9

Yane's Point Of View

 

"Yanneeeeee! Kingina naman ooohhh! Bilisan mo at nagsasayawan na sa Club house!!!"

"Hay naku si mama hindi na kompleto ang araw sa kakasigaw!"

Lumabas ako ng kuwarto masamang-masama ang timpla ng katawan ko dahil sa dinadaing ko pa rin tama ng bala nakakainis ilang araw na pero bahagya pa rin masakit.

"Ano ba!?"

"Mauna ka na nga ma,"

"At ikaw?"

"May gagawin pa ko."

"Akala ko ba tapos na 'yang thesis mo?"

"Iba ang gagawin ko."

"Eh ano nga?"

"Basta huwag mo na ako iniinis, puwede naman kasing umalis ka na lang mag-isa!"

"Ah ganoon? Oh, sige bahala ka hindi mo makikilala si boyfie ko."

Inirapan ko, "Lalabas ako mamaya hindi ba makapaghintay?"

"Gusto kong magkausap kayo ng matagal itong magiging soon to be father mo."

"Hay, sige mauna ka na."

"Bahala ka tigas ng ulo mo." Kinuha ang bag.

"Mana lang sa iyo." Bulong ko ngunit pinag-pray ko pa nga sana narinig para mainis kaya lang hindi nag-react.

Ang bungol ni mama.

Dahil sa isang kano naging inlababo ang lola niyo. Yay, tapos hindi ko maisip na magkakaroon ako ng T

tatay slash daddy na foreigner. Eh di araw-araw nagdudugo ang ilong ko nito sa kaka-english.

Tumatawag si bff ngunit kinansel ko dahil magpapawis ako ngayon sa taas. Gusto ko na muna mabawasan ng taba ng katawan dahil alam ko dagdag na naman mamaya dahil sa handaan.

Maaga pa puwede pa ko makapag papawis at ayoko sa labas dahil maraming tao baka pagtawanan pa ko.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apaaaaat

Liiiiiiimmmmaaaaaa .....

Ang hirap, nakakapagod, ang sakit sa tiyan. Mas mainam siguro maglakad-lakad ako para mawala ang gutom sa tiyan. Ano ba maaari kong gawin sa tiyan kong ito palagi na lang gutom. Nakaiilang kaldero ng sinaing ako tapos di pa makontento at ngayon matapos ang dalawang oras gutom na naman, aba-aba iba na ito.

Ano kaya problema ni bff tawag nang tawag sinabing di pa ako lalabas dahil may gagawin ako.

"Oh?" sagot ko sa tawag nito.

"Nasaan ka?"

"Bakit?"

"Basta nasaan ka nga?"

"Sa bahay....oh teka huwag mo ako pupuntahan dito may ginagawa ako!" Aba, madaling kausap yata ang bff ko pinatayan kaagad ako ng cellphone.

Kukuha muna ako ng tubig medyo nanuyo ang lalamunan ko sa pagpapawis ngunit ng akmang palabas ako ng kuwarto tumama ang noo ko.

"Aaaaaraaaay!"

"Ano ba ginagawa mo riyan sa kuwarto niyo?" Nakahalukipkip ito at nakataas ang kilay.

Sinamaan ko ito ng tingin sabay hawak sa sariling noo. Ngunit kaagad din nawala inis ko ng makita kung ano suot nito, polo shirt na kulay pink, black na pantalon. Napakalinis niyang tingnan marahil bagong paligo ito.

"Ang akala ko marunong ka nang sumunod." Buntong-hininga kong wika.

"Sino nagsabi saka ano ba ginagawa mo riyan?"

"Wala---" Kinuha ko ang tuwalya sa lamesa bago ko patabihin ito para isara ang pinto dahil ayokong makita niya ang nasa loob ng kuwarto.

Kung minamalas nga lang na ipit ang tuwalya dahilan para di ako makaalis sa puwesto.

"Ako na---" halos lumuwa mata ko ng magkadikit kami ng katawan.

Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at para hindi nakakailang umiwas ako ng tingin iyon nga lang bigla itong lumingon sa akin habang pinipihit ang doorknob.

Ultimo lalamunan ko ayaw talaga makisama dahil wala akong malunok na laway.

"Okay na." Napapikit ako ng wala sa oras dahil mabango nitong hininga.

"Anong ginagawa mo?"

"Ha?" dilat ko.

Ngumiti, "Na-miss mo ba amoy ko?"

"B-akit ko naman mamimiss?"

"Kasi may papikit-pikit ka pa habang inaamoy ang katawan ko."

"Hindi ah in your dreams naman..."

"Sus...." Siniksik niya ko sa pader, "Sige na ubusin mo na amoy ko." Hindi ako makatingin ng diretso.

"Tyron ano ba?" seryoso itong nakatingin habang pababa ang tingin sa katawan ko.

"Dumudugo ang sugat mo." Tinakpan kaagad niya ang tagiliran ko ng tuwalya ng tumigil ang pagdurugo. Pagkaraan nilagyan nito ng gamot ang sugat ng makarating kami sa sala.

"Ano ba kasi ginawa mo?"

"Wala nga."

"I know you Yane." Seryoso lamang itong nakatingin.

"Okay, okay, nag-excercise ako."

"Gaga ka talaga. Alam mong may sugat ka nag-exercise ka pa, at alam mong fiesta ngayon siguradong maraming handa saka ka pa nag-isip na mag-exercise."

"Hindi ah."

"Sus, deny pa." kaagad tumayo, "Puwede ba magpahinga ka muna? Hindi 'yong iniisip mo kaagad ang bagay na hindi naman effective. "

"Nang-iinis ka ba?"

"Hindi baka iba lang ang meaning na dumating sa iyo."

"Umalis ka na nga."

"Galit ka?"

"Hindi." tumayo ako habang hawak ang tagiliran.

"Saan ka pupunta?"

"Kukuha ng inumin."

Inunahan kumuha ng tubig sa ref at sinalin sa baso ngunit bago 'yon nauna siyang uminom at pagkaraan nagsalin muli para ibigay sa akin.

"Ipagagamit mo talaga sa akin 'yan?"

"Maarte? Sige kukuha ako ng ibang baso pero ikaw ang maghuhugas."

Hindi sa maarte pero syempre nakakahiya.

Walang alinlangan kumuha ng panibagong baso upang salinan ng tubig at inabot sa akin, at pagkatapos ang natira kong tubig walang alinlangan pa rin inubos. Habang iniikot nito ang bunganga ng baso ay malagkit ang pagkakatitig sa akin. Para siyang nanunukso ng di ko masabi kung ano ang nais.

"Bully."

"Sama ka sa amin ni Cecil."

"Saan?" lakad ko patungong sala.

"Manunuod ng sayaw mamayang gabi."

"Ah." binuksan ko ang tv.

"Sumama ka ha?"

"Sama ko rin si Whence."

"Hindi ka ba lalabas? Sumasayaw si tita ngayon sa club house. Hindi mo panunuorin? Hindi mo susuportahan? kasama niya 'yong ka-chat niyang foreigner."

"Maaga pa saka ano naman gagawin ko doon hindi ko rin naman makikita si Whence."

"Si Whence na naman. "

"Ikaw nga palaging Cecil bukambibig."

"Syempre----mahal ko, eh."

"Kung ano man ang dahilan mo ganyan din reason ko kaya puwede ba iwasan mong huwag uminit ang ulo sa kanya." Natahimik ito, "Ano na tauhan ka na ba?"

"Lalabas na ako magkita na lang tayo sa court mamayang gabi."

"Hoy sandali!" Aba, at talagang hindi ako nilingon, iniwan ako.

Bago magdilim tinawagan ko si Whence at binanggit kong nagdugo ang sugat ko. Ang sabi nito susunduin daw ako para sabay na kami lumabas patungong court. Okay na rin 'yon kaysa mag-isa akong lumabas, medyo may trauma na.

"Kaya mo ba sumakay sa motor ko?"

"Oo."

"Tara." bakit kaya ganoon ang lamig niya sa akin nitong nakaraang araw.

Habang patungo sa pupuntahan niyakap ko siya ng mahigpit at di ako nabigong hawakan niya kamay ko kahit abala itong magmaneho ng motor.

Nang marating ang court kusang-loob nitong tinanggal ang suot kong helmet kaya lang naninibago ako sa kinikilos niya parang may malalim na iniisip kung hindi panay pakawala ng hininga, lilingon-lingon naman sa paligid.

"May problema ba?"

"Wala, saan ba tayo pupuwesto?"

"Doon na lang siguro tayo." turo ko malapit sa stage.

Bago pa kami makalapit sa stage na unang nakarating ang barkada nito sa puwestong nais namin. Aatras na sana ako pero siya mismo humila sa akin para ituloy ang paglalakad. Kahit paano pakiramdam ko safe ako.

"Uy, pre." nakakailang, ang ingay kasi nila isabay pa panay ang kantiyawan.

"Hi Yane." Bati sa akin ni Derby kmindat ito kay Whence saka ako nilapitan.

"Mabuti sumama ka sa lalakeng ito?" tinutukoy niya si Whence

"Syempre, boyfriend ko eh."

"So, enjoy ha maraming magtatagisan sa katahan at sayawan dito."

I nodded na lamang pagkaraan ay inilayo na ako ni Whence sa kaibigan.

"Sasayaw si Derby panuorin mo magaling samayaw 'yon."

"Ganoon ba, ikaw hindi ka ba sasayaw o kakanta?"

Umiling, "Late na kasi ako magpalista supporter lang ako ngayon sa barkada ko."

"Sayang naman."

"Sayang talaga gusto ko sana haranahin ka." Ow, ang sweet. Sabay kami napangiti sa mga oras na ito.

"Babe, happy ako."

Kahit pansin kong kumunot ang noo nito dedma lang, "Happy ka kasi kasama ako?"

"Hindi." Nawala ang ngiti sa kanyang labi, "Ang ibig kong sabihin, happy ako at kasama kita pero mas happy dahil nakita na ulit kitang ngumiti." Pinilit kong huwag tumingin sa kanya dahil anytime babagsak ang mga luha ko.

"Sorry," Hinawakan niya ko sa kamay, "Siguro feeling mo ang lamig ko sa iyo lately, siguro iniisip mong wala akong paki-alam sa iyo noong nasa hospital ka. Alam mo ba labis mo ko pinag-alala noon, ang akala ko mawawala ka na sa akin sobrang natakot ako." Alam niya ang nararamdaman ko, "Yane, sorry kung wala akong kuwentang boyfriend parang hindi ako supportive boyfriend eh."

"Okay lang bago pa lamang tayo saka naiintindihan ko kung bakit lately wala ka sa tabi ko. Ang mahirap 'yong wala kang maidahilan para iwanan akong mag-isa." siya naman itong di makatingin.

"Whence?" lumingon, "I love you." umabot pa yata ng ilang segundo bago sumagot.

"I...."

"Bestfriend!" ang asungot na Cecil, "Whence, nakita mo ba si Tyron?" Nakayakap sa braso nito.

"Ewan ko sa iyo kayo magkasama kanina pa." Nakasimangot nitong tugon.

"Hey, taba." tawag sa akin.

"Cecil, shut up please."

"Totoo naman, eh." inirapan kami.

"Nakita mo ba si Bebe Tyron ko?" Ginaya-gaya ko ang pag-arte ng mukha bago ako sumagot.

"Hin----"

"Cecil!" Si bff, hinagilap ko kaagad kung nasaan banda.

Ngingiti sana ako ng makita siya pero mali. Ewan, bakit bigla akong na inis habang papalapit itong best friend ko may hawak na bulaklak, at chocolate. Asa pa sa akin di ba syempre kahit minsan di pa ako nabigyan niyan, asa talaga ako.

"Omg, babe para ba sa akin 'yan?" Kinuha kaagad kay Tyron ang mga hawak nito, "Thank you, ang sweet mo talaga." yakap sabay halik? tsk. Sino ba hindi mahihiya sa pinaggagawa ni Cecil hindi man lang ginawang privacy.

Kahit hindi ko tiningnan si Whence kung ano reaksyon alam kong nakatingin siya sa akin.

"Cr lang ako." paalam ko.

"Samahan na kita."

"Kaya ko na." Natataranta akong pumasok sa cr para di ko kinakaya ang ginagawa nila. At ang higit sa naiisip ko ang daming nagbago sa kaibigan ko. Kung dati hindi siya ka-active sa ganoong bagay pero ngayon, ugh, nevermind.

Nakita ko si bff nakasandal sa pader ng cr nang makalabas ako.

"Ginulat mo ako. Ano tapos na ba kayo maglandian ni Cecil?" lapit ko rito.

"Landian? Hindi landian tawag doon kundi mahalan." nakuha pa kumindat.

"Ok." Lalagpasan ko sana pero hinila ako palapit sa puwesto nito.

"May sasabihin ka ba?"

"Maha-----""

"Ha?" Ngumiti ito bago sumimangot.

"Mahal na mahal ko si Cecil."

"Gusto mo siya, mahal mo, ano nakuha mo na ba?" Hindi ako curious sa relasyon nila pero gusto ko talaga malaman.

"Oo, yes, yup." Namulsa, "Oo, dahil gusto ko siya. Yes, dahil mahal ko siya. At yup, nakuha ko na siya."

Ibang-iba na talaga ngayon ang kaibigan ko pero nawala sa isip kong matagal ng may pananasa ito kay Cecil eh bakit pa ba ako magtataka?

"M-may nangyari na s-sa inyo at kailan pa?"

"Hindi ko na matandaan."

"Saan?"

"Sa bahay nila."

"Okay." Walk out nagawa ko.

 

"Sa tuwina'y naaalala ka

Sa pangarap laging kasama ka

Ikaw ang ala-ala sa 'king pag-iisa. Wala nang iibigin pang iba." natigil ako sa paglalakad ng kantahin niya ito.

Oo, magaling siyang kumanta pero iba na ngayon dahil kung dati parang wala lang sa akin na kumakanta siya dahil mataba ito pero ngayon dinaig ng isang Fictional character ang peg niya.

"Kakantahin ko ba 'yan mamaya?"

"Bahala ka." Hindi pa rin ako humaharap.

"Tingin mo?" Paniniguro nito.

"Nandiyan si Cecil at alam kong kaya mo 'yan saka siya naman 'yong inspirasyon mo 'di ba?"

"Uhm, oo, tama ka nga."

"Good luck bff." walk out again.

Bakit kaya ang hirap para sa akin iwan siyang nag-iisa habang ako papunta sa taong mahal ko? nasanay nga lang ba ako na palaging nandiyan siya o talagang may ibang dahilan ito? marahil na sanay lang ang buong sistema kong may isang Tyron sa buhay ko saka bff kami walang makakatibag doon.

"Anak, Yane tara rito dali, dali, dali, dali." grabe makahila itong si mama.

Hinarap niya sa akin ang isang amerikanong ubod ng puti, matangkad din ito ngunit halatang may katandaan na siguro halos ka matanda ng ilang taon kay mama.

Naging maayos naman ang tanguan namin at pagbati niya ng 'Hi.'

"Anak, alam mo na." siko ni mama.

"Your daughter right?" usisa ng kano.

"Yes, yes, she's beautiful like me huh?" ang korny ni mama mag-english. Hindi ako sanay na ganyan magsalita mas gusto kong sumisigaw siya kaysa malambing.

"Ma, dito na muna ako ha?"

"Bahala ka, kausapin mo ito sasamahan ko lang si Mareng Karing sa bahay may kukunin lang ako."

"Ma, naman grabe ka." Tumayo ito at nagpaalam sa jowabels habang ako ay nakasimangot.

"The Philippines is really beautiful."

"Yeah." Tama ka pero hindi lahat ng tao magaganda dahil limitado na lang ang magandang tulad ko.

Ang isang kagawad ay umakyat sa entablado upang sabihing mag-uumpisa ang kasiyahan. Lahat ng tao ay nagkumpulan sa tabi ng stage, mayroon nagsisigaw. Halos mga ka-batch namin ito at tila may hinihintay na sabihin ang kagawad.

"Tyron?" usisa ko sa sarili ng lumabas ito mula sa back stage.

Hindi mapigilin ang mga tao habang nagtitilian at tawagin ang pangalan ni bff ko. Ganito na ba siya kasikat sa subdivision namin para pagkaguluhan ng mga tao o baka dahil nag,transformed na siya kaya gusto na siya ng mga tao?

Ilan sandali pa hawak na ni bff ang microphone.

"Para ito sa babaeng napaka importante sa aking buhay." Sa kinatatayuan nila Cecil may mga kababaihan na pinaghahampas siya sa kilig.

Paano nakasisigurong si Cecil nga iyon malay niyo ba kung ako! Ay, joke lang.

Muli ko sinulyapan si Tyron dahil narinig ko ang intro ng kanyang kakantahin.

Bakit kaya ang tingin niya sa akin parang may iba? Hindi ba dapat kay Cecil siya nakatingin dahil para naman talaga 'yon sa girlfriend niya o baka talagang assuming lang ako kaya ako nagiging ganito?

Yane, tandaan mo maraming nasasaktan sa maling akala malay mo ba kung kanina pa pala nakatingin siya kay Cecil tapos halos nagsabay lang na nagkatingin din kayo umiiral na naman ang pagiging ambisyosa mong baboy.

Sa bawat kanta hindi ko maintindi dahil sa ingay ng mga kababaihan. Kita kong sa akin tumitingin si bff kaya lang tumatawag si mama.

Lumayo ako para marinig ang sasabihin ng baliw kong ina.

"Hello, ma!"

"Anak, puwede ba papuntahin mo rito si darling ko sa bahay?"

"Bakit?"

"Anong bakit basta samahan mo na."

"Okay," Nakasimangot akong tumingin sa cellphone ng mawala sa kabilang linya si mama.

Nilapitan ko ang jowa ng magaling kong ina.

"Sumama ka sa akin pinapatawag ka ni mama sa bahay." Kunot-noo siyang tumingin. "Let's go." Aniko

Ang importante naunawaan niya ang salitang lets go, di ba?

"Yane." Nawala ang ngiti sa aking labi ng tawagin ako ng lalaking makakasalubong ko.