TYRON'S POINT OF VIEW
"Wala pa rin ba siya?" Kanina ko pa hinihintay ang tagal naman at saan pa ba nagsusuot ang baboy kong kaibigan.
"Sundan mo na kaya?" Utos ni Whence.
"Bakit ko naman gagawin 'yun? Ikaw ang BOYFRIEND 'di ba?" Sarap sapakin kapag sa maayos na nangyayari OK siya kapag hindi na bahala na.
"Mauuna na kami ni Cecil." Lumingon ako sa girlfriend ko, "May usapan kasi ang barkada ngayong hapon."
"Sorry babe till next time na lang ha? Ikaw na bahala sa kaibigan mo." Hinalik-halikan niya ko sa pisngi bago umalis at iwan mag-isa rito sa parking lot.
Saan ko hahanapin ang magaling kong kaibigan baka nag-man hunting na naman yun!
Taranta akong pumasok sa kotse dahil nandito na naman kasi yung mga habol ng habol sa akin sa University. Nakakaloko lang dahil kung dati sobra kung manghusga tapos ngayon todo habol at may kasama pangtili.
Hinintay ko muna humupa ang tensyon bago lumabas sa kotse.
"Tyron, hey bakit pinagtataguan mo kami?"
"Sorry girls, may inayos lang sa loob."
"Oh my giii, Tyron ang laki na talaga ng pinagbago mo puwede bang akin ka na lang?" Maraming nag protesta sa sinabi ng isang babae.
"Stop na actually may gagawin pa kasi ako sa susunod na lang siguro tayo mag-usap-usap ha?"
Mga nakasimangot ng bumalik ako sa loob kotse at pinaandar ito.
Sinusubukan kong tawagan si bff ngunit nakapatay ang cellphone.
Walang hiyang Yane!
Saan ba siya nagsususuot?
Nyeta.
Napag-desisyunan kong umuwi dahil baka sakali na nandoon na siya ngunit wala ng tanungin ko kay Tita Giebeth.
"Kingina bata 'yan! Irereport na ba natin sa mga pulis?" Bahagya akong natawa sa biro ni tita.
"Tita hindi naman po siguro na kidnap ang anak niyo sa laki ba naman niya baka sa paghatak lang hirap na hirap na 'yong kidnapper." Hindi ko na pigilang tumawa kahit sa itsura nito na hindi natatawa, "Ay, sorry po tita nagbibiro lang ako." Malapad na ngiti ko siyang tiningnan.
"HAHAHA! Kung alam mo lang bet na bet ko yang biro mo." Ako itong nawalan ng kibo, "Ano? I-report na ba natin?"
"Tita hindi pa lumilipas ang isang oras kaya hindi pa tayo maaaring mag report sa mga pulis na nawawala si Yane."
"Oo nga pala!" Relax na relax itong umupo sa sofa at kumain ng butong pakwan, "Baka lumalamon lang 'yun kung saan hayaan mo siya."
"Hindi po ba dapat kasama niya ko dahil ako lang naman ang buddy niya pagdating sa pagkain?" Up and down niyang tiningnan ang katawan ko.
"Seriously? Lumalafang ka pa ng ganyan eh akala ko ba proper diet ang ginagawa mo?"
"Oo nga po kaya lang hindi ko matiis si Yane bumabawi na lang ako sa pagpapapawis."
"Ganoon ba? Bakit di mo subukang ayain si Yane sa ginagawa mong goal? alam mo naman na conscious na conscious na ko sa katawan niya."
"Ginawa ko na yan tita pero parang wala namang balak eh."
"Hindi ba siya nahihiya boyfriend niya kamo si Whence tapos siya..."
"Baka naman po talagang seryoso si Whence."
Pero sa totoo lang hindi ko siya gusto para sa kaibigan ko. Halatang pinaglalaruan niya lamang ang damdamin ng mataba kong bff. Tsk.
"Make sure seryoso talaga siya dahil once na malaman kong pinaglalaruan lang niya si Yane hmp, humanda sa akin ang angkan niya!"
Kung titingnan napaka bully niyang mama kay Yane pero kapag usapang lokohan? Aaah...magtago na sila sa sinapupunan ng kanilang nanay dahil kilalang nugger si Tita Giebeth.
"Uuwi na muna po ako."
"Oh bakit?"
"Magpapalit lang ng damit. Hahanapin ko siya sa lugar kung saan kami tumatambay."
"Sige lang, sabihan mo kaagad ako para hindi ako mahibang kakahintay sa baliw kong anak. Hayaan mo at ipagtatanong tanong ko rito sa subdivision."
Lumakad sko at nagbihis ng damit. Hindi ko alam kung may pag-asang makita siya pero ayoko pa rin mag-isip na may nangyari sa kanyang masama.
Nandito na ako sa coffee shop ngunit wala. Nagpunta ako sa fym nila ngunit wala rin. Maski sa restaurant na pinagtatambayan namin ay wala. Ngunit para malaman ko kung magkasama na sila ni Whence ay nagtungo ako sa kanilang bahay.
"Wala pa rin ba siya?" Nakatingin lamang ito sa malayo, "Saan naman siya magpupunta? Hindi ko nga siya makontak kanina pa eh." Sa akin na lumingon.
"Hinanap ko na siya kung saan." Sinilip ko muli ang relo ko pasado ala sais na nang gabi.
"Hindi kaya nasa University pa siya?"
"Bakit anong gagawin niya roon?"
"Ewan feeling ko lang tara." Aya nito at sumakay siya sa kotse ko ngunit pagkarating hindi kami pinapasok dahil may ginaganap na event sa dulo ng school. May vip ticket na dapat ipakita ngunit wala naman kami nun.
May na pagtanungan kami pero wala raw itong napansin at kung mayroon man ay kaagad nilang sasabihin sa amin.
Halos dalawang oras kami naghintay sa gate nagbabakasakaling papasukin kami dahil sa awa ngunit sa kabila ng katahimikan may umalingawngaw na putok ng baril sa loob.
Hindi kami nag aksaya ng oras ni Whence upang alamin kung saan nang galing ang putok na 'yon. May kasunuran kaming dalawang security guard na nagmamadaling pumasok.
"Babe..." Tulalang wika ni Whence habang nakatanaw sa di kalayuan.
Lumingon ako kung saan siya naka tingin at 'yon na nga si bff nakita na namin ngunit naka bulagta ito sa sahig at walang malay.
Ang mga kalalakihan na nasa sampu ay tinutukan ng dalawang security guard pagdakay may mga ibang security pang dumating. Tinapik lamang ako ni Whence dahil nakita nitong nawala ako sa huwisyon. Pinanuod kong sumisigaw si Whence para dalhin sa hospital si Yane.
"Yaneeeeeee! Anak!!!" Labis ang pag-ngawa ni tita ng ipaalam ko ang nangyari sa kanyang anak sino ba kasi hindi iiyak ng ganito.
May tama ng bala si Yane sa tagiliran at maraming dugo ang nawala kaya hindi naging maganda ang kondisyon nito.
"Jusko naman Yane bakit kasi gumagala ka pa," balak yatang gibain ni tita ang pintuan ng ER dahil sa labis na pag-aalala.
"Tita, magiging okay din po si Yane siya pa ba?" Paglalakas loob ko rito.
Tulala si Whence naka upo sa upuan na nagbabakasaling lumabas na ang doktor.
"Kung hindi ka siguro lumayo sa girlfriend mo baka hindi siya napahamak." Nag lack ang gum ko sa inis.
Parang hindi nag-alala sa kalagayan ng kaibigan ko, kainis.
"Bakit mo ba sinasabi sa akin 'yan? Nandito ba ko para pakinggan yang wala mong kwentang panenermon?"
"Bakit hindi? Responsibilidad mo yatang ihatid-sundo ang girlfriend mo Whence." mariin kong tawag sa pangalan nito.
Tumingin ito kay tita saka nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Halatang plastic ang pagmumukha. Nakakainis bakit ba ko pumayag na ganito mangyari.
"Okay kasalanan ko man o hindi puwede ba huwag na tayo magsisihan may magagawa ba yang panunubat mo para maging okay lang si Yane?"
Dinampi ni tita ang balikat nito ng upang kumalma ako kahit paano. Pagkatapos lumabas na ang doctor sinabi nito sa amin na stable ang kalagayan ni bff natanggal na rin ang balang bumaon sa kanyang katawan. Labis-labis ang pasalamat ni tita dahil sa ligtas na buhay ni bff.
NAKALIPAS ang dalawang araw na pagpapahinga ni bff nakalabas na ito sa hospital namilit itong palabasin na dahil inip na inip.
"Ma." Nag-umpisa na naman yumakap si Yane kay tita.
"Oh ano?"
"Ma, hindi po ako papasok tutal tinatapos ko lang itong thesis ko."
"Mas mainam bawas gastos sa baon."
"Ma, naman eh."
"Gutumin mo muna ang sarili mo dahil malapit na fiesta rito sa atin."
"No way hindi ko kaya baka nga walang pumasok na ideua sa sintido ko about thesis."
"Hindi ka pa mamamatay kung 'di ka kumain sa loob ng tatlong araw hindi ba?"
"Grabe ka talaga mama ano? Samantalang noong nasa hospital ako todo alala ka tapos ngayon---"
"Iba kasi yun doon kasi may chance namamatay ka eh sa tatlong araw ba naman na walang kain at tanging inom lang ng tubig ikamamatay mo ba 'yon?"
"Ah ewan!" Inirapan ako, "Magsama kayong may mga saltik!" Padabog itong naglakad sa stairs at dahil sa heavy gat niyang katawan parang nagka crack ang hagdanan.
"Bakit po siya nagpunta sa itaas? Akala ko po ba ayaw niya magpunta roon?" usisa ko.
"Doon ngayon gumagawa ng thesis niya mas nagiging panatag daw isipan niya kapag nakikita yung picture ng papa niya."
"Eh bakit kasi hindi na lang niya ilipat sa kuwarto?"
"Araw-araw daw siya malulungkot kung ganoon ang gagawin niya maski nga ako ay hindi na rin doon natutulog dahil nalulungkot lang ako kapag naaalala ko ang asawa kong 'yon."
Kung sa bagay.
Nagpaalam na ako para umuwi ang layo kasi ng uuwian ko, char.
Nag-text sa akin si Cecil at inaaya akong maggayak para sa darating na fiesta. Naki-usap na sanang doon ako tumuloy sa bahay nila para pag-usapan ang tungkol sa amin. Kaagad akong pumayag pero bago yon ay pinadaan niya muna ako sa kanilang bahay para kunin ang banderitas.
Hindi pa man ako nakakapasok sa bahay nila ibinigay kaagad sa akin ng kasambahay ang banderitas panay kasi pa cute ito sa akin.
"Ang laki talaga ng pinayat mo Tyron." Aniya.
"Salamat."
"Yung kaibigan mong mataba pumayat na rin ba?"
"Ah si Yane hindi pa nga."
"Bakit di mo tulungan para pumayat din?" May biglang lumabas mula sa garden na isang lalaki.
Sa palagay ko isa ito sa mga hardinyero nila Cecil.
"Maganda si Yane kung hindi lang talaga mataba baka niligawan ko na siya." Kunot noo ko siyang tiningnan kaya siniko siya ng babaeng kasambahay.
"Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Sige po mauuna na ko baka hinihintay na ko ni Cecil sa barangay."
Pumasok ako ng kotse at inihagis sa likod itong banderitas. Nakakawalang gana kapag may nagsasabing maganda si Yane. Ako lang dapat ang makakapansin nun.
"Babe." Itinaas nito ang kanang kamay para makita kong nandoon siya.
Nandito pala si Whence hindi ko talaga matanggap na may nangyari na sa kanila at hindi pa rin ito dumadalaw sa bahay palaging dahilan ni Yane na busy lang talaga si Whence dito sa barangay.
Hindi ako naniniwala mas binibigyan nito ang kanyang barkada ng malaking oras kaysa sa bff ko. Nag uumpisa pa nga lang sila wala na siyang kuwenta what if tumagal pa sila? (Eh kung magtatagal)
"Babe." Halik sa labi ko, "Thank you babe sa pagdala nito maaasahan ka talaga. Wait lang ibibigay ko lang sa kanila ito."
Naiwan kami ni whence na tahimik matapos kong makita na makikipag tawanan si Cecil sa mga lalaki saka ko tiningnan si Whence na nakatingin pala sa akin.
"Si Yane kumusta ba?"
Umiling ako sa inis. "Try mo kasi dumalaw sa bahay nila para alam mo kung anong balita sa kanya."
"Alam niyang busy ako at nauunawaan niya 'yon."
"Kahit na." Matalim na titig ko siyang tiningnan.
"Bakit parang nagagalit ka?"
"Ayoko lang kasi ginagago ang bestfriend ko."
"Sino ba gumagago sa bff mo?" Maang-maangan lintek.
"Tingnan mo yang mukha mo sa salamin saka mo ulitin yang tanong mo, buwisit!"
Nakakuyom ang kamao nito ng unti-onting lumapit.
"Whence! Tyron! Tumulong muna kayo rito!"
Pasalamat siya at may tumawag sa akin kung hindi baka umuwi siyang may pasa sa mukha.
"Babe! Whence!" Si Cecil na itong tumatawag sa amin.
Nauna akong lumapit sa kanila sunod si Whence.
Halos wala pa sa kalahati ang pagkabit namin ng banderitas dahil biglang bumuhos ang ulan. Nakiusap ang ilan na ipagpatuloy na lang kinabukasan dahil mukhang hindi pa titigil ang bugso ng ulan.
Hinatid ko muna si Cecil sa bahay nila pero masyado siyang mapilit dahil pumasok muna ako sa bahay.
Kaagad niya kong dinala kuwarto nito at may pinabasa sa laptop. Sumusulat pala si Cecil ng isang article and laking gulat ko ng makita ang isang article tungkol sa taong mataba ngayon ay biglang pumayat.
I don't know kung ako nga ba ang tinutukoy niya pero feeling ko naman kasi na ako talaga.
"Babe." Naka tapis lamang siya ng towel sa katawan galing sa cr. "Gusto mo ba mag shower?"
"No thanks I have to go na rin naman."
Niyakap ako mula sa likuran ng tingnan kong muli ang laptop.
"May itatanong sana ako sa iyo babe."
"Ano 'yun?" Naaamoy ko ang kanyang sabon na ginamit.
"Are you still virgin?" Nanlaki ang mata ko.
"Bakit mo na itanong?"
"Curious lang, are you still virgin?"
Humarap ako, "What do you think?"
"I think, uhm----maybe?"
"Maybe what?"
Hinawakan niya ang aking dibdib patulak sa kanyang kama tila ba nang aakit ito sa akin habang kagat ang kaniyang labi.
"Virgin or not I'm a fucking you." Mahinang wika.
Hinalik-halikan niya ang aking dibdib pababa sa aking tiyan.
"Cecil wait..."
"Bakit?"
"Huwag."
Ngumisi saa kin, "Anong huwag?" Natahimik ako, "Tell me are you gay?" Umirap ito.
"No---I'm not ayoko lang gawin ito."
"Why? Boyfriend kita 'di ba?"
"Pero---"
"Ano?" Hinalikan niya ko sa labi, "Tatanggihan mo ba ako nasa iisang kuwarto lang tayo babe malamang dapat iniisip mo may mangyayari sa atin."
"But not this time, okay?" Bumitaw siya sa pagkakahalik.
"Ano bang problema mo? Palay na yung lumalapit sa iyo tapos tatanggihan mo pa? Mahal mo ba talaga ako Tyron?"
"Of course I love you hindi sukatan yung 'Sex' para patunayan na mahal mo ang tao."
"Shit." Tumayo na ito at nagtago sa cr.
Lumabas ito na may suot ng damit at short. Hindi niya ko pinapansin habang nagtatype sa kanyang laptop.
"Babe?" Mahina kong tawag.
"Uhm?" Ngunit hindi ako nililingon.
"Sorry."
"Bukas ang pintuan." Sabay turo, "Puwede ka na umalis."
Tanga. Kung dati pinagnanasaan ko ang kaseksihan niya pagkatapos kung kailan siya na itong nag-aaya nag-e-enarte pa ako.
Tumayo ako para i-lock ang pinto saka isinandal ang aking likuran sabay tinitigan siya.
"Ilang rounds ba ang kaya mo?" Tila natigilan siya sa usisa ko rito.
Lumingon siya at ng irap. Nilapitan ko siya at sabay sunggab sa kanyang labi.
Ang dating pagnanasa ko sa kanya parang ngayon matutupad.