Matagal-tagal ko rin tinitigan ang mukha nito marahil bagong hilamos ito dahil may basa sa kaniyang mukha.
"Bakit nandito ka?"
"Hinatid ko ang jowa ni mama."
"Ganoon ba tara sa bahay."
"Ha? Bakit? Hindi pa tapos ang party."
"Hayaan mo na sila hindi tayo kasali doon." Hinila niya ang aking kamay para sumama rito.
"Nandoon ba parents mo?"
"Wala."
"Sa susunod na lang ako sasama." bumitaw ko.
"Joke lang, teka..." lumapit, "Natatakot ka ba sa akin?"
"H-hindi ah."
"Ows? Eh bakit parang di ka sure kung sasama ka sa akin na mag-isa?"
"Baka isipin ng mga tao na----"
"So what girlfriend kita natural na dalhin kita sa bahay may tao man o wala..."
"Kahit na."
"Mahal kita Yane." Hinakawan ang magkabilang pisngi ko, "Ako ba mahal mo rin?"
"Mahal din kita." Mabilis kong sagot
"Kung ganoon may tiwala ka sa akin at sasama ka." Inayos niya ang buhok ko, "Trust me, okay? saglit lang tayo nakalimutan kasi gamit ni Cecil doon sa bahay."
"Bakit? Galing siya sa inyo?"
Nanlaki mata nito, "Oo, doon kasi siya dumadaan kapag may lakad kami ng barkada."
"Ah."
"Nagseselos ka ba?" Niyakap na niya ko.
"Hindi naman."
"Ibig sabihin hindi mo ako gaano mahal."
"Hindi ah!"
"Kung mahal mo ako dapat nagseselos ka at pinagbabawalan na sumama sa ibang babae."
"Mapipigilan ba kita?"
"Oo." hinawakan na naman ang pisngi ko sabay halik, "Dahil susundin ko lahat ng utos mo."
Kinikilig ako ang sweet niya sana hanggang huli ganito siya ka-sweet.
Abalang nag-uusap sina bff at Cecil ng lumapit kami kaagad inabot ni Whence ang bag nito bago kami umalis. Ang totoo hindi ako sanay na hindi si Tyron ang kasama ko. Alam niyo na best friend forever saka sa lahat ng bagay kami ang magkasama.
Buong gabi sina Cecil at bff lamang ang tanging pinapanuod ko sa tuwing aalis sila todo effort akong susunod kahit di naman dapat kaya lang nakita ko talaga silang nagpunta sa puno kung saan madilim at walang katao-tao. Hindi ko kita ang ginawa nila pero dinig ng dalawang tainga ko ang usapan, at ingay. Kinabahan ako dahil parang hindi maganda ang gagawin nila.
"Ako na ba ang pakakasalan mo Tyron?"
"Oo naman."
"Talaga?"
"Oo, ilan ba gusto mong anak?"
"Siguro kahit tatlong babae lang okay na sa akin."
"Bakit puro babae ayaw mo ng boy?"
"Malilikot."
"Gusto ko ng lalaki at gusto ko rin ng tatlo."
Saglit na tahimik at pagkaraan dinig ko ang maiingay nilang labi na tila naghahalikan sa dilim. Nakakainis, nakakainis marinig ang ginagawa nila. Dito pa talaga sila naglampungan.
Dinig kong may nagbukas ng zipper. May gagawin silang milagro anong gagawin ko. Hindi puwedeng may mangyari na naman sa kanila, hindi pwede! No way!
Tumakbo ako patungo sa kanila bahala na kung ano mangyari sa akin ang importante hindi katuloy ang binabalak nila.
"Ouch!" Nataganan ko silang dalawa na naka-upo at sandal sa puno. Tinapatan ako ng flashlight ni Tyron sa mukha.
"Bff, anong ginagawa mo rito?"
"Kayo, anong ginagawa niyo rito. May bahay ka naman ah bakit dito pa kayo gagawa ng kabulastugan ha!!"
"Ano?!" Iritang tanong ni Cecil.
"Anong kabulastugan sinasabi mo?" Ulit ni bff.
"HINDI BAT ...BINUKSAN MO 'YANG ZIPPER MO AT MAY MANGYAYARI SA INYO!" sigaw ko.
"Zipper ko? Zipper saan?" Kinuha ko ang flashlight saka itinapat sa pants niya
Umayghad!
Wala siyang zipper! Kung ganoon ano 'yong narinig kong zipper na bumukas?
"Iniisip mo ba na may gagawin kami rito ni Tyron?" Inis na tanong ni Cecil.
"Eh ano yung narinig kong bumukas na zipper sa iyo yun, ano!" Tinapat ko ang flashlight sa ibaba niya pero naka-leggings ito.
Tumawa si Cecil, "Sinusundan mo ba kami? natatakot ka ba na may mangyari sa amin? Hoy taba, hindi ako cheap na babae para magpagalaw sa ganitong lugar ha! Nakikita mo ba itong bag ko! Ha! Kinuha ko lang ang flashlight sa bag. Huwag kang berde riyan! Napaghahalata ka talagang sinusundan mo kami!"
"ASA ka! Napadaan lang ako rito dahil naalala kong dito ko pala pinatatae 'yong aso ni bff!"
"Yuck! Eewwww!!" Tumayo si Cecil at pinagpapagpag ang damit at leggings. "Kaya pala kanina pa ko nakaka-amoy ng amoy tae ng aso, kainis!"
Maraming HAHA ang narinig ko sa aking kaloob-looban habang tinatanaw ang papalayong Cecil.
"Hoy, maligo ka!" natatawa kong sigaw dito
"Bakit ganyan ka bff?" Sinamahan niya ko ng tingin kahit bahagya lang ang liwanag sa mukha nito
Napalunok ako, "Bakit bff?"
"Ayaw mo ba si Cecil para sa akin? Bakit ganyan ang ginagawa mo?"
"Hindi naman sa ganoon."
"Eh ano? Akala mo ba hindi ko alam na sinusundan mo kami?"
Naku, lagot. Masyado ba akong halata?
"Sorry."
"Mag-so-sorry tapos uulitin na naman. Yane, puwede ba tigilan mo nga ang pagiging isip bata dahil hindi nakakatulong."
"Grabe ka naman."
"Oh bakit totoo naman ah hayaan mo na lang ako ito ang unang pagkakataon para iparamdam sa kanya na gustong-gusto ko siya. Hindi ko inaasahan na ikaw pa sisira ng diskarte ko."
"Sobra ka."
"At least diretsahan 'di ba? Hindi kita ginugulo, kayo ni Whence tapos nang guluhin mo kami ni Cecil parang ikaw pa itong naghahabol sa akin, kainis." Palayo na ito ng magsalita ako.
"Oo maghahabol talaga ako kasi sobrang miss ko na 'yong best friend ko. Ang dating hindi mayabang at talagang palagi akong pinagtatanggol."
Humarap sa akin na tila nagulat pa yata sa pag-amin ko.
"Hindi porket pumayat ka na wala na kong halaga sa iyo. Ikaw pa rin ba yung bff ko na never akong iniwan? Yung never akong minata kahit sobrang taba ko pa? Ikaw pa ba yan Tyron o talagang iniwan mo na yung dating Tyron?!"
"Bff."
"Simula ng umuwi ka marami ng nagkakagusto sa iyo, maraming nagpapansin hindi ba at 'yan ang pangarap mo ang mapansin ng mga babae? Happy naman ako kaya lang hindi ako satisfied sa mga nakikita kong pagbabago mo."
Nagtatakbo ako pauwi ng bahay. Alam kong nandito sina mama pero dedma gusto kong ibuhos ang nararamdaman kong ito sa pamamagitan ng pagluha. Siya ang bff ko ngunit mula ng mabago ang anyo niya pakiramdam ko ang layo-layo na niya sa akin, porque may Cecil na siya saka niya ako itatapon.