13

LUMIPAS pa ang ikatlong buwan ang lahat ay lahat ay excited sa isasagawang Mr. & Miss Barangay sa aming lugar.

"Miss?"

"Yes ma'am?"

"May ibang size pa kayo nito?"

"Sorry ma'am pero free size po yan."

"Ganoon ba, wala ba kayong ibang design nito basta may size double ex-----" may humatak sa hawak kong damit.

"Sige ma'am kukunin na namin ito." Seryoso niyang sabi sa saleslady.

"Yane." Titig na titig sa akin. "Palagi mo na lang kinakalimutan na hindi ka na double xl."

Matapos ang ilang buwan na pagpapayat naging matagumpay ang plano. Malaki ang ipinayat ko dahil 'yon sa tulong ng aking bff. Noong una tagilid ako sa magiging resulta ngunit ng tumagal-tagal na sanay ang aking katawan.

"Simula ngayon hindi ka na nila tatawaging baboy, tababoy o butanding." nangibabaw ang saya sa aking puso ng bigkasin nito ang katagang 'yon.

"Heto na po ma'am." abot ng saleslady.

"Salamat." masaya namin nilisan ang loob ng shop habang naka-akbay ito sa akin.

"Excited ka na ba para sa Mr and Ms. Baranggay 2019?"

"Oo naman."

"Tayo ang partner ha? Ano ba ang gagawin natin presentation?"

"Naisip ko kung pagtatanim ang gawin natin madalas kasi puro sports, o kaya ay pagpasyal sa iba't-ibang lugar."

"Magandang ideya yan puwede maging title ay Gulayan sa Bakuran." pagbibigay niya ng ideya.

"Tama, lalo mainam kung sa mismong bakuran mag-uumpisa ang lahat siguro maganda kung bumili na tayo ng mga seedling."

"Masaya ito para may ipakita na tayo sa kanila 'di ba?"

Pinuntahan namin ang bilihin ng mga seedling, at pumili na rin kami ng madaling tumubo upang sa simula ng patimpalak may maipakita na kami. Nakabili rin ng mga paso, seedling tray, at mga kagamitan pa sa pagtatanim.

Nagpatulong kami kina mama at sa boyfriend nito magtanim sa bakanteng lote ng aming bahay.

"Anak, mukhang magandang adyenda ito."

"Oo nga ma."

"Mukhang panalo na kayo ni Tyron."

"Oo naman tita magandang layunin ito upang lahat ng mga taga rito matutong magtanim ng mga gulay."

"Oh, eh, handa na ba kayo para mamayang gabi?"

Inakbayan ako ni bff. "Yes tita handang-handa. Actually, may mga gulay kaming binili pansamantala para ipakitang halimbawa sa mga ka- baranggay."

Itinuro ni bff ang mga dahon na nakatanim sa isang plastic bag na itim, plastic bottle na may tanim na mga gulay.

"Kasali sina Whence at Cecil hindi ba masyadong mahirap para sa inyo?"

"Lalong mainam 'yon para mag umpisa kami sa operations namin."

"Eh di wow kaya pala todo papayat ka ha para lang patunayan sa kanila na hindi ka dapat banggain."

"Ako na nagsasabi tita malaki ang laban ni Yane para maging Ms. Baranggay."

"Ikaw din kaya at tayong dalawa ang mag-uuwi ng sash and crown." lakas loob kong wika.

"Lakas ng anak ko, ayan ang anak ko." bulong ni mama.

Dumating ang gabi na aming hinihintay ipapakilala na ang mga nakapasok sa huling programa.

"Magandang gabi ka-baranggay excited na ba kayo para makilala ang mga kandidata at kandidato ng ating Mr and Ms Baranggay 2019? Kung ganoon ay ihanda ang inyong sarili para sa apat na pares na magtatapat-tapat!"

Hiyawan ang mga tao sa court lahat na aatat makita at malaman kung sino ang mga makakasama.

"Una kong tatawagin ang isang pares, presenting Nicolas and Katy!" Umakyat sa stage ang dalawa.

Si Nicolas, ang anak ng aming kapitan suki siya sa aming gym kaya naman kitang-kita sa kanya ang ganda ng pangangatawan. Habang si Katy, ang anak ng isang kagawad malimit lamang ito magpunta sa gym pero alagang-alaga ito sa kanyang katawan. Mahilig ito sa volleyball dahil siya lang naman nag hakot ng gold medal sa tuwing may laban ang bawat baranggay.

"Wow, Nicolas and Katy hindi na ko nagtataka kung bakit kasama kayo." Nag-tawanan ang lahat. "Ang ibig kong sabihin dahil bukod sa may tungkulin ang iyong magulang ay mga talented pa."

"Salamat po Ms. Diana." ngiting wika ni Katy.

Oo nga pala si Ms Diana ay isang beki pero huwag ka dahil aakalain mong babae ito kapag nakausap mo ng one on one.

Okay back to Nicolas and Katy.

"Anong adyenda sana ang dapat niyong gawin sa loob ng isang buwan?" Si Ms Diana.

"Actually, nakahanda po kaming magpalaro sa mga mahihilig mag volleyball tulad po ng ginagawa ni Ms. Katy." sagot ni Nicolas.

"So, volleyball ang segment niyo?"

"Yes heto pa po may isa pa kaming adyenda na tiyak magugustuhan niyo dahil mayroon kaming isasagawang feeding program sa mga bata at mga buntis po." Hiyawan ang mga tao ng sabihin ni Katy.

"Masyado nang alam ng lahat yan hindi ba at yan palagi ang adyenda ng baranggay natin?" Si Ms. Diana

"Gusto lang po namin ituloy kung ano po ang sinimulan ng aming mga magulang 'di ba Nicolas?"

"Yes at tiyak kong magugustuhan niyo ang gagawin namin dahil kung yung iba hindi nabibigyan pero ang gagawin namin ay lahat po magkakaroon na sapagkat magbabahay-bahay kaming lahat."

Sigawan pa lalo ang mga tao na iiling na lamang ako dahil sa sinasabi nila. Maganda talaga ang hangarin nila kaya lang ang kadalasan kasing feeding na binibigay nila oorder sa Jollibee or McDonald.

"Wow, .ukhang exciting yan. So, paano yan kita-kits na lang tayo sa finals at inaasahan kong pagtatagumpayan niyo ang inyong adyenda." nagpasalamat ang dalawa bago bumaba sa stage.

"Hooo, grabe una pa lang yan pero nag-iinit na ang laban hindi ko na patatagalin ito ha tatawagin ko na sina Sherly and Douglas!"

Kakaonti lamang ang nagpalakpakan bakit sino sila? Bakit nga ba na sali ang dalawang ito?

Si Douglas isa yang pasaway na tambay sa basketball court walang trabaho pero sabi raw nila may gusto siyang gawin sa aming Baranggay. Hmm...si Sherly ang babae na sobrang tahimik tipong di maka basag pinggan kaya sino ba magpapalakpak sa kanila.

"Uh-oh, hindi ko inaasahan ito ngunit kamusta Douglas and Sherly?" Diana

"Okay lang naman po." Sabay nilang sagot.

"So, ano ba adyenda ang gusto niyong gawin dito sa ating Baranggay?" tumingin sila sa isat-isa bago sumagot si Sherly.

"Gusto ko lang sana ipagpatuloy ang patakaran dito sa mga kabataan na tambay at kung hindi naman ay yung palagian umuuwi ng hating-gabi."

"So gusto mo magkaroon ng curfew dito?"

"Opo, para iwas sa mga krimen at karahasan dito sa ating baranggay."

"Magandang layunin nga iyon madalas may mga kabataan pa na lilibot dito sa subdivision, maganda yan, maganda."

"Of course dahil ilan sa atin ang walang trabaho nais sana namin na mabigyan ng maliit na pagkakaabalahan ang mga kabataan dito katulad na lang din po sa paggawa ng mga keychains, vase and etc."

"Ayos, hindi na nga sila tatambay at gagala-gala sa gabi dahil may mga pagkakaabalahan pa sila. Magandang adyenda yan Douglas and Sherly. I hope maging successful ang ninanais niyong patakaran, goodluck!" Dahil narinig namin ang magandang hangarin ng dalawa palakpakan kami ng bumababa ito sa stage.

Kung todo hiyawan ang mga tao kahit di pa tinatawag ang susunod.

"Hindi ko pa tinatawag ang pangalan nila ay mukhang hinihintay na sila. So hindi ko na rin patatagalin, presenting Whence and Cecil, whoooo!"

Halos masira ang eardrums ko doon wah? Sikat na sikat pa rin sila rito sa subdivision kahit nuknukang sasama nang ugali.

"Hi Whence and Cecil."

"Hello po." Sagot ng dalawa.

"Well, excited akong malaman kung ano ba adyenda ang gagawin niyo?"

"Well said para po sa aming adyenda gusto namin ipagpatuloy ang libreng check-up lalo sa mga senior citizens and ang pagpapatayo po ng schools dito sa mismong subdivision." Wika ni Cecil.

Bulungan ang mga tao at paano naman mangyayari yun? Sobrang magastos yun at tiyak na mahabang proseso ang mangyayari bago maisakatuparan.

"Tama na muna ang bulungan alam namin na hindi ito madali kaya lang puwede naman padaliin di ba? Napag-usapan namin ni Cecil na kami ang gagastos sa lahat ng gamit at kailangan sa pagpapatayo ng schools kumbaga hahalili na lamang ang ating punong baranggay sa aming layunin para sa mga kabataan. Nais din namin na magpatayo pa ng center dahil kulang ang isang oras ang layo ng mga center at hospital dito sa ating subdivision kaya hinahangad namin ang inyong suporta ng upang tayong lahat ay makinabang dito."

Sobrang guwapo lalo ni Whence, lalo sa suot niya matagal din kasi hindi kami nagkita kaya naman ng tumingin siya banda sa amin ni bff ay nahiya ako.

"Masaya ako dahil makakasama ko kayong lahat." Nakatingin pa rin sa akin.

Pansin kong tumingin sa akin si Bff kaya lang ewan ko kung bakit biglaan naman niya kong inakbayan at hinaplos-haplos ang balikat.

"Sa lahat yata ng narinig ko parang ito ang mas bet ko. So, TYSM Whence and Cecil hopefully maging successful ang mga plano niyo para sa ating baranggay." palakpakan na may kasamang hiyawan ang pagbaba ng dalawa.

"Hoooo...grabeeee, hindi ko kinaya ang mga adyenda nila baka dito sa huling candidates natin easy lang. So patatagalin ko pa ba ito presenting Tyron and Yane!"

Sigawan ang mga kababaihan habang isinisigaw ang pangalan ni Bff. Tulala ang ibang kalalakihan ng akbayan ako ni bff. Maski si Whence ay hindi pa rin makapaniwala na ako yung Yane na niloko at pinagpustahan nila.

"Hindi ko muna tatanungin kung anong adyenda ba ang nais niyong gawin kasi naman curious na curious na talaga ako sa inyong dalawa kung dati kayo ang tumutulong dito para paghandaan ang Mr.and Ms Baranggay ngayon ay isa na kayo sa kalahok dito. Ano bang dahilan kung dati kayo ang tampulan ng tukso pero ngayon..." Tingin siya sa mga tao, "Hangang-hanga sila sa inyong dalawa."

Hindi ko naiwasan na hindi ngumiti sa totoo lang, umabot sa 25 ang bewang ko na dating 65 I can't believe na ganito pala ang mangyayari.

"Tyron, alam ko sobrang laki rin ng pinagbago ng iyong katawan pero ano bang dahilan para gawin ito?"

"Una, dahil ayoko ng matukso. Pangalawa, dahil gusto ko patunayan na kaya rin pumayat ng mataba." Walang patid ang hiyawan ng mga babae.

"So yun ang dahilan para ma motivate ang sarili sa pagpapayat?"

"Opo, ganoon na nga."

Tumingin sa akin si Ms.Diana. "Ikaw Ms.Yane anong dahilan para gawin ito may dahilan nga ba o dahil gusto ko mo lang talaga?" Na pansin ko si Whence na lumapit sa stage.

"Isa lang ang dahilan kung bakit ginawa ko ito, " Niyakap ko ang braso ni bff, "Dahil dito sa bff ko. Naisip ko kung siya na kaya niyang lagpasan ang hirap ng pag didiet why not na ako pa kaya sobrang thankful ako sa aking mahal na kaibigan dahil hindi niya ko pinabayaan noong panahon na sobrang hirap na hirap ako sa pag iwas sa mga pagkain."

Nagkatitigan kami ni bff ang tingin niya parang may laman parang may gusto siyang sabihin ngunit nagdadalawang isip.

"Wow! So dahil diyan parang excited naman akong malaman kung anong adyenda ba ang nais niyong gawin??"

Pinauna akong pagsalitain ni bff, "Kalimitan sa atin nakakalimutan na natin kumain ng gulay kaya layunin sana namin na ibalik ang malusog na pangangatawan at iwas malnutrisyon."

"Gusto namin ibahagi sa inyong lahat ang aming adyenda na hangad ang inyong maayos at malusog na pamilya na pinamagatang....."

"Gulayan sa bakuran." palakpakan ang lahat ng sabay namin baggitin ito

"Kakaiba nga ano nilalaman ng inyong adyenda?"

"Nandito po ang iba naming sample." Kinuha ko ang paso na may gulay habang si bff ay hawak ang mga plastic bottle na may tanim na gulay din.

"Puwede kayo magtanim ng mga gulay sa inyong bakanteng lote tulad ng nakikita niyo sa screen." Pinakita ang picture ng aming bakuran na tinaniman ng mga gulay kanina. "Kung wala naman po kayong bakuran na malawak mayroon pa paraan tulad po ng hawak kong paso mabubuhay na rito ang mga gulay basta aalagaan ng husto."

"At kung hindi afford o iwas gastos bakit hindi niyo bigyan halaga ang mga nakakalat na plastic bottle tulad po ng hawak ko lagyan lang ng pintura para mas magandang tignan. Maaaring isabit ito sa mga bakod o kung saan na puwede masikatan ng araw. Maraming paraan para mabuhayan tayo ng mga gulay sa ating bakuran."

"Wow, kakaiba nga ito."

"Totoo po yan dahil aminin man natin o hindi halos mga karneng baboy at manok ang palagian nating kinakain, nakakalimutan na natin na magluto at bumili ng mga gulay sa palengke." Wika ko.

"Hindi pa magastos dahil sa bakuran lang kukunin kapag kailangan isahog inyong iuulam. Layunin namin na lahat tayo ay maging healthy, iwas sa mga sakit na nang gagaling sa mga karneng baboy at manok. Be wise mga ka-baranggay dahil para rin naman ito sa ating pamilya. Simulan ang pagiging mabuting tao sa inyong bakuran." Panghihikayat ni Tyron.

"May ipamimigay po kami ng mga seeds sa bawat bahay-bahay doon po tayo mag-uumpisa." Dugtong ko pa.

"Isa sa mga gulay ang dahilan kung bakit healthy ako ngayon. Sana p

ay lahat tayo makiisa sa magandang hangarin dito sa ating baranggay."

Pumila ang mga tao upang humingi sa mga kagawad ng mga butong itatanim. Sa sobrang tuwa ng kaibigan ko hayon tumulong na rin upang mas mapadali ang pamimigay.

"Maraming salamat Ms. Yane at tiyak kong lahat tayo rito ay magiging malusog." Huling wika ni Ms. Diana.

Pababa na rin sana ako upang tumulong ngunit humarang sa daraanan ko itong si Whence.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

"Para saan?" mataray kong tanong.

"Gusto ko sana humingi ng sorry sa lahat ng mga nagawa ko."

"Ah ganoon ba okay sorry pero busy kami." Nilagpasan ko pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Please, gusto kong bumawi hindi ko naman intensyon na saktan ka at lokohin."

"Talaga? Paano pa ako maniniwala sa iyo? Tigilan mo nga ako Whence." Pilit akong lumayo pero ayaw niya kong bitawan.

"Malaking pagkakamali 'yon Yane, Oo inaamin kong pinagpustahan ka namin ng mga kaibigan ko pero hindi mo alam kung ano itong nararamdaman ko simula ng makasama kita. Hindi mo alam kung bakit hanggang ngayon hindi kita makalimutan. Gustong-gusto kita lapitan pero hindi ko magawa dahil palagi mong kasama si Tyron."

"Hindi ko talaga alam dahil wala naman din akong pakialam. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa iyo. Sorry pero hindi na ako nag bibigay ng second chances sa ibang tao."

"Pero Yane, gusto ko lang naman na bumalik tayo sa dati at 'yon lang naman ang gusto ko mahirap ba 'yon?"

"Hindi tulad ng sabi ko wala na akong pakialam. Puwede ba tumigil na kayo ni Cecil huwag niyo na kami guluhin ni Tyron dahil masaya na kami ng ganito."

Lumayo na ako at nilapitan si Tyron, "Kinausap ka ba niya?" usisa nito.

"Oo." sagot ko habang namimigay ng seeds.

"Ano ang sinabi?"

"Nag-sorry lang."

"Pinatawad mo?"

"Hindi."

"Eh bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?"

"Wala." Hinatak niya ko papalayo sa kinaroroonan kanina at dinala malapit sa puno.

"Bakit?"

"Halatang gusto mo pa siya dahil kung wala na hindi mangyayari 'yang itsura mo baka nakakalimutan mo ang Operations: Revenge."

"Alam ko kaya huwag mo na lang ipaalala sa akin." nag-walk out ako kahit tinatawag pa pangalan ko.