lalabas na sana ako sa store ng marinig kong may nagagalit na lalaki sa harap ng sales lady.
"Kung gusto niyong makabenta dapat kung anong hanapin ng customer mayroon kayo. Puwede ba yung mang-iinsulto ka pa ng tao? Customers is always right, tandaan mo 'yan."
"Pero sir wala po talaga kaming ganoong size masyado po kasing malaki yung babae kaya tingin ko dapat na magpasadya na lang siya."
"And dapat ba na sabihin mo yan? Kilala mo ba yung tao para pagsalitain mo siya ng ganyan? Ako nga na kaibigan niya never ko siyang sinabihan na magpasadya ng damit tapos ikaw na isang sales lady?"
Lumapit na ko at hinila na palayo. "Bff, tama na 'yan."
"Bakit hindi mo sinagot?" Dinuro ang sales lady. "Ang kilala kong Yane, yung matapang at palaban."
"Tama naman kasi siya nag-asam pa ko na makakahanap ako ng size rito na imposible naman na makita," Hinigpitan lamang niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Yane." Sinamaan ng tingin ang babae bago kami lumabas ng store.
Nasa labas ng store ang dalawa kaya nakita nilang magkahawak kami ni bff.
Pasimple akong bumitaw kay bff dahil ang tingin ni Cecil sobrang sama na.
"Okay ka lang ba Yane?" Hinawakan ni Whence ang braso ko para lumayo sa dalawa, "Nakita ko yung ginawa ng babae sa iyo okay ka lang ba?"
"Wala ito malayo sa bituka."
"Talaga?"
"Oo naman so, ano double date na ba? Gutom na naman ako."
"Okay." Inilahad nito ang kamay para mag holding hands kami.
"Ang laki ng pinayat ng bff mo. Ang laki ng improvement." Sambit nito habang naglakad-lakad at tumitingin na puwede namin kainan.
"Nakaka-gulat nga,eh."
"Parang mas naging angat pa siya ngayon sa akin." Kakamot-kamot niyang wika.
"Parehas lang kayo."
"Sino ba mas guwapo sa amin?"
"Parehas nga kayo."
"Ayoko ng ganoon, gusto ko kasi ako lang ang mas guwapo." Humalakhak ako ng husto. Binaswitan ako ni bff na ngayon ay nasa likod namin.
"Dito na lang tayo." Nauna silang pumasok sa isang restaurant kasunod kami ni Whence.
Bale ang itsura ng upo namin katabi ko si Whence at katapat ko si Bff habang katapat ni Cecil si Whence.
"Order na tayo." Satsat ni Cecil habang kapit na kapit sa bff ko.
"You know what Tyron sobrang humahanga na talaga ako sa iyo ang matcho at guwapo mo. Gustong-gusto ko talaga yang ganyang katawan."
"Ows talaga? Samantalang dati sinabi niya rito gusto raw mataba dahil malakas ang dating tapos ngayon biglang nagbago ang ihip ng hangin." Mahinang-mahina kong sabi sa sarili.
"May sinasabi ka ba Yane?" Si Whence na ang nagtanong.
"Sabi ko kung ano na lang order mo ganoon din sa akin." Napasulyap ako kay Bff na masama ang tingin sa amin ni Whence.
"So, kumusta ang pag-aaral natin?" Usisa ni bff.
"Okay naman pre." Si Whence. Hinawakan niya ang kamay ko kaya mas lalo nagbago ang awra ng mukha ng kaibigan ko.
Hindi ko alam kung nagfefeeling ako pero yun ang nakikita ko.
"Ako ganoon pa rin, cheerleader." ngiting sagot ni Cecil habang panay haplos sa muscle ng katabi.
"Mabuti naman ikaw ba bff?" Nagulat ako ng tanungin niya.
"Usual ganoon pa rin nagbago na yata ang lahat siya lang ang hindi." Ngumisi ito sa harap ko.
"Cecil." Awat ni Whence
"Love." Awat din ni bff.
"Ganoon talaga hindi ko siguro dapat baguhin ang sarili ko para lang mapansin ng ibang tao."
"Tama ka Yane para sa akin sapat ka na." Si Whence.
"Thank you." Dumating ang mga order at nag-usap-usap tungkol sa pagbabago ni bff.
Three months lang pala at talagang pumayat si Bff dahil sa diet and exercise niyang ginawa tapos yung three months pa doon nasanay katawan niya sa ganoong set up. Mahirap daw noong ikalawang buwan dahil sobrang hindi niya kayang paglabanan na kaonti lang ang kainin at puro prutas lang.
Sa awa ng Dios nalagpasan niya ang pagsubok at heto ang resulta. Ang 200 pounds ngayon ay 89 pounds na lang, with abs and muscles yummy kung tutuusin.
"Naalala mo ba 'yong sinabi mo sa akin last time?"
"Ang alin?"
"Yung sasagutin mo ako after 6 months. Alam mo ba sobra akong naaatat na dumating yon."
"Oo nga eh,"
"Uhm Yane."
"Ohh?"
"Pwede ba na maging girlfriend ka?" Hinawakan ang aking mga kamay.
"Oo Whence, payag ako sinasagot na kita." Tulala itong nakatitig sa akin. "Hey, I said YES!"
"T-talaga? Whoooooo! Sinasagot mo ko? Whoooooo!"
Niyakap niya ko ng sobrang higpit at halik na tila nang gigigil.
Sa oras na ito ang naiisip ko lang ang lips niya. Uhm ang sarap niyang humalik. Grabe, heaven!
"Tara?"
"Saan?"
"Sa bahay."
"Ipapakilala mo kaagad ako sa mommy at daddy mo?"
"Wala sila ngayon sa bahay out of town." Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Ah, siguro kapag umaga na at nandoon sila."
"Bakit ayaw mo ipagluluto kita."
"Ah eh."
"Tara na maglakad na lang tayo." Malambing niya kong hinawakan sa kamay para maglakad.
Nakarating kami sa bahay nila mabuti na lang talaga bago pumatak ang malakas na ulan ay nasa loob na kami.
"Nice .aginaw ngayon." Nangilabot ako.
"Oo nga eh siguro after nitong tumila yung ulan uuwi na ako."
"Kaagad?"
"Ha?" Inaabot ang tuwalya.
"Gutom ka na ba ulit?"
"Hindi pa naman medyo busog pa ko."
"Sige ipagtimpla kita ng gatas." Pumasok ito sa kusina pero sinundan ko.
"Ikaw lang talaga ba nandito ngayon? Nasaan mga kasambahay niyo?"
"Nasa kabilang bahay hindi sila nag-i-istay dito tuwing gabi."
"Ah."
"Bakit?"
"Wala."
Pinaubos sa akin ang gatas pagkatapos ay naupo kami sa sofa dahil naglalaro ito ng PSP. Abalang-abala nga ito eh akala ko kinalimutan na ako.
"Ano ba call sign natin?" nagsalita rin.
"Anything?"
"Anything what?"
"Kahit ano nalang..."
"Okay, Yeng and Yang na lang. Ikaw ang Yeng ko at ako ang Yang mo."
"Naks, maganda."
"Tara nga rito, sorry ah adik kasi ang Yang sa PSP."
"Uso pa pala?"
"Oo naman." Yakap niya ko.
He quickly grabbed my shoulder. He slowly put the lips. I felt happy because he does tickle the kissing my lips down to the shoulder to chest. Providers begin to move with his hands somewhere strong increase of plume prevailed in my whole body.
Alam ko na kung saan papunta ito kaya hinanda ko na ang aking sarili.
He removed the hook of my bra, the obey clothing as I leave wetsuit top. He saw the most hidden hiding my chest. Like a child eagerly suck on breast. In this case there was something I felt. As if to say my body I like he does me.
Hinawakan niya ang aking kamay at sabay halik.
"You are mine now." Bulong nito bago muling angkinin ang aking labi.