14

"Bff, paabot ng seedling tray."

"Galing matatapos na pala kayo riyan." sambit niya ng ibigay ang pinaaabot ko.

"Oo, sunod ililipat namin ang mga napatubo sa paso at plastic bottle."

"Ako na bahala roon pahinga ka muna." sabay abot ng tubig.

"Salamat." nag-volunteer ang isang lalaki na siya tatapos sa ginagawa ko nagkaroon ako ng pagkakataon upang makapagpahinga.

"Marami na pala tayong na ipamahagi sa bawat bahay ng mga napatubo sila na lang bahala maglipat sa paso."

"Baka nga after one month may aanihin na sila."

"Tama, oo nga pala may tinanim akong malunggay sa bakuran niyo tuwang-tuwa nga si tita dahil para raw sa kanya 'yon."

"Bakit daw?"

"Ewan ko sabi lang niya."

"Eh teka, nasaan nga pala siya?"

"Nagpaalam nahihilo raw eh."

"Sabi ko kasi huwag ng tumulong dahil kayang-kaya naman natin ito. Hindi niya alam ang daming handang tumulong."

"Ang dami kong natatanggap na feedbacks mula sa kanila mabuti nga raw at iyon ang na isipan naging adyenda lalo pa at palagi na nga nila ginagawa 'yon mas mapapatuloy pa nila 'yong ginagawa dati at sobrang tipid pa nga raw kapag wala silang maiulam pitas lang sa bakuran."

"Good to hear, masaya ako kung ganito palagi ang gagawin natin."

"Oo nga."

"Ano na pala susunod natin na schedule?" napansin kong tila na parang may hinahanap ito, "Hoy!"

"Oh?"

"Sino ba hinahanap mo?"

"Wala." sa akin na tumingin, "Ano pala tinatanong mo?"

"Schedule."

"Ah." Tinignan ang isang app sa cellphone, "Kailangan pala natin magpunta ngayon sa farm nila Manong George may gagawin tayong presentation para sa adyenda natin."

"Anong klaseng gagawin?"

"Eh di magluluto, mag-isip daw tayo ng kakaibang dish and gulay ang main ingredients."

"Mag-iisip ako, o kaya tanungin ko si mama, anong oras daw ba?"

"Before lunch sana kasi may mga magpupuntahan din mga kagawad pati yata si kapitan at sila ang magiging judge sa iluluto natin."

"Nakakakaba naman."

"Kaya natin ito!"

Pinauna kong papuntahin si Tyron sa farm upang maihanda niya ang ilang gamit sa pagluluto habang ako ay nagtatanong kay mama kung anong ideya naiisip nitong ipre-present ko para mamaya. Mahusay ang aking mahal na ina sa pagluluto bukod doon ay talent din nitong magluto ng mga kakaibang dish. After nito ibigay ang kakailanganin ay nagtungo ako sa bakuran ng aming kapit-bahay mas marami na kasi silang gulay dahil noon pa ito nagsisimulang magtanim habang ang iba ay binili ko sa palengke.

Handa na kami para simulan ang pagluluto habang ang mga manunuod ay seryosong hinihintay ang pagsisimula ng aming gagawin.

Kanina ko pa itinuro kay bff ang procedure sabi nito ay madali lang at kayang-kaya namin ito.

Matapos ang hudyat ng "Lights, camera, action." ay kaagad kami ngumiti.

"Magandang tanghali sa inyong lahat nandito po tayo ngayon sa farm ni Manong George at kasalukuyan ang lahat ay nasasabik kung ano nga ba ang maaari nating lutuin para sa ating pamilya." Panimula ko kahit nakakakaba dahil first time kong magsalita sa harap ng camera.

"Tama ka riyan partner ano nga ba ang maaari nating iluto gamit ang gulay mula sa ating bakuran at lalo ngayon ay wala na tayong maisip na puwedeng lutuin kung puro baboy, manok, isda na lang 'di ba?" sabay sulyap sa akin.

"Yes partner hindi na natin patatagalin pa dahil gutom na rin ang ating mga judges nito. So nandito po ang mga ingredients."

"Isang sibuyas na pino ang pagkaka-hiwa, tatlong itlog, harina, water and of course MALUNGGAY." patuloy ni Tyron.

"Una, ihanda ang harina lagyan ng tubig at haluin pagka-halo saka niyo isalin ang sibuyas, haluin ang po ng haluin hanggang sa ilagay ang malunggay na ating main ingredients. Haluin lang hanggang sa mag mixed ang lahat ng sangkap. Kung sa tingin ay okay na ang dami ng tubig. Ready na po para i-prito." habang sinasabi ko si Tyron ang gumagawa.

"Kailangan po mainit ang kawali para hindi dumikit ang i-pri-prito natin, mas mainam din kung mas maraming mantika para makikita natin ang paglutang ng tortang malunggay, at kapag lumutang na ibig sabihin luto na." Tanguan ang mga hurado.

"Remind ko lang po na dapat pure malunggay ang ilagay natin ito 'yong mismong dahon hindi ang mga powder dahil alam naman natin na maraming naglalabasan na ngayong powder malunggay. Mas good tayo sa pure malunggay na manggagaling sa ating bakuran."

Tinulungan ko na siyang maghango ng mga na lutong tortang malunggay.

"Mga mommies, gawin niyo po ito lalo sa mga buntis dahil kilala ang malunggay para makapag produce ng maraming gatas. Sa mga breastfeeding po riyan alam niyo na po ang alternatibong paraan kung paano natin makakain ang malunggay na hindi ka mauumay. Nabusog ka na naging healthy pa kayo ni baby."

"At alam mo ba partner, may kaonting trivia lang ako. Ang tawag na ngayon sa malunggay ay superfoods dahil sa taglay nitong maraming benepisyo sa ating katawan."

"Aba, at talagang pinaghandaan ng partner ko ang segment na ito."

"Syempre naman partner at dahil pinaghandaan ko ito ay ma-share ko na rin sa inyo ang mga nalaman ko tungkol sa malunggay." Ako na ang nagprito para malaya niyang maibahagi ang kanyang sasabihin.

"Ang malunggay ay nakaka pagpalakas ng katawan dahil sa hitik ito sa vitamins at sustansiya, nakakapaglalakas ito ng katawan lalo sa mga bata, na kailangang ng source of energy dahil sa pagiging aktibo ng mga ito. Mayroon itong taglay na protein na doble pa sa gatas, potassium na higit pa sa makukuha sa saging, Vitamin A na higit pa kaysa sa carrots, at Vitamin C na pitong beses pang higit kaysa sa oranges. Kaya naman nakakatulong itong magpatibay ng immune system at labanan ang mga common bacteria. Mayaman din ito sa calcium, kaya't rekumendado na kainin o higupin ang sabaw nito ng mga nanay na nagpapasuso ng kanilang sanggol, para mas maging hitik sa bitamina ang gatas ng ina."

"Kung may benepisyon ang malunggay sa mga Mommies and baby, siguro naman nakakagamot ito ng sakit?" usisa ko.

"Tamang-tama 'yang tanong mo partner mayroon itong medicinal properties na nakakatulong sa paggamot ng diabetes at sakit ng ulo, at iba pa. Mabisa itong nakakagamot sa sakit ng ulo, migraine, at kahit ano pang sakit ng katawan. Napatunayan na rin ang malaking tulong ng malunggay sa pagpapa-normal ng blood sugar, kaya't nakakatulong sa diabetes. Nilalabanan din nito ang intestinal worms o bulate sa mga bata, lagnat, at hika. Nakakatulong sa Metabolism. Habang lumalaki, mabilis at aktibo ang metabolism ng mga bata. Pero kapag nagkasakit, nawawalan ng gana at humihina ang metabolism, kaya't nakakatulong ang pagkain ng malunggay dahil sa taglay nitong sustansiya. Mabisang pampagana at pantunaw ang malunggay, dahil na rin sa taglay nitong fiber, kaya't makakatulong sa pagbigat ng timbang at paglaki o pagtangkad. Mayaman din ito sa fiber at amino acid kaya't napapatibay ang cell development ng isang bata, habang nakakatulong din sa anumang digestive problem tulad ng hyperacidity at ulcer.

Kung gusto namang mabawasan ang timbang lalo na pagkapanganak, malunggay din ang dapat isahog sa kinakain dahil sa hitik ito sa fiber. Ang mabilis na metabolism kasi ay makakatulong sa pagtunaw ng mga hindi kailangang fats o taba sa katawan." Ang mahabang litanya ni Tyron bow.

"Sa pagkakaalam ko partner mainam din daw ito pang protektado ng mga mata. Palagi bang nakatutok at nakatitig sa electronic gadgets, computer o TV ang inyong mga anak? Ito ang pangunahing nakakasira ng mga mata o paningin. Mayaman ang malunggay sa Vitamin A, kaya't siguradong makakatulong ito kalusugan ng mga mata. Ang ginagawa ng iba ay pinapakuluan ang dahon at iniinom na parang tsaa." Ako naman ang bumanat, naalala ko kasi sinabi ni mama dati.

"Korek ka riyan partner! At kung anu-ano pang mga benepisyo ang ibinibigay ni malunggay. Nakakatulong sa paggaling ng mga sugat. Pati mood swings, napapawi o nababawasan dahil sa malunggay. Nakakapagpaganda ng buhok. Mabisang antioxidant." Paliwanag pa nito habang naglalagay muli ng panibagong tortang malunggay.

"Para sa mga mag-asawang nagpaplanong magkaanak, mabisa din ito sa para reproductive health.

Mayron din itong taglay na aphrodisiac properties para makatulong sa libido at pampagana sa pagtatalik. Nakakatulong din ito na mapadami ang sperm count sa pangmatagalang panahon na pagkain nito. Sadyang "versatile" at napakaraming benepisyo ang malunggay. Ang sikreto lang ay ang matutong magluto ng may kasamang dahon nito, o malaman ang iba't-ibang paraan ng paggamit nito, dinikdik man, pinakuluan o ginawang powder o tablet form. Kaya't huwag nang magdalawang isip at ipakilala na ito sa buong pamilya, lalo na sa mga bata.

Isang babala: Kung gagamit ng powder form, siguraduhing organic ito. Magtanong sa doktor bago uminom o magpainom ng anumang tableta o powder form ng malunggay na nabili sa iba, at hindi nanggaling sa sariling kusina o bakuran. Dahon, prutas at buto lamang ng malunggay ang ligtas kainin ng mga bata. Huwag magpapakain ng ugat nito."

"Mukhang okay na 'yan partner, mahabang trivia ang natutunan namin. So tapos na po ang tortang malunggay namin. Maaari na rin po itong ibigay sa mga judges para mahatulan." wika ko.

Kaagad naglapitan ang mga kagawad at ibinigay sa ibang judges na may kasamang kanin para gawing ginawa ulam, at tanging sawsaw ay keychap.

Labis ang pasasalamat namin ng magustuhan nila ang ginawa naming tortang malunggay, humingi pa nga sila ng pakiusap na ulitin namin ito para may mga malaman ang iba pang magulang tungkol sa mga gulay sa bakuran.

 

"PAGOD KA NA ?" Katatapos lang namin kumain. Nilapitan niya ko rito sa upuan ko. Dahan-dahan niyang minasahe ang balikat at likod.

"Salamat, ikaw din, alam kong pagod ka na."

"Okay lang 'yan naging successful naman ang araw natin wala na rin naman tayong schedule ng hapon kaya makakapag-relax pa tayo."

"Talaga? Ang sarap matulog nito."

"Kaya nga, kami na lang maglilipit nito magpahinga ka lang."

"Tutulong ako," sumakit binti ko kaya di na ako tumayo.

Nakakapagod naman pala talaga pero nakakatuwa dahil ang dami namin nagawa this day. Pinauna na kong umuwi ni bff dahil tatapusin lang nila ang mga ligpitin. Naglinis muna ako ng katawan bago nahiga sa kama ni bff ang sabi ko pipikit lang ako pero tulog na pala ang ginawa ko dahil bumangon ako ay masyadong gabi na. Kumakalam din ang sikmura ko kaya no choice kundi maghanap ng makakain.

Hindi ko na datnan si bff sa bahay at nasaan kayo 'yon? Nakauwi na kaya siya? Hahanapin ko lang muna siya para sabay kami kumain. Nagsuot ako ng jacket bago lumabas ng bahay. Sinanay niya kasi ako na palaging mag-jacket para iwas sakit.

Una kong hinanap ito sa court ngunit wala. Sunod sa clubhouse at hindi ako nabigo sapagkat nandito siya may kasama ang nakakapagtaka sila lamang ang nandito habang may pinag-uusapan na kung ano. Papalapit sana ako pero hinintay kong baka may marinig akong kakaiba.

"Uuwi ka na ba?" tanong sa kanya.

"Hindi pa bakit?" sagot ni bff.

"Gusto pa kasi kita makasama." Dahan-dahan niyakap ni Cecil ang bewang ni Tyron

"Sige walang problema. Saan mo ba gusto?"

"Sa bahay niyo na lang kaya?"

"Hindi puwede."

"Bakit?"

"May bago kasi akong aso sobrang tapang baka sakmalin ka."

Ginawa akong aso ng sira-ulong ito.

"Omg, talaga okay sa bahay na lang wala naman akong kasama saka doon na lang natin ituloy."

Ituloy? Ibig sabihin may ginagawa na pala sila kanina pa!

"Okay sure." si bff na ang kusang humalik kay Cecil. Ikinagulat ko ito ngunit ganito rin kaya humalik sa akin si bff kasi parang ganadong-ganado ito sa ginagawa I'm sure sa love making na susunod.

Hindi ko na kaya ang susunod pang mangyayari umalis ako na masama ang loob. Nasasaktan ako sa mga nakikita parang mahal pa niya si Cecil, ayos lang naman kung gawin nila ang bagay na 'yon pero malaking insulto sa akin dahil ginagawa namin 'yon dahil lamang sa salitang FUBU. Marahil mahal pa talaga niya si Cecil at hindi lamang niya ito maamin sa akin dahil usapan ay maghiganti sa dalawang magkaibiga. Sana hindi na lang ito nakisali sa gulo namin ni Whence kung alam niyang nahihirap siya sa pagmamahalan nila ni Cecil.

Ang gutom ko ay na palitan ng inis sa sarili. Kinuha ko ang laptop upang maibsan itong galit na nararamdaman baka hindi pa uuwi ang isang 'yon, baka nagpapaligaya pa siya sa Cecil na 'yon. Pero hindi ako mapakali, sanay akong nandito siya sa aking tabi.

Alas-tres ng madaling araw dinig kong nagbukas ang gate. Kaagad kong pinatay ang laptop, at nagtalukbong ng kumot kunwari tulog para hindi masyadong halatang naghihintay ako. Maya-maya lamang bumukas ang pinto ng kuwarto. Isang yakap ang ginawa nito habang inaamoy-amot ang likuran ko.

"Yane..." teka lang bakit ganoon? "Yane." hindi si Tyron ito.

Hindi ako makakilos kinakabahan ako dahil amoy alak ito. Sino ba itong pumasok sa bahay ni bff. Baka kaya may balak itong gahasain ako.

"Patawarin mo na ako." kilala ko na siya. Humarap ako upang tingnan ito.

"Whence? A-anong ginagawa mo rito?" tinakpan ang aking bibig.

"Sssh...huwag kang maingay."

"Paano ka ba nakapasok dito?"

"Gumawa ako ng paraan. Yane, sobrang miss na miss kita." naghahabol ito ng hininga nang angkinin nito ang aking labi.

Nagtagal ang halikan namin at sa bawat paghinto ay pareho lamang kaming nasasabik. Mayroon nagsasabi sa puso kong 'Sige patulan mo siya hindi ba at may feelings ka pa sa kaniya eh di go!' iyon nga lang may parte sa aking isip na 'Niloko ka ng isang 'yan huwag kang magpapa-uto muli.'

Hinalikan niya ang aking leeg. Nangingilabot ako sa bawat haplos ng kanyang kamay. It is real siya nga ba talaga ang kasama ko? Ghad! Papayag ba talaga ako na magpagalaw ulit sa kanya?

Dahan-dahan niyang hinubad ang bra ko at t-shirt .Heto ang namimiss ko sa kanya ang palagi niyang ginagawa pero alam niyo kung sino ang iniisip ko ngayon wala iba kundi si bff...iniisip ko kung nasaan na siya, iniisip ko na dapat siya na lang gumagawa sa akin nito.

Naghalikan kami at hindi inaasahang bumukas ang ilaw ng kuwarto!

"YANE ! WHENCE ?!?!" bumalikwas kami pareho ni Whence sa higaan. Isinuot ko kaagad ang damit ko upang maitago na may ginagawa kaming milagro.

"Pre." tumayo si Whence.

"Anong pre! T@ngina ka!" Sinutok si Whence pero kaagad gumanti ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang alam ko wala si mama sa bahay. Natatakot akong umawat baka ako ang madamay sa sapakan ng dalawa.

"Tyron tama na, Whence." tila wala silang naririnig.

"T@ngina ka Whence pagkatapos mo lokohin bff ko ang lakas ng loob mong pumasok sa pamamahay ko para galawin siya!!"

"Tama na!!" Hindi pa rin sila nakikinig, "Sinabing tama na kung ayaw niyo tumigil ako ang aalis!!"

Lalabas na sana ako ng kuwarto ngunit hinila lamang ako ni Tyron.

"Ikaw ang lumayas Whence! Layas!" Walang lingon-lingon at kumaripas ng takbo ito palabas.

Hinawakan ni Tyron ang magkabilang-balikat ko habang paulit-ulit siyang nagmumura sa harapan ko.

"Ano bang problema mo?! Minumura mo na ba ako ha!?!"

Tiim bagang siyang tumitig sa akin, "T@ngina talaga bakit pumayag kang...Fvck ! Ahhhhh..." Nagwawala ito at pinagbabasag ang mga frame sa high table.

"Puwede ba magrelax ka lang!?" Inis kong utos.

"Damn you!" Nabigla yata siya sa sinabi nito.

"Minumura mo nga ako damn you too!" Pinihit ko ang doorknob pero hinila niya ko palapit sa kanya.

"Damn you because I love you!"

"A-ano?!"

"Damn you because I love you." Ulit niya pero ngayon ay kalmado.

"Ano ba sinasabi mo riyan bff." Umatras ako.

"Yane, sorry, sorry kung bakit hinayaan kong mahulog sa iyo." Umiiyak ito sa harapan ko.

"Mahal kita, pinipigilan ko pero mahal kita!"

"Shut up." mahina kong wika.

"You, you shut up!!!" humilamos gamit ang kamay pagkaraan ginulo-gulo ang buhok.

"Bakit ganyan ka Yane di ba niloko ka niya? 'di ba maghihiganti tayo sa kanila pero bakit, bakit pumayag ka naman kaagad na may mangyari sa inyo."

"Walang nangyari." Pagtutuwid ko.

"Kahit naaaaa...ganoon din yon at kung nahuli ako ng dating baka na aktuhan ko pa kayo."

"Eh ano bang problema roon? Okay naman ako sa operations: Revenge di ba? Eh bakit nagkakaganyan ka?"

"Wala sa usapan natin na magpapagalaw ka sa kanya!"

"Bakit nasa usapan din ba natin na may mangyari sa inyo ni Cecil!?"

"Ano?" namamaos nitong usisa.

"Huwag ka na nga mag-ano-ano riyan. Alam kong may nangyayari sa inyo ni Cecil at alam kong mahal mo pa siya. Bakit hindi ka na lang lumaya Tyron? Bakit kasi sumasali ka pa sa away namin ni Whence? Puwede naman kung malaya mong mahalin si Cecil 'di ba?"

"Mali ang pagkakaunawa mo."

"Mali? Mali na ba 'yong nakita ko? Hinalikan mo siya tapos biglang magagalit ka dahil sa nakita mo kami ni Whence na naghahalikan? Ang unfair 'di ba?"

"Ginawa ko ito dahil mahal kita." Hahawakan sana niya ko pero ako na lang ang lumayo.