11

"Anak, ano ba nangyari sa inyo ni Tyron bakit ang aga-aga nandito sa bahay?" ganito ang bungad ni mama. Nakakapanibago ang hinhin niyang magsalita marahil ayaw ipakita sa jowa niyang bungangera siya.

"Hayaan mo na lang siya." Hinigop ko ang kapeng kanina pa malamig.

"Bakit ganoon ang mukha parang hindi natulog?"

Kahit ako hindi natulog tapos mugto pa mata ko. Kamusta naman yung pareho kaming umiiyak sa loob at labas ng bintana. Hingi siya nang hingi ng sorry pero ayoko makinig dahil nasasaktan lang kami pareho.

Ang drama 'di ba?

"Matutulog pa po ako." Paalam ko sa kanila.

"Yane,"

"Po,"

"May pasok ka 'di ba huwag mo sabihin na hindi ka papasok malapit na bakasyon niyo."

"Iidlip lang po ako."

"Hindi---" Lumabas ang foreigner galing sa kusina, "Pumasok ka Yane hihintayin ka raw ni Tyron sa school niyo." Niyakap siya ng jowabels niya.

Oh sige siya na may love life. May pag-ibig din ako akala mo mama. MAGHIHIWALAY DIN KAYO.

Nilayasan ko ang dalawa kapag may nakikita akong naglalampungan sa harapan ko naaalala ko ang nangyari kagabi. Sobrang pagkapahiya nangyari ibig kong lumubog sa kinatatayuan ko. Pero hindi naman puwede.

Akala mo parang nakakita ng artista mga estudyante ng pumasok ako paano nagsuot ako ng sunglasses nakakahiya kung makita nilang mugto mata ko di ba?

"Look girls, tababoy is here naka sunglasses pa." bulaslas ni Cecil sa mga kaibigang kapwa baliw, "Alam niyo ba kagabi----" syete mag uumpisa na siyang mamahiya. Malalaking hakbang kong inilayo ang sarili sa kinaroroonan nila.

"Yan, bakit naka ganyan ka? Summer na summer ha?" Tukso ng seatmate ko.

"Oo, nakaka silaw kasi sa loob at labas ng university."

"Ganern?" Tinitigan ako. "Baka naman mugto 'yang mata mo? Aminin mo na bisto mo si Whence ano?"

"Bisto?" Naguguluhan kong tanong ngumisi ito.

"Aha, sorry hindi pa pala." Tumawa ito ng malakas saka lumabas ng room namin.

May sanib lang kung anu-ano lumalabas sa bibig. Sinundan ko siya ngunit mabilis naman itong nawala sa aking paningin. Sa di kalayuan nakita ko si Whence kasama ang mga barkada nito. Bukod tanging siya lang ang nakatalikod sa akin habang ang ilan niyang kaibigan nakaharap sa kanya.

"Grabe ka talaga Whence ibang-iba ka talaga." Wika ng isa.

"Akalain mong nagsama ka pa ng dambuhala sa mga nilalaro mo?" wika ng isa pa sabay tawanan

"So, paano ba yan ako ang panalo sa pustahan ibigay niyo na sa akin ang mga tinaya niyo dahil na pasagot ko si Yane."

Pustahan?

Ibig sabihin, pinagpustahan nilang lahat ako at lalong-lalo na si Whence na yun?

"Hindi nga marunong makahalata akalain niyo nagamit ko kaagad siya." pagmamalaki sa barkada.

"Isa ka talagang ALAMAT Whence." Nag-apiran ang mga ito bago ko lumapit.

"Whence....si Yane." Turo sa akin ng isang lalaki na kanina pa tahimik na nakikinig sa kanila.

Ang lahat ay tumingin sa akin dahan-dahan kong tinanggal ang sunglasses at nakipagtitigan sa mata ni Whence halatang na bigla pero mas halata sa pagmumukha niya ng manloloko. Now I know gwapo siyang tunay.

"Yann------"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Lahat ng kanyang barkada ay nagbulungan sabay tawa sa huli. Mayroon na rin ibang estudyante nanunuod.

"All this time niloko mo lang pala ako and all this time pinag-pustahan niyo lang ako." Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko ngunit ng magsasalita pa sana siya sinampal kong muli. Matapang kong tiningnan mga barkada niya.

"Magkano ba ipinusta nito sa inyo? Pakibigay na nga parang ako na aatat makitang masaya siyang makatanggap ng REWARD ay hindi not just a reward PANG AABUSO." Mga nakayuko lamang ang mga ito.

Parang kay babait na tao samantalang kanina kung makatawa akala mo wala nang bukas.

"Ang tagal kitang naging gusto Whence guwapo ka, matcho at mayaman pero hindi iyon ang dahilan ko mahal kita dahil iyon ang sabi ng puso ko. Minahal kita kahit ilang beses akong umasa dahil sa pagiging mataba ko. Napaka sama niyong lahat porque ganito ako basta niyo na lang ako paglalaruan!"

"Bago ka sana naniwala dapat inisip mo muna kung papatulan ka talaga ni Whence. Sa palagay mo ba magugustuhan ka talaga niya? Ghad, mahiya ka naman ang taba mo kaya ang taba-taba mo!" si Cecil.

"Alam ko 'yon kailangan ba ipagsigawan pa?!" Nakatingin lamang si Whence sa amin.

"Minsan nakakalimutan mo kung saan ka talaga naka-belong. Feeling mo may karapatan ka na sumaya kahit mataba ka puwes, mali ka dahil isa kang matabang babae na nakaka-umay!" Malaglag sana mata nito kakairap.

"At ikaw ano tawag sa iyo? Isang buto na pinagpapasa-pasahan ng lahat."

"Buwisit kang tababoy ka!" Itinaas nito ang gitnang daliri bago ako akmang hablutin. Mabuti maagap ako at napigilan siya sa balak.

"Yane, bitawan mo ko isusumbong kita kaaaaay Tyroooon!"

Lalo kong hinigpitan ang hawak, "Gusto mo ba samahan pa kita nang makita mong mas papanigan niya ko kaysa sa iyo!"

Kahit hindi ko alam kung ako nga ba ang papanigan ni Tyron ay pinakita kong sigurado ako doon.

"Bakit? Sino ka ba?" Up and down niya kong tinignan na parang diring-diri.

"Kaibigan ka lang Yane walang nanalo sa pagitan ng girlfriend."

"Paano ka nga nakakasiguro? Patunayan mo huwag puro salita nag aaksaya ka lang ng laway diyan," Gigil na gigil itong tumingin sa likuran ko.

"Bestfriend, hindi mo ba ko ipagtatanggol sa baboy na ito?!" Aba, magaling naghanap ng kakampi.

Dapat pigilan kami ni Whence pero walang buhay itong tumalikod hanggang iwan kami na wala sa ayos.

"See? kahit nga bestfriend mo hindi ka maipagtanggol si Tyron pa kaya? Mas kilala ako ni Tyron kaysa sa iyo at ikaw ubod kasi ng plastic."

"I'm not,"

"Really? Sino nagsabi?"

"Ako!"

"Talaga kailan?"

"Alam kong inaasar mo lang ako Yane pero sige tingnan natin kung sino mas papanigan ni Tyron." Nilingon niya ang isang babae sa likuran niya saka umalis.

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Cecil ng masama bago bumalik ang babae kasama si Tyron.

"Babe!" Lalo akong nainis sa inasta niyang parang siya pa ang inapi.

"Yung bff mo na naman nananahimik ako tapos kung anu-ano sinabi sa akin!" Ang galing umarte.

Hindi ko tinitigan si Tyron dahil alam niyang galit pa rin ako hanggang ngayon.

"Baaaabeeeee..." Atungal pa rin.

Iiling-iling ako sa mga kaartehan niya buwisit, akala mo kung sino inapi. Bumuntong-hininga akong muli ng maalala ang nangyari sa amin ni Whence. Hindi ko sukat akalain na ganito pala ang plano niya. Kundi rin akong tanga sino ba naman kasi magtatangkang gustuhin ang tulad kong MATABA?

Isinuot kong muli ang sunglasses at hinayaan ko na lang din silang maglokohan. Ano pa ba inaasahan ko mung ako man ang kampihan niya dapat kanina pa niya ko pinagtatanggol sa lokang babaitang iyon. Kaya lang may humagit sa braso ko ng malapit na kong pumasok sa room at issang dibdib ang tumama sa mukha ko. Balak ko pa sana tingnan kung sino pero lalo hinigpitan lang ang pagkakayakap sa akin.

"A-ayos ka lang ba bff ko? " TILA PARANG NA PAWI ANG SAKIT NARARAMDAMAN KO NGAYON.

"Ako pa ba." Mahina kong sagot.

"Ikaw pa ba? Ilang iyak lang yan wala na kaagad ang sakit kaya mo yan kilala kita Yane sa tagal na natin magkaibigan tingin mo ba hindi pa kita kilala?"

"Okay."

Humiwalay sa akin, "Babantayan kita."

"Ha?"

"Babantayan kita hanggang mag uwian na kayo." Bahagya niya kong pinapasok sa classroom namin pagkatapos nawala na ito.

Dalawang Subjects pa ang kailangan bunuin para makauwi kaya inaasahan kong wala na siya doon at pumasok sa kanyang klase.

Tanging inaalala ko ang sa amin ni Whence kung ikaw kaya makaranas ng ganito tapos isang araw magiging kayo ng taong mahal mo tapos magiging kayo tapos sa isang iglap wala kaagad hindi ba parang ang hirap?

MAKALIPAS ang dalawang oras na klase lumabas ako ng room at handa nang umuwi ng mamataan ko siyang nakatayo malapit sa plant box.

Pupungay-pungay ang kanyang mata ng magtama ang mga paningin namin sa isa't-isa. Kaagad itong ngumiti ng makita niyang papalapit na ko sa kanya ngayon ko lang din napansin na guwapo talaga si bff. Kahit noong mataba pa siya may hitsura siya at iyon ang hindi ko maitatanggi.

"Hiniwalayan ko na si Cecil."

"Ha, bakit?"

"Wala na kami."

"Bakit mo ginawa yun?" hindi ako makatingin.

"Dahil sa iyo."

"Sa akin?"

"Oo."

"Bakit?"

"Sumama ka sa akin." Hinatak niya ko palayo sa University dinala niya ko sa madalas namin kainan.

"Bff, bakit mo hiniwalayan ang bruhildang yun?" Usisa ko habang seryoso niyang hinihigop ang milk tea.

Pasimple siyang sumilip, "Gusto mo ba malaman?"

"Malamang, nakipag break ka pero ano ngang dahilan." Malapit na kong mainis.

"Gusto mo naman yon 'di ba?"

"Oo sabihin na nga nating gusto kong maghiwalay kayo pero dapat may magandang dahilan ka."

"Okay let's see," Sumandal sa upuan

"What?"

"Simple lang, hindi ko na siya mahal." Lumuwa ang mga mata ko sa NAPAKA GANDANG DAHILAN NITO.

"Na realize kong ayoko talaga sa kanya parang ganoon."

"Kaagad-agad talaga? seryoso?" Binabasa ko naman ang kanyang mga mukha.

"Oo nga, kumain ka na nga lang diyan."

"Hindi ako kumbinsido sa mga sinasabi mo,"

Matagal niya kong tinitigan hanggang sa tumatawag si mama sa Cellphone.

"Maaaa, nandito kasama si Tyron, opo, pauwi na." I rolled my eyes.

"Bakit daw?"

"Nagpapasama manuod ng sine." Nakasimangot kong sagot.

Ngumisi, "Kasama ba niya yung foreigner?"

"Siguro, puwede naman na mag-solo sila isasama pa ako."

"Tara na." Tumayo, "Double date tayo." Sinulyapan niya ko bago maunang lumabas para sumakay sa kotse.

Double date raw?

Loko talaga si bff.

"Huwag kang aalis diyan bibili lang kami ng popcorn and drinks." Paalam ni mama habang naka yakap sa braso ni foreigner.

Feeling bagets.

Abala kong tinitingnan kung anong available na showing ng tawagin ako ni bff para lumapit.

"Ano raw ba panunuorin natin?" Nakatanaw sa isang TV screen.

"Kahit ano raw basta english," Hindi ko maipinta ang mukha.

"Okay, maganda ito." May kinuhang ticket sa babae.

"Ano 'yan?" Silip ko.

Itinago kaagad nito ang ticket para hindi ko makita, " Bawal---" Lumayo na sa akin at lumapit kina mama.

"Bawal, bawal, makikita ko rin naman yan mamaya ang arte. Bakit ba kasi pumayag pa kong sumama rito puwede naman kasing siya na lang double date isang malaking kalokohan."

"Yane, tara na!" ingay ni mama kahit na kailan.

Pumila kami nauna lang sa pila sina mama tapos sunod kami ni bff. Panay tawanan ang mga feeling bagets. Naiirita ako dahil nagagawa pa ni mama tumawa habang ako BROKEN HEARTED.

Kinuwento ko pa kasi na wala na kami ni Whence ayan tuloy double ang ligaya niya ngayon. Ang gusto ata ni mama maging matandang dalawa na lang ako.

Medyo madilim na ang kabuuan ng sinehan paumpisa na at binabasa ko mga pangalan ng characters. Ang isa pa hindi maunawaan bakit FRIENDS WITH BENEFITS yung napiling panuorin namin.

May halong SPG yun hindi ako makahinga ng maayos nang tila na iisip kong tinamaan kami ni bff sa bawat eksena.

"Ang ganda ng movie ano?" Usisa nito habang nagmamaneho.

"Yeah." Sagot ko habang naririnig ang kilitian nila mama at ng jowa niya.

"Ah, tita" tawag ni bff.

"Yes?"

"Papayagan niyo po ba si Yane na matulog ngayong gabi sa bahay?"

"Anooo?!?" sigaw ko

"Puwede, bakit ano gagawin niyo?" Ayos din si mama sabay payag kaagad pagdating kay bff.

"Manunuod po ng mga movies."

"Di ka nag-sawa?" Sabat ko.

"Bitin pa nga eh." Nangilabot ako ng tignan niya ko saglit.

Pare-pareho kaming natahimik ng maka-uwi nauna sila mama sa loob ng bahay habang kami ni bff nandito pa sa labas.

"May gusto sana akong aminin."

"Ano 'yon?"

"Mabuti pa sa loob ng bahay na lang natin pag-uusapan," Hindi na ko nag dalawang isip pa dahil pagod na rin naman ako sa maghapon.

"Bff, niloko ka ni Whence pero naka ganti ako." Sabi niya habang tutok kami sa pinapanuod.

"Ha??"

"Nakaganti na tayo pero this time gusto kong mas gantihan pa natin sila ng bongga."