Nakatanga lamang ako rito sa harap ng laptop habang abala ang ibang tao sa pag-gi-gym. Ramdam ko pa rin kasi ang hapdi ng pagkababae ko. Ang sabi raw ng iba para mawala ang sakit kailangan ulitin. So, ibig sabihin uulitin namin ni Bff ang chukchakan.
Sa sobrang pagka-curious ko nag-search ako sa google about sex. Base sa mga na basa ko tama nga ulitin ang sex ngunit masuka-suka ako. Gusto ko pa nga ba gawin ito para mawala lang ang hapdi. Omg, no way.
Pero inaalala ko muli ang sinabi ni Bff. Sana raw ay FUBU na kami so ibig sabihin anytime puwede namin gawin ang bagay na 'yon kapag pareho kami ng pangangailangan? Hindi ba parang ang sama? Ginagawa namin ang bagay na 'yon na para lamang sa mag-asawa?
"Ano 'yan?" Isinara ko kaagad ang laptop at sabay tayo.
"Wala."
"May sinesearch ka about sex." Halos manlaki mata ko sa sinabi nito, "Tama ba nakita ko gusto mo na ba magkaroon ng experience?"
Tikhim lumalapit si Bff, "Anong problema rito?"
"Gusto na raw ni Yane magkaroon ng experience sa sex at sa akin daw niya gusto subukan."
Ikinagulat namin pareho ni Bff ang kasinungalingan ni Whence at halos lamunin ni Bff ng tingin ang lalaking katabi ko.
"W-wala akong sinabi na ganyan bawiin mo 'yan, Whence." paki-usap ko.
"Eh, ano ba ibig sabihin no'n? Gusto mo matuto sa sex, malamang sa akin mo lang dapat gawin 'yon, di ba?"
"Hindi lahat pa tungkol sa iyo," banat ni Tyron.
"Talaga? Kanino ba dapat, sa iyo?" up and down tiningnan si Bff. "Baka hingalin ka kaagad kapag nag-sex kayo ni Yane."
Iyon ang akala mo, Whence magaling kaya si Bff ko.
"Anong sabi mo?" handa ng sumugod ni Bff ngunit na pigilan ko kaagad.
"Tama na 'yan." awat ko.
"Bff, ganyan ba pinapangarap mo maging boyfriend bastos ang bunganga?!"
"Tama na." Paki-usap ko sa dalawa.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo Yane. Do you think na magaling siya? Matitiim mo ba na siya maka-una sa iyo kahit hindi siya magaling?"
"Tama na Whence." kay Bff ako tumingin, "Bff, umuwi ka na muna."
"Bakit ako ang kailangan umuwi rito? Ako ba nang gulo?"
"Sige na mag-usap zna lang tayo mamaya."
Sumenyas ng kung ano si Bff bago magsalita, "Hindi pa tayo tapos." saka lumabas ng gym.
Sa inis ko nakuha kong sampalin si Whence sa harap ng maraming tao. Ikinagulat nito ang ginawa ko sa kanya.
"Next time piliin mo naman kung sino ang babastusin. Kaibigan ko pa rin yong pinahiya mo. Paano tayo magkakasundo kung yong mga importanteng tao sa buhay ko hindi mo iginagalang?"
"Sorry na bigla lang ako, sorry talaga."
"Sige, makaka-alis ka na." sabay talikod ko.
Bastos din pala ang isang ito. Naturingan ngang guwapo pero walang modo.
"Yane, sorry na please."
"Saka na lang tayo mag-usap kung hindi mo na mamata-matahin ang kaibigan ko."
"Hindi ko sinasadya alam ko rin na mas importante yong taong 'yon kaysa sa akin. Ano ba naman kasi laban ko 'ron."
"Mag-usap na lang tayo sa susunod."
"Mag-te-text ako. Magkita tayo at kapag nagpunta ka ibig sabihin gusto mo rin ako at kapag hindi ka nagpunta ititigil ko ang panliligaw sa iyo."
Matapos nitong lumabas ng room saka ako nakatanggap ng message mula kay Bff.
"Umuwi ka kaagad, ipagluluto kita ng favorite mong chicken feet." May isang message pa pero mula naman ito kay Whence.
"Magkita tayo sa park ng subdivision mamayang gabi at sana magpunta ka."
Sino ba pupuntahan ko?
Si Bff na hinihintay akong umuwi o si Whence na maghihintayin sa court para ayusin ito? Kung hindi ko sisiputin si bff baka isipin niyang iniiwasan ko siya pero kung si Whence ang hindi ko sisiputin ititigil na niya ang panliligaw. Ang hirap mag isip. Mahirap pala kung sina bff and manliligaw ay nagsabay.
Baka pumayat na ko nito sa sobrang stress. Like duh, in my dreams.
Ilang oras akong isip nang isip. Dalawang lalaki ang sumasagi. Until now hindi pa rin ako makapag-decide. Bakit kapag math, ang dali lang sagutin, pero kapag related sa pag-ibig ang hirap mag-decide kung sino pipiliin.
"Bff, luto na chicken feet hihintayin kita. Sabay na tayo kumain." muling mensahe.
Re-replayan ko na sana pero pumasok sa gym para mag-in. After one hour, balak ko nang magsara dahil wala na rin tao. Pagkasara, bumungad kaagad sa akin si Whence, nakasandal sa motor hawak ang helmet.
"Yane, ang tagal mo kaya sinundo na kita," inabot ang helmet. "Back ride na?"
"Sigurado ka ba na i-ba-back ride mo ko?" Mas malaki pa yata ako sa motor niya. Kaya ang ending, pareho kami naglakad pauwi. Sa tagal ng paglalakad nakapag-kwentuhan na kami.
Hingi ito nang hingi ng paumanhin sa nangyari kanina.
"Ipagpapatuloy ko ang panliligaw."
"Bahala ka."
"Kailan mo ko balak sagutin?"
"Sagutin ba kaagad? Hindi ko pa nga nalalaman ang ugali mo."
"Ganoon din naman 'yon!"
"Gusto mo ba talaga ako?" Huminto kami sa tapat ng bahay namin.
"Liligawan ba kita kung hindi? Malamang, kahit heavy ka." Hindi ko alam kung maiinis ba ko o kikiligin.
"Kaya mong maghintay ng six months?"
"Six months? Bakit ang tagal naman."
"May reklamo ka? 'yung iba nga umaabot pa sa isang taon, dalawa o tatlo tapos six months lang nagrereklamo ka na."
"No way! Hindi ako nagrereklamo, naisip ko rin na mabilis lang naman ang six months kaya lang saan ka ba pupunta, aalis ka?"
"Hindi pero basta six months kapag nahintay mo ko sasagutin kita."
"Hindi na ako makapaghintay,"
"Ako rin hindi na makapaghintay." Sabay kami lumingon sa gate nila bff. "Kanina ka pa riyan may balak
ka pa ba umuwi gabing-gabi na kailangan ng magpahinga ng bff ko." He crossed arms.
Ngumiti sa akin si Whence. "Mukhang na gagalit na naman ang gwardya sibil mo." Yumakap.
"Whoooy! Ano ba yan itigil niyo nga yan! Damn nakakahiya ginagawa niyo!" Nag-iingay na wika ni bff.
"Bye Whence."
"Bye Yane." Sumakay na ito sa motor at tuluyang umalis.
Titig na titig ang kaibigan ko ng pumasok ako sa gate namin.
"What?"
"Anong what? Hinintay kita hindi ka man lang sumasagot sa tawag at text ko."
"Sorry." Tinalikuran ko na tapos hinila pa ko, "Ano ba?"
"May chicken feet pa sa bahay."
"Bukas na lang baka nagluto si mama ng ibang ulam."
"I think, walang tao sa bahay niyo."
"Ha?" Tinignan ko ang phone ko may message si mama at sa kaibigan niya ito matutulog. "Si mama kung kailan tumatanda saka nagiging gala!" Hinatak niya ko papasok sa kanilang bahay.
"Kumain ka na riyan," Pinaupo ako sa tapat ng lamesa. He breathe deep.
"May problema ka ba?"
"Napa-aga alis ko." bakas sa mukha nito ang kalungkutan.
"Talaga? Kailan?"
"Bukas ng umaga."
"Ano kaagad?! Bakit naman?!"
"Ayoko na magkuwento." Naka-nguso niyang wika, "Nalulungkot lang ako kapag pinag-uusapan ang pag-alis ko."
Pinagpatuloy ko ang pagkain habang siya ay nakatingin lamang hanggang sa matapos ay ganoon pa rin.
"Dito ka na lang kaya matulog?" Nasamid ako kaya inabutan kaagad ng tubig, "Wala kang kasama isa pa, tipid sa kuryente. Alam mo naman si Tita Gie kapag sobrang taas ng bill sa iyo nagagalit."
"Paano mo nalaman yun?"
"Alarm clock ko kaya si tita sa lakas ng boses talagang magigising ako." He giggle.
"Hehehe..."
"Ano dito ka na lang matulog ha? Tapos nuod tayo sulitin na natin dahil anim na buwan walang tao rito."
"Oo na." Niligpit ko ang pinagkainan at hinugasan, "Saan ba ako matutulog? Sa kwarto ba ng mama at dad mo?"
"Malamang----sa tabi ko." Tawa nang tawa ito ng pumasok sa kanyang kwarto.
Sumunod kaagad ako ng matapos sa ginagawa. Nakadapa ito dahan-dahan na kong nahiga sa kama niya. Hindi kasi ako sanay sa lapag matulog.
"Yane,"
"Uhm..." Ingat na ingat kong tugon.
"Mamimiss kita," Tumihaya ito. "Mamimiss ko ang bff ko."
"Me too." Yumakap sa akin at isinubsob ang mukha sa aking dibdib. Alam kong rinig na rinig nito ang pag-tibok ng puso ko.
"Puwede ba maging akin ka ulit ngayong gabi?" Sa sinabi nito alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Gusto niyang may mangyari sa amin.
"NO BFF."
"Bakit? Ayaw mo ba? I need you, aalis na ko bukas. Matagal tayo bago magkita."
"Alam mo mali ito,eh. Hindi ko dapat pinapatulan ang kalokohan mo."
"Pero ginawa mo.Nag-enjoy ka."
"Oo,nag-enjoy nga ko pero mali talaga itong ginagawa natin."
"Mali?! Sana bago ka bumukaka sa harap ko ,inisip mo munang mali pala 'to."